Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2: Ability

"Wake up or you're going to be late."

Rinig kong sigaw ng pamilyar na boses. Antok na antok pa ako kaya tinakpan ko ang tainga ko gamit ang unan para hindi marinig ang boses niya.

"Ah, ayaw mo ha... Tignan natin." Naghahamong aniya bago nagpakawala ng nakakalokong tawa. Tsk, it's Eli.

Ayoko talaga! Pinagod mo ako kagabi kaka-shopping tapos gigisingin mo 'ko ng maaga ngayon aba—

"Oh my god!!!!" Naputol ang pagrereklamo ko nang sumigaw siya bigla.

"Oh my god ulit! Y-you have an ability, Avy? Oh my god talaga, look!! And you're using it while you're s-sleeping! Woah."

Oh my gosh, so I really do have one? Agad akong napabalikwas ng bangon matapos marinig ang sinabi niya. Dali-dali kong sinuyod ang paligid upang makita ang sinasabi niya pero..

Pero wala akong nakita!!

"Hahaha.. oh my god, you're so funny! Hahahahaha.. why are you panicking and so shocked? Hahahahahaha.. look at your face, I can't-" Napahawak na siya sa tiyan niya kakatawa. Agad akong nainis. So, pinagtitripan niya lang ako?

"I'm so sorry for hahahahaha.. for laughing hahaha.. your reaction was so funny! You're just an ordinary person, right? Why so surprised? Hahahahaha.. oh my god! Ayon lang pala ang makakapagpabangon sayo! Hahahaha. Omg, I've never laughed this hard for a long time. Thanks!"

I rolled my eyes and immediately went to the bathroom rather than seeing her annoying face. That girl is crazy!

"Hey! I'm going first. Remember to never tell others that you're just an ordinary person, okay?" She reminded me before leaving.

Napasinghap ako. Of course, I won't. I'm not ordinary. I also have an ability, and I'll figure it out.

Pagkatapos kong maligo ay isinout ko na iyong uniform na binili namin kahapon. It's actually simple and nice. A black skirt that's 3 inches above the knee and a white long sleeve shirt with a collar on it. And because I'm in a Wimp class, I'm wearing a yellow necktie.

Agad na akong lumabas sa dorm at bumaba ng building para sana pumasok sa klase ko pero natigilan ako nang may mapagtanto.

Aish, hindi ko alam kung saan ang room ng Wimp class!

Bakit nga ba hindi ko iyon tinanong kay Eli? Wala akong ibang kilala sa academy kaya ngayon, hindi ko alam kung sinong pagtatanungan. This is so frustrating. Minsan pa naman ang awkward ko makitungo sa iba.

Pero kasi.. male-late ako kung uunahin ko pa iyong hiya. Ito pa naman ang unang araw ko dito sa Academy. Ayoko namang mangyari 'yon.

Actually, it's my fault. Bakit kasi hindi ako gumising maaga?

"Excuse me, Miss."

Bahagya akong napatalon nang may magsalita sa likod ko. Napalingon ako sa kung sino iyon. Isang lalaking nakangiti at naghihintay na tumabi ako ang bumungad sa ‘kin.  Oh, right, I'm blocking the way!

Napabuntong hininga ako habang tinitignan siya. Mukha naman siyang mabait. Sa kanya kaya ako magtanong? Right. I was about to ask him but before that, I glanced at his necktie first. I don't know why I did that but I'm so glad I did. My eyes widened when I saw his red necktie. He's a Jairo student!

Dali-dali akong tumabi para makadaan siya at hindi na itinuloy ang plano ko sanang magtanong. But he just looked at me with his brows furrowed. It's like he already saw me and now he's trying to remember where did we meet. Weird. People in this school were all weird.

Aalis na sana ako at planong sa iba nalang magtanong pero hindi ko nagawa nang hinila niya ang braso ko.

"Was that you?"

My brows furrowed in confusion. What the hell is he talking about? Naka drugs ba siya? Hinila ko ang braso ko pabalik at hindi sinagot ang tanong niya.

Tinitigan ko lang siya habang siya, naghihintay sa sagot ko. He has this brown curly hair. His round shaped eyes were staring at me amusedly. A small smile was formed on his bow-shaped lips. Patagilid siyang yumuko at tinignan sa relo niya kung anong oras na which just emphasized his perfect pointed nose. Humarap siya sakin pagkatapos at nagsalita.

"Right. You're the new girl. Iyong tinulongan ni Sir Arven."

Oh, how did he know? Who is he? I suddenly rolled my eyes. The hell I care about him. Hindi ko na iyon masiyadong pinagtuonan ng pansin. Male-late na talaga ako! Kinapalan ko na ang mukha ko at nagtanong.

"Saan ang classroom ng wimp class?"

Nginitian niya ako dahilan para makita ko ang dimples niya sa magkabilang pisnge. "Ihahatid na kita."

Nag-alangan pa akong tanggapin ang alok niya nang maalala ang bilin ni Eli na huwag lalapit sa Jairo o Hamza dahil ang iba sa kanila ay mapanganib. Maaari rin daw na maging mainit ang mata sa 'kin ng mga estudyante kapag nakita nila akong kasama ang mga ito, knowing na ang daming inggitera raw dito at bago palang ako. Pero wala na ‘kong choice! Kailangan kong magtiwala sa lalaking ito. Mukha naman siyang mabait kaya sige. Tumango nalang ako kaya mas lalo siyang napangiti.

I'm following him while he leads the way. Mabuti nalang at walang masyadong estudyante kaya walang mga chismoso't chimosang nakatingin. Siguro nasa klase na nila? Whatever. Late na talaga ako. Nakakainis.

"Oh, Dion. Here you are!"

Napaangat ang tingin ko sa lalaking bigla nalang umakbay sa lalaking kasama ko. So Dion pala ang name ng lalaking nag-alok na ihatid ako? Nice name. Pero iyong tumawag kay Dion.. siya iyong lalaki kagabi, ah? He's that guy with enhanced senses! What's his name again? Lucas? Lonnie? Louie? Damn, I forgot. Basta iyong best friend ni Theo.

"Anong meron, Louis?"

Ayon! Louis pala ang name niya. Naalala ko na. Napatingin ako kay Louis at agad ding napaiwas ng tingin matapos makita ang buhok niya. It's distracting. Hindi ko iyon napansin kagabi. His hair color was blonde. Bumagay naman kahit papaano dahil misteso siya. But I don't know why it slightly hurt my eyes. Maybe because I'm not used to seeing it? Sanay akong itim o brown ang buhok ng mga lalaking nakikita ko, eh.

"Pinapatawag ka ni Sir Jerry. Punta ka raw agad." Sagot naman nito kaya napatigil si Dion sa paglalakad. Muntik pa akong mabangga sa likod niya.

Tumingin nalang ako sa gilid kaysa tumunganga sa kanila. May room doon at saktong nakatapat kami sa glass door kaya hindi ko maiwasang masulyapan ang repleksyon namin sa salamin. Ngayon ko lang narealize na ang out of place ko masiyado. Close pa yata ang dalawang ito. Magkaakbay silang nag-uusap habang nakatayo lang ako sa likod nila. Ang awkward!

"Hey! Mabuti naman at magkasama kayo. Sir Jerry needs the both of you, asap." Hindi ko alam peri bigla akong kinabahan nang makita kung sino iyong nagsalita. It was Theo.

Agad kong iniwas ang tingin ko nang tinitigan niya ko pabalik. Sobrang awkward, bakit ba ako nandito? Magkakilala silang tatlo tapos para lang akong tangang nasa likod nila. Agaw pansin pa iyong yellow necktie ko kumpara sa kanila na pulang pula. Sabi na eh, dapat talaga hindi na ko pumayag sa alok ni Dion.

Humakbang ako ng dalawang beses paatras at tumalikod na. Aalis na sana ako nang may pumigil sa 'kin bigla.

"Pasensya na hindi na yata kita maihahatid, ipinapatawag na kasi ako. Do you want me to call someone I know to bring you there instead?" Nakangiting sambit ni Dion, nahihiya. Napansin niya siguro na ang sama ng tingin ko sa kamay niya na nasa braso ko kaya dali-dali niya iyong tinanggal at alanganing tumawa. Dapat lang. Kanina pa siya hawak ng hawak, ah!

"Huwag na, kaya ko ang sarili ko. Salamat."

Umalis na ako at pinabayaan na silang tatlo do'n. Nakakainis, late na late na talaga ako for sure. Lagot ako nito! Wala ng masiyadong estudyante at puro mga nakapulang necktie nalang ang nakikita ko. Nakakahiya namang magtanong at isa pa, ayoko. Mga Jairo 'yan. Delikado.

Bukod din sa sumasakit ang ulo ko eh dumagdag pa itong paa ko. My feet were aching already because of walking. And wearing boots today just makes it worse! I should've not. I can't do anything but to sigh heavily. I decided to stop for a moment to look around.

Napadako ang tingin ko do'n sa building na malapit lang sa kinatatayuan ko. Kung hindi lang masakit ang paa ko ay baka tumalon na ako sa tuwa. May nakasulat na 'Hamza' do'n!! So meaning-

"Right! Kaunting lakad pa, Avy. Pagkatapos ng Hamza, makikita mo kasunod kung saan ang rooms ng mga Slavin. At pagkatapos ay kaunting lakad ulit at makakarating ka na rin sa Wimp class sa wakas. Kaya mo 'yan." I encouragingly said to myself. Hahakbang na sana ako pero napatigil ako nang may magsalita.

"You must be exhausted from talking to yourself." I closed my eyes tightly when I heard what he said. Can this day get any worse? Narinig niya 'yon? Of course, you stupid. Nakita niyang kinakausap ko 'yong sarili ko! Baka isipin nito baliw ako.

"I wasn't talking to myself. You were listening!" I rolled my eyes before facing him. And I was right. It was Theo. Anong ginagawa niya rito?

"What a dreamer!" He sarcastically uttered. This jerk. Bakit nga ba siya nandito? Don't tell me...

"Sinusundan mo ba ako?" I arched my brow. He let out a mocking laugh upon hearing my query. My face turned red immediately. Nakakainsulto iyong tawa niya. Parang gusto ko nalang tuloy magpalamon sa lupa. Bakit ko nga ba sinabi iyon!? Ang assuming ng dating.

"Ganda ka?" I was caught off guard by his rebut. Mas lalo lang pumula ang mukha ko sa kahihiyan. Was that an insult? Akala mo naman kung sinong gwapo.

Tinitigan ko siya para sana maghanap ng maaring ipintas sa kanya pero.. pero wala akong nakita! Ngayon ko lang siya natitigan ng malapitan at hindi ko akalaing may maipagmamalaki ang mokong na ito.

Starting from his fringe haircut which I don't know if a little bit curly or just plain messy. His piercing chinky eyes that's as black as his hair was looking at me sardonically. Those thick soft angled eyebrows were now furrowed, probably wondering why I'm staring at him. He has a narrow pointed nose and a perfect jawline. And I didn't expect myself to be jealous by his thin red lips. Ano kayang lip care routine niya? His lips seem so healthy.. so soft.

"Are you done checking me out?" He smirked. "Might as well attend your class."

Ha! Ang hangin. Inirapan ko nalang siya at hindi na pinatulan. Nakakaloka! Iyong klase ko nga pala. Nang dahil lang sa hindi ko alam kung saan ang room ko, hindi ako nakapasok. Bakit kasi wala silang mapa!? Kabago-bago ko pa lang dito, cutting agad ako.

"Ihahatid na kita."

What? No way! Nginiwian ko siya bago nagsalita.

"No thanks. I can handle myself."

Pagmamayabang ko at nagumpisa na uling maglakad. Saan ba kasi ang rooms ng mga Wimp students!? Ang sakit na ng paa ko. Hindi na nakakatuwa ang laki ng school na ito, ha.

"Don't you know the rules here?" Seryosong sambit ng lalaking nasa likod ko. Sabi ko na nga ba sinusundan ako ng mokong na ito. Ganda ko lang!

"What rules?" Walang interes kong tanong. Wala naman akong pakialam sa rules na sinasabi niya. It's not like I'm going to follow it anyway. After all, rules are made to be broken.

"You should obey what the seniors are telling you."

Napanganga ako sa sinabi niya. Anong klaseng rules 'yon? Bakit may ganoon? For them to feel superior? Ngumiwi ako.

Umangat ang gilid ng labi niya matapos makita ang reaksyon ko. "Dalian mo kung gusto mong umabot sa second subject niyo."

He started walking so I have no choice but to follow. We're just silently walking and no one dares to break that silence. This is so awkward.

Wait what? Bakit ako naa-awkwardan? Silence is much better than talking to him. I shouldn't feel awkward just because we aren't talking!

Napatingin ako sa paligid nang unti-unting dumami ang mga estudyanteng nasa labas. Great! Tapos na ang first subject at hindi ako naka-attend. Sinuyod ko nalang ang mukha ng bawat estudyanteng madadaanan namin, nagbabakasakaling makita si Eli.

Kapansin-pansin ang pagiwas nila ng mga tingin. I don't know if it's just me but I think the reason why they can't look at us straight was because of Theo? Hindi naman kasi sila ganyan kahapon. Kulang nalang nga banggitin nila ang pangalan ko para malaman na ako ang pinagbubulongan nila. Unlike now na ilag ang lahat. Weird.

Sa pagtingin-tingin ko sa paligid ay may nahagip ang mata ko. Kapansin-pansin siya dahil siya lang ang nag-iisang lalaking nakaupo do'n sa bench. He's a Slavin student based on his necktie. I suddenly felt goosebumps rose on my arms when I saw him grinning creepily, looking at me.

Hindi maalis-alis ang tingin ko sa kanya habang patuloy akong nakasunod kay Theo. May dinukot siya sa maliit na bag niya at nanlaki ang mata ko nang makita kung ano iyon.

Gago, baril! Bakit siya may hawak niyan? Mas lalong nanlaki ang mata ko nang itinutok niya 'yon sa akin.

"H-hey.. Theo.." Pagtawag ko sa nanginginig na boses. Hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa lalaking may hawak ng baril.

"What?" Rinig kong sagot niya sa iritadong tono. Mokong na 'to! Kung hindi lang ako kinakabahan ngayon kanina ko pa siya pinatulan.

"Ano kasi.. iyong lalaki.." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang makitang umiling iyong lalaki. Para bang ayaw niyang ipaalam ko kay Theo.

"What? Hindi ako interesado sa lalaki. Tss." Masungit na sambit niya. Kung hindi lang ako kinakabahan ngayon ay baka natawa na ako sa sinabi niya.

Shit, anong gagawin ko?

"Theo, may baril-" right after I muttered those words, the man with the gun swiftly pulled the trigger before running away, leaving me with a huge shock on my face. What the hell did he just do?

Parang nag slowmo bigla iyong paligid ko matapos niyang gawin 'yon. Kitang kita ko ang balang papunta na ngayon sa direction ko. Walang nakakaalam na may nagpaputok ng baril dahil walang tunog na lumabas matapos niyang kalabitin ang gatilyo. Nagpapanic na ako at wala akong ibang iniisip ngayon kung hindi tumigil ang oras para makaalis manlang ako sa pwesto ko.

I was stunned. I don't know what to do. My mind keeps on telling me to at least step aside but my body isn't cooperating. Dati ay inis na inis ako sa mga bidang tatanga-tanga na hindi manlang sinusubukang umilag sa bala o hindi kaya ay hindi magawang umalis tuwing masasagasaan na. Iba pala talaga kapag ikaw na iyong mismong nasa sitwasyon. Naiiyak na 'ko. Gusto ko nalang tumigil ang oras bigla.

Please, sana tumigil 'yong oras kahit ilang segundo lang.

"Fuck!! Step asi-" hindi ko alam kung bakit natigil si Theo sa pagsasalita.

Nakapikit ang mata ko dahil sa sobrang takot at kaba. Lord, hanggang dito na lang ba ako? Ilang segundo na yata akong nakapikit pero wala akong maramdamang bala ng baril na tumama. Nagtaka rin ako nang biglang tumahimik ang paligid. What? Don't tell me patay na ako?

Unti-unti kong idinilat ang mata ko. Nagulat ako nang bumungad sa harap ng mukha ko mismo iyong bala. Nakalutang lang siya sa ere at iilang pulgada lang ang layo mula sa 'kin. Teka, ganito rin ang nangyari sa kutsiyong ibinato sa 'kin ni Astrid noong gabing iyon, ah? My lips parted in amazement.

Nilingon ko si Theo na nasa gilid ko at muntik na akong matawa sa hitsura niya. Nakanganga siyang nakatingin sa kinatatayuan ko kanina, siguro 'yan iyong time na nagsalita siya. Nakataas ang kanang kamay at nanlalaki ang mata. Natatawang nakatingin ako sa kanya nang gumalaw na siya bigla.

"What the hell happened?" Nagtatakang sambit niya. "Bakit nandito ka na sa harapan ko? Nasa gilid lang kita kanina, ah? How did you end up there without me noticing?"

Natatawa ako dahil gulong gulo siya. Natatawa din ako sa sarili ko kasi hindi ko alam ang isasagot sa mga tanong niya. I didn't even know how I did that. Did I just stop the things to move or what?

Ako naman ngayon ang napakunot ang noo nang kumalma na siya at nawala iyong kaninang confused niyang expression. He looks like some kind of detective with an 'oh, now I get it' expression.

"W-what?" Naiilang ako sa titig niya.

"You're not just an ordinary human." He stated in a matter of fact tone. "And you know that damn well, don't you?"

I was transfixed on where I'm standing upon hearing what he just said. I'm on the verge of admitting the truth but I hesitated when I realized that I don't know what my ability is. No, I'm not going to spill it till I figure out what it is called.

"N-nagkakamali ka. Wala akong p-powers kagaya niyo. Ordinary-"

He cut me off. "Chronokinesis."

"Chrono- what? Anong pinagsasabi mo?" May sapak yata 'tong lalaking 'to.

"Chronokinesis is the ability to manipulate time. Didn't that what you just did earlier? You stopped the time for probably 15 seconds just to avoid the bullet."

"So you mean to say.."

"Yes. That's your ability. Now, prepare. You're going through hard training starting from now on. And that's for sure."

He affixed a paper on my forehead before leaving me there again, dumbfounded. I couldn't care more about what he just put. I was so happy. I've never felt this happy before. It was an overwhelming happiness. Because at long last, I figured out what my ability is and aside from that...

I finally found where I truly belong.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro