Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 15

Serran's POV

I was in the bar to get wasted. I want to forget all my problems and even Red, I want to forget him as well. He really think that he's mighty and powerful, such an asshole. Nakaupo ako sa counter ngayon at nakatanaw lamang sa dance floor. Ang ilaw ay umiindayog, maraming tao ang sumasayaw at nakikipag-make out sa kung saan saan. Mausok ang paligid at animo'y parang nakawala sa hawla ang mga tao.

Malakas ang tugtog at nasisilaw ako sa bawat ilaw na tumatama sa aking mukha. Naubos ko ang aking iniinom at umorder pa muli hanggang sa maramdaman ang pananakit ng ulo at pagkahilo. Hindi ko inalintana iyon bagkus umorder pa akong muli.

"I-Isa pa..." sambit ko sa waiter.

"Lasing na po kayo, Ma'am..." saway nito sa akin. Malinaw ang aking pandinig kaya sinamaan ko nang tingin ang waiter.

"Wala kang pakialam dahil may pambayad ako at kaya ko pang uminom." malamig kong turan rito na agad naman niyang sinalinan ang aking baso.

Kailangan pa na takutin bago ibigay ang gusto ko at saka ano ba ang pakialam niya kung maglasing ako? Siya ba ang may-ari ng bar para pigilan ako? Tsk! Palibhasa kasi ay hindi nila naiintindihan ang nararamdaman ko. They don't know kung ano ang problema ko na kay bigat na sa aking dibdib.

"Asshole... akala mo gwapo," nakatunghay kong sambit sa kawalan. " kapal ng mukha niya..." bulong ko pa.

I tried to stand up para lubusin ang gabi ngunit muli akong napaupo nang umikot ang aking paningin. Pinilit ko pa rin tumayo at pasuray-suray na dumiretso sa dance floor. Nakipagsabayan ako sa mga taong sumasayaw, wala akong pakialam kung may masanggi akong tao basta gusto ko lang maging wasted ngayong gabi.

Habang sumasayaw ako ay may naaninag akong bulto ng lalaki na palapit sa akin. Sinalubong ko ang kaniyang tingin habang patuloy ang pagsasayaw at lalong kumunot ang kaniyang noo. Hindi ko na lang pinansin at iniwas na ang aking tingin dahil mukha ni Red ang aking nakikita.

Naramdaman kong may braso na humablot sa aking bewang at idiniin ako sa kaniya. Gumiling ako at ramdam ko na ang matigas na sandata na tumutusok sa aking likuran pero wala akong pakialam. Nagpatuloy ako sa pagsasayaw at ramdam ko rin ang paghigpit ng hawak niya sa aking bewang.

Na-estatwa ako nang marinig ko ang boses niya nang magsalita ito sa gilid ng aking tainga.

"What the hell, Serran..." marahas na bulong nito.

My eyes widen. I couldn't believe that the man I am trying to forget is here at my back, grinding and almost touching my butt. Hindi ko alam pero ang katawan ko ay bigla na lamang uminit sa bawat haplos ng kaniyang kamay sa aking bewang.

Wala na akong pakialam kung magalit siya o ano, ang kailangan lamang ng sarili ko ngayon ay magsaya at lumimot.

"Stop dancing, woman!" iritadong sambit nito pero hindi ko siya pinakinggan.

Dahil sa lakas ng tugtog ay kinailangan ko pang humarap sa kaniya at ikinawit ang aking kamay sa kaniyang batok bago ko inilapit ang labi ko sa kaniyang tainga at sumigaw doon.

"Don't stop me, because I am enjoying the party!"

Ramdam ko ang hilo at ramdam ko ang matatalim na titig nito sa akin but I don't fucking care anymore. Sino ba siya? Boyfriend ko ba siya? Kita ko ang pag-igting ng kaniyang panga at alam kong galit na ito ngayon. Marahas niya akong hinila palayo sa dance floor at ako ay nagpupumiglas and trying to seek help from the people out there but no one helped me.

Tuluyan kaming nakalabas sa bar na iyon hanggang sa makarating kami sa tapat ng kotse nito. Nanlilisik ang kaniyang mga mata na nakatingin sa akin.

"What the hell is your problem, woman?!" galit na sigaw niya sa akin.

Pinanliitan ko siya nang mata. "Problem? I don't have a problem, Mr. Del Rosario!" bulyaw ko sa kaniya at sarkastikong tumawa. "Stop acting like you care," mahinang tugon niya.

Kumuyom ang kaniyang kamao na tila handa na akong sapakin ano mang oras. "Putang... ina!" He cursed. "Don't you know na pinagpyepyestahan na ng mga lalaki ang katawan mo?! Don't you know how much they admire your fucking body?!" puno ng iritasyon sa boses nito.

Ramdam ko ang galit niya pero hindi ako umimik dahil kahit salita pa siya nang salita wala akong pakialam. Una, wala naman mali kung sumayaw ako or to get wasted. Pangalawa, he's not even my boyfriend para pakialaman ako. Pangatlo, pamilyado na siyang tao kaya hindi na siya pwedeng mag-alala pa sa akin. Sino ba naman kasi ako sa buhay niya?

"Stop acting like you care, Red. You have a family right? Why are you doing this to me?" malamig na sambit tanong ko. Alam kong nahihilo at naparami ang inom ko pero tiyak kong kaya ko pa naman makipagsagutan sa kaniya.

He tried to hold my hands but I dodge it away. "Don't... don't touch me," huling sambit ko bago siya talikuran. Ayaw kong makita niya ang aking luha at ayaw kong isipin niya na gusto ko siya at siya ang dahilan kung bakit ako naglalasing.

Hindi ko naramdaman ang paghabol niya sa akin pero ramdam ko ang tingin niya sa aking likuran. Hindi ko alam kung saan ako tutungo at nanlalabo na rin ang aking paningin nang makarinig ako ng isang malakas na pagbusina at nang umangat ang aking tingin ay ang malakas na ilaw na malapit na sa akin kaya napapikit na lamang ako at hinintay na bumangga ito sa akin ngunit wala akong naramdaman na pagtama ng sasakyan sa katawan ko.

I opened my eyes widely at bumungad sa akin si Red na habol ang hininga habang hawak ang aking bewang na tila nakayakap na sa akin. Bakit pa niya ako niligtas? Nagpapakita na naman siya ng motibo. Ano ba ito? Isa na naman ba na patibong para tuluyan na akong mahulog sa kaniya? At sa ginagawa niyang ito ay lalo lamang nasasaktan ang puso ko.

Tumulo ang aking luha. "B-Bakit..." putol kong sambit bago tuluyan nang nagdilim ang aking paningin. Wala na akong narinig na salita mula sa kaniya.

Nagising ako sa isang nakakasilaw na ilaw at puting kisame. Nasa langit na ba ako? OA lang, Serran?! I slowly opened my eyes and roamed it around. Nakita ko ang bulto ng isang lalaki na natutulog sa aking gilid habang hawak ang aking kamay.

Natatakot akong gisingin siya at baka siya ay magalit sa akin. Minabuti ko na lamang na titigan ang kaniyang mukha at nakontento kahit na gusto ko itong haplusin dahil sobrang namimiss ko na siya pero hindi na rin iyon nararapat pang maramdaman dahil mayroon na siyang pamilya.

Naaalala ko pa lang iyon ay talo na ako at ayaw ko nang sumugal pa. Ngayon na nga lang kami muling nagkita, hindi ko pa siya puwedeng mahalin. Saklap talaga ng aking tadhana, na kahit anong hiling ko pa na maging masaya ako sa isang tunay na pagmamahal ay sadyang wala ng pag-asa.

I want to wake him up pero mukhang naramdaman niya yata na may taong nakatitig sa kaniya kaya nagmulat ito nang mata. Nagulat pa ito at napaayos ng upo bago alisin ang paghawak nito sa aking kamay. Umiwas ako nang tingin dahil nakatingin ito sa akin. Napayuko na lamang ako sa sobrang kahihiyan at hindi na umimik.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" walang ganang tanong nito.

Akala ko pa man din ay nag-aalala siya sa akin pero umasa lang na naman ako. Napa-angat ako nang tingin sa kaniya at ngumiti ng kaunti. "Okay na ako... p-pwede na akong lumabas ngayon..." nahihiyang sambit ko kaya napayuko muli ako.

Lugmok na ako at hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung saan ako kukuha ng malaking investor para mai-ahon ang aking pinaghirapang buuin na kompanya. Oo at inaamin kong maliit lamang ang aking kompanya at siya ang pinakamalaking investor na nagpull-out sa amin. Nakakapanghinayang na ang kakasimulang negosyo na binuo ko sa sariling sikap ay unti-unti rin babagsak. Nakakatawa!

"Kakausapin ko lang ang Doctor," malamig na sambit nito at tinalikuran ako. Pero bago pa niya mabuksan ang pintuan ay nagsalita na ako.

"H-Hindi na, Mr. Del Rosario... a-ayos na po ang pakiramdam ko," utal kong pahayag. "S-Sa bahay na lang ako magpapahinga kaya wala na pong dahilan para kausapin mo ang Doctor."

Nakita kong lumingon siya sa akin. "Bakit ba ang tigas ng ulo mo?!" galit na asik niya sa akin.

Kumunot ang aking noo. Ano at nagagalit ang lalaking ito? Wala naman akong sinasabing masama. Ipinapahayag ko lang naman ang nararamdaman ko. "Sorry? Mas matigas po yata ang ulo niyo..." patay malisya kong sagot sa kaniya.

He sighed, his jaw clenched.

"You better shut your filthy mouth, Serran." malamig at may pagbabanta sa kaniyang boses.

Umarko ang aking kilay. "So? Gusto kong umalis na sa hospital na ito at wala nang rason pa para kausapin mo ang Doctor dahil mabuti na ang lagay ko. Lasing lang ako pero hindi na ngayon. Wala naman akong sakit para makaratay sa hospital bed na ito!" inis kong asik sa kaniya.

Nanlilisik ang kaniyang mata na lumapit sa akin pero ipinakita kong hindi ko siya uurungan. Hinawakan nito ang aking batok at hinila palapit sa kaniya. Magkalapit na ang aming mukha at ilang dipa na lang ay maglalapat na ang aming labi kaya napalunok ako. I swear, kahit bagong gising niya lang, amoy ko ang kaniyang mabango pa rin na hininga.

"Huwag mo akong subukan kung ayaw mong masaktan!" gigil niyang sabi.

Nanghahamon ang aking mga tingin sa kaniya bago nagsalita. "Masaktan? Anong klaseng pananakit ang kaya mong gawin sa akin?"

Marahas niya akong binitawan at kinuha ang aking palapulsuhan bago niya idinampi ang kaniyang labi sa akin. He bit my lips for me to open up and I did, nagpadala na naman ako sa halik niya. Hindi ko alam pero tila may sariling utak ang aking labi at nakipag-espadahan sa kaniya.

Itinigil niya ang paghalik sa akin nang siya'y matauhan. Kapos ang aking paghinga at pilit itong hinahabol sapagkat siya lumayo sa akin ng ilang dipa.

"Kung hindi kita masasaktan sa pisikal, pwes paparusahan kita sa bawat halik na ibibigay ko sa iyo." malamig na sambit niya bago lumabas ng aking silid.



To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro