Kabanata 7
Serran's POV
My first kiss was stolen by that scumbag jerk. My heart went fast and I was not able to slap him hard nor punch him. Ang halik niya'y marahas, tila walang puwedeng umawat at parang may pangungulila. Hindi banayad at parang masusugat na ang labi ko sa kaniyang nakakapanindig balahibong halik.
Why do I feel this way? His kisses filled my mind. I can't stop thinking about that kiss. I want to punch myself for responding. Shit!
"Fuck! Why did you respond, Serran! Gaga ka!" mura ko sa aking sarili.
Ilang beses akong lihim na napamura at takot na baka may makarinig nito. Hindi ko alam kung kaya kong harapin ang demonyong iyon at wala akong maihaharap na mukha sa kaniya. Tiyak kong na-e-engganyo siya sa pang-aasar sa akin at sa mga nagiging reaksyon ko sa tuwing malapit siya sa akin.
Gusto kong kumawala, pero hindi ko alam kung papaano dahil kahit naman tumakas ako sa kaniya ay mahahanap at mahahanap pa rin naman niya ako. Sino ba siya? Tanong ko sa aking isip.
Is he a part of syndicate? Bakit maraming gustong magpatumba sa kaniya? Ano ba itong pinasok ko? My mind can not take it anymore. I need answers. I need to seek information.
Nakakaasar. Dapat hindi ko na lamang siya ginalit. Dapat tinikom ko na lamang ang aking bibig. Hindi sana ako namomroblema sa kung paano ko siya haharapin ngayon.
Pagod ang aking utak, at hindi ko maipaliwanag ang masidhing nararamdaman ko. I can't accept the fact kung paano ako rumesponde sa halik na iyon. Nakakalasing. I'm an intimidating woman but I can't be with that fucking scumbag.
Palagi na lamang ganoon ang nangyayari tuwing nagkrukrus ang landas naming dalawa. I'm afraid, na baka nagpapatuloy lang ako sa pagsugal hindi ko alam na talo na pala ako. Ayaw ko naman na tumagal pa ako rito.
Pipilitin ko na lamang umiwas at hindi isipin ang nangyaring iyon. I want to clear my fucking mind. I want him to order me as long as he won't messed up in my life. Gusto kong lubayan na niya ako, ayaw kong makulong sa kaniya habang buhay lalo ngayon at sinasabi niyang ninakaw ko ang putanginang puso niya. Wala naman akong kaalam-alam na may ninanakaw na pala ako.
Madilim ang bahagi nang pasilyo kaya hindi naman siguro ako makikita rito. I just need to relax my mind. Tumingala ako sa kalangitan, maraming butuin ang kmikinang. Naupo ako at nais kong sumandal sa pader. Ang aking damit ay sapat na para hindi ako lamigin.
Niyakap ko ang aking tuhod. Nagbabakasaling may maghanap sa akin. Pero napatawa lang rin ako nang mapakla nang maalalang wala na pala akong pamilya. I may be rich but I don't have a family to find me. Hindi naman ako nagpakasasa sa yaman na iniwan sa akin ng pamilya ko. I work hard to earn money. Help the poor and donate some of my allowance to a charity.
Ang mga tinuturing kong kaibigan, makikita mo ang masayang ngiti sa kanilang labi dahil kasama na nila ang taong magpapasaya sa kanila. Bilib ako na kahit anong pagsubok, nakaya nilang lampasan.
Iba talaga ang nagagawa ng pagmamahal. Nakakabago. Usal ko sa aking utak at mairiing pumikit. Ngunit saglit lang iyon nang makarinig ako ng kaluskos at baritonong boses.
"What the fuck?! Where is that fucking woman?"
Lihim naman siyang napangisi nang mabosesan niya ang lalaki. Kanina pa pala nito hinahanap at wala man lang siyang kaalam-alam.
"Serran! Serran! Serran!" baritonong pagtawag sa kaniya ni Red.
Nagkubli siya sa kaniyang mga tuhod. "Bahala ka na maghanap riyan. Mabaliw ka pa!" bulong ko.
Sumilip ako ng kaunti at hindi ko mapigilang matawa dahil sa itsura niya. Madilim ang anyo ng kaniyang mukha at nakakunot noo pa. Inihilamos nito ang kaniyang kamay sa mukha.
"What the hell? Nasaan na ba ang babaeng iyon?!" puno ng prustrasyon na sambit niya.
Nanatili ako sa aking kinauupuan hanggang sa makarinig ako ng yabag na papalapit sa aking kinaroroonan. Pilit kong ikinukubli ang aking sarili sa maliit na espasyo nitong pasilyo. Pigil hininga na rin akong nakayuko upang hindi ako mapansin ng lalaking iyon.
Tumapat sa akin ang mahahaba niyang biyas. Tiningala ko siya at labis na madilim ang kaniyang mukha at umiigting ang kaniyang panga. Pero mas nagalit ang kaniyang asul na mata nang dumako iyon sa akin at nabigla ako, nanlaki ang aking mata.
"What the hell!" singhal niya sa akin.
Tumayo ako na nanginginig ang aking tuhod dahil sa takot. "A-Ano... ano ba ang kailangan mo?" nauutal kong tanong.
Marahas niyang hinawakan ang aking braso at ramdam ko ang pagpiga ng kamay niya roon. Alam kong magkakaroon ng pasa iyon mamaya.
"Kanina pa kita hinahanap pero narito ka lang pala," malamig na sambit niya. "You're driving me crazy, woman!" inis niyang singhal sa akin.
Yumuko ako dahil natatakot akong pagbuhatan niya ng kamay o di kaya ay sakalin niya ako rito hanggang sa mamatay ako.
"B-Bakit mo ba ako... h-hinahanap?" natatakot kong tanong.
Binitawan niya ang aking braso at ramdam ko ang sakit roon. Bumuga siya ng hangin.
"Eat," tipid ngunit malamig na sagot niya.
Aba! May concern rin pala ang lalaking ito. "C-Concern ka?"
Tinaasan niya ako ng kilay. "No... I'm not!" giit niya.
May konting ngiti na pumuslit sa aking labi ngunit hinayaan ko na lamang siya at hindi inasar. Naglakad na rin naman ito palayo sa akin kaya malaya kong pinagmamasdan ang kaniyang likuran.
Napabalik ako sa wisyo nang tumigil siya at humarap sa akin. "Maglalakad ka o bubuhatin pa kita papuntang hapag-kainan? I'm bad at waiting, Serran!" He said, coldly.
Sumunod na lamang ako sa kaniya patungo sa hapag-kainan. Muntik pa akong mawala nang hindi ko na siya makita sa tinatahak niyang daan.
Umupo ako sa dulo ng isang mahabang lamesa at ganoon rin siya. Sinimulan kong kumain dahil ramdam ko na rin ang gutom. Hindi niya ginalaw ang kaniyang pagkain bagkus sa akin lang naka-diretso ang kaniyang tingin.
Hinayaan ko na lamang siya at ipinagpatuloy ang pagkain. I heard him chuckle kaya umangat ang tingin ko at tinaasan siya ng kilay.
"What? Can't you just stop staring at me?" mataray kong usal sa kaniya.
He wore a lopsided grin. "Just eat..." simpleng sagot niya.
Pinanliitan ko siya ng mata bago punasan ang aking bibig, hudyat na ako ay tapos ng kumain kahit hindi pa gaanong ubos ang pagkain ko.
"I'm full..." usal ko.
"Nakakawalang gana kasi..." sabi ko at tumayo na.
Napamulagat ako nang paluin niya ang lamesa dahilan para tumunog ang mga baso, kutsara at pinggan.
"Sit!" sigaw niya. "Don't provoke me, Serran if you don't want me to take you here!"
Hindi ako kumibo. Naglakad lamang ako ng diretso ngunit hindi pa ako nakakalampas sa pinto ng kusina, nahila na niya ako at marahas na isinandal na naman sa pader. Napadaing ako sa sakit na dulot niyon. Nakitaan ko ng pag-aalala ang kaniyang mata ngunit napalitan iyon ng galit.
"Hindi ba sinabi ko, umupo ka?!" halos pabulong na sambit nito. "You're not fucking listening and you keep on disobeying me..."
Sinalubong ko ang bawat matalim niyang titig. "I don't fucking care, Red! Hindi kita asawa o amo para sundin ang bawat utos mo!" matigas kong sabi.
"Not now but soon and you will regret it for disobeying me!"
Natulala ako. I don't know what to say. Hindi ko inaasahan ang sasabihin niyang iyon. Kumunot ang noo ko ngunit hindi ako makapagsalita. Walang lumalabas na salita mula sa aking bibig kahit gustuhin ko.
"If you keep on disobeying me, I will fuck you until you can't walk anymore! Remember that, Serran!" He coldly said. "I will own every bit of your fucking body because that's the Daredevil's Obsession. It's my fucking obsession!" banta niya.
Hindi ako nakakilos. Lumabas na ito sa hapag-kainan at naiwan ako roon na tulala at pilit prinoproseso ang bawat salitang binitawan niya. Nanghina ang aking tuhod. Gusto kong umiyak, gusto kong sumigaw dahil sa sinabi niya pero hindi ko magawa. How can I escape to that cold and lethal man?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro