Kabanata 17
Serran's POV
Nagluluto ako nang sunod-sunod ang pagtunog ng aking doorbell na siyang ikinainis ko. Pinatay ko ang pagkain na niluluto ko at dumiretso sa labas.
" Sandali lang! Putang--- Red?!" inis kong bulyaw nang makita si Red na nanghihina at duguan. Putangina, ano nangyari rito sa lalaking ito at ako pa talaga ang napuntahan niya?
" S-Serran..." huling sambit niya at natumba sa akin. Nakabaon ang kaniyang mukha sa aking leeg. Muntik pa kaming matumba at mabuti na lamang nakakapit ako sa may pinto.
" Tangina, ang bigat ng gago!" wika ko.
Dahan-dahan ko siyang ipinasok sa loob. Mabuti na lang at malapit lang ang sala kaya doon ko na siya pinahiga. Hindi ko alam ang gagawin ko at natataranta ako sa dugong dumadaloy sa kaniyang balikat.
Iniwan ko siya saglit para kumuha ng medicine kit sa banyo. Nataranta ako at hindi ko alam kung anong klaseng gamot ang ilalagay ko kaya tinawagan ko ang isa sekretarya ko. Makalipas ang ilang minuto ay sinagot niya at ito at sinabi kung ano ang problema ko. Mabilis naman niya akong binigyan ng tip kung paano gamutin ang sugat sa balikat.
Hindi ko ibinababa ang tawag at nang makabalik ako sa sala ay naabutan ko ang lalaking sugatan at namumutla na ang kaniyang labi. Sinunod ko ang bawat sinasabi sa akin ng sekretarya ko dahil wala naman akong alam sa panggagamot at hindi ako eksperto rito. Natakot pa ako dahil mukhang may bala akong tatanggalin sa kaniyang balikat.
" Tangina, Del Rosario, mukhang ikakamatay mo ang balang nasa balikat mo." asik ko sa kaniya.
Nang magamot ko na ang kaniyang sugat ay tumayo na ako upang magluto. May lagnat na kaya binihisan ko na lamang siya ng isang oversized t-shirt mabuti na lang at mayroon ako no'n dahil hindi ko alam kung saan ako kukuha nang pamalit kung nagkataon.
Nagluto na lamang ako ng sopas at inihanda na ang kaniyang gamot sa tray. Pagkaraan nang tatlumpong minuto ay luto na ang sopas. Isinalin ko ito at tinungo ang kaniyang kinaroroonan.
Payapa itong natutulog. Nilapitan ko siya nang mailapag ko ang tray sa ibabaw ng mababang lamesa. Pinagmasdan ko ang maputla nitong mukha at kahit siguro magkaroon ng tigyawat ang lalaking ito ay halata pa rin ang kaniyang kagwapuhan.
Akma kong hahaplusin ang kaniyang mukha nang magmulat ito ng mata. Nanlaki ang aking mata at bigla ko siyang nasampal ng malakas.
" Ay! L-lamok!" pagpitlag ko.
Napadaing ito at nanghihinang bumangon habang hawak ang kaniyang balikat. " The fuck is that!" inis niyang angil sa akin.
Napayuko ako dahil sa hiya. " A-ano... m-may l-lamok!" malakas kong sagot. " O-oo, l-lamok nga!" hiyaw ko pa.
Pansin ko ang pagkunot ng kaniyang noo at dahil sa hiya ay napatayo ako. Lumayo ako sa kaniya at baka kung ano ang gawin niya sa akin ay siguradong pagsisisihan ko na naman iyon.
" Lamok? O, hindi ako safe sa bahay mo?" pambibintang niya sa akin.
Siya na nga ang tinulungan siya pa ang nang-iinsulto. " Hoy! Safe ang bahay ko. Pasalamat ka at tinulungan pa kita kaysa naman mamatay ka sa harap ng bahay ko!" inis kong singhal sa kaniya.
I saw him smirk. Ang bilis magbago ng mood nito. May split personality yata ang lalaking ito. Laki ng sira sa utak.
" So I assume that you care for me?" mayabang na sambit niya.
Inirapan ko siya. " Alam mo, pacheck-up ka na sa Doctor, malala na yata ang sakit mo sa utak." sarkastikong sambit ko.
I heard him chuckle.
" Hindi pa ako baliw, Serran." he said. " Tsaka lang ako magiging baliw kapag nawala ka sa akin ulit." wika niya.
Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi kaya minabuti ko na lang tumalikod sa kaniya. " K-kumain ka na..." usal ko at kinuha ang tray na may pagkain niya. " Eat and after that take your medicine."
Hindi niya ginalaw ang pagkain na inilapag ko sa harap niya. Pinandilatan ko siya nang mata ngunit umiling lang siya.
" Subuan mo ako," he commanded.
Aba! Tinaasan ko siya ng kilay. " Hindi ka naman pilay para subuan ko pa, Del Rosario."
" Then I don't wanna eat that food." malamig na tugon niya.
Kanina natatawa ngayon ibang mood na naman ang pinapakita niya. Tanginang lalaki ito! Gusto ko nang ihampas sa pader ang pagmumukha niya. Hindi naman siya baldado para subuan pa pwede naman niyang gamitin ang isa niyang kamay. Tsk!
Padabog kong kinuha ang pagkain niya. Hinipan ko iyon ng kaunti at isinubo iyon sa kaniya.
" Mainit!" reklamo niya.
" Hipan mo,"
Hindi niya ako pinansin. Sunod-sunod ang pagsubo ko ng sopas sa kaniya pero hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya dahil sa bawat paglunok niya ay ang hot niyang tignan. Para siyang modelo na nasa commercial.
" Stop ogling, woman," he said. " It's kinda' irritating..." patuloy niya.
Aray ko naman! Ang sakit naman magsalita ng lalaking ito. Hindi ko na lang siya pinansin at nang sinabi niyang ayaw na niya ang kaniyang pagkain ay itinigil ko ang pagsubo sa kaniya nito at inilapag sa tray. Kinuha ko ang gamot nito na pain reliever at ibinigay iyon sa kaniya.
" Inumin mo na iyan," malamig kong sambit at tumayo na.
Iiwan ko na sana siya ngunit bigla niyang nahaltak ang aking kamay dahilan para mapatigil ako sa paglalakad.
" Serran..." he mumbled.
The way he called my name it's kinda' music to my ears but I won't fall for that. I won't!
" What?" tanong ko at hindi pa rin siya nililingon.
I heard him sigh. " Harap ka sa akin." utos niya.
" Bakit ako haharap? May pag-uusapan ba tayo?"
Hinila ako nito at napaharap ako sa kaniya. Ngumiti siya nang pilit sa akin.
" I'm sorry..."
Kita ko naman ang sinseradad sa kaniyang mukha ngunit nagtataka ako kung bakit siya nagsosorry sa akin. I don't understand why. Nagsosorry ba siya dahil nasaktan niya ako? Nagsosorry ba siya dahil hindi niya ako agad binalikan? Nagsosorry ba siya dahil lugmok ako? It's nonsense.
Huminga ako nang malalim. " I don't need your sorry and explanation, Mr. Del Rosario. If you are sorry about the investment you pulled out, I don't care." matigas kong saad sa kaniya.
" No, it's not only about that..." he said.
Umangat ang isang kilay ko. " Then what? That you have a family?" sarkastikong tanong ko kahit na ang huling tinanong ko ay kumirot ang dibdib ko.
Hindi ko lang maintindihan kasi naaalala ko ang sinabi niya dati na ako ay para sa kaniya lamang pero nag-iba ang ihip ng hangin dahil buo na ang pamilya na gusto niya. Ayoko rin naman sumira ng isang pamilya at hindi ako ganoon na tao. Mas gugustuhin ko pa ang lumayo at masaktan ng mag-isa kaysa bumuwag ng isang sagradong pamilya.
I never thought that falling for someone would be this painful. But that's life, I know. In being able to come up with a perfect relationship, you'll always get through experience pain and heartbreak.
Ang pag-ibig ay hindi minamadali, hindi natin masasabi kung sino ba ang para sa atin at hindi rin natin masasabi kung siya na ba ang magiging katuwang natin sa habang-buhay.
" It's... it's not like that---"
" Then what?!" putol kong tanong sa kaniya. I raised my voice because of frustration.
Hindi naman ako galit kung hindi niya ako pinaasa na babalikan niya ako. Pero mas galit ako kasi may pamilya na siya tapos tsaka lamang siya babalik na parang wala lang.
Ramdam ko ang luha na nagbabadya nang tumulo. Tumingala ako nang kaunti upang hindi niya iyon mapansin pero tangina, dahil sa muling pagbaba ng mukha ko ay tumulo na lamang ito bigla.
" B-bakit ka pa b-bumalik?" basag ang boses kong tanong. " A-alam mo, sana hindi ka na lang bumalik... kasi sa pagbalik mo, mas masakit pa iyon kaysa iyong hindi ka nagparamdam sa akin..."
Hinawakan nito ang aking kamay at hinaplos. Kita ko ang pamumutla ng mukha niya ngunit pinipilit niya ang sarili niya. Gusto kong sabihin sa kaniya na huwag na niyang pilitin kung nahihirapan siya. Gusto kong sabihin na huwag na lamang siyang magbigay ng motibo para mahulog na naman ako sa kaniya pero hindi ko magawa.
" I watched you..." sambit niya. " I watched you from afar, achieving your dreams in life. I was there when you build your empire. I supported it." sinseredad nitong saad sa akin. " I-I let you go... for you to grow and I let you go for me to be better but my life sucks."
I can see sadness on his face. Ramdam ko na totoo ang sinasabi niya. Hindi ko na alam kung ano ang tama at mali, kung ano ang papaniwalaan ko. I stared at his eyes, no emotions in him. I can't read what is running on his head.
" Y-you... you're there?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Ngumiti siya sa akin ng pilit. " But it was all in a wrong time,"
Lumuluha akong napaluhod sa kaniyang harapan. Tinakpan ko ang aking mukha na patuloy pa rin ang pagdaloy ng luha sa aking mata. Should I regret wishing for him to comeback? This man in front of me... has it's weakest side and I can assume that it's me. I am his weakness.
" I... I d-don't know," I cried.
" P-please... d-don't cry in front of me, Serran. I can't hold back." malamyang pakiusap niya.
Bakit ganito ang mundo? Ang daya niya dahil nasasaktan at may sinasaktan rin ako. Shouldn't I be happy?
I shed my tears and felt his thumb wiping it. He caressed my cheeks and smile at me again. " Please, baby... stop crying. I won't let you cry again," pagpapagaan niya sa akin.
Ayoko nang patagalin pa iyong sakit. It's really painful. Agad akong tumayo at hindi ininda ang aking luha. Dinamba ko siya nang mahigpit na yakap dahilan para mapadaing siya.
" It's alright, Serran. It's alright..." he mumbled and hugged me tighter.
I sobbed on his shoulders. He tapped my back.
" S-serran..." he called.
" Hmm..." I hummed.
He sighed. " My wounds..." mahinang usal niya.
Nanlaki ang mata ko at lumayo ng yakap sa kaniya. Kita ko ang pagdurugo ng kaniyang sugat kaya agad ko itong dinaluhan ng pad para tumigil ang pagdurugo. Nanginginig pa ang aking kamay ngunit hinawakan niya ito.
" Relax, baby..."
Tumingin ako sa kaniya. Putangina, ang gwapo pa rin talaga ng mukha niya. " P-paano ako magre-relax kung ganiyan?"
Hindi ko namamalayan na nadiinan ko ang pagtakip ng pad sa kaniyang sugat.
" Ouch! E-easy, Serran..."
I sighed. " I am sorry," hinging paumanhin ko pero nang maalala ko na naman ang pamilyang sinasabi niya sa aking isipan ay lumayo ako sa kaniya.
" N-no... t-this is..."
" What's wrong again?" he asked.
Umiling ako. " T-this is wrong... you have a fami---"
" I don't have..." putol niya sa aking sinasabi.
What? W-wala siyang pamilya? Kung ganoon niloloko niya lang ako? Kumunot ang noo ko sa kaniyang sinabi. " What do you mean?"
" I won't build a family unless you're not the one I gonna marry." he declared.
Marry? Would he marry me? Is he proposing?
" No, I am not proposing to you, Serran. I want us to enjoy being a couple before I marry you." sambit niya. " I want to experience being a boyfriend to you, on how I am going to woo you every single day." ngiting deklara niya.
Hindi ako makapaniwala. Ang lalaking nasa harapan ko ay daig pa ang pagsabi ng walang hanggang pag-ibig sa akin. Kung makapagsalita siya ay akala mo sigurado na siya sa akin na ako ang pakakasalan niya. But all in all, kahit ano pa iyan, iyon na muna ang aking papaniwalaan.
" Perhaps, are we boyfriend-girlfriend?" sarkastikong sambit ko.
" Tsk. Stop ruining the momentum, Serran." irap niya sa akin.
Hindi ko alam kung susugal pa ba ako sa ganitong sitwasyon o hindi. Ngunit kung ang sigaw ng puso ko ay sumugal ako, then be it. I hope this will be the start of building a relationship where acceptance and forgiveness exist.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro