Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

Napatitig ako sa bahay na nasa aking harapan. Tupok na tupok na ito ng apoy. Halos wala ka ng makikitang gamit na maayos. Lahat ng tao ay nakapalibot dito maging ang newscasters. Makikitang abala ito sa pagkuha ng naturang pangyayari.

Mga ilang oras na lumipas ay paunti nang nawala ang apoy sa bahay ngunit may natitira pa rin.

May lumapit sa aking pulis na marahil ay magtatanong sa nangyari sa aking bahay. Nagtanong tanong ito sa akin ng mga tanong kagaya ng anong oras ako umalis. May nakikita ba akong posibleng dahilan kung bakit nasunog ito. May naiwan ba akong ganyan.

"May kasama po ba kayo sa inyong bahay?"tanong niya habang hawak ang sulatan. Hindi ko ito sinagot at tinignan ang pawala nang apoy sa bahay.

Nagbago ang ihip ng hangin sa aking kinagagalawan. It is like someone is watching me. At hindi nga ako nagkakamali may isang babaeng nakatayo mismo sa loob ng bahay ko. Kitang kita ng dalawang mata ko ang pagtitig nito. Kung ordinaryong tao ang makakakita dito hindi nila mapapansin ito.

Pinanuod ko ito kung paano umalis sa kaniyang pwesto at naglaho na parang bula.

Sinubukan akong hawakan ng pulis para sana itanong kung anong nangyayari sa akin ngunit agad ko itong binaligbag. Kita ko sa kaniyang mukha ang pagkagulat sa kaniyang mukha dahil sa aking ginawa. Napatigil ang mga tao sa pagtsitsismisan at natuon ang atensyon sa ginawa ko.

Humingi ako ng tawad at mabilis na naglakad palayo doon. Ramdam ko ang mga titig ng kanilang mata kahit na nakatalikod ako. Napabuntong hininga nalang ako at ipinapatuloy ang paglalakad.

~~~~~~~~~~~~
*insert kumalam ang sikmura*😂😂

Damn gutom na ako.

Pumunta ako sa BTSupermarket. I badly need food or they will regret it.

Pumasok ako sa loob at naghanap ng noodles na makakain.

Ramen okay na ito.

Naglakad ako papuntang counter at hinarap ang cashier. Kinapa ko ang wallet na nasa bulsa ko at hindi ko ito makapa.

Ohh damn. Nasa bahay pala lahat ng gamit ko.

Nakikita kong iniintay niya ang bayad ko kaya isinauli ko nalang. Buti nalang at hindi pa ito pinupunch ng cashier. Kahit na nagugutom ako ay ibinalik ko ito at umalis sa naturang gusali.

Napag isipan kong maglakad lakad para maghanap ng part time job. Pansamantala muna akong magtratrabaho para sa mga pangangailangan ko lalo na ang pagkain. Damn I badly need food. Inilibot ko lahat ng pader kung may nakadikit na hiring na maari kong pasukan ngunit nabigo ako.

Kahit na pagod ay patuloy parin naghahanap nang may sumalubong sa akin na tumatakbong babae na nagmamadali. Dahil sa hindi ko ito inaasahan kami ay nagkabunggo.

Narinig ko ang pag iyak niya dahil sa malakas na impact na tumama sa kaniya. Nakita ko ang pasa na natamo sa kaniyang pagtama sa akin. Hindi ko maiwasan magamitan ng mahika ito kaya siya na nagkapasa ng malaki.

Kahit na nasasaktan siya ay agad siyang tumayo at ipinagpatuloy ang pagtakbo na parang may hinahabol. Tumayo narin ako at napansin ang papel na naiwan ng babae.

"Hiring for Caretaker"

Hinawakan ko ang papel at tinignan ulit ang tinahak ng babae. Maybe its not bad may silbi rin pala iyon. Agad ko itong itinupi at nilagay sa bulsa.

Okay first I need to find the address. Inihanda ko ang aking sarili at nagsimula nang maglakad.

~~~~~~~~

Nakatayo ako sa tapat ng mala mansyong bahay. Mahahalata mo dito na ito ay makaluma. Mapapahanga ka sa istraktura nito. It is like an ancient house na hindi madalas makita ng tao.

Pumunta ako sa harapan nito at agad na nag doorbell. Mga ilang minutong lumipas ay may lumabas na babaeng namumutla na naka maid uniform.

Inaantay ko siyang magsalita but I failed. Nakatitig lang siya sa kawalan. Sinabi ko nalang ang pakay ko at ako naman ay pinapasok.

Sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin na nagmumula sa labas. Kitang kita dito ang mga kandila na nagsisilbing ilaw sa buong kabahayan. Kung titignan mo ito mala haunted house ito.

Napako ang aking paningin sa isang litrato na nakasabit sa dingding. Isa itong gusali na napakaganda. Sobrang ganda ng mga disenyo nito. It feel so magical na kahit hindi mo napupuntahan mararamdaman mo ang ibang atmosphere dito.

Napalingon ako nang may narinig yabag ng mga sapatos. Bumababa ang isang matipunong lalaki na nakabihis pormal. Pinagmasdan ko ang kaniyang itsura. Isa itong napakagandang nilalang. He is like a Greek god. Sa mapula niyang labi, matangos na ilong, perpektong hugis ng mukha, mahahabang pilik mata at makapal na kilay.

He is almost perfect with his looks. Damn, kahit sinong babaeng makakita dito ay mahihimatay bigla. A gorgeous like him cannot describe his goddamn looks.

Napatitig ako sa kaniyang mata na parang nababalot ng hiwaga. Nagulat ako nang magtama ang mala abo niyang mata. Makikita mo ang mala hypnotismong titig sa akin na nagpahina sa aking sistema.

What the fuck is happening to me? I can't move my body even my fingers. Bakit ako nang hihina dahil lang sa pagtitig niya?

Authors note:

Mianhae kung ngayon lang ulit ako nakapag update dahil sa mga busy kong schedule.

Credit kay jeezsoo na gumawa ng book cover.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro