Kabanata 22
"Hindi ko hahayaan na masaktan ka, Serran." bulong ni Red sa akin.
Hindi na niya ako pinatuloy sa kompanya. Dumiretso kami sa kaniyang bahay. Iniwan ko ang aking kotse dahil ipapakuha na lamang niya iyon sa mga tauhan niya.
Naupo ako sa sala niya, inilibot ko ang aking tingin sa kabuuan ng mansyon. Maganda ang interior ng bahay niya at parang katatapos lamang ito. At tila, kakalipat lamang niya dahil may mga kahon pa na nasa gilid.
Kasalukuyan itong nasa kusina para kumuha ng tubig. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang takot sa aking buong katawan. Mabuti na lamang at hindi ako nito pinabayaan kanina.
It was between life and death, that car is chasing me and it seems they are after me because they think that I'm close with Red and I'm his weakness. Lumilipad ang isip ko ngayon at parang hindi pa ako makakauwi sa bahay ko.
Napukaw ang aking atensyon nang may magsalita sa tabi ko.
"H-Huh? Ano nga ulit yon?" walang kamalay-malay kong tanong sa kaniya.
Nagtataka naman ito sa aking tinuran. Humugot siya nang malalim na buntong hininga at saka niya hinapit ang baywang ko palapit sa kaniya. He cage me in his arms, humming. I just wrapped my hands on his waist.
In his arms, I felt secure, safe and sound. Ipinaparamdam niya sa akin ang pagprotekta, na sa kaniyang mga kamay ay ligtas ako at hindi niya ako papabayaan.
"We'll see a Doctor. I'll schedule it for tomorrow to check you up." may pinalidad sa boses nito.
"H-Hindi... ayos lang ako, Red. I'm fine." pagtutol ko rito.
Humiwalay siya sa akin at pinakatitigan ang mukha ko. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya ngunit may bahid ng galit sa kaniyang mga mata. Ramdam ko ang paghigpit ng kaniyang hawak sa aking balikat.
"You're not okay, you're traumatized. You're scared, I'm scared to lose you again. Not again, Serran." malungkot ang kaniyang boses. "Hindi ko kakayanin kung mapahamak ka na naman dahil sa akin. I can't bear to see you... bathe with your blood." he mumbled, hysterically.
Hinaplos ko ang pisngi niya. "Ayos ako, Red. Buhay pa ako, hindi pa ako mamamatay dahil gusto pa kitang makasama." sagot ko sa kaniya.
"Serran, baby please," naiiyak na usal at makaawa niya sa akin. "We'll see the doctor tomorrow. You need to rest, don't think of your company. I'll let someone handle it right now." dugtong pa niya.
Hindi na ako nagsalita. Siya ang masusunod kung alam niyang buhay ko ang napapahamak. Binuhat niya ako, hindi ko alam pero hindi na rin ako umangal dahil gusto ko na lamang magpahinga. Masakit ang ulo ko dahil sa nangyari kanina.
Ipinasok niya ako sa kaniyang silid. Malinis at maaliwalas ang buong paligid. Inihiga niya ako sa kama at kinintalan ng halik ang aking labi't noo.
"Magpahinga ka, babalik ako mamaya. I'll be instructing my men to guard the whole premises of my house. Mahal kita." sabi niya at hinalikan ang aking mga kamay bago umalis.
Huminga ako ng malalim, nakatingin lamang ako sa kisame. Inaalala ang bawat pangyayari kanina, mula sa tunog ng palitan ng baril hanggang sa kung paano ako habulin ng kalaban ni Red.
Unti-unting naglandas ang luha sa aking mga mata. Mukhang tama si Red na ipatingin ako sa doctor dahil hindi mawala sa aking isip ang mga pangyayaring iyon.
Natakot ako, sobra akong natakot kanina. Hindi ko nga alam kung kaya ko pang magmaneho sa susunod na araw. It was a rush reaction of me to drive as fast as I can. I didn't even notice that someone is behind me.
Good gracious! Red called me and instructed me what to do. Ang hirap na kung maraming madadamay na inosenteng tao kanina sa kalsada. Ito ang pangalawang beses na nanganib ang buhay ko ngunit naroon si Red para iligtas ako.
Nakatunganga lamang ako hanggang sa mapansin kong dumidilim na sa labas. Bumangon ako para sana silipin kung naroon na ang sasakyan ni Red ngunit wala pa ito sa labas.
I checked my wrist watch and it is exactly six o'clock in the evening. My head is throbbing. Gusto ko pa sanang humiga ngunit minabuti ko na lamang na magtungo sa kusina ni Red para maghanap ng puwedeng lutuin na pagkain.
Masakit ang ulo ko na nagluto ng tinolang manok. Pasado alas syete ay nakarinig ako nang ugong ng sasakyan sa labas ng bahay. Dali-dali akong nagtungo roon para salubungin ito ngunit ang bagsak ang aking balikat nang makita ang duguan na katawan ni Red.
Nanginginig akong naglakad patungo sa kaniya, hindi ko mapigilan ang pagbuhos ng aking mga luha.
What happened to him? I mumbled out of nowhere in my mind.
Duguan ang kaniyang puting long sleeve, hawak siya ng isa niyang tauhan bilang alalay sa kaniya. Napatakbo ako sa kaniya nang bigla siyang natumba at nataranta na rin ang mga tauhan niya.
"R-Red..." tinapik ko ang kaniyang mukha ngunit hindi man lang ito sumagot.
"Ma'am, papunta na po rito ang kaibigan niyang doctor," sabi ng tauhan nito sa akin.
Umiyak lang ako habang inaakay siya patungo sa kaniyang silid. Pagkaraan ng ilang minuto ay dumating na rin ang doctor na kaibigan ni Red at agad itong nilapatan ng lunas.
"Magiging maayos rin siya, Serran. Kilala mo si Red, hindi siya basta basta susuko na lang." sabi sa akin ni Lockhart. "Ngayon pa na alam niyang mahal na mahal mo siya, baka nga kahit kamatayan pa, hahamunin niya, makasama ka lang."
Tinignan ko siya at kita ko ang sinsero sa kaniyang mga mata. Walang biro na makikita roon dahil maging ang boses nito ay seryoso. Tinanguan ko lamang siya at nagpaalam sa akin na bababa muna siya.
Binantayan ko si Red kahit wala pa akong kain. Hindi ko nga namalayan na nakatulog pala ako dahil sa pag-iyak. Nagising na lamang ako nang may marinig akong dumadaing habang hinahaplos ang ulo ko.
Napamulagat ako, inangat ko ang aking tingin at si Red ang nabungaran ko. Maputla ang mukha niyang nakatitig lamang sa akin. Mabilis ko siyang dinaluhan ng mahigpit na yakap.
"Red!"
Rinig ko siyang dumaing ngunit hinayaan niya lang akong yakapin siya. Iniyakap niya sa akin ang isa niyang braso at hinalikan pa ang gilid ng ulo ko.
Mas lalo kong ibinaon ang mukha ko sa dibdib niya, rinig ko ang pagtibok ng kaniyang puso. Wala akong pakialam kung mabasa ang damit niya ng aking luha dahil alam niyang sobra akong nag-aalala sa kaniya.
"Shh... tahan na, babe. Okay lang ako, hindi pa naman ako patay para iyakan mo," He assured me but I never parted in our embrace. Nanatili lang ako roon sa dibdib niya, dinadama ang bawat haplos at yakap niya.
"N-Nag-alala ako ng sobra," pahayag ko. "Hindi ko alam kung saan ako huhugot ng lakas, Red kapag nawala ka. Hindi ko kayang mawala ka, gago!" mura ko sa kaniya.
Hinaplos niya ang aking buhok. "Hindi ko kakayanin na iwan ka, Serran nang hindi pa ako nakakabawi sa lahat ng maling nagawa ko sa iyo. Ayaw kong makita kang umiiyak araw-araw dahil sa pangungulila mo at hindi ko hahayaan na mawala ako gayon alam kong mahal na mahal mo ako." mahabang litanya nito sa akin.
Humilay ako sa yakap naming dalawa. Aambahan ko sa siya ng suntok ngunit nginitian lamang niya ako at agad naman natunaw ang inis ko sa kaniya. Kinagat ko na lamang ang ibabang labi ko ngunit ilang segundo pa ang lumipas, siya na mismo ang umangkin sa aking labi.
"I love you, Serran. Kung bibigyan man ako ng pagkakataon na pakasalan ka, sisiguraduhin ko na ang sagot mo ay didiretso tayong dalawa sa simbahan."
"P-Papakasalan mo ako?" nauutal na tanong ko.
Tumingin ito sa akin at saka ako nginitian, isang tunay na ngiti bago siya tumango at nagsalitang muli.
"Ikaw lang naman ang babaeng papakasalan ko, Serran." pahayag niya. "Papakasalan kita dahil mahal na mahal kita. Kung iiwan mo ako, ipipilit ko pa rin na mahalin mo ako hanggang sa kusa ka na lang sumuko sa pagkahumaling ko sa iyo."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro