Chapter 3
Naalala ko na naman ang aking nakaraan. Hindi ko nga alam kung bakit nanatili pa ako dito sa mundong ito kung puros kasamaan lang aking ginagawa. Mas may deserve na mabuhay kaysa sa akin.
Katulad niya.
Kung ako bibigyan ng panahon na balikan ang nakaraan gagawin ko ang lahat mailigtas lang siya. Kaso hindi ako pinahihiluntulutan, maybe mapagbiro talaga ang buhay.
Life is really unfair.
Sa pangyayaring iyon, araw araw ako binabangungot sa pangyayaring iyon. Pilit kong kinalilimutan kaso hindi nakikisama ang puso ko.
Kung hindi ko lang sana natuklasan ang kakayahan ko siguro buhay pa siya.
Paano kaya kung wakasan ko na ang buhay ko? Puros kamalasan lang naman ang dinadala ko eh. Kung hindi kamalasan, kamatayan ang hatid ko.
Lahat ng tao kinakatakutan ako. Kinakatakutan ang kamatayan at ang kamatayan ay ako.
Sinubukan kong layuan ang lahat ng tao na nasa paligid ko at ako naman ay nagtagumpay. Iniwasan kong magkaroon ng interaction sa tao para hindi sila mapahamak.
Siguro mabuting wakasan ko nalang ang pahihirap ko para hindi narin madamay ang mga taong nasa paligid ko.
Napagdesisyunan ko na.Napatayo ako sa aking kinauupuan. Bumaba sa hagdanan at pumunta sa kusina. Pagkarating ko kusina ay kumuha ako ng matalas ng kutsilyo at umakyat ulit sa kwarto.
Sinarado ko ang pinto at kinuha ang kutsilyo. Hinawakan ko ang talim nito at pumikit.
I'm truly sorry Clarisse. Hindi kita naprotektahan sa mga oras na iyon. Alam kong hindi pa sapat ang buhay ko na ito para mapatawad mo ako. Hindi ko ginusto na mawala ka. Hindi ko ginusto na magkaroon ng ganitong kakayahan. Hindi ko ginusto na mapatay kita. Para sa kabayaran ng lahat na nagawa ko kailangan ko ng wakasan ang buhay ko. Ayoko ng makanakit. Ayoko ng makapatay. Gusto ko na mabuhay ng mapayapa.
Naluluha kong inilapit ang kutsilyo sa aking dibdib.
Gusto ko na matapos ito.
Dahan dahan ko itong inilapit sa aking katawan ngunit nakarinig ako ng ingay sa aking likod. May bumubulong sa aking tenga na parang isang hangin!Isang malalim na boses ng lalaki!
Don't do this my love.
Nabitawan ko ito dahil sa aking pagkagulat. Nangangatog kong nilingon ko ang aking likod ngunit kadiliman lang ang sumalubong sa akin.
A-ano iyon?
Sa unang pagkakataon, nakaramdam ako ng takot. Takot na kahit kailanman hindi ko naranasan.
Ano ang nangyayari sa akin? B-bakit ako natakot? Bakit?
Napaupo ako at napatingin sa salamin. Kitang kita ko ang repleksyon ng aking sarili. Ang katamtaman na haba ng buhok. Ang matangos na ilong. Ang peklat sa aking noo na hugis buwan. Ang mala pula at berde kong mata.
(Illustration lang ng mata hihihihi)
Ang mata ng aking kinamumuhian. Dahil sa mga ito, hindi ko magawang makatingin sa mga tao. Dalawang rason. Una, maaring matakot sila sa aking anyo. Pangalawa, makakapatay ang sinumang pangahas na tumitig sa aking mata.
Isa ito sa mga rason kung bakit ko kinamumuhian ang aking sarili. Wala sa sariling napalingon sa bintana.
How ironic? Nakikisabay ang panahon sa aking nararamdaman.
Kitang kita ko ang mga nagtatakbuhan na mga tao sa labas marahil sa lumakas na ulan. Ang iba ay kanya kanyang silong sa mga bahay bahay. Pinapanuod ko ang bawat galaw ng mga tao.
Mabuti pa sila nagagawa nila ang kanilang gusto. Malaya silang gawin ang mga ito.
Mga ilang minuto ay tumigil na ang pag ulan. Kani kaniyang paglabas sa mga sinilungan ngunit may nakapukaw ng aking pansin. Isa itong babae na may hugis buwan na peklat sa kaniyang braso.
Napatigil ako sa pag iisip at napatitig sa kaniya na siya ring lumingon sa aking kinapupwestuhan.
Did she really notice me?
Matapos ng mahabang pagtitigan ay bigla siyang tumakbo na aking ikinagulat.
Agad agad akong bumaba at lumabas ng bahay para hanapin ang babaeng iyon.
Hindi ko alam kung bakit ko hinahabol iyong babae na yon. Lets just say instincts.
Ilang minuto akong nakipaghabulan sa unknown na babaemg ito. Hindi ba siya napapagod? Bakit ba bigla nalang siya tumakbo? Ang daming mga tanong ang bumagabag sa aking isip ngunit hindi ito ang panahon para isipin iyon. I should catch her first bago masagot ang mga katanungan.
Nakita ko siyang lumiko sa kanan at sinundan ko naman ito. Ang dami kong nabangga na tao dahil sa paghabol dito kaya humihingi ako ng sorry dito. Ginamit ko ang aking kakayahan na far sight vision at nakita ko naman ito.
Ang bilis niyang tumakbo. I'm really impressed. Maybe runner siya?
Sinundan ko siya hanggang sa lumiko ulit siya sa kanan. Nakarating ako sa kaniyang nilikuan kaya agad ako lumiko. Bumungad sa akin ang isang matayog na pader.
What the? Saan napunta ang babaeng iyon? Sigurado ako na dito ko huli siyang nakita.
Inilibot ko ang aking paningin baka sakali na makita siya ngunit ako ay nabigo. Kahit kaniyang anino ay hindi ko nakita.
Napagdesisyunan kong umuwi nalang sa bahay matapos ng mahabang takbuan. Nakarating ako sa kanto ng aking bahay na nakapikit. Sinusubukan kong irewind ang aking nakita kung saan ang eksaktong lugar na nakita ang babae ngunit ayun parin ang itinuturo. Hindi ko rin maalala ang mukha ng babae.
What is happening to me? Ngayon lang pumalya ang ability ko. Who is that girl? Or should I say. What kind of creature is she? And why did she have a scar like I have?
Dahil ako ay nabigo agad kong iminulat ang aking mga mata at sumalubong sa akin ang nasusunog na bahay. Kitang kita ko ang mga apoy sa haligi na malapit na maging abo. Ang pintuan na kinain na ng apoy. Ang mga bumbero na sinusubukan apulahin ang mga apoy. Mga taong nakapaligid dito na nakikipag chismisan na napalingon sa akin marahil sa napansin ang aking prisensya.
What the fuck just happen? Can someone explain to me?
Authors note:
Hello po hahaha. Napa update ako ng wala sa oras hehehehe. Thank you sa mga nagbabasa at patuloy na sumusuporta. I dedicate this to @XxTeyyy
Kindly pm me for more suggestions. Kamsaaa
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro