Kabanata 16
Red's POV
Nalaman kong sadya ang kamuntikan nang pagkabunggo ni Serran kaya naman nangangalaiti ako sa galit sa mga taong gumawa niyon. Nagsisimula na naman silang gumalaw at ito ang pinaka-ayoko sa lahat, ang lumayo at manatili na namang anino sa likod ni Serran.
Yes, nag-invest ako sa kaniyang kompanya. Lahat ay binayaran ko para lamang lumago iyon para maabot niya ang kaniyang pangarap. I remained silent on the shadow to protect her and to keep her safe with my enemies. Ngayon, mukhang kailangan ko nang putulin ang sungay ng mga kalaban ko. Hindi ako ipinanganak na santo pero kailangan nilang lumuhod at magdasal sa harapan ko.
I know already the mastermind of that accident happen to Serran two days ago. Nasa hideout kami ngayon at tinipon ko ang mga magagaling kong tauhan para puksain ang mga hayop na iyon. No one touches my woman and I don't want them to touch Serran ever again!
"Handa na ba ang lahat?" malamig kong tanong.
Nakahilera silang lahat sa aking harapan. "Handa na po, master!" sabay sabay nilang sambit.
Inilibot ko ang aking tingin. Hawak ko ang paborito kong armas at inutusan ko na rin silang kumuha ng kaniya-kaniyang armas para sa pakikipaglaban. Kahit digmaan kaya kong suungin paral lang protektahan si Serran at kahit na alam kong galit siya sa akin sa biglaang panggigipit ko sa kaniya, ipapaliwanag ko na lamang para sa kaniyang ikabubuti naman itong lahat.
Alam kong lalapit at lalapit siya sa akin para mag-invest muli sa kaniyang kompanya. Napangisi na lamang ako sa naisip na kondisyon kapag iyon ang kaniyang ginawa.
Nang handa na ang lahat ng aking mga tauhan, nagsimula na kaming magtungo sa aming mga sasakyan. Gamit ko ngayon ang aking Maserati, bullet proof at mula pa ito sa ibang bansa. Nanguna ang aking mga tauhan sa hideot ng kalaban namin. Nang makarating kami roon ay dahan-dahan naming pinasok ang loob ng abandonadong building kung saan nagtatago ang kalaban.
Nasagi ng isa kong tauhan ang isang container na siyang nagmulan ng tunog. Nakatunog ang kalaban kaya pinaulanan na namin sila ng bala bago pa sila makabunot ng kanilang armas. Ang aking dinaraanan na tauhan ng lintek na mga putangina ay sinisipa at binabawian ko ng buhay.
Alam kong hindi ako Diyos para kumitil ng buhay pero para sa taong mahal ko, handa akong pumatay maprotektahan lamang ito at hindi masaktan. Gagawin ko lahat ng aking makakaya kahit pa buhay ko ang kapalit niyon.
"Boss, sa gilid niyo!" sigaw ng isa kong mga tauhan na siyang ikinabahala ko.
Tinalunan ako nito ngunit bago pa niya maisaksak sa akin ang hawak niyang kutsilyo ay binaril ko na ang kaniyang noo. Headshot! Umalisangsang ang nagkalat na dugo sa paligid, patuloy pa rin ang pag-ulan ng mga bala pero hindi ko na iyon pinakialaman. Mabilis akong nagtungo sa isang pinto kung saan ang kinaroroonan ng kanilang pinuno.
Sinipa ko nang malakas ang pinto. Bumungad sa akin ang nakatalikod na amo ng mga punyetang aso sa labas. Ngunit mayroon itong kasama na apat na armado, mukhang matalino ang gago. Tsk!
"Kamusta, Del Rosario? Buhay pa ba ang mahal mo?" nakangising sambit niya sa akin.
I smirk on him. Makikipaglaro muna ako sa kaniya. Nasa likod ko ang aking isang kamay at dahan-dahan iyon na iniharap. Mabilis naman na bumunot ng baril ang kaniyang apat na kasama na siyang ikinatawa ko. Kumunot ang kanilang noo.
"Boss, may sayad yata ang kaaway niyo." sambit ng isa sabay nagtawanan pa.
Nilalaro ko ang aking baril sa aking mga daliri habang nakatingin sa kanila. Tumawa lang kayo at tignan ko lang kung sikatan pa kayo ng araw. Mukhang desidido na silang mamatay sa aking kamay. Binaril ko ang binti ng dalawang armado, isinunod ko naman ang dalawa at tinamaan ko sila sa kanilang kamay upang sila ay maparalisado na ng tuluyan.
Bumunghalit ng tawa si Zeus Machiavelle, ang lider ng Machiavelle Clan. Malaking sindikato ang kaniyang nabuo ngunit unti-unti ko iyon pinatumba noon kaya siguro nang makabangon at makahanap ng tauhan ay bumalik muli upang maghiganti.
"Well, well, well." sambit niya na may ngisi sa labi. "Nasiyahan ka ba sa munting regalo ko at ikaw pa talaga ang nagtungo rito upang pasalamatan ako?" saad niya sa sarkastikong tono.
"Hindi ko na kailangan magpasalamat pa sa iyo, Machiavelle..." makahulugan kong sagot.
"Matalino ka, Del Rosario... hanga ako sa katalinuhan mo." usal niya na siyang ikinatawa ko.
Humugot ako nang malalim na paghinga. "Hindi ako ipinanganak na bobo para lang maging tanga sa kagaya mo, unggoy!" pagmamayabang ko. "Wala ka kasing kwentang lider dahil wala kang utak!" asik ko pa na siyang ikinainis niya.
Tumawa siya nang nakakaloko at itinutok sa akin ang kaniyang baril. Galit at puot ang nasa ekspresyon ng mukha niya. I smirk on that view dahil alam kong konti na lang ay sasabog na ang galit niya.
"Alam mo kung ano ang mahirap? Iyong pinatay mo lahat ng mayroon ako noon, Del Rosario!" sigaw niya sa akin. "Ako naman ang maniningil at ikaw naman ang pahihirapan ko. Unti-unti kong kukunin ang lahat ng mahal mo. Sinimulan ko na sa babaeng nakaratay sa ospital!" nangangalaiti nitong sambit.
Mas lalong umigting ang aking panga dahil sa galit sa kaniyang ginawa. Pakana niya itong lahat na dapat ay kailangan niyang pagbayaran at kailangan niyang lumuhod sa aking harapan para humingi ng tawad pero pahihirapan ko muna ang putangina bago ko pakawalan ang nalalabing buhay niya sa mundong kinatatayuan niya.
"Mas mahirap sa akin ang lahat, Machiavelle. Nawalan ako ng magulang sa murang edad, walang wala ang mga naranasan mong sakit kaysa sa akin." malamig kong sambit. "Dahil sa kagagawan ng magulang mo kaya ako ganito, gusto kong bigyan ng hustisya ang mga magulang ko sa sinapit nila sa kamay ng magulang mong asal hayop!" sigaw ko.
Magkasalubong ang kaniyang kilay ngunit napalitan iyon ng ngisi. A wicked smile na tila nababaliw.
"Asal hayop? See for yourself on what you are doing, we are just the same, Del Rosario!" asik niya sa akin. "Matagal na kitang gustong itumba pero gusto kong unti-untiin lahat ng pagpapahirap sa iyo upang maranasan mo rin ang sakit," dagdag nito.
Napangisi ako. "Sa totoo lang, ikaw na lang ang mag-isa rito. Wala ka nang kakampi," sambit ko. Napansin ko ang tila pagkabahala niya at tumingin sa pinto kung saan ako pumasok kanina. Nakikita ko ang galit sa kaniyang mata batay na rin sa ekspresyon nito. "Kung ako sa iyo, sumuko ka na lang sa aking mga kamay, ako na ang hahatol sa iyo ng kamatayan para hindi ka na maghirap sa batas." malamig pero naroon ang sarkastikong tono sa aking boses.
"Ako? Susuko sa mga kamay mo? Mas mabuti pang sa kulungan ako mamatay kaysa sa kamay ng katulad mo!" walang emosyon niyang sagot sa akin.
Nanatiling nakatutok ang kaniyang baril sa akin. Ibinaba ko ang aking baril at natawa sa kaniyang sinabi. "Sa kulungan, na puro mamamatay tao ang laman?" humalakhak pa ako ng malakas. "Huwag ka ng umasa na sa kulungan ang bagsak mo, dahil ang dugong dumadaloy sa katawan mo ay ako ang dahilan sa pagkalat niyon sa sahig ng kinatatayuan mo!"
Nang masabi ko iyon ay mabilis niyang kinalabit ang gatilyo ng baril at pinaputukan ako. Mabuti na lamang at nakaiwas ako ngunit medyo huli na iyon dahil natamaan pa rin naman ang balikat ko. Napapikit ako sa hapdi ng balang bumaon doon pero hindi ko iyon inalintana.
Hindi ko iyon inaasahan ngunit nang tignan ko ang kaniyang mata ay nanlilisik na ito at handang pumatay. Pinaputukan ko siya ngunit mabilis siyang nakapagtago sa isang malaking container.
"Sumuko ka na, Machiavelle!" sigaw ko.
"Hinding-hindi ako susuko sa mga kamay mo, Del Rosario! Ikaw ang una kong dadalhin sa impyerno!" muling sigaw nito at pinaputukan ang aking kinaroroonan.
Mabilis ko siyang pinaputukan nang akma siyang lilipat ng mapagtataguan. Sapol ang kaniyang kaliwang binti kaya napaluhod ito. Hindi siya makagalaw kaya naman ay lumapit ako sa kaniyang kinaluluhuran.
"Hayop ka talaga, Red!" namimilipit sa sakit nitong sambit.
Tiniis ko rin ang bawat dugong dumadaloy sa aking balikat. "Mas hayop ka, tarantado!"
Mukhang umepekto ang pamparalisadong bala na ginamit ko sa kaniyang binti. Mabuti nga iyon sa kaniya at wala siyang takas sa aking mga kamay. Pagbabayaran niya ang ginawa niya kay Serran.
"A-Anong... g-ginawa mo sa akin?" nahihirapan niyang tanong.
"Mukhang paralisado ang buong katawan mo at unti-unti ka rin mamamatay dahil hindi lang pamparalisado ang matatamaan ng balang iyan dahil pwede mo rin agad ikamatay." malamig kong paliwanag.
"H-hayop... k-ka!"
"Ilang ulit mo nang sinabi sa akin ngunit mas hayop ka pa rin," sagot ko. "Ask for forgiveness, asshole."
Nanatili itong nakatingin sa akin ngunit dahan-dahan ngumisi. Hindi ko iyon nagustuhan dahil ibig lamang sabihin niyon ay ayaw niyang humingi ng tawad kaya minabuti ko na lamang na ibaon ang bala sa kaniyang noo.
"Serves you right, asshole! Para iyan sa pagtangkang pagpatay kay Serran." huling sambit ko bago lisanin ang lugar.
Nang makalabas ako ay sinalubong ako ng mga tauhan ko. Lumapit sila sa akin at inakay ako patungo sa aking kotse.
"Boss, may tama kayo, sigurado ba kayong kaya niyong mag-drive pauwi ng mansyon?" tanong sa akin ni Fidel, isa sa mga tauhan ko na pinagkakatiwalaan.
"A-ayos lang ako," walang emosyon kong sagot. "Mauna na ako sa inyo." sambit ko bago pinaharurot ang sasakyan ko.
Masakit ang aking balikat at hindi ko alam ang aking patutunguhan. Hindi ko umuwi sa mansyon ngunit dinala naman ako ng sarili kong sasakyan sa bahay ni Serran. Lumabas ako sa aking kotse, nanghihina at pagod na rin. Medyo inaantok na rin ang aking mata na nais nang pumikit ngunit pinipigilan ko lamang ito.
Nag-doorbell ako, ilang ulit iyon hanggang sa marinig ko ang sigaw ni Serran. Napangiti ako nang konti.
"Sandali lang! Putang-" hindi na nito natuloy ang kaniyang sasabihin nang mapako ang tingin sa akin.
"S-Serran..." huling sambit ko at natumba na lamang sa kaniya.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro