Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

07 | Assuming Girl



NATALIE



Hi, ako pa den 'to, si Mareng Natalie na pinakielaman ang Valentine's day celebration namen sa school sa pagpapatugtog ng FAKE LOVE, nabasted, muntikan magkajowa at nabasted ulet at naging instant sikat sa headline na: ANG BABAENG WALANG JOWA. (shuta talagang KaPAPEL yan)





Akala ko million dollar question na yung tanong sakin ni Sunny Saydap na “Anong dahilan ng pagpapatugtog ka ng Fake Love” shuta, may mas nakakaloka pa pala. Napatingin ako kay Orange, ang lalaking binasted ko nung grad ball namin nung elementary. Shuta kung alam ko lang na mag-e-evolve tong pokemon na 'to edi sana binato ko na ng pokeball jusmeyo!





Sasagot na sana ako ng ‘Next question please’ kaso may biglang sumigaw mula sa audience. “HUWAG KA NG PABEBE GIRL, SUMAGOT KA NA DAHIL KAPAG 'YAN NATAUHAN BACK TO ZERO KA NA NAMAN!” matalim akong tumingin dun sa nagside comment.





“INGGIT KA BEH? PALIBHASA KASE WALA KANG BEBE” rebat ko pero futcha, may rebuttal din siya. “IKAW DIN NAMAN AH?! ANG DAMING HINAROT PURO NAMAN CHAROT” ang daming nag-oohh, okay, medyo masaket, medyo lang ha?!





“ATLEAST HINAROT IKAW DI NA NGA HINAROT PURO PA CHAROT—” patapos na sana ako magsalita ng bigla akong yakapin ni Orange. “Kumalma ka, Natalie,” bulong ni Orange saken kaso dahil sa lapel nadinig ng sambayanang kagandahanians ang sinabi niya.





“HOY! SEGMENT WITH MISS WALANG JOWA 'TO HINDI EKSENA NG HARUTAN NIYO!” pashnea! Dinuro ko siya. “SHEDA! PALIBHASA WALA KA RING JOWA!”





“Ahem ehem,” naputol ang palitan ng sigaw namin ng audience ng may tumikhim. Tinulak ako/ko ni/si Orange at napalingon ako sa tumikhim.





“Hello, SSG President, kamusta kayo ni Cherry Pie—este Apple Pie? Break na ba—este nagkaayos naba kayo? Sana hindi na..” pabulong na 'yung huli kong sabi pero dahil sa pahamak nas lapel ay nadinig ng buong school ang sinabi ko. “hindi na... kayo mag-away ulet? Hehe” sana makalusot.





Agad naman binigyan ni Jumanji si President Zion ng lapel. Bigla nalang naglakad palapit sa akin si Zion at hinawakan ako sa braso at nilayo ako kay Orange. “Don't you dare touch my wife,” oh shuta, walang wala kayo sa ganda ko!





Kaso bigla nalang akong tinamaan ng lintek—este ng microphone na nakalagay sa pinakagitna ng stage kaya nagising ako bigla sa katotohanan. Mga pashnea! Bakit niyo ako ginising!





“Miss Natalie, pakiayos ng segment, our time is quite limited” sabi niya at nagwalk out. Huy! Husband ko! Sabihin mo naman yung ‘Don't touch my wife’ line. Uy! Ay? Wala na, umalis n siya. Lumingon ako kay Orange at ngumiti, hehe. Okay lng pala, nandito pa naman si bebe Orange e', hehe.





Natahimik ang lahat sa biglang pagpasok at pag-alis ni bebe Zion sa eksena. Okay, bebe Orange. Go na! Magtanong ka na. Tumikhim muna sya bago nagpatuloy. “Ah, next question, kumain ka na ba?” ay pafall ka ha!





May nakita na naman akong mga nagliliparang styrofoam, chopsticks, kutsara at tinidor na plastic, at mga plastic cups. “HOY, LINISIN NIYO 'TO!” sigaw ko sa mga nagkakalat.





“BABAENG FOREVER NA WALANG JOWA, KAWAWA KA NAMAN WALA NA NGANG JOWA WALA KA PANG FOREVER!” anOoO?! anuk ng tau na 'tu! “INAANO BA KITA HA?!” tanong ko na ready ng makipag cat fight, kanina pa ako nire-realtalk ng mga 'to ah!





“NATALIE SANDOVAL, KAKALMA KA BA O—” napalingon ako sa gawi ng pinaggalingan ng may-ari ng malamig na boses. Si President Zion pala owemji! “O ano?!” may expected na akong sasabihin niya kaso ang green chous.





“Kakalma ka o itatali kita?!” matapang na sabi ni SSG Prexy Zion sa akin. Abuh, hOy wag mo akong tignan ng ganyan! Natitibag na 'yung ginawa kong marupok na Great Wall of Natalie Sandoval. “Saan mo ako itatali?!” nagmamatapang na sabi ko kahit na sa likod ng utak ko nagagwapuhan ako kay Prexy. Gwapo kasi niya syet!





“Sa puso ko, para di ka na mahawakan ng iba” ay syEt, pafall ka masyado prexy! Kaso nauntog na naman ako sa yawang microphone kaya namulat na naman ako sa katotohanan na umabot na ako sa part four wala pa rin akong jowang gwapo na pwede kong isampal sa kuya kong mukhang dinosaur.





“Edi sa upuan mo, saan pa ba?!” biglang sagot ni president. Ouch ha! Ba't ba kase ang saket ng katotohanan ha?! “OH ANO?! KALA MO SA PUSO NI PRESIDENT?! ASA KA B*TCH” nakakagigil na talaga yang nagsa-side comment. Mamaya ka saken b*tch, pasalamat ka nandito yung bebe ko—teka! Sino ba sakanila ang bebe ko? Si Pres o si Orange? #sticktoOne





“MAWALANG GALANG NA PERO WAG KANG MAGSALITA KUNG WALA KA RIN JOWA!” nagpipigil kong sabi sa kaniya grr. Agad naman humakbang si Pres palapit saakin.





“Sige, kapag lumapit ka..” nagbabanta kong tono pero di natakot si pres. “Anong gagawin mo?” ang tapang mo pres, if I know, in love ka den saken. Di ako assuming, nagsasabi lang ako ng katotohanan. #WhiteLies





“Isang lapit mo pa sa kaniya...” nagulat ako ng biglang nagsalita si Orange na nakatayo na at nakatingin sa akin. “Malaya na ako?” yun ba? Deib Lohr ka beh? “Isang lapit mo pa sa kaniya, sa kaniya ka na” oh my gosh!





“ANG SABI KO SEGMENT NA TANUNGAN HINDI KO SINABING DRAMA NA NAMAN!” halos atakihin ako sa puso ng biglang sumigaw si Sunny Saydap na dumagundong sa buong oval. Nagulat pa nga ako ng nagkatitigan kami nila Pres at Orange.





Bigla na lang nag-rock and roll sa buong oval ng biglang dumagundong ang AYMSOWSIKOPDISPEYKLAB tapos may sumigaw. “SSG PRESIDENT HULIHIN MO DIN AKO!” ay gaya gaya putomaya paglaki mo wala kang jowa.





Napalingon naman si Prexy dun sa sumigaw pero hindi siya hinabol. Haha, buti nga sayo! Aagawan mo pa ako ng lablayp letcheng inggitera to! Di ko pa nga nakukuha, may nag-aagaw na! gRrR!





Nagulat ako ng may biglang nagflash sa direksyon ko. Nakita ko si Lian Therese Kinomoto na may hawak na digi cam. “SORRY, UTOS NG SCHOOL ADMIN”





“IKAW NA NAMAN?! DIBA SABI KO SA 'YO LAYUAN MO ANG BOYFRIEND KO?!” nagulat ako nung sumigaw bigla si Apple Pen—este Pie pala. Umakyat na naman siya sa stage at duduruin sana ako ng hinawakan ko ang hintuturo niya.





“Wag ka munang makielam pwede ba?! At di mo ba nakikita?! Nasa baba ng stage ang jowa mo, nandito ako, bobo lang tayo teh?” realtalkan + trashtalkan = Apple Pie.









To be continued . . .

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro