Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

08 | His Lady

NATALIE



“How dare you?!” at ayon nga, nagsabunutan kami ni Apple Pie at muli na naman akong nakipagdate sa school admin na si Miss Ramirez. “Ikaw na naman, kelan ka ba magtatanda?” stress na tanong niya. “Kapag matanda na ako” gusto ko sanang isagot kaso bawal palang sumagot sa mga matatandang nakakatanda.





“SUS MARYOSEP, NATALIE SANDOVAL, ANO ITONG NAKARATING SA AKIN NA NAGUIDANCE KA NA NAMAN?!” yung litanya ni miss Ramirez? Dry run lang 'yon yung kay mama yung main dish. Ano kaya yung dessert?!





“AT BAKIT MAY GWAPONG LALAKI KA NA NAMAN?! AT BAKIT WALA KA PA DING INUUWI DITO PARA SA MAMA MO?! NAPADAMOOT MO TALAGANG BATA KA!” mahabang litanya ni mama. Si Kuya Nathan naman pasipol-sipol lang. “MA! AKO NA MAGHUHUGAS NG PINGGAN” #playsafe pa more!





Napatayo ako sa narinig ko habang umiiling sa sinabi ni mader. “Fake news ang nakarating sa 'yo may bery byutipul mader, hindi ako naguidance kanina! Absent si Miss Asuncion, na-school admin lang. Atsaka ma, wala ka naman sinabing pangalan, sino ba ang gusto mong iuwi ko dito? Si Alden Richards ba?”





Sipol sipol na naman si kuya, na nag-aayos ng sarili matapos ayusin ang bahay habang ako nakikinig sa litanya ni mader. hA! Ako nakikinig lang sa sermon, siya para masafe ang sarili, naglinis ng buong bahay. Nathanganiel yata dapat pangalan niya.





“Oh? Lalayas ka na naman? Mabuti 'yan, kapatid” sabi ko ng nang-aasar. Nginisian niya naman ako. “Pupunta dito si Alexandra, 'yung girlfriend ko. Magda-date kami mamaya sa terrace. Di mo alam yung date noh? Wala ka kasing jowa” nakakapanggigil na sabi ni kuya. Pwede bang sapakin ko siya?! Nagkunwari naman akong shock sa narinig ko. “Woah! Kayo pa rin? Tibay nun ah?!”





Nagtapon siya sa akin ng masamang tingin. “Anong ibig mong sabihin?” bakEt?! Galit ka?! hA? Hatdog! Sinong tinakot mooo~~ ako bAaaAaaA?? mAtApANg yAtA akOoooo~~ nakanta ka? Okay lang kung hinde.





This time, it's my turn to smirk (syEt, kabugin nio inglesh kO) “Sabi ko ang tibay ni Ate Alexandra at ng sikmura niya, isipin mo natagalan ka nun?” nang-aasar pero kunwari mangha yung itsura ko habang nagsasalita. Don't mess with me bradah, bak-of la kang palag sa ken yOw!





Nanlilisik na ang mga mata ni kuya Nathan sa akin. 'Yung tingin niya para bang ready na siyang manakal ng cute tapos isasako niya at pagsusuntukin nung biglang may kumatok. Yes! Save by the knock!





Parang si the flash si kuya pumunta sa pinto at buong ngiti na binuksan ang pintuan at sinabi niya “Hello honey” tapos nakanguso na siya without knowing na yun yong katok na yon ay para saken.





Tinulak ko siya, “Umalis ka nga!” nagmamaldita kong sabi pero ngumiti agad ng makitang gwapo yung nagdeliver ng pizza ko. “Hello, bebeboy!”





“Enjoy eating ho maam,” sabi nung pizza delivery boy at pinaharurot ang motor niya ng makita ako. Shuta siya! Ang cute ko kaya!





Pagkaharurot ng motor nung delivery boy e nalanghap ko ang maitim na usok kaya napaubo ako ng medyo malakas. “SHUTA KA KUYA! HINDI KA GWAPO! CHE!” nanggigil kong sabi at padabog na sinara yung pinto pero may biglang kumatok kaya inis kong binuksan 'yon.





“HINDI AKO TUMATANGGAP NG SORRY KUNG BIGLANG NAGBAGO ANG ISIP MO AT GUSTO MO NA AKONG LIGAWAN!” isasara ko sana ulet kaso napatigil ako sa narinig at nakita ko. “Uh, hi, Natalie?”





Napasilip naman ako sa kuya kong nandoon na sa sala at... shutang inerns! Nilalamon niya na yuyng pizza ko! “Hello, Ate Alexandra, pwede shh nalang muna tayo? Alam mo naman siguro 'yung terrace namen diba? Pwede dun ka? Dumaan ka nalang sa bakuran, wag ka magpapakita kay kuya ha?” bigla naman nagningning ang mata ni Ate Alexandra sa sinabi ko at sumunod sa akin. 'Yan ang gusto kong sister-in-law.





Lumapit ako kay Kuya Nathan na sarap na sarap sa pagkain ko. “Masarap ba?” tanong ko na nanggagalaiti. Tumango siya at nagthumbs up, “Oo, alam mo, ikaw na talaga ang pinakakyut na kapatid sa balat ng universe” sabi niya habang ngumunguya.





“Kuya, walang balat ang universe” blangko ang mukha kong sabi. “Edi hindi ka kyut,” nagtwitch ang left eye ko sa sinabi niya. GrrRr! Tignan talaga naten kung anong mangyayari sa 'yo pag nalaman mong di ka sisiputin ni Ate Alexandra.





“Cute kong kapatid...” napalingon ako sa sinabi ng kuya ko. “Yes! May nasabi ka ring matino!” sabi ko na may ngiting tagumpay.





“Pwede sa akin nalang 'tong buong pizza?” tanong niya sa akin kaya napatingin ako sa kahon na wala ng laman tapos ang huling slice ay ninanamnam na niya. Gusto ko na talaga siyang sapakin pero hindi nalang. Mas maganda na yung mangyayari mamaya hehehe.





Naspeechless naman ako dahil sa sinabi niya at sa nakita ko. Napatayo nalang ako at nagtoast ng isang loaf ng tinapay para kainin. 'Yung kalahati habang pinapanood si kuya na hinihintay si Ate Alexandra, ang maganda niyang jowa na baka kaniyang ginayuma.





Naghintay ng naghintay si kuya hanggang sa umabot na ng 5:00 at napatayo na siya at sa nakasandal na sa pintuan ng bahay namin na naghihintay. Kawawang shunga naman 'to pero bahala siya diyan. “Shuters, paano ko naman hahanapin ang ‘x’ e wala pa nga akong jowa?!”





Akala ko magre-react si Kuya sa sinabi ko at ibabarsh na naman ako at ipapamukha sa akin na wala akong lablayp pero hindi. Naghintay lang siya ng tahimik. Tumitingin sa mga dumadaan.





Hanggang sa umaboy na ng 6 o' clock at wala pa rin siyang say. Kinalabit ko siya, “Hanggang kailan ka maghihintay dito?” tanong ko sa kaniya.





“Hanggang sa dumating siya” sagot niya sa akin.





“Eh paano kung hindi siya dumating?” takang tanong ko.





“Edi hihintayin ko pa rin siya kasi ang sabi niya dadating siya” ewan ko ba pero natats ako sa sinabi niya. Nagulat nalang ako ng bigla siyang umalis sa pwesto niya at kumuha ng alak sa ref.





“Huy, wag 'yang alfonso ni papa, gusto mong masaktan brad?” tanong ko sa kaniya kaya binitawan niya yung alfonso at kinuha yung san mig.





“Kuya, kay mama 'yan,” sabi ko kaya binitawan niya yung san mig, hahawakan niya na sana 'yung red horse kaso napatigil siya.





“Wag ka mag-alala kuya, hindi ako umiinom” kaya kinuha na niya ung redhorse.









To be continued . . .

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro