CHAPTER 2: KISS
CHAPTER 2: KISS
Ellaine's POV
"Saan tayo pupunta?" tanong ko agad kay Xander pagkakita ko sa kanya. Hindi na ko makapaghintay na makauwi agad. Hindi siya sumagot sa tanong ko.
Hinawakan niya ako sa kamay at saka nag-umpisang maglakad. Aangal na sana ako dahil nagmumukhang akong girlfriend niya dahil sa pagkahawak niya sa kamay ko. Lumapit ako sa kanya at saka bumulong.
"Hindi mo ko kailangan hawakan. Susunod naman ako sayo kahit saan ka magpunta," sinubukan ko alisin ang kamay niya pero mas lalo lang ito humigpit.
"Kiss or holding hands? Mamili ka?"
Natigilan ako sa tanong niya. Siyempre mas pipiliin ko ang holding hands kaysa kiss. Hindi naman ako tanga para hindi makuha ang ibig niyang sabihin.
"Good!" aniya sabay ngiti at tumuloy na sa paglalakad. Tinaas ko na lang ang hood ko at saka yumuko para hindi ako makilala ng mga tao sa mall.
Itabi pa naman ang isang nerd sa isang magandang lalaki, hindi mawawala ang inggit sa mga mata ng mga babae. Siguro iniisip nila kung ano nagustuhan sa akin ni Xander. Bakit mas pinili niya ang isang nerd na katulad ko? Ang hindi nila alam walang kami. Hindi ko alam kung anong trip ng lalaking kasama ko bakit gusto niya hawakan ang kamay ko.
"Aww! Bakit ka tumigil?" tanong ko pagkatapos ko tumama sa likod niya. Nakayuko kasi ako kaya hindi ko agad napansin na tumigil siya.
"May sumusunod sa atin. Friend or enemy? Ano sa tingin mo?" tanong niya.
"Enemy. Assassin," sagot ko. Kanina ko pa napansin na may nakamasid sa kanya. Pagkadating ko napansin ko agad na may nakamasid sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay nang mapansin kong nakatitig siya sa akin. Wala siyang sinabi pero hindi niya inalis ang mata niya sa akin. Mula sa galaw ng mata niya, kitang-kita ko na sinusuri niya ako.
"What?" inis na tanong ko. Ningitian niya ako. Saka lumapit sa akin. Napaatras ako bigla dahil sa gulat pero hinawakan niya ako sa bewang at hinila palapit sa akin.
"Sabi ni Princess, may laban ka mamaya. Bakit hindi ka na magpalit ngayon, Shekinnah?" bulong niya. Ramdam ko ang pagdikit ng labi niya sa tenga ko. Alam ko na alam niya ang sikreto ko pero hindi ko akalain na sasabihin niya sa akin na magpalit na mismo. Tinulak ko siya at saka ningisian.
"Bakit? Ayaw mo ba makita ng iba na may kasama kang pangit?"
"Pangit? Sa totoo lang mas gustong ako lang makakita ng totoong itsura mo. Atleast walang ibang titingin sayo."
"Alam mo kung hindi ko lang alam na pinagtitripan mo ko, iisipin kong gusto mo ko."
"Paano kung sabihin ko sayo na gusto talaga kita?"
"Impossible."
Nawala bigla ang ngiti niya at makikitang badmood siya. Muli niya ako hinila at wala ng sinabi. Nagpunta kami sa bilihan ng damit. Kumuga siya ng leather jacket at jeans na itim saka binayaran bago ako muling hilain papunta sa bilihan ng make up. Kumuha ng make up. Bumili din siya ng contact lens. Pinagtitinginan siya ng mga babae pero parang wala lang sa kanya. Hindi ba siya natatakot na mapakamalang bakla?
Dinala niya ako sa sasakyan habang bibit ang pinamili niya. Binuksan niya ang pinto.
"Magbihis ka," binigay niya sa akin ang damit na binili niya at pabagsak na sinara ang pinto. Napabuntong hininga na lang ako dahil alam kong wala akong choice kundi sumunod sa kanya. Nagbihis ako agad at nang matapos ako, binuksan ko ang bintana.
"Tapos na ako."
Tinignan niya ako saglit bago pumasok sa loob at nilabas ang mga make up na binili niya. Nagulat ako nang bigla siyang humarap sa akin at akmang lalagyan ako ng make up.
"Wait! Kaya ko nagmake up," kontra ko sa kanya. Alam ko balak niya ako ayusan. Hindi naman ako slow pero lalaki siya. Baka mas lalo ako magmukhang halimaw.
"Wag ka mag-aalala. Alam ko ang ginagawa ko. Kung ayaw mong itali kita, ibaba mo ang kamay mo at umupo lang diyan."
Ningisian niya ako na para bang nabasa niya ang nasa isip ko. Sa takot ko na itali niya talaga ako. Sinunod ko na lang siya at hinayaan na lagyan niya ako ng make up. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya tuwing lalapit ang mukha niya. Binuksan niya ang lipstick dahil ayun na lang ang hindi niya nailalagay. Hinawakan niya ako sa ibaba at itinaas ng kaunti ang mukha ko.
Napalunok ako bigla dahil sa sobrang lapit niya. Kung wala lang siyang hawak na lipstick, iisipin kong hahalikan niya ako. Nagtaasan bigla ang buhok ko sa batok nang gamitin niya ang daliri niya para lagyan ako ng lipstick. Para ako kinuryente nang dumikit ang balat niya sa labi ko. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Nagkunot ang noo niya.
"Wala naman akong pulang nilagay sa mukha mo. Bakit namumula ang mukha mo?" tanong niya. Gusto ko sabihin na siya may kasalanan pero nanahimik na lang ako. Baka isipin niya na nahulog ako sa kanya. Tinignan ko sa salamin ang mukha ko at hindi ko inaasahang maganda ang kinalalabasan ng ginawa niya.
"Bakit marunong kang gumamit ng make up?" tanong ko.
"Tinuruan ako ni Princess," sagot niya.
"Bakit?"
Umiwas siya ng tingin sa akin at saka hinila ang tali ko sa buhok at saka ito sinuklayan. Napangiti ako bigla nang mapansin kong ayaw niya ako sagutin.
"Alam ko na. Tinuruan ka niya para magpanggap na siya," sambit ko. Bigla siya natigilan senyales na tama ang hula ko. Tatawa na sana ako ngunit tinignan niya ako ng masama.
"Subukan mo tumawa, hahalikan kita."
Napatakip ako bigla ng bibig at umayos ng pagkaiba. Hindi ko maiwasang isipin ang itsura niya habang nakadamit na pambabae. Napailing ako bigla dahil alam kong mas maganda siya sa akin kung mag-aayos siya. Bilang babae mahirap tanggapin na mas maganda pa sayo ang isang lalaki.
"Ano iniisip mo?" tanong niya sa akin.
"Pati pa naman sa kagandahan, talo ako sayo."
Ramdam ko ang matalim niyang tingin na para bang gusto niya kong saktan. Sino pa naman lalaki ang gugustuhin tawaging maganda?
"Gwapo ako," aniya sabay hagis sa akin ng lalagyan ng contact lens. Sinalo ko naman ito agad at agad na nilagay iyon. Ayoko na makipagtalo sa kanya dahil gwapo naman talaga siya.
"Habang naglalagay ako ng contact lens may napansin ako sa reflection ng salamin."
Nanlaki ang mata ko at mabilis na hinila si Xander palapit sa akin. Abala ito sa cellphone niya nang hilain ko siya. Rinig ko ang pagtama ng bala sa sasakyan. At dahil sa gulat ko sa tunog. Aksidenteng kong nahalikan si Xander.
"S-sorry. Hindi ko sinasad--" iaangat ko na sana ang ulo ko pero hinawakan niya ako sa batok at muling hinalikan. Gusto ko sa kanya sabihin na hindi ito ang oras para lumandi. May gusto pumatay sa kanya.
"Okay. Nakuha ko na ang premyo ko. Next time kapag natalo ka ulit, kiss ulit ang premyo ko," aniya sabay upo na parang walang nangyari. Tinignan lang ang tinamaan ng bala at nagtungo sa driver seat upang magmaneho. Hindi ko maiwasang humanga sa pagiging kalmado niya kahit na may gustong pumatay sa kanya.
"Saan tayo pupunta?"
"Saan mo gusto?"
"Pwedeng kumain muna tayo?"
Kanina pa ako nagugutom. Hindi kasi ako nakapag-almusal dahil sa kakamadali.
"Okay."
Nagtunggo kami sa isang restaurant na unang tingin pa lang, makikita mong mamahalin doon. Nag-order na kami at tahimik na kumain.
"Ako na magbabayad ng kinain ko," sabi ko sa kanya sabay kuha ng wallet pero pinigilan niya ko.
"Ako na. Ako nagyaya lumabas, kaya ako magbabayad. Ako din nagdala sayo dito kaya sagot kita," aniya sabay bayad. Hindi na ako nakakontra dahil kinuha agad ng waiter yung bayad.
"Cr lang ako," paalam ko sa kanya. Palihim kong kinuha ang isang karayom na may pampatulog. Tinusok ko ang isa sa nagpapanggap na costumer at tumuloy sa cr.
Paglabas ko nakita ko ang assassin na walang malay sa table niya. Pinalibutan ito ng mga waiter.
"Let's go," sabi ko kay Xander.
"Good job," bulong niya sa akin habang palabas kami ng restaurant. Hindi na ako magtataka kung alam niya ang ginawa ko. Pakiramdam ko nga lahat ng sikreto ko alam niya. Mahirap makipagkaibigan sa matalino.
"Ayoko na may nakabuntot sa atin. Saan na tayo pupunta??"
"Balik tayo sa mall."
Tinanguan ko siya bilang tugon. Pagdating namin doon, wala kaming ginawa kundi maglaro. Siyempre hindi mawawala ang pustahan.
"Panalo ulit ako. Madami ka ng utang na kiss sa akin," aniya sabay ngisi. Halos lahat ng laro doon nilaro namin at lahat talo ako.
"Nakailang panalo ka ba?"
"24 win. May 24 kiss ako sayo."
Nanlaki ang mata ko. 24 kiss? Sino matinong tao gagawa nun?
"Bakit puro kiss? Sinaniban ka ba ni Lance? Pwede iba na lang?"
"No! Dapat nga magpasalamat ka sa akin dahil kiss lang ang hinihingi ko."
Tinaasan ko siya ng isang kilay. Bakit naman ako dapat magpasalamat doon? Hindi naman kami pero kiss ang hinihingi niya.
"Kung si Lance ang kaharap mo sigurado hindi lang kiss ang hihilingin niya."
Pagkarinig ko ng pangalan ni Lance, nakuha ko agad ang punto niya. Dapat magpasalamat ako sa kanya dahil hindi katawan ko ang hinihingi niya.
"Tara sa condo," aniya sabay hila sa akin.
"Bakit sa condo mo? Ano gagawin natin doon?"
"May laban ka mamaya diba? Sabay na tayo mamaya. Doon muna tayo habang maaga pa. Wag ka mag-alala, wala ako gagawin sayo. Maliban na lang kung gusto mo may mangyari."
Nag-init bigla ang mukha ko.
"Bakit ko naman gugustuhing may mangyari? May video game ka doon diba? Bakit hindi natin ituloy ang laban? Kapag nanalo ako, walang kiss na magaganap," panghahamon ko.
"Sigurado ka ba diyan? Paano kapag nanalo ako? Nadadagdagan yung utang mo. Nakalimutan ko sabihin na ako namimili sa kung saan kita hahalikan."
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Napayakap ako bigla sa sarili ko. Weird. Hindi naman ganito si Xander dati. Pakiramdam ko tuloy si Lance ang kaharap ko.
Kinuha niya ang kamay ko at saka ako hinalikan doon.
"First kiss," aniya sabay ngiti sa akin. Pagtingin ko sa kamay ko may kulay pula doon. Hindi lang basta kiss ang ginawa niya. Sinugurado niyang may marka na maiiwan. Napanganga na lang ako sa ginawa niya. Unang kiss pa lang yun. May 23 pa. Ibig sabihin pa nun magkakaroon ako ng 24 kiss bite?
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro