05 | Breaking News
NATALIE
"Ma! Hindi ba dapat papagalitan niyo siya?!" bigla nalang ginulo ni kuya Nathan ang buhok niya. Pasimple akong nagbelat sa kaniya. "Sino ba sa kanila ang bet mo, Ma?" tanong ko, ready na magsacrfice ng mga bagay na hindi naman akin para lang hindi ako mapagalitan.
Bigla na lang bumalik sa pagiging neutral at blangko ng mukha ni mader. "Seryoso ako, Natalie, hindi ako natutuwa sa pangingielam mo..." sabi niya kaya muling bumalik ang panginginig ko sa takot. "Pero ang gusto ko..." pambibitin niya ng... "Kapag kinuha ka nilang artista, ako ang manager mo ha?!" sabi niya at bigla na naman ngumiti sa akin. Oh ano ka ngayon kuya? Bet talaga ako ni mader, bak-of na bradah.
"Oh, saan ka naman pupunta?!" tanong ni mader kay kuya ng makitang nag-aayos ito ng sarili. "Oo nga kuya, saan ka ba papunta at nagmumukhang tao ka na?" tanong ko habang bumabanat ng popcorn, nanonood ako ng anime, I want to eat your pancreas beh, sabi ni Janice nakakaiyak daw to eh. "Nag-aayos ka ba dahil bawal pangit sa labas?"
He glared at me, I scoffed. "Huwag kang tumingin ng ganyan kuya, ang panget mo pa naman, 'di bagay, 'di nakakathreaten" simpleng sabi ko at ngumuya na naman ng popcorn. "Pupunta ako sa GIRLFRIEND ko, hindi naman ako gaya mo na peke lang ang love life." sabi niya at umalis.
Aba, shuta siya! Palibhasa di siya kinampihan ni mader pinapamukha niya na saken na wala akong lablayp na totoo. Ouch, wala na ngang lablayp tapos kung meron man, men walang kung or if, wala talaga akong lablayp huhu. Habang nanonood e umiiyak ako dahil sa realization ko. Pisting yawa ka kuya. Pag natauhan yan si Ate Alexandra ako ang unang tatawa sa'yo.
Pagkatapos ng napakahabang araw ko, sa sobrang haba umabot pa ng part three-este ng gabi pala. Nagpahinga na ako at nagdasal na sana bukas, may jowa na rin ako na pwede kong ipamukha sa kuya kong mukhang combination ni Barney at ni Thanos.
Pagkagising ko e nagulantang ang mundo ko ng makita si kuya na hawak ang cellphone niya. Teka, hindi yun yung shocking part mga besh, wag atat okeh? Ang nakakagulat ay nakita kong nagviral yung video.
Shuta namerns, alam na ng buong angkan namin na ang taglay kong kagandahan, syet, baka may biglang pumunta dito samen at pakainin ako ng apple omaygad! Wag naman! Wala pa akong prince charming nakakaloka naman!
Dahil ayokong madeds sa mader kong natutulog pa ay kinuha ko na ang hulog ng langit na pagkakataon at nagmamadaling lumayas ng bahay. Hindi ko na hinintay yung kuya kong halimaw. Kaya niya naman na pumunta ng school mag-isa. Damulag na yata siya 'no!
Akala ko nakakaloka na nagising akong single paren-este viral na yung drama rama on the spot namen pero mas nakakaloka ang inabutan ko sa school.
"Who the heck made this?!" sabi na instant sikat na ako eh! Nakakaloka ang ginawa ng KaPAPEL namin. Nabasa ko lang naman ang headline na: ANG BABAENG WALANG JOWA (The Natalie Sandoval 'Fake Love' Story)
[KAPAPEL; KAGANDAHAN HIGH SCHOOL SCHOOL MEDIA'S LATEST ISSUE]
ANG BABAENG WALANG JOWA
isinulat ni Kryztelleanne Songco
VALENTINE'S DAY, araw ng mga magjowa, sinira ng babaeng walang magawa?! Ayon sa aming mga nakalap na impormasyon, ang babaeng di umanong utak sa pagpapadagundong ng FAKE LOVE sa buong school ay si Natalie Sandoval. Ang kaniyang statemeny ay kinuha ng inyong lingkod, KaPAPEL broadcaster, Sunny Saydap.
"Syempre, hindi naman lahat may jowa diba, may iba kase dyan na kunware concern sa'yo pero ang totoo dun pala siya interesado sa katabi mo, wala akong pinaparinggan ah! Hustisya lang sa mga walang jowa, pinagdiriwang niyo ang valentines day tapos yung iba may magbibigay ng chocolates sa kanila... paano naman kaming mga single?! 'Yung pambili ng isang chocolate bar para sa sarili ko tapos pagsakay ko ng jeep kaninang umaga nagbayad ako ng singkwenta tapos walang binalik na sukli yung driver tapos magcecelebrate kayo ng valentines day?! Paano ung mga nagbreak ngayong araw?! Kahapon?! Bukas?! At magpakailanman.. HUSTISYA PARA SA MGA WALANG JOWA!"
Ang testamentong ito ay kumpirmadong sinabi nga ni Miss Sandoval, ito ay may kinumpirmang legit ng isang voice record. Ayon sa mga saksi, si Natalie Sandoval ay isang hopeless romantic at wala talagang pag-asang magustuhan ni Acer Ledesma, isa sa mga Kagandahan High School's boyscout. Allegedly, ang ating ssg prexy ay sangkot din daw sa issue ng babaeng Fake Love lover? Love triangle na nga ba talaga ito? O ilusyonada lang ang babaeng walang jowa?!
Ps. Gusto daw ng kalahati ng population ng student body ang part 2 ng play na papamagatang 'ANG MGA YAKAP NI SSG PREXY'.
Stay tuned, kagandahanians!
"ANAK NG PINATUWAD NA DRAGON!" hindi ko mapigilan na maitaas ang boses ko sa sobrang gigil. Anak ng shuta namern! Bakit nila pinagkalat na wala kong jowa! Sana 'yung pinagkalat nalang nila 'yung kakyutan ko! Ano nalang sasabihin ng mga kamag-anak kong nakapanood ng video?! Itatakwil nila ako kasi wala akong jowa! Mygoodnesses!
"Bestfriend ko na single for life, hintayin mo ako!" napalingon ang lahat ng nandito sa oval dahil sa sigaw ni Janice Cruiz. Shutang inerns, ilang beses niyo pang ipapamukha na wala akong jowa?! Pag ako nagkajowa ng gwapo, hu-yu kayong lahat saken!!
"Ano na naman 'yon?! Bakit kapag walang jowa, ako agad?!" nanggigil kong tanong sa mga taong nakatingin sa akin. Ano 'to, basta single, ako agad?! Shutang inerns!
"Nakita mo na ba 'to?!" napatingin ako kay Janice at sasabunutan siya ng mabasa ko ang bagong post ng KHS or Kagandahan High School News.
Kagandahan High School News
¤ just now
PARA PO SA MGA NAGKAKALAT NG FAKE NEWS.
Alam naman po natin na biglaan ang pagiging sikat at talk of the town ni Natalie Sandoval but please respect her naman po. Wag po kayong magkalat ng fake news.
WALA PONG JOWA SI NATALIE SANDOVAL. WALA, WALA, WALA! KAYA ITIGIL NIYO NA PO ANG FAKE NEWS TUNGKOL SA FAKE LOVE LOVER. SINGLE PO SIYA, TANGING ANG MGA NAKATALA SA KAPAPEL NG KHS LAMANG ANG LEGIT NA IMPORMASYON TUNGKOL SA NAGBABAGANG BALITA.
Stay tuned, kagandahanians!
To be continued . . .
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro