Chapter 5: Persuade
"Your hunch was right, Avy. That's exactly what will happen. And I'm sorry you have to experience this." Malungkot na sambit ni Eli. She then softly caressed my hand to give comfort when she saw my worried expression.
"Good job, Alex. Your performance today was way better than yesterday. You have improved. Next is.. Avy. You can start now."
10 days have passed and I'm still worried about what Eli told me that night. All I did these past few days was to attend class and go to the library or to that mini-garden.
I have never seen Theo since that day, too. He's probably busy training his own trainee. I closed my eyes tightly and shook my head in annoyance. Why am I thinking about not seeing him, anyway? It's not like we're obliged to see each other! I should just focus on our upcoming competition. No! I mean, I should focus on deciding what to do about this competition.
We've been training since the day after that announcement. Alex and I were the ones joining the competition. It is our group's choice and I couldn't do anything about it. I've been thinking of what should I do about this, though. I don't want to win. I'm afraid to win. So I'm thinking.. ipatalo ko nalang kaya?
"Where is Avy? Oh, come on! We're not here to waste time."
Pero kawawa naman si Alex. She's been training so hard just to win this match. She's so eager. And I couldn't bear seeing her sad face once we lost and worst, I'm the reason behind.
Ang sabi kasi sa explanation ni ma'am Dona, by group daw ang pagkapanalo. Pag na-eliminate ang kasamahan mo, automatic talo na kayo. Damay damay kumbaga. So cooperation and good communication are really important.
"Avy.." Alex tried calling my attention.
Nakakainis nga, eh. Kung individual at hindi lang sana by partner ang pagkapanalo edi sana hindi ako namomroblema ngayon. If that's the case kasi pwedeng pwede kong ipatalo iyong competition without affecting nor dragging Alex with me. But I can't be selfish. Team namin ang nakasalalay dito.
"AVYYY!!!" Rinig kong pabulong na sigaw ni Alex kaya napalingon ako.
What is her problem? I just gave her a 'what' look with an irritated face. Nginisian niya naman ako at may itinuro gamit iyong nguso niya kaya mas lalo akong nagtaka. Out of curiosity, tinignan ko kung saan siya nakaturo.
And there, I saw Tyler. His brows furrowed in anger while looking at me. "What the hell is wrong with you? Kung kailan malapit na ang match, tsaka ka pa nagkaganyan? You're always spacing out! You should've been more attentive especially now. With that behavior, you think you're going to win? No!!"
Napayuko nalang ako dahil sa kahihiyan. I really should stop worrying during our training. Lagi nalang ako napapagalitan. Who told him that I want to win ba? And what's the connection between spacing out and winning? I can't understand his logic sometimes. Or I'm just too dumb?
He was our trainor, by the way. We're in group 1. At first, I thanked God because our trainor wasn't Theo but soon after, I realized that I think it's better if it's him rather than this man in front of me. I wonder how is it like to be his trainee?
Well as for Tyler, he's always pressuring us to win. He's also very strict and snobbish. But I can't deny the fact that he's great. Marami kaming natutunan dahil sa kanya. He's wise and knows almost everything. It's just that.. I hate how he's very.. impatient and short-tempered.
"Yes! Of course, spacing out doesn't make you a loser. Because a loser is someone who has underestimated their capacity and surrenders easily which defeats the chance to be a winner. Therefore, you're a loser, Avy. A sore one." He said when he probably noticed my confused expression.
"You're going to be the cause of the defeat of this team with that kind of thinking. Akala mo ba hindi ko alam na iniisip mong ipatalo iyong match?" He stated with emphasis.
Nanlaki ang mata ko matapos marinig ang huling sinabi niya. How the fuck could he mention that with Alex around? He's so insensitive. And how did he know? I glanced at Alex, getting worried about how she's going to react but she just gave me a small smile while nodding, assuring me that she's fine and there's nothing to worry about. What does that mean? Don't tell me that all this time, she knew?
"Nobody likes a sore loser, Avy. We are are all born a chooser. So choose to win." He then headed back to where he's seating a while ago.
"Didn't you know that everyone's talking about you? They are jealous because a newbie like you get to join this once in a while competition. They're all waiting to see you fall. They were underestimating you so I want you to prove them wrong. Fight, Avy. Don't disappoint me. Don't disappoint the group. Don't disappoint yourself. Don't give them the satisfaction."
I was dazed for a moment. I didn't know that everyone's talking about me. I thought I was.. welcomed! I mean, everyone was so nice to me. Yes, I'm not expecting them to support me. But.. I didn't expect them to pray for my own downfall either. Perhaps.. Tyler was right. I shouldn't give them the satisfaction.
Because of Tyler's lecture every training and his non-stop reminder that we should do everything to win, I realized something. That light will always shine on the winners, or the ones who are more powerful than others. So everyone wants to win.
Napangisi nalang ako habang pinapakiramdaman ang mga nag-aapoy na human hologram, papunta sa direction ko. I should concentrate kung ayaw kong maging abo.
We are currently in our training station and nag request si Tyler kay Mr. Arven na i-provide kami ng ganitong klase ng training. Where our enemies were all just hologram. So we wouldn't have to fight with each other every day.
But Tyler's request was declined. Mr. Arven said that it would be unfair to other groups so I had no choice but to use my only card, which is iyong sinabi niya noong second day of class. Na kung sinong makasagot ng panghuling tanong ay susundin niya ang ano mang request nito. So he granted it after I used that excuse.
That's why we're the only group who have this kind of training. Thanks to Tyler's idea.
I set the time to 1 minute and prepared myself. Nakapiring ang mata ko at naghihintay lang ng atake. Usually, 3 minutes ang time na ibinibigay ko sa sarili ko para matalo ang kalaban since iyon rin ang utos ni Tyler but right now.. I want some challenge.
Nang maramdaman ko ang dalawang imaginary enemies na papunta sa direction ko ay pinaputokan ko agad ito. Pagkatapos ay agad ko ring naramdaman na may kalaban sa likod. I'm just waiting for that human hologram to attack first but surprisingly, it never came.
Napayuko nalang ako nang maramdaman ang patalim na papunta sa direction ko. Wait, bakit may weapon sila? I thought today's training was only to enhance our senses? Hindi included na dapat ay atakihin din ako!
"Tangina!" Daing ko nang madaplisan ng patalim sa braso. Agad kong binaril ang hologram na gumawa noon dahilan para marinig ko ang mahinang tunog ng pagkawala nito. Mamamatay ako dito kapag hindi ako nag focus sa pakikiramdam ng susunod nilang gagawin.
This is so unfair! Iyong hologram nakakaya akong saktan pero kapag sila ang natamaan ng bala ko, mawawala lang sila at walang sakit na mararamdaman. I groaned. Fuck you, Tyler. Siya siguro iyong nagset kung saan may weapon iyong mga imaginary kalaban!
Itinigil ko na muna ang pag-iisip sa kung ano-ano at nagfocus nalang sa pag atake. Pagkatapos ng ilang segundo ay narinig ko na ang sunod-sunod at mahinang palakpak ni Alex. That just means ubos na ang bilang ng hologram na umaatake.
Tinanggal ko na ang piring sa mata ko at sinamaan agad ng tingin si Tyler. He just shrugged his shoulders before smirking. This jerk! Siya nga ang nagset!
"Why did you do that? Paano pala kung namatay ako dahil sa kagagawan mo, ha!?" Bulyaw ko sa kanya pagkalabas na pagkalabas ko ng training room.
Inayos niya muna iyong salamin niya sa mata bago ako tinitigan ng seryoso. Nag-iwas ako ng tingin at agad na nagsisi kung bakit ko siya sinigawan. I was just worried, okay? Muntikan na ako. Hindi niya manlang ako winarningan na may weapons rin pala iyong human hologram. Nakasanayan na kasi naming wala. Or maybe kasalanan ko rin kasi hindi ako nanoud sa ginawa ni Alex kanina. Hindi ko tuloy nalaman.
Parang bumalik iyong araw kung saan pumipili palang kami ng weapon sa paraan ng tindig at titig niya sa 'kin ngayon. Siya iyong tinutukoy kong lalaking nakasalamin na nasa gitna noong araw na iyon, iyong masungit na nakatingin sa aming lahat at ang paraan ng pagtayo ay nagsusumigaw ng autoridad. He's great and wise so no wonder. I'm just curious about what ability he has. It must be cool and powerful.
"I see, you don't trust yourself," aniya at itinaas ang kaliwang kilay. "What are you afraid of? You can now perfectly control your ability. And based on my observation, you can sense who's the threat as well. All of your abilities were a perfect combination. When you sensed danger, you can just simply stop the time and end them instantly. There's nothing to be afraid, Avy. Just trust yourself."
Iniwanan niya na ako doon at pumunta kay Alex. May sinabi lang siya rito saglit bago naglakad paalis. Agad namang lumapit sa akin si Alex at kagaya ng mga nakaraang training namin ay pinuri niya na naman ako na kesyo ang galing ko daw. Pinagsabihan niya nga lang ako bandang dulo.
"Magaling ka, okay? Bakit ba wala kang tiwala sa sarili mong kakayahan?! Ako nga na hindi kalakasan ang ability ay naniniwalang maipapanalo iyong match, ikaw pa kaya? Just please, always trust yourself before you doubt yourself. Doubt makes you weak. Believing in yourself makes you strong. The choice is yours." Tinapik niya muna ang balikat ko ng dalawang beses bago nagpaalam at umalis.
I know. Even though they won't tell me, I always know. I trust myself. After all, you can only find the best place to seek for help at the end of your own arm. It's just that, I'm worried about what will happen if ever we win. I really can't guarantee that we're already safe after this competition.
Napagdesisyonan kong pumunta muna sa likod ng building ng dorm namin para makapag-isip ng maayos. Alas singko palang naman. Meron kasing mini garden doon at kakaunti lang rin ang bumibisita. Tsaka na siguro ako babalik sa dorm pag alas sais na.
Pagkarating ko ay nabigla ako ng makitang mayroong taong nakaupo doon. Hindi siya exactly sa mini garden, though. Doon siya nakaupo't nakaharap sa maliit na pond malapit lang din sa garden na pupuntahan ko. Nakatalikod siya sakin kaya hindi ko maaninag ang mukha niya. Bahagya akong natawa. As if naman kilala ko iyang lalaking nakaupo kung nakaharap siya.
Iilang estudyanteng lalaki lang yata ang kilala ko sa school na ito. I'm not the friendly type unless you approach me first so.
Hindi ko nalang siya pinagtuonan ng pansin at naupo na sa malaking bato kaharap ng mga bulaklak. Sobrang ganda talaga nitong tignan. Mukha silang malalapad na mga roses at kulay bughaw. Kaya nga sobra ang pagtataka ko noong una kung bakit walang taong nalalagi dito gayong sobrang ganda ritong tumambay. But who knows? Matagal na sila rito kaya siguro sawa na sila o gusto naman nila ng panibagong view.
"What are you doing here?"
Nagitla ako nang may magsalita bigla. I looked up to see where that voice came from. I panicked when I saw Theo in front of me. Wait, siya ba 'yong lalaking nakaupo kanina?
Kita ang multong ngisi nito nang makitang nataranta ako kaya agad akong yumuko para kumalma. Wala na iyong ngisi niya kanina pag-angat ko ng tingin at seryoso na ulit siyang nakatingin sa 'kin. Ano nga ulit iyong sinabi niya?
"Ha?" Wala sa sariling sambit ko. Agad kong kinurot ang binti ko nang mapagtantong mukha siguro akong tanga sa paningin niya. Nakakahiya! What is wrong with me!?
He chuckled. "I said good luck this coming Wednesday. Hindi ko sasabihing ipanalo mo pero sana naman huwag mong ipatalo. Just fight and let your performance take its course. I know you can do it. You got this, girl!"
Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang sariling matawa matapos marinig ang huling sinabi niya. The fierce and masculine Theo wasn't what I saw earlier. He looks like a gay while saying the last sentence. Nilagay niya pa ang imaginary long hair niya sa likod ng tainga bago kumindat in a girly way! Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tuloyan ng natawa. He looks stupid and cute at the same time.
"But seriously, I'm gunning for you," he sincerely said which made me stop laughing.
I don't know what to say. This is so awkward. Should I thank him? What? Why would I do that? Because he said he's gunning for me? Well, a lot of people have been wishing for me to lost, and hearing that someone's rooting for me is a nice thing so. "T-thanks!"
"It's getting dark. Let me walk you back."
Nag-alangan pa ako dahil naiilang pa rin ako every time naaalala iyong ginawa at pinagsasabi niya noong nakaraan. But then I realized that I shouldn't. Eh, kung makaakto nga siya ngayon parang walang nangyari kaya anong inaarte ko? I should act the same!
What he said and did was just nothing. I shouldn't let that affect me. Who knows? Baka nagawa na niya iyon sa ibang babae. Bakit ko nga ba iyon binigdeal? Tumango nalang ako at agad ng tumayo.
And just like what he said, he walked me back to my dorm. Wala ni isa sa amin ang nagsalita on our way back. The silence is defeaning. It makes me feel awkward. But I don't want to initiate the first talk so I guess this is fine.
Nakarating kami sa tapat ng dorm nang hindi manlang nag-uusap. Magpapaalam na sana akong papasok pero pagharap ko sa kanya ay mukhang may sasabihin siya kaya itinikom ko muna ang bibig ko.
What? Spill it.
"Well, I-" Theo was cut off when a Slavin student called him. He closed his eyes tightly out of frustration before looking at the guy. "What?"
"A-ahm, s-s-sorry po s-sa istorb-bo. T-theo, pinatatawag p-po kasi kay-yo n-ni Mr. President." Utal-utal na sabi ng lalaki, halatang kinakabahan. Pero bakit pinapatawag si Theo? Yeah right, that's none of my business.
"Una na ako. Salamat," paalam ko at pumasok na agad. As I closed the door, the image of how nervous the Slavin student was while facing Theo flashed through my mind. I suddenly wondered, why does everyone seem so afraid of him? What's his ability? How powerful is he?
"Hoy, anong ginagawa mo diyan? May papikit pikit ka pa!" Pang-aasar sa'kin ni Eli nang madaanan niya ko sa pintuan. Papunta yata siya ng kusina pero natigil nang makita ako.
"Wala! Tabi nga," ganti ko sa sobrang kahihiyan. Tinawanan niya lang ako at dumiretso na sa kusina. Habit niya na talaga iyong asarin ako, 'no? Hindi yata makukumpleto ang araw ng babaeng ito hangga't hindi niya ko naaasar.
Dumiretso na ako sa kwarto para kumuha ng damit na pamalit. Pagkatapos ay pumasok na ako sa banyo at nagshower. Doon ko na rin ginamot iyong sugat ko sa braso. Muntik ko na ngang makalimutan kung hindi lang sumakit dahil sa dampi ng sabon ay hindi ko pa maaalala na nadaplisan ako kanina.
Turn ni Eli na magluto ngayon kaya hindi ko na inalala ang kakainin ngayong hapunan. She knows some basic recipes so. That will do.
Nagbihis na ako pagkatapos at dumiretso sa kusina. Sakto namang maghahain na si Eli kaya tinulongan ko na. She just fried the leftover rice we had earlier kasi sayang nga naman, then garlic butter pork chops. Umupo na kami at nag-umpisang kumain. We were silent for a minute or two before she opened a topic for us to talk about.
"Avy.. Please, do everything to win," she started. "I mean, don't you want to win? What's stopping you?"
I sighed before looking at her. "You know the answer to that, Eli."
"But.."
"Bakit gusto mo akong manalo?"
"I'm sorry." Nakayuko lang siya at tila nagsisisi kung bakit niya pa binanggit iyong kanina.
Napakunot ang noo ko, nagtataka sa biglaang pagbabago niya. Noong nakaraan naman, 'hindi niya sinasabi sa aking ipanalo ko. She just said that she'll support whatever my decision is. What's with the sudden change?
Of all people, she's the one who knows that I'm afraid and worried about what will happen after winning the competition. Kaya nga hindi niya ko pinipilit manalo hindi ba?
But right now, she even begged for me to do everything just to win. Anong meron? At bakit siya nagso-sorry?
"What are you sorry for?"
"Nothing," she said, giving me a small smile before leaving. My brows furrowed in confusion. She's acting strangely. May nangyari ba? Oh, how I wish I have her ability right now, so I would know, by any chance, the reason why she wants me to win.
Hinugasan ko na ang pinagkainan ko at dumiretso na rin sa kwarto. Eli's already sleeping so I also went to my bed to sleep. Iniwasan ko na rin munang isipin ang dahilan kung bakit gusto ni Eli na ipanalo ko. Hindi ko rin naman masasagot ang sarili ko.
Kinaumagahan ay maaga akong nagising. Papasok na ako ng banyo nang mahagip ng mata kong wala na sa kabilang kama si Eli. She must be awake already. Ang aga niya naman!
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako at nag-almusal. Nakita kong wala na si Eli paglabas ko ng banyo. Siguro nauna na. Kaya nagmadali na rin akong umalis. Late na naman ako.
I'm currently on my way to our first class when I noticed something. Sa gilid ng isang building, bandang dulo, may nakita akong pinapalibutan ng mga Jairo. Tantya ko ay nasa apat sila at kasama nila si.. Sir Arven at Miss Mylene? Anong ginagawa nila doon? Sinong pinapalibutan nila?
I went closer and I used my ability para hindi nila ako mapansin. I leaned at the darker part of the building and used my ability to manipulate darkness so they won't see and notice me.
"Hindi ako pumunta dito para manggulo. Nanghihingi ako ng tulong niyo!" Rinig kong sigaw ng isang babae. Siya siguro iyong pinapalibutan nila. Hindi ko masiyadong makita ng klaro ang mukha niya dahil nakaharang si Miss Mylene.
Anong tulong naman kaya iyon? At sino siya? Hindi siya naka uniform kaya paniguradong hindi siya estudyante dito.
Hindi makapaniwalang tinitigan siya ni Sir Arven. "Nilabag mo ang batas Erin! Mahigpit na ipinagbabawal ng Sovereign Mistress na tumapak ang mga Saro na kagaya mo dito sa pa-"
Saro? Isa siyang Saro? Teka, sa pagkakaalala ko sa lesson ni Mr. Arven noong nakaraan, ang Saro at Sualeh ay matagal ng magkalaban. Dati raw ay iisa ang lahat ng mga kagaya namin at payapa lang silang namumuhay. Ngunit nagbago iyon nang dumating si Arthit at nakilala nito si Veronica, ang anak ng namumuno sa mga Varlamov noon.
Naging malapit si Arthit at Veronica sa isa't-isa at kalaunan ay naging magkasintahan. Kaya naman nang mamatay ang ama ni Veronica ay inaasahan nilang lahat na si Arthit ang susunod na mamumuno sa kanila. Pero nag-aklas si Allan, ang kaibigan ni Veronica na matagal na palang may lihim na pagtingin sa kanya.
Simula noon, ang payapa at masayang pamumuhay nila ay agad na naglaho. Nahati ang Varlamov sa tatlong grupo; ang grupo nila Arthit na Sualeh na kung tawagin ngayon, ang grupo nila Allan na kilala sa tawag na Saro, at ang pangatlong grupo kung saan purong mga elemental user at walang pakialam sa alitan ng dalawang grupo.
Iyon lang ang naaalala ko. Ang hindi pa nalelesson sa amin ni Sir ay ang tungkol sa Sovereign Mistress. Hindi ko alam kung bakit ipinagpaliban niya muna. Sino kaya siya? Bakit mukhang sinusunod siya ng taltong grupo? Bakit parang takot sila rito? At saang grupo sa tatlong iyon siya nabibilang?
I really need to know their history! Ang dami kong hindi alam.
The girl named Erin cut him off. "Alam ko! Pero sa tingin mo ba pupunta ako dito para lang humingi ng tulong sa inyo kung hindi nanganganib ang buhay ko? Pinagtangkaan akong patayin ni Chase!" Sigaw niya habang umiiyak.
Pinagtangkaan? Ni Chase? Sinong Chase? At bakit?
"Paano naman kami nakakasigurong nagsasabi ka ng totoo?"
"Hindi ba't may estudyante dito na kayang malaman ang nangyari sa nakaraan? T-tawagin niyo siya. O hindi kaya iyong estudyante niyong kaya akong paaminin sa katotohanan. Arven, nagmamakaawa ako, maniwala kayo sa akin. Nagsasabi ako ng totoo." Pagsusumamo niya at sinubukang lumapit kay Sir pero hinarang siya ng isang Jairo.
Wait, blonde hair iyong humarang! Si Louis ba iyon? Siya lang naman ang kilala kong may ganoong buhok. Ano nga bang ginagawa nila dito?
Miss Mylene's mocking laugh filled the air. "Nahihibang ka na ba? Hindi pwedeng malaman ng iba na may nakapasok na Saro dito sa school na ito, lalo pa at isang taksil! Totoo man ang sinasabi mo o hindi, hindi na 'yon mahalaga. Hindi ka namin tutulongan."
"Paano mo nalaman ang tungkol sa ability ng mga estudyante dito?" Dagdag ni Sir Arven, nangaakusa. Right, how did she know that? If I'm not mistaken, iyong tinutukoy niya ay si Eli at Megan. Iyon ang ability nila. Paano niya iyon nalaman?
"Hindi na mahalaga kung paano ko nalaman, please, tulong niyo ang kailangan ko! Nagmamakaawa ako. Tulongan niyo ako." Hindi na niya napigilang mapaluhod sa sobrang panghihina at agad humagulhol ng iyak. Nakaramdam ako ng awa matapos makita ang kalagayan niya. Because you know.. what if she's telling the truth? What if she's really in danger and she needs help?
"Nagmamakaawa rin kami sayo, umalis ka na," may diing pagkakasambit ni Miss Mylene. "Ang pinagsamahan lang natin dati ang pumipigil sa aking saktan ka. So I'm begging you, just leave. Bago pa magbago ang isip ko at tuloyan kita."
Mas lalong naiyak iyong Erin at mariing ikinuyom ang mga kamao. Tumayo ito at kitang kita ang galit sa kanyang mga mata.
"Hindi pa rin talaga kayo nagbabago. Hayaan niyo, tatandaan ko ang araw na ito mga mahal kong kaibigan. Dahil kagaya ng dati, walang naniwala at tumulong sa akin. Kagaya ng dati, naramdaman kong wala ako ni isang kakampi."
Kapansin-pansin ang matinding galit, sakit at pighati sa kanyang tono. Nagulat ako nang malamang magkakaibigan pala sila dati pero mas nagulat ako nang mag-anyong ibon siya.
Agad akong nakaramdam ng panganib. My whole system is telling me to cover my ears so I did.
Humuni ng napakalakas ang anyong ibon na iyon kaya mas lalo kong idiniin ang pagtakip sa aking tainga. Biglang gumawa ng malaking panangga si Mr. Arven gamit ang ability niya pero huli na ang lahat.
Ang tatlong Jairo na nakatayo roon ay agad nawalan ng malay, maliban kay Louis. Maging ako ay nahilo dahil naririnig ko pa rin kahit papaano ang tunog na gawa ng anyong ibong kagaya niya.
Ang ipinagtataka ko ay bakit hindi manlang naapektuhan si Louis. Agad lang nitong nilabas ang whip niya at inihampas sa kay Erin dahilan para matigil ang anyong ibon nito sa paghuni. Sinubukan siyang hampasin ulit ni Louis pero nakailag ito.
"Kahanga-hanga ngang talaga ang ability ng mga estudyante rito. Tignan mo at hindi ka manlang naapektuhan at nawalan ng malay kagaya ng mga kasamahan mo," namamanghang sabi ni Erin patukoy kay Louis.
"Pero syempre mas magaling kami." She then went to Louis' direction. Sa sobrang gulat ni Louis ay hindi ito agad nakapagreact. Ang pakpak ng ngayo'y ibon na si Erin, ay agad niyang ipinalandas sa noo ni Louis dahilan para mawalan ito ng malay.
What was that? Anong ability niya?
Bago pa siya sugurin nila Miss Mylene ay lumipad na ito palayo. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote ko at sinundan ko kung saan ito patungo. Pumasok ito sa gubat, sa likod na bahagi ng school. Alam kong ipinagbabawal na lumapit sa gubat na iyon pero pumasok pa rin ako.
At doon, nakita ko si Erin, nakatalikod sa akin habang isinusuot ang kulay itim niyang cloak. Nakita ko ang itaas na bahagi ng katawan niya bago pa niya iyon maisout kaya hindi nakatakas sa paningin ko ang mga kalmot sa kanyang buong braso. May sugat rin siya sa likod at dumudugo pa. Iyon siguro ang bahagi na hinampas ni Louis kanina.
"Tama nga ang sabi sa akin ni Roxy."
Nagulat ako nang bigla siyang magsalita habang nakatalikod pa rin sa akin. Pero mas nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung sino ang tinutukoy niya. Roxy.. Isa lang ang taong kilala ko na may Roxy sa pangalan.
"Nasaan siya? Ligtas.. ba siya? Paano mo siya nakilala? At anong sinabi niya?" Sunod-sunod na tanong ko sa sobrang pagkabigla. I'm so thirsty for answers about her.
Humarap siya sa'kin at kitang-kita ang multong ngisi sa kanyang labi kaya mas lalo akong nagtaka. She looks evil without even trying. Kaya nga kong hindi pa siya umiyak at lumuhod kanina sa harap nila Miss Mylene ay hindi ako maaawa sa kanya. The way she looks a while ago and right now, screams danger. Like she's up to something that you surely won't like.
"Bihag siya ni Chase. At ang sugat na natamo niya galing sa 'yo ay hindi pa tuloyang naghihilom. She's wounded and helpless," pumunta siya sa likod ko at doon pumirmi.
"Do you want to see her, Avyanna?" She whispered near my ears.
I closed my eyes tightly before nodding. I don't care now whether this girl right here is our enemy or not. I just want to see her. I can't just sit here knowing that she's their captive. That she's wounded and suffering. If I can do something to help, then I gladly will.
"If you want to see her, then come with me. Save your sister, Avy."
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro