Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 5

Red's POV

I'm trying to fucking locate that motherfucker who sabotage all my shipments. Nakaharap ako sa letseng laptop at sumasakit na rin ang aking mata. Hindi ko na rin maalala ang pagkain kahit kumukulo na ang tiyan ko.

Habang abala sa aking laptop, nakaramdam ako ng antok. Gusto kong matulog kaya yumuko ako sa lamesa. Ipinikit ko ang aking mata pero nakarinig ako ng pabukas ng pinto.

Aangatin ko na sana ito ngunit sinadya ko na lamang ipikit ang mata ko. Naamoy ko na naman kasi ang mahalimuyak na pabango ni Serran kaya pinigilan ko ang sarili ko.

Ramdam kong lumapit siya sa harap ko. Hinihintay ang kaniyang sasabihin ngunit tanging buntong hininga lang ang aking narinig.

Akala ko pa man din tatawagin niya ako para kumain pero nagkamali ako. She's trying to get my phone kaya mabilis kong iminulat ang aking mata.

"What are you doing?" malamig kong usal na kaniyang ikinabigla.

Nabitawan niya ang cellphone ko at napasimangot siya. Hindi nagtagumpay ang taktika niya.

"Shit!" She cursed.

I smirk. "Yeah, shit! Trying to get my things?"

I can see fear flashes in her eyes. "N-No... just want—"

"Ah," I cut her. "Gusto mong tumawag ng tulong?" sarkastikong usal ko.

Tumayo ako mula sa aking inuupuan kaya ilang pulgada na lamang ang layo ng aming mukha. Nakayuko siya kaya pilit kong inangat ang baba niya upang magtama ang tingin naming dalawa.

"Don't try to escape, hindi mo alam kung anong panganib ang naghihintay sa iyo." madiin kong sambit sa kaniya.

Lumamlam ang kaniyang mata at ayaw kong makita na naman siyang umiiyak sa harap ko. Pinipilit kong maging matapang sa kaniya para pigilan itong namamayaning nararamdaman ko para sa kaniya.

"Bakit... please, palayain mo na ako." sumamo niya sa akin. "Pangako, w-wala akong pagsasabihan... just let me go..."

I frowned. Binitawan ko siya. "Is that what you want?" malamig na tanong ko.

Umiwas ako ng tingin sa kaniya. I can feel her, staring at me intently.

"Oo. Gusto kong umalis dito kasi alam mo, wala akong magawa, eh. Wala!" sigaw niya sa akin. "Ni hindi mo ako pinapayagang gumamit ng gadgets."

Nagngitngit ako sa galit dahil sa kaniyang sinabi. Kaya lang kami narito sa lugar na ito ay dahil pilit kong tinatakasan ang mga taong gustong patumbahin ako. Gumagawa pa lamang ako ng plano kung paano ko sila ililibing sa kanilang hukay.

"You really want that?!" singhal ko sa kaniya. "Go. Feel free. Diretsuhin mo ang daan na iyan. Lumiko ka at makikita mo na ang kalsada." malamig kong usal sa kaniya.

"Sure," She paused at halata ang takot mula sa kaniya. "I will fucking escape and back to the life—  shit! W-What was that?!" natatakot niyang tanong nang marinig namin ang putok ng baril.

Napamura ako sa aking isipan. Shit! Sinasabi ko na nga ba at mautak talaga ang taong iyon. Namayani ang galit sa aking mukha at masamang tinignan si Serran na ngayon ay parang asong ulol na nagtakip ng kaniyang tainga.

"Fuck!"

Mabilis kong tiniklop ang laptop at isinilid iyon sa aking backpack. Hinawakan ko ang kaniyang kamay at hinila palabas. "Don't make a noise, they might hear you." malutong at madiin kong saad sa kaniya.

Dumaan kami sa likod at itinago siya sa isang puno. Sumilip ako sa kubo at nakita ko ang tauhan ng Deogracia's na lumibot sa paligid. Kapag nagtagal pa kami rito, mukhang dadanak ang dugo at ayaw kong makita iyon ni Serran. I can't risk her life.

I can hear her sobbed already kaya tinignan ko siya. "Keep your fucking mouth shut or else, we'll die here."

Sinunod nito ang sinabi ko. Pinaputukan ko ang tauhan ng Deogracia's at napangisi ako nang matamaan ang kaniyang dibdib. Inasinta ko rin ang ibang tauhan at pinaputukan ko silang lahat.

Tinignan ko ang laman ng magazine ko. I have only two bullets left at kailangan ko silang mapatumba lahat. May lima pa silang tauhan na nagtatago lamang sa paligid. It's chaotic already at hindi ko puwedeng pabayaan si Serran.

"Can you run?" malamig kong tanong.

All I can hear is her sobbed. "N-No... I-I can't..." Natatakot pa rin na usal niya.

"Shit! Just run and I'll cover you! Run as fast as you can!" sigaw ko sa kaniya.

Ramdam ko ang mga kalaban ay patungo na sa aming pinagtataguan. Ibinigay ko sa kaniya ang backpack ko.

"Get this..." isinuot ko iyon sa kaniya.

Nagpupumiglas siya na hindi isuot ang bag pack. "N-No... I won't leave you here... I can't." pagsusumamo niya. Bakas ang takot sa mukha niya.

Kumuyom ang aking kamay. Wala na akong magagawa, ginusto niya ito.

"Then bear with the loud banging sound of my gun." pinalidad kong utos sa kaniya.

Sumilip ako pero nagtago ulit ako nang paputukan ulit ng tauhan ng Deogracia's ang kinalalagyan namin.

"Huwag ka ng magtago, Del Rosario! You're already cornered, asshole!" sigaw nito sa akin.

I smirk. "You can't catch me, jerk!" I shouted back.

Narinig ko ang pagtawa nito. "Hindi mo kami matatakasan kaya sumuko ka na lamang."

"Bakit ako susuko kung kaya ko pa namang lumaban?!" sigaw ko.

Inihanda ko ang aking sarili sa atakeng ibibigay ng ibang kasama nito. Apat na lang sila at kailangan ko silang mapatumba. Ramdam kong malapit na ang isa sa kanila sa aming pwesto kaya minabuti ko itong hinablot at pinilipit sa kaniyang leeg hanggang sa malagutan ito ng hininga.

Wala akong pakialam kung makita iyon ni Serran. Kasalanan niya iyon dahil pinilit ko siyang pinaalis kanina pero ayaw niyang makinig. Kinuha ko ang baril mula sa lalaking pinatay ko. I tried to run on the other trees to preclude the fear of Serran. Pero fuck! Pinaputukan nila ako at mas lalo akong napamura nang maramdaman ko ang likido na kumakawala sa aking balikat.

Habol ko ang aking paghinga na tumingin sa pwesto ni Serran. Sinenyasan ko siyang itikom ang bibig at tumahimik sa pwesto niya. Nakikita ko ang takot sa kaniyang mga mata at ang luhang lumalandas sa kaniyang pisngi.

"Tatlo na lang kayo, may dalawa akong baril. Handa na ba kayong bumaon sa kinatatayuan niyo?!" malakas kong sigaw. Hindi sila sumagot.

Kinuha ko ang oportunidad na iyon para paputukan siya. Natamaan ko na ang dalawa at nakapagtago naman ang isa. Kaya bumalik akong muli sa aking pwesto.

"Bakit niyo ba ako pilit pinapatumba? In fact, kayo ang may kasalanan kung bakit limpak limpak na pera ang nawala sa akin!"

"Kailangan ka naming patayin dahil marami kang kasalanan. Marami ka nang pinatumba na malalaking drug dealer ng bansa!" the man shouted.

Napatawa ako ng mapakla. "Hindi ko na kasalanan iyon! Singilin niyo ang otoridad at huwag ako dahil hindi naman ako katulong ng gobyerno!" sarkastikong usal ko.

"Huwag kang tumahol nang tumahol, mamamatay ka rin asong ulol!" and with that, pinaulanan ko siya ng bala.

Umatake siya pero isang bala lang pala ang katapat niya. I didn't shot him on his vitals para kahit papaano, may maging punching bag ako. Sinadya kong patamaan ang dalawa niyang tuhod kaya napaluhod ito. Lumabas ako sa aking kinaroroonan at lumapit sa kaniya.

"Sabi ko naman sa inyo, huwag niyo akong kakalabanin dahil kahit ilang tauhan pa ang ipadala nila sa akin para patayin ako, hindi niyo ako mahuhuli dahil kaya ko kayong patumbahin lahat." malamig kong sabi bago siya pinatulog.

Lumapit ako kay Serran na ngayon ay umiiyak at nagtatakip ng tainga. Sinubukan ko siyang hawakan ngunit nagwala ito sa aking harapan kaya sinalo ko na lamang ang suntok niya. Hindi ko ininda ang tama ng baril sa aking balikat kahit alam kong nanghihina na ako.

Hinawakan ko ang kaniyang dalawang kamay at tinitigan ng matalim. "Calm down, Serran! It's me, Red!" sigaw ko. "It's me, you're safe..." mahinahon ko ng sambit.

Muntik na siyang matumba kaya mabuti na lamang at nasalo ko siya. Dahan-dahan ko siyang inalalayan patungo sa kubo at pinaupo roon. Kinuha ko ang backpack na nasa kaniya at inilabas ang aking mga gadgets.

I dialed Fred's number para dalhin ang chopper ko. Tumalima siya sa aking utos kaya ibinaba ko na ang tawag. Nilapitan kong muli si Serran na tulala habang lumalandas ang kaniyang luha sa mata. I wiped her tears away at marahas na bumuntong hininga.

"I'm sorry, that you still need to see all those shits," mahinahon kong saad sa kaniya.

Hindi siya sumagot bagkus tumingin lamang siya sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin. Tumayo ako at tahimik na nangako sa kaniya na hindi na niya muling makikita ang ganoon na pangyayari.

Nanghihina na ako dahil sa nawalang dugo mula sa akin. Mabuti na lamang at dumating na ang chopper kaya kahit nahihirapan na ako at gusto ng pumikit ng aking mata, hinayaan ko ang sarili kong buhatin si Serran papasok sa chopper. My obsession is actually in a deep sleep right now in my arms.

"Fred, send that asshole to the underground cell. Torture him until he give us a fucking information." utos ko kay Fred.

"Yes sir, my pleasure!" nakangising sagot niya.

Nakarating kami sa mansyon ko rito sa Batangas. Nagpatawag na rin pala ng Doctor si Fred kaya nilinis na ang aking tama sa balikat. Narito kami ngayon sa aking kwarto, nakapatong ang isa kong kamay sa aking noo.

"I recommend you to rest for awhile at huwag kang magbubuhat ng mabibigat na bagay para mabilis ang paggaling ng sugat mo, obsess fucker!" saad ni Gabriel.

Yeah, my friend is a freaking Doctor. Gabriel Renzo Lockhart.

"Tsk, get out! I need to fucking rest." utos ko sa kaniya na siyang ikinatawa niya. "Attend that woman and check on her. Just don't fucking tell her a story about me." malamig kong usal.

"Yeah, yeah, yeah. Too possessive, hindi pa naman masyadong kilala." natatawa niyang sabi bago lumabas sa aking silid.

Napakuyom na lamang ang aking kamao at ipinikit ang aking mata na tanging si Serran na naman ang nakikita. My obsession with her is making me fucking crazy as fuck.

"Shit. I am badly smitten and too obsessive with her." usal ko sa aking sarili. "Not bad, after all she'll be my wife..."






Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro