Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 4: THEO

CHAPTER 3: THEO

Ellaine's POV

Anim na taon na ang nakalipas noong mamatay si Theo. Si Theo ang nagturo sa akin magmaneho. Sa kanya ko lahat natutunan ang mga technique na ginagamit ko sa race.

"Sheshe, tuturuan kita ngayon kung paano mo pa malalampasan ang isang sasakyan sa masikip na daan. Manood ka mabuti," aniya saka inumpisahan ang sasakyan.  Mabilis niya ito pinaandar hanggang sa may matanaw kaming sasakyan sa harapan. Mas lalo niya pa binilisan at nang malapit na kami doon patagilid niyang pinatakbo ang sasakyan. Hindi ko inaasahan ganun ang gagawin kaya napasandal ako sa kanya kanya.

"Sorry, nakalimutan kitang sabihan na humawak," aniya nang malampasan na niya ang sasakyan.  Binagalan niya ang pagmamaneho at hinawakan ako sa ulo na nauntog sa kanya.

"Ayos lang. Sanay na ako," tugon ko. Alam ko naman na tuwing nagmamaneho siya nawawala ang atensyon niya sa iba.

"Hey! Theo race tayo," sigaw ng isang lalaki na nakasakay sa sasakyang palapit sa amin.

"Sige ba. Pero itong junior ko ang lalaban sayo," tugon niya.

"Eh? Ako?"

"Kaya mo yan. Ipakita mo sa kanya ang mga tinuro ko."

Nagpalit kami ng pwesto.

"Paunahin mo muna siya, saka mo siya lampasan sa finish line," aniya bago mag-umpisa.

Sinunod ko naman siya. Nasa kalagitnaan kami ng race nang  nag-umpisang bumuhos ang ulan katulad ngayon. 

"Umuulan. Itutuloy ko pa rin ba?" kinakabahang tanong ko dahil madulas na ang daan.

"Okay lang yan."

Pagkatanaw ko sa finish line, binilisan ko na tulad ng ginawa niya at sa itinagilid ito upang magkasya sa masikip na daan.  Ayos naman ang lahat. Nalampasan namin ang kalaban.

"Theo, nagawa ko!" masayang sabi ko pero nawala din ang ngiti ko nang mapansin ang kakaibang takbo ng kalaban. 

Narinig ko na lang ang pagmura ni Theo sa tabi ko. Huli na nang marealize ko na tatama sa amin ang sasakyan ng kalaban.  Katulad niya nawalan din kami ng control at nagpaikot-ikot sa  daan hanggang sa tumaob kami.

Hindi na ako makagalaw dahil sa takot basta naramdaman ko na lang ang yakap pagyakap sa akin ni Theo bago kami tumaob. Pagkadilat ko nakita ko na lang siyang duguan.

"Theo..." tawag ko sa kanya. Gusto ko gumalaw para tignan ang kalagayan pero  naipit ako sa pagitan niya at ng upuan.  Sobrang sakit ng katawan ko at ramdam ko at medyo nanlalabo ang paningin ko dahil sa dugong pumapatak mula sa ulo ko. Medyo nabawasan ang kaba ko nang makita ko siyang dumilat at ningitian ako.

"Sheshe, I love you," aniya bago muli pumikit.

Hindi ko akalain na ang mga salitang iyon ang huling maririnig ko sa kanya. Basta nabalitaan ko na lang na wala na siya nang madala  kami sa ospital. Hindi na daw siya nakaabot na buhay.

Bzzzzzt.bzzzzzztt.bzzzzzt. Natauhan ako nang maramdaman ko ang cellphone ko sa bulsa. Kinuha ko ito at agad na sinagoy.

"Hello, sino ito?" sagot ko sa tawag.

"Anong sino ito? Baka gusto mo tignan kung sino nagtawag bago sagutin," inis na tugon ni Xander.

"Xander? Bakit ka napatawag?"

"Anong bakit? Bakit ka huminto? Kapag ikaw natalo, hinding-hindi na ako makikipagpaligsahan sayo. Forever loser ka na sa akin. Hindi ka na makakabawi sa pagkatalo mo sa akin."

Napatingin ako sa bintana kung saan nalampasan na ako nila Shyne.

"Sinong nagsabi matatalo ako? Nagpapahinga lang ako," pagdadahilan ko sabay patay ng phone call. Mabilis akong magmaneho.  Hindi ako makakapayag na maging talunan sa iba. Si Xander lang ang pwedeng tumalo sa akin wala ng iba.

Forever loser? No way!

"Congrats!" nakangiting bati sa akin nila Xander pagkabalik ko.

"Grabe ang bilis mo. Akala ko mauuna na ako. Nagulat ko may mabilis na sasakyan na dumaan sa tabi ko," sambit ni Xandra na kasunod ko lang dumating. Ningitian ko na lang siya saka tinignan si Xander.

Gusto ko sa kanya sabihin na panalo ako kaya tuloy ang laban namin. Hindi ako makakapayag na maging forever loser sa kanya. Pero ayoko makahalata ang iba tungkol sa sikreto ko kaya dinaan ko na lang sa tingin.

"Una na ako," paalam ko sa kanila. Panalo na kami kaya hindi ko na kailangan manatili doon.

"Okay. Ingat ka. Salamat sa pagsali,"  tugon ni Xandra. Tinanguan ko siya bilang tugon.

"Wait! Pasabay ako magmamaneho," pigil sa akin ni Xander at bago pa ako makaangal inunahan na niya ako sa driver seat.

Tinaasan ko siya ng isang kilay. Pero parang wala siyang nakikita. Manhid ba siya?

"Whatever!" hinagis ko sa kanya ang susi saka umikot sa kabila para sumakay sa tabi niya. Baka hindi ko din kayanin magmaneho dahil sa ulan.  May takot pa rin ako.

"Bakit papunta ito sa bahay ko?" tanong ko. Akala ko siya lang magmamaneho hanggang sa makarating kami sa condo niya tapos ako na bahala pauwi.

Hindi siya sumagot hanggang sa makarating na kami sa bahay ko mismo. Pinatay niya ang makina ng sasakyan saka binalik ang susi.

"Paano ka uuwi? Ang lakas ng ulan oh!" pigil ko sa kanya bago pa siya makalabas.

Nagulat na lang ako nang hawakan niya ang kamay ko at hinila ako palapit sa kanya saka sinalubong ng halik sa labi.

"Bayad mo yan sa paghatid ko sayo," aniya sabay kindat sa akin at suot ng hood sa ulo niya.

"Wth! Bakit mo ko hinalikan?" inis na sabi ko pero pagtingin ko sa kanya nakatakbo na siya sa malayo. Wala ako nagawa kundi panuorin siyang palayo.

Napahawak ako sa labi ko. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. Wala naman siguro ako gusto sa kanya? Hindi ako pwede magmahal dahil nangako ako na si Theo lang ang mamahalin ko kahit wala na siya.

**********

Xander's POV

"Cute," bulong ko nang maalala ko ang reaksyon ni Ellaine pagkatapos ko halikan. Napangiti ako at napahawak sa labi.

"Iba ang ngiti mo. Nakaisa ka ba?" tanong ni Nathan habang sinabayan ang takbo ko.

"Yeah."

"Sakay na."

Itinigil niya ang sasakyan sa tabi ko kaya tumigil na din ako sa pagtakbo. Binigay niya sa akin ang susi ng sasakyan ko saka siya lumipat ng upuan.

"Thanks," pagpapasalamat ko. Kung wala siya hindi ko magagawang ihatid si Ellaine. Palihim ko binigay sa kanya ang susi ko kanina at pinakiusapan na sundan kami pagkaalis. 

"Ano balak mo kay She?" tanong niya.

"Ganun pa rin."

"Hindi ko maintindihan. Bakit hindi ko na lang diretsuhing sabihin na gusto mo siya?"

"Tingin mo ba maniniwala siya kapag sinabi kong mahal ko siya? Siguro iisipin niya na pinagloloko ko lang siya. Sigurado laro lang ang tingin niya sa ginagawa ko."

Naawa niya ako tinignan sabay tapik sa balikat ko.

"Kaya mo yan bro. Wag ka lang sosobra. Ako kinakabahan sayo. Baka mamaya maulit yung dati. Ayaw mo naman sigurong layuan ka niya?"

"Yeah. I know. Susubukan ko pigilan ang sarili ko."

Hindi na siya muli nagsalita at tahimik na nagmaneho ako. Hinatid ko muna siya sa bahay nila bago umuwi.

"What?!" tanong ko sa kakambal ko na ang sama ng tingin sa akin pagpasok ko.

"Ano ginawa mo kay Ellaine? Akala mo ba hindi kita napapansin," tanong niya.

"Nanaman? Wala ba kayo tiwala sa akin? Wala ako ginawang masama sa kanya," sagot ko.

"Siguraduhin mo lang. Kaibigan ko si Ellaine. Ayokong masaktan siya dahil sa pagiging possessive mo. Isusumbong kita kila Dad kapag nalaman kong may ginawa kang masama."

"Sige lang. Kapag ako pinadala nila Dad sa America, isasama kita sa pag-alis," banta ko sa kanya.

"Hindi ako natatakot sayo. Tataguan kita at siguraduhin kong hindi mo ko mahahanap hanggang sa pag-alis mo."

"Sigurado ka hindi kita mahahanap? Sure ako na kay Rence ka pupunta."



"......."

"Tama ako no?"


Tinignan niya ako ng masama.


"Wag ka mag-aalala. Basta manahimik ka lang hindi ka malalayo kay Rence," inakbayan ko siya at saka kinurot sa pisngi.

"Che! Lumayo ka nga sa akin. Basa ka pa, magpunas ka nga!" aniya sabay tulak sa akin.

"Arte mo."

Inirapan niya ako saka tumakbo papuntang kwarto niya. Napabuntong hininga na lang ako pabagsak na umupo sa sofa.

"Hindi pa rin pala niya nakakalimutan yun? Pero bata pa kami nung nangyari yun. Iba na ako ngayon. Pumayag na nga ako na maging sila ni Rence? Hindi pa ba sapat yun?" bulong ko.

Naiintindihan ko naman na natatakot sila sa pagiging possessive ko. Noong bata kami kamuntik ko na mapatay si Rence dahil sa paglapit niya kay Princess.   Para kasi sa akin noon ang kakambal ko lang pinakaimportante sa akin. Maliban kay mommy.  Siyempre ayoko na maagaw siya ng iba kaya lahat ng nalapit sa kanya maliban sa kaibigan namin, tinatamaan sa akin. Sinabihan ko pa siya na wag lalayo sa akin. Dahil doon nagalit siya sa akin at nilayuan ako. Simula noon  hindi na ako nakialam sa kanya. Pero hindi pa rin mawawala ang pagiging overprotective ko kung nakikita ko naman na may masama na silang ginagawa sa kakambal ko.

Nagulat ako nang may magbato ng tuwalya sa akin. Napatingin ako kay Princess.

"Tulala ka ba diyan? Sinabi na magpunas ka. Ayan pinagkuha kita ng tuwalya. Masama magkasakit," sambit niya saka ako iniwanan ulit. Natawa na lang ako sa inasal sa kanya. Parang ayoko na tuloy siya ibigay kay Rence. Masyado siyang swerte para sa kakambal ko.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro