Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Epilogue



NATALIE



“Tapos, sinabi niya sa akin na gusto ka daw niyang maging friend sana kaso he find you witty kaso ikaw ang bet ng crush niya na si Orange,” sabi niya pa at hinawakan ang dulo ng buhok niyang hanggang baywang. “Knowing na straight pa sa Bering strait si Orange, he accepted his defeat at hinayaan si Orange sa 'yo hanggang sa dumating ang ating grad ball noon,”





“Girl, hindi mo alam ang inabot na heartbreak ni Orange sa 'yo nun, at si Acer? Nakasilip lang sa kaniya, ganoon naman kasi talaga diba? Pag 'di mo kayang abutin, ang tanging magagawa mo nalang ay tingalain,” sabi pa ni Shaira na may kasamang hugot.





“That time, nagalit sa 'yo si Acer, pinagkatiwala niya ang papable na si Orange tapos babastedin mo lang? So ayown, chamba for him na bortdey mo, that's why he grabbed the opportunity to break your achey breakey heartey,” sabi niya, yeah. Naalala ko na at nagtutugma ang sinasabi ni Shaira sa akin.





Napatayo naman ako at niyakap si Shaira. “I miss you too bes, pero babalik pa ako sa school, bye!” sabi ko at agad na sumakay sa jeep na pa-divisoria para makabalik sa school. Sa Kagandahan High School, ang lugar ng heartbreak ko.





Pagdating ko sa school agad akong dumiretso sa office ng KaPAPEL at positive, nandoon siya.





“Zion, I want you to be my Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services and Administration in this world full of hurricane of heartbreaks, I feel secured in your area of responsibility,” sabi ko at hinila si Zion para halikan ng may nagsalita.





“Ang arte naman, sabihin mo nalang I love you, daming say eh” pake mo girl?! Inggit ka?!





Pero natahimik ang lahat ng biglang padabog na tumayo si Orange at lumabas ng room. Owemji?! Si Acer lang naman ang problema ko eh, I forgot Orange likes me! Shuta, ang hirap maging cutenesses!





“I don't like what you did, you became heartless by saying that infront of others” biglang sabi ni Zion at nagwalk out. Tuunu! Nawawalan na ako ng lablayp! Pero may kirot yung sinabi ni Zion. How dare me to say that to him infront of Orange. “Sorry, I became insensitive.”





After a week, walang pansinan ang nangyari sa aming apat. Hanggang sa nabulabog kami ng biglang may flash report sa freedom board galing sa KHS News na may debate daw na magaganap sa pagitan ni Sunny Saydap, SSG Secretary Anja Olivares at sa Theater Club president na si Aila Agravante.





“I'M STICKING WITH THE PLAY'S ORIGINAL TITLE, ANG BABAENG WALANG JOWA” at 'yon ang topic nila. Ang school prince.. principal ang magdedecide ng papanigan after hearing them out.





“But I think, Walang Jowa Forever with question mark in the end will make others buy it,” sabi naman nu Aila Agravante, siya ang gaganap na Alexandra kaya naman LQ sila kuya at si ate Alexndra kase final say na pumayag si kuya na gumanap bilang sarili niya sa play.





“Girls, I think mas mabenta ang title na, ‘Wo ai ni, fake love’ ang ipamagat. Sabi ng feng shui expert, swerte daw 'yon,” sabi naman ni SSG Secretary Olivares.





Ang sakit naman ng mga title na binigay nila. Binigyan sila ng sampung minuto para magtalastasan hanggang sa nagtaas ng kamay si School Prince ng kamay at nagdecide.





“Order in the court!” sabi niya kaya lumapit 'yung nagtitinda sa canteen at binigyan siya ng listahan ng pagkain.





“Pizza nga please, thank you” sabi ni School Prince.. principal.





“I have decided, FAKE LOVE LOVER'S LOVE, 'the walang jowa' story ang title ng ng play” at ayon, pinish na.





“Miss Sandoval, Mr. Fuentes, ano ba?! You have been on that situation pero bakit di niyo magawa ng maayos?! Reenact it!” gigil na sabi ni direk Angi Alajar, pertaining to the kissing scene! Mygosh naman! Sya kaya dito sa role ko? Chos, wag na, ako nalang.





“WOOOHHH!! ANG GANDA AT ANG GALING NAMAANN KAHIT MARUPOK YUNG BIDAA!!” sigaw ng mga audience matapos namin maisagawa ang play after many months.





“So, Miss Natalie Sandoval, kung may pinagsisihan ka, ano 'yon?” sabi ni Miss Jessibel Suha sa show namin ngayon, tumingin ako sa camera at ngumiti. I have been very far.





“Pinagsisihan? Siguro... 'yung araw na binasted ko si Orange, nung graduation ball namin,” sabi ko at nagpasinghal. Malay ko ba na si Zion at Acer pala ang mag-e-end game? At si Orange? Hay nako, sh*tang s*mpa 'to.





“If you are going to thank someone? Who will it be?” tanong niya ulit.





“BTS, thank you for the Fake Love song,” sabi ko at napatingin kay Shaira na nakayakap kay Orange, opo, sila na po.



“Kundi dahil senyo, wala akong lovelife ngayon,” sabi ko at napatingin sa jowa ko. Si Prince.. principal.





Akalain mong eto ang aabutin ko ng dahil lang sa Fake Love na 'yan?! At eto, ang kwento ng loka-lokang babaeng nagpasound ng fake love. #ButiNalangHindiAkoNaMentalHospital









END

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro