Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 19

Mula nang huling maka-usap ni Serran si Red ay hindi na ito muling tumawag sa kaniya. Naiinis siya ngayon papuntang airport dahil susunduin niya ang mga investor na kailangan niyang makuha para makabangon muli ang kaniyang kompanya.

Ang daloy ng trapiko ay mabagal. Sa kalagitnaan ng paghihintay na umusad ang daloy ng trapiko, napansin niya ang tila bukas na bintana ng isang sasakyan. Nagulat siya sa kaniyang natunghayan na bulto ng isang tao.

"Red?" tanong nito sa kaniyang sarili.

Ngunit mas nainis siya nang makita ang babaeng kasama niya mismo na nasa tabi lang ng driver seat. Kumunot ang kaniyang noo at nakaramdam siya ng selos roon. Ibinaling na lamang niya ang tingin sa daan kahit na inis na inis ito hanggang sa makarating siya nang airport.

Seryoso niyang hinagilap ang kaniyang investor at nakita naman nila agad ito. Sinalubong niya ito at nakipagkamay.

"Good morning, Ms. Cariño." bati ng isang investor galing Amerika.

Binati niya rin ito at iginaya patungo sa kaniyang kotse. "Let's have a deal on my office."

Nagdrive ito patungo sa kaniyang kompanya. Nang makarating ay binati sila ng kaniyang empleyado na tanging tango lang ang kaniyang iginawad sa kanila. Huminga siya nang malalim dahil hindi mawala ang nasaksihan niya kanina sa gitna ng trapiko.

Napansin yata ng isang investor ang kaniyang pagkabalisa kaya nagsalita ito. "Are you alright, Ms. Cariño? You look furious."

Dahil sa pagkakapahiya, naging seryoso ang kaniyang mukha bago sagutin ang mga ito. "I'm okay... just thinking of something."

Nagkibit balikat na lamang ang dalawa at nang tumunog ang elevator hudyat na sila ay lalabas na, umayo ang mga ito. Lumabas na sila at nagtungo sa kaniyang opisina. Pinaupo niya ang mga ito. "Would you like to drink something? Tea? Juice? Water perhaps?"

"No thanks. We're good." cool na sagot ng isang kano na sinamahan pa ng kaniyang accent.

Naupo na rin ito at sinimulan ang diskusyon sa kaniyang proposal para makuha ang deal na offer ng kaniyang investor.

"Yes, it's suits the quality of the product we sell, Mr. Racini." she said. "It contains pure fabric and it's very comfortable for an individual." She explained.

Tumango-tango ang dalawa habang si Serran ay taimtim na nagdadasal na sana ay ma-close niya ang deal sa lalong madaling panahon para hindi na siya humingi ng tulong kay Red. Ipinikit niya saglit ang kaniyang mata nang naisip na naman si Red.

"Your proposal is very catchy and I hope that we are going to have a great partnership in business." saad ng isa.

Ngumiti siya rito.

"And have a nice day dealing with you, Ms. Cariño." sambit ng kasama nito.

They shake hands. "Thank you very much, Mr. Racini, Mr. Samaniego. I promise, you won't be disappointed." tuwang tuwa na pasalamat ni Serran.

"Enjoy your stay here in the Philippines." huling saad nito pero bago pa makalabas ang isa ay hinarap siya nito.

"Would you like to have din---" naputol ang sasabihin nito nang biglang sumulpot si Red sa kung saan.

Matalim ang tingin at seryoso. "No. You don't need to have dinner with her!" bakas ang malamig na tinig ni Red.

Ikinabigla iyon ni Serran. "The hell are you doing here? Don't be too harsh with my investor, Del Rosario." puno ng inis na sambit ni Serran. Bumaling ito sa investor. "I'm sorry, Mr. Racini, but I should decline your offer." makahulugang sambit nito.

Tumingin si Mr. Racini kay Red. "Oh, I see. See you around, Serran." sambit niya lang at umalis na.

Isinara niya ang pinto at dumiretso sa kaniyang swivel chair. Hindi niya pinansin si Red na sumunod lamang sa kaniya.

"What the hell was that?" malamig na tanong nito.

She rolled her eyes. "Narinig mo hindi ba? Inaaya niya akong mag-dinner kasama siya..."

His jaw clenched.

"Rinig ko nga...base naman sa isasagot mo sana kanina ay papayag ka..." nawala ang malamig na tono nito kanina.

Napasinghap si Serran. "Ano ba ang pakialam mo? Kung narito ka lang para diktahan ako, umalis ka na lang. Hindi ko kailangan ng salita mo," inis na usal nito.

Kumuyom ang kamao ni Red. "May problema ba tayo?"

"Tanong mo sa sarili mo, punyeta ka!" pagmumura ni Serran dahil sa inis. "Unti-unti na naman akong nawawalan ng tiwala, Red." muli ay naging banayad na ang kaniyang boses.

Napaupo na lamang ito sa kaniyang upuan. Dinaluhan siya ni Red. "I'm sorry..."

Suminghap ito, "Sorry? Sorry na naman, Del Rosario?" nakangiwing sambit ko. "Nakakasawang pakinggan."

Kumunot ang noo ni Red. Base sa reaksyon nito ay naiinis siya sa kung ano na namang pinagsasabi ni Serran sa kaniya. He can't read what's on her mind right now.

Humugot siya ng malalim na buntong-hininga. "Ano na naman ba ang problema, Serran?" nanlulumong tanong niya.

"Ikaw! Ikaw ang problema ko, Red! Ilang beses mo pa ba akong gagawing tanga?!" sikmat nito. Nangingilid ang luha, "Hanggang kailan mo pa ba ako... pagsisisinungalingan, R-Red?" paos ang boses na tanong nito sa binata at bigla na lang tumulo ang kaniyang luha.

Mas lalong kumunot ang noo ni Red. Naguguluhan sa bawat sinasambit ng dalaga sa kaniyang harapan. Hindi nito mawari kung ano ang problema at kung bakit ito umiiyak sa kaniyang harapan.

"Hey, stop crying, Serran." agap niya sa dalaga. "Please, will you enlighten me, babe?" pagmamakaawa niya.

"Y-You... I saw you with someone earlier," mahinang pahayag ni Serran. "Akala ko okay na tayo... akala ko wala nang iba, tangina! Nagsinungaling ka na naman, Red. Noong una sabi mo may pamilya ka, ngayon nakita kitang may kasama... ano pa ba ang susunod Red? May anak ka na?" umiiyak at naguguluhan na tanong ni Serran.

Walang imik si Red. Hinayaan niya lang na umiyak si Serran. He patted her back to make her stop crying.

"It's not like that, Serran..." He mumbled and kissed Serran's temple. "That woman is just my lawyer, we just talked because of my business." Red explained. "She's not my other woman and no one else can but it's you only..."

Tumigil sa pag-iyak si Serran at inangat ang tingin kay Red na humahalik sa tuktok ng kaniyang ulo.

"Pagod na kasi ako, Red. Pagod na akong masaktan, "She mumbled, softly.

Ngumiti si Red sa kaniya. "I'm sorry, babe... I'm sorry for making you jealous and for making you cry," He mumbled while looking intently at Serran.

Niyakap lang siya ni Red at isinandal naman nito ang kaniyang ulo sa dibdib ng binata. Ramdam niya ang mabilis na pintig ng puso nito.

"Pwede ba, ibalik mo sa akin ang investment mo? Red, nahihirapan ang mga tauhan ko, nahihiya ako sa kanila."

Naghiwalay sila nang yakap. Naaawa si Red kay Serran. Nangingitim kasi ang mata ng dalaga at tila inaantok pa ngunit pilit siyang nagtratrabaho. Kumunot ang noo ni Red.

"You didn't sleep?" He asked, furious.

Lumabi si Serran, tinaasan niya ng kilay ang binata. "How am I supposed to sleep when you keep running on my mind? And how can I sleep properly if I think about my small company who is closed to bankruptcy?"

Napasapo sa mukha si Red. Galit siya sa kaniyang sarili dahil sa itsura nang dalaga na siya ang may kasalanan.

"Damn, I'm sorry!" He blurted, frustrated. Humugot siya nang isang buntong hininga bago hawakan ang kamay ni Serran. "Please, paghirapan mo naman na bawiin sa akin ang investment ko?" nagsusumamo ito.

Nagulat ang dalaga. "Why would I? Sabi ko sa sarili ko, Red. Hindi ako magmamakaawa para ibalik mo ang investment mo..." nahihiyang usal nito. "I can find any company that will support my company's need."

"N-No... just persuade me more and I'll give it back to you, kasama na ako roon..." bulong nito sa huli.

Kumunot ang noo ni Serran. "What? Pardon, please?"

Umiling si Red. "Taking back my investment... does that mean, you would take me back also?" pag-iiba nito sa usapan.

Ang katanungan ni Red ay hindi sinagot ni Serran bagkus ay naglakad ito patungo sa kaniyang swivel chair at prenteng naupo roon. Nakangisi siya kay Red na ngayon ay naguguluhan, kita ang pagsusumamo sa kaniyang mukha.

"Pursue me more, Mr. Del Rosario..." She challenge, "don't be too excited that I'll take you back just like that, paghirapan mo naman ako kahit ngayon lang." dugtong niya.

He sighed in relief raising his both arms as a sign of surrender. "Fine, I'll deal with you, just make sure you are always ready!" He seriously announced.

"Well said, Mr. Del Rosario. It's nice to have a great deal with you." 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro