[1] Ranked Girl | Side Story #1
NATHANIEL
Heyyoww, wazzup! Ako ang pinakagwapong nilalang sa balat ng skinless na lupa, Nathaniel Sandoval.
"Mrs. Sandoval, wala na po talaga akong magagawa, hindi na po kaya ng eskwelahan namin ang kakulitan ni Nathan," napayuko naman ako at napasimangot sa narinig kong sinabi ng principal kay mama.
Nako ser, sustentuhan mo ako. "Kawawa ka naman kuya, pangit na nga, nakatadhana pang mawalan ng pera," parang ahas na bulong ni Natalie, ang nakababata kong kapatid na ang sarap isako.
"Nathan.." parang nanggagalaiti at nagpipigil lang si inay na ihampas saken 'yung pinakamalapit na monoblock chair.
"Ano na naman ba ang ginawa mo?" parang nakikita ko ng bumabaon sa kahoy na mesa ni sir ang mga kuko ni mama. Nako, ako yata ang masasako ngayon.
"Ma, kumalma ka, wala akong binugbog na estudyante," pagpapakalma ko kay mama. Baka paluin na naman niya ako ng pinagdugtong-dugtong at dikit-dikit na sanga ng aratilis, nakakahiya ka 'yon, sye-yaman!
Akala ko gagatungan pa ni Natalie ang galit ni mama. Tinapik niya ang balikat ko at dahan-dahang tumango. "Naniniwala ako kay kuya, sa payat neto?! Baka pitikin mo lang 'to, lilipad na 'to eh" sana ginatungan niya na lang pala 'yung nag-aapoy na galit ni mama.
"Gan'to kasi 'yon ma," sinumulan ko sa kalmadong mga salita. Baka kasi mabukulan ako ng wala sa oras. Nasa school pa naman ako, baka makasalubong ko 'yung crush ko mamaya eh.
"Hindi ko na kasi alam kung anong gagawin ko sa hindi mapigilang kagwapuhan ko..." pagsasabi ko ng katotohanan.
"Kuya, bago ka magpatuloy, gusto ko lang sabihin na hindi ka crush ng crush mo kaya paano mo maja-justify na gwapo ka nga" pagsingit na naman ni Natalie. May sako ba dito?! Pahiram nga.
Matalim ko siyang tinignan, "Ikaw ba si mama? Ikaw?" pamimilosopo ko sa kaniya. "Hindi ko naman kasi kasalanan na nagrambulan sila Jesica, Liane, Rhianne, Trisha, Elizabeth, Josephine at Kryztene," sabi ko sa kanila. Bigla namang umiling ang principal, si mama at si Natalie.
"Kuya, pinagsabay-sabay mo daw sila," sabi ni Natalie. Teka nga, ba't ba nandito 'tong pangit na 'to?!
"Witness ako sa rambulan kanina ng mga girlfriends mo, kung may award lang sa pagiging loyal, disqualified ka kuya"
"Kung may award lang sa pagiging pakielmera at chismosa, champion ka na" bawi ko sa pang-aasar niya pero sa halip na maasar, nginisian pa ako ng bubwit.
"Atleast, may award? Eh ikaw? Disqualified," naikuyom ko ang kamao ko. Makahanap nga ng sako mamaya pagkatapos ng date namin ng principal ng MARUPOK HIGH SCHOOL.
"Mag-explain ka na Nathan, pero hindi na talaga namin kaya ang mga gulong ginagawa mo," sabi ni principal at napahilot ng noo. Masyado ka naman ser, pero okay lang. Sanay na rin naman ako sa mga nagagalit sa akin at naiinggit sa taglay kong kagwapuhan.
"Sinabi ko na sir, hindi ko talaga kasalanan kung gwapo ako at nag-aagawan sila sa akin, anong magagawa ko? E' gwapo lang ako?!" sabi ko na medyo nanlulumo.
Mapapatalsik ako sa Marupok HS dahil sa kagwapuhan ko. Ang hirap maging gwapo, pogi problems are the worst.
"Napakasinungaling mo kuya, hindi ka nga mukhang tao tapos tatawagin mo ang sarili mo na gwapo? Tsk, tsk, tsk, malala na 'yan," si Natalie na basag trip.
"Kayoong dalawaaa~ napakasakit niyo sa ulo ko!" nanggigil na sabi ni mama habang naglalakad kami pauwi. Agad naman na pumwesto sa gilid ko si Natalie at hinarang ako kay mama.
Magaling na bata, ginawa akong shield kay mama. "Si Kuya lang 'yon, ma, ang bait-bait ko kaya," sabi niya, hindi ako naniniwala, Natalie.
"Nathan, hindi ako natutuwa na ipinatawag na naman ako ng principal," sabi ni mama. Nakita ko si Natalie na pasimpleng umakyat sa kwarto niya.
"H'wag ka ng magtangkang tumakas, Natalie, umupo ka dito," turo ni mama sa tabi ko. Biglang naging biyernes-santo ang pangit na mukha ng kapatid ko.
"Ma, maghugas ako ng plato-" nagtangka pa si Natalie pero naputol ang sinasabi niya ni mama.
"H'wag kang atat, Natalie, ikaw din ang maghuhugas ng plato pagkatapos ng sermon ko," narinig ko ang biglang mura ng pabulong ni Natalie. Hugas-pinggan palusot pa more.
"Bilang parusa sa sakit ng ulo na ibinigay mo sa 'kin, paparusahan ko kayo, ikaw, Nathan, simula ngayon, ikaw na ang magpapalit ng diaper at maglilinis kay Natasha kapag nagpoo-poo siya," oh shoot.
"Pero ma-" hindi pinansin ni mama ang protesta ko. "Babawasan ko rin-ah hinde" napakalma ako sa biglang 'hinde' ni mama.
"Wala kang allowance hanggang sa susunod na dalawang linggo" pak-siw!
"Ikaw naman, Natalie" salamat naman at 'yon lang ang parusa sa 'kin.
"Wala kang allowance, kayong dalawa ang maglinis ng bahay ngayon, kapag may narinig akong nag-aaway na mga pangit, kukumpiskahin ko ang mga cellphone, tablet at laptop niyo," sabi ni mama na agad kong sinegunduhan.
"Ma, cellphone lang, wala kaming laptop."
"Ah basta! Maglinis na kayo, at nga pala... Pareho kayong lilipat sa Kagandahan High School" sabi ni mama at humikab at umakyat na.
"Kagandahan High School?" halos sabay naming bulong ni Natalie.
"Teka!" tinuro ko siya.
"Bawal ka dun, hindi ka maganda" sabi ko at bigla na lang may paang tumapak sa paa ko. Isasako ko na talaga 'tong pangit na 'to.
"Kuya, payong kapatid, kung gusto mong magtagal sa Kagandahan High School kahit hindi ka gwapo, pagandahin mo na lang ang ugali mo," naningkit ang mata ko sa sinabi ni Natalie-na-sa-iba-ang-pag-ibig-niya-at-di-na-mababawi-pa.
"Para ba sa 'kin 'yan, o para sa 'yo?" tanong ko.
"Sandoval, pumasok ka na, introduce yourself," sabi ng teacher namin. Pagpasok ko may ibang nakasmile na abot sa tenga.
Ang iba naman nakatutok ang mga camera sa akin ng palihim. "Nathaniel Sandoval, galing ako sa..." nag-aalangan ako sabihin ang school namin eh.
"Marupok High School," sabi ko na nagpatawa sa ilan. 'Uy, 'yung pangalan lang ng school 'yung marupok, pero strong ako.
"Doon ka na lang umupo sa may likod na upuan ni Miss Malvar," turo ni ma'am sa pwesto na nasa pinakadulo na at tabi na ng bintana. Nakita ko 'yung babaeng parang may sariling mundo at nagsusulat sa notebook niya.
"Hello, Miss Malvar" bati ko sa babaeng nasa harap ko pero hindi ako pinansin. Anong problema nito?
"Miss? Hindi mo ba ako naririnig?" tanong ko. Nagsimula ng maglecture 'yung teacher pero hindi pa rin lumilingon ang babae. Hindi kaya multo lang 'tong babaeng nasa harap ko?
Dahil parang multo naman ang babaeng 'to, sinubukan kong hawakan ang buhok niya hanggang sa maabot ko ang tenga niya, sabi na eh!
Agad kong hinila ang nakapa kong airpods kaya halos sabay kaming napatayo. "Hoy! Bakit mo hawak 'yan?! Papansin ka ba?!" galit na galit niyang sigaw sa akin.
"Para ka kasing multo-" napatigil ako kasi naisip kong dapat hindi ko sinabi 'yon.
"Ma'am! Si Malvar, nag-e-airpods!" sumbong ko kaya naman napagalitan si Malvar. Alexandra Denise Malvar pala ang pangalan niya, tahimik lang siya. Hindi siya masyadong nakikipag-usap sa mga kaklase niya.
Siya ang top student sa KHS, teka. Paano pala ako naipilit ni mama na mailagay sa highest section e medyo hindi maganda ang history ko sa Marupok High School? Marunong pala na magmagic si mama.
Pagdating ng uwian, hinintay ko ang kapatid ko sa may classroom niya. Nakita naman ako agad ni Natalie kaya kumaway siya sa akin at lumapit kasama 'yungnibang mga kaklase niya siguro.
"Hala? Natalie, boyfriend mo? Akala ko ba ayaw mo sa matatanda?" tanong nung isa na kinonyatan naman nung isang baklang kasama niya.
"Ano ka ba?! May hustisya naman e kasi gwapo si fafa, pero 'di ako naniniwalang jowa ni Natalie 'yan. Natalie pa? Mukha nga siyang single forever-este no bf since birth e'" nakakaawa ka aking kapatid pero mas naawa ako sa sasapitin ng mga kasama niya sa kaniya.
"Mga kaklase kong chismosa na nga, pangit pa. Bago kayo magsalita ng hindi maganda, alalahanin niyong nasa Kagandahan High kayo, bawal ang pangit dito kaya kung ako sa inyo, try niyong lumunok ng make-up at baka sakaling gumanda kayo at malaman niyong hindi ko kayo kailangan kaya makakalayas na kayo" mahabang sabi niya at lumapit na sa akin.
"Kuya kong dukha sa mga susunod na dalawang linggo, sa canteen muna tayo, bibili ako ng milktea ko lang," sabi niya at nauna na sa 'kin.
"Pangit kong kapatid, saglit lang" sabi ko.
"May pupuntahan lang ako kaya hintayin mo ako sa canteen" pagpapaalam ko at agad na pumunta sa may library. May narinig kasi akong may kailangan daw ng student aide doon eh. Baka pwedeng doon muna ako kumuha ng pera ko hindi ba?
"Milktea nga po," nagulat ang kapatid kong pangit na nga, ang pangit pang magulat ng malamang bumibili ako ng milktea.
"Kuya kong dukha? Ang kapal natin gumasta pa ng natitira mong pera kahit na aware tayong wala kang allowance for the next two weeks ah?" sabi niya, tsk, masyado naman bilib 'tong si Natalie.
"Balita ko ginagamit ang utak ah? Bad for you, kahit mabalitaan mong uso ang paggamit ng utak, 'di mo magagawa kasi wala ka naman nito," sabi ko at tinuro ang sintido ko. Pag-angat ko ng tingin ko, may nakita akong anghel.
Agad akong napangiti at nung dumapo ang paningin niya sa akin ay agad ko siyang kinindatan pero parang ako yata ang naging multo ngayon. Ito na ba ang ganti ng isang babaeng isinuplong ko sa teacher?!
"Maganda?" dinig kong tanong na agad kong sinang-ayunan. "Sobrang ganda, para siyang anghel na may lahing greek goddess" paglalarawan ko sa kaniya. "Crush mo?" follow up question. "Oo naman-" natigilan ako ng may magising ako sa katotohanan. Holy carabao, ano ang nangyari?!
"Hoy, Natalie! I-delete mo 'yan!" utos ko sa kapatid kong kanina pa pala ako vini-videohan.
"Kuya, sa akin na ang 'yang milktea mo," sabi niya. Ano?! Anong kaniya na lang?! Alam niyang wala na akong pera sa susunod tapos hihingiin niya pa 'to?!
"Ayoko" sabi ko agad. Pinakita naman niya sa akin 'yung video na ifo-forward niya kay Alexandra Malvar, doon sa multong babae.
"Ano ulit?" pambihira kang bata ka.
Gustong-gusto na kitang isako kung alam mo lang. "Sabi ko, ayokong isend mo 'yan sa kaniya kaya sa 'yo na 'to," badtrip!
"Kuya kong pangit, ilibre mo ako ng pamasahe" utos niya pa.
"Medyo kumakapal na ang mukha naten, Natalie pangit ah?" lakas ng loob naman na ipag-utos na ilibre ko siya e bukas pa lang ako magiging student aide.
Agad naman niyang nilabas ang cellphone niya. "Ililibre mo ba ako o ililibre mo?" ang daming pagpipilian grabe, nalilito ako.
"Ilibre kita kahit labag sa loob ko, pangit na nga demanding pa" pagpaparinig ko sa kaniya.
"Tawagin mo akong master," WTF?!
"At bakit-" natigil ako ng buksan niya ang cellphone niya at nakawallpaper ay 'yong anime na pinanood niya.
(CCS: Cardcaptor Sakura, si Meiling, Tomoyo, Sakura, at Syaoran) "Hindi kita ililibre, master?" kung hindi lang ko mukhang t*ngang nakatulala kay Alexandra, ang babaeng multo sa video na 'yon. Wala sanang bl*ckm*il sa akin 'tong kapatid ko.
To be continued . . .
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro