Chapter 5
Ang mga takulap ng mata ko ay nagsisimula ng magsarado. Tila ako'y dinadala papunta sa kadiliman dahil sa kaniyang mata.
It's beautiful but dangerous.
Nanghihina ako sa mga titig nito. Walang nagbabawian ng kaniya kaniyang titig. Tila ayaw magpatalo.
Isang babaeng nakalong gown ang sumira ng aming pagtitigan. Bumaba ito na parang isang prinsesa dahil sa kaniyang postura at pananamit.
Now, everyone's attention is on her.
Tinignan ko ulit ang mala abo nitong mata ngunit hindi ko na siya nahagilap. Muli kong ibinalik ang aking atensyon sa babae.
"What a pleasant suprise? May I know your name?" mahinhin nitong sabi at niyaya akong umupo. Umalis ang lahat ng mga tao sa aming paligid at naiwan kaming dalawa.
"I'm Jhaizel Luna Bermundo mada'am. I here para mag apply sana dito"magalang kong sabi at ibinigay ang papel. Tinignan niya ito at ngumiti.
Ngunit ang kaniyang ngiti ay may kaakibat na masamang binabalak. Kahit na napakainosente ang kaniyang mukha. Sa kaniyang mahabang pilik mata, malaporselanang kutis, mapupulang labi at mahabang buhok na kulay itim. Halatang halata na may koneksyon siya sa may ari nito.
Sinalubong ko ang kaniyang itim na mata. Siya ay ngumiti ng pinong pino"You can start today"
Napantig ang aking tenga. For real? Walang interview ganun?
Ngumiti nalang ako ng tipid at bahagyang yumuko. Tinanguhan niya ako, na may sumulpot na lalaki sa tabi nito. Nilahad nito ang kaniyang kamay para umakyat ang dalaga. Dahan dahan itong nawala sa aking paningin.
Hinarap ako ng kanina kong kausap na babae at sinamahan ako papunta sa aking kwarto.
Tahimik, madilim ayan ang makikita mo sa itaas. Maraming nakasabit na painting sa dingding. Sadyang makikita mo ang karangyaan sa bahay na ito.
Bahagyang tumigil ang babae sa isang pinto. Magpapasalamat sana ako sa paghatid niya sa akin ngunit bigla nalang siya nawala. Iniling ko nalang ang pinto at pinihit ang pintuan.
Bumungad sa akin ang isang malaking kama. Inilibot ko ang aking paningin sa buong lugar. Nakita ko sa gilid ng kama ang isang maliit na study table at may lampara na nakapatong dito.
It's too big for a maid like me. Baka naman nagkamali ako ng punta pero dito ako dinala eh.
Ipinilig ko ang aking ulo sa mga naiisip ko. Mas mabuting ayusin ko ang kwarto ko. Sinimulan kong linisin ang kama na sinundan ng iba.
Inabot ako ng 30 minuto para maayos ang kwarto. I'm satisfied na sa ayos kaya sinimulan ko ng bumaba.
Mabuti nalang nakabisado ko papunta sa baba.
Tinahak ko na papunta sa baba. Nadatnan ko ulit ang mga tao kanina sa baba. Kinausap ko isa sa mga ito "Hmm. May ipaguutos po ba kayo?" ngunit hindi ako pinansin nito.
Kaya sinubukan kong kunin ang atensyon nito " Ahemm. May ipaguutos po ba kayo?" Tinignan ako ng kanina na naghatid sa akin.
"Wala pa. Magpahinga ka muna sa kwarto mo" sabi niya sabay balik sa ginagawa. Nagpasalamat nalang ako at bumalik na sa kwarto.
Matapos kong mag ayos ay napagdesisyunan kong magpahinga na. Kinuha ko ang picture frame ni Mama na nakapatong sa table. Hinawakan ko ito at nilagay sa aking dibdib. Nagsimula na naman dumalusdos ang luha sa aking mukha.
I really miss her. Magkikita ulit tayo mama. Sinisigurado ko.
Sinimulan na akong lamunin ng kadiliman.
~~~
Third Person POV
Hindi naramdaman ng dalaga na may isang taong nagbabantay sa kaniyang pagtulog. Hinawakan niya ang mukha nito na ngayon ay basa marahil sa luha nito.
"Magkikita ulit tayo anak ko" at tuluyan ng umalis ang tao na ito.
Kasabay ng pag alis nito ay ang isang malakas na hangin na tumama sa mukha ng dalaga. Napabangon ang dalaga dahil dito. Inilibot niya ang kaniyang paningin at nakita ang dalawang nakasuot ng itim na cloak. Hindi niya mainag ang mukha nito dahil sa suot nito.
Nakaramdam ng takot at kaba ang dalaga. "Ano kailangan niyo?" nagmamatapang na sabi ng dalaga. Hindi niya ipinapakita na natatakot siya sa mga ito.
Hindi sumagot ang mga ito at humakbang papalapit sa dalaga. Humakbang naman pa atras ang dalaga. Hindi pansin ng dalaga na may hawak itong lambat ngunit hindi ito pang ordinaryo. Ang lambat na ito ay napakatibay na hindi napuputol ng kahit na anong gamitin at hindi gumagana ang anumang kapangyarihan dito.
Hinuli na ng naka cloak ang dalaga sa pamamagitan ng lambat. Sinubukang magpumiglas ng dalaga ngunit hindi parin siya makawala. " Pakawalan niyo akoooo" napasigaw siya at sinubukang humingi ng tulong sa labas ng pintuan. "Tulungan niyo akoooo"
Binitbit siya na parang sako ng isa sa mga ito at pumunta sa bintana. Tatalon na sila ng sumigaw ulit ito " Bitawan niyo ako huhuhu. Wala akong pera" pero hindi siya pinakinggan nito at sumakay sa lumilipad na barko na nagsimula ng umandar.
Tinkerbell ampeg
Sa isip isip ng dalaga at nagpumiglas na naman. Sinubukan niyang kunin ang kutsilyo sa kaniyang pantalon ngunit hindi ito tumalab. Bugnot niyang ibinalik ang kutsilyo sa kinuhanan niya.
Tinitigan niya ang lubid na nagbabaka sakaling mapuputol ito ngunit katulad kanina, nabigo na naman siya. Napabuntong hininga nalang siya marahil sa sumuko na siya.
Bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon? Sino sila? At bakit nila ako kinuha?
Hindi niya namalayan na nakatulog siya mahigit apat na oras. Napabangon siya at pinagmasdan ang paligid. Nasa gitna siya ng kagubatan, pinalilibutan ng nagtatasang puno at mga taong tumatakbo?
May dumaan sa kaniyang harapan na isang babae. Madungis ang mukha at may sugat na malaki sa noo. Tinanong niya ito "Nasaan ako? Anong nangyayari? Bakit kayo tumatakbo?
Tinitigan siya ng babae na naweweirduhan. She sighs before she talks "We are on the forbidden forrest. Kaya kami tumatakbo kasi baka atakehin tayo ng mga almera. And fudge level 4 sila. I cannot fight them because their too damn strong kaya I should make takbo takbo. Duh! WE'RE ON THE TEST. COMEBACK TO YOUR SENSES" mahaba niyang linya. Gulong gulo ang utak ni Jhaizel. Like, Paano siya napunta dito? Bakit siya napasali dito? May kinalaman ba ang mga dumukot sa kaniya?
Nainis niyang ginulo ang kaniyang buhok marahil sa hindi niya masagot ang kaniyang mga katanungan. Napatingin naman sa kaniya ang babae na pag aakalang nababaliw na ito.
Napatigil ang dalawa ng may umuungol sa likod nila. Dahan dahan lumingon sila at napasigaw. Isang level 7 na Almerang naglalaway ang nasa likod nila.
Isa lang ang tumatakbo sa utak nila.
"TAKBOOOO"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro