Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 14

Nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa negosyo ni Serran. Lahat ng kaniyang mga employees ay nagtatanong na sa kaniya kung sila ba ay mawawalan ng trabaho.

"Hindi kayo mawawalan ng trabaho!" mariing sigaw niya sa mga ito. Nagbulung-bulungan naman ang paligid niya na wari ay hindi naniniwala sa kaniyang sinasabi.

"Madam, paano kung bumagsak ang sales ng kompanya niyo ngayon? Paano na lamang kung wala kayong ipapasahod sa amin?" reklamo ng ibang employees. Kumuyom ang kaniyang kamao. Naiinis siya dahil lahat ng investor ay nagpull-out sa kompanya.

"Hindi ko hahayaan na mawalan kayo ng trabaho. Kaya ko pa kayong bigyan ng sapat na sahod. Gusto ko lang na samahan niyo ako sa pagsubok na ito," She said, full of compassion.

Napakamot na lamang sa ulo ang kaniyang mga trabahante at mariin siyang bumuga ng hangin. Hindi siya pwedeng mawalan ng pag-asa, kung kinakailangan niyang lumuhod sa harap ng lalaking 'yon ay gagawin niya ngunit sa ngayon habang may paraan pa siyang kayang gawin ay hindi siya aabot sa pagmamakaawa.

She's Serran Jade Cariño, the stunning and dominating woman who can make you fall for just a glimpse of her beauty. Hindi siya maaring magpatalo sa lalaking minsan na niyang nakasama.

"I won't beg if that's what you want, Red." she murmured out of nowhere.

Humingi siya ng tulong sa iba't-ibang kakilala niya dahil na rin sa mga koneksyon niya. Ilang buwan pa lamang ang kaniyang negosyo ay basta basta na lamang siyang lulugmok sa isang iglap ay hindi iyon maaari sa kaniya. She will definitely make a way to prove her dedication at work into that guy.

Lumabas si Serran sa kaniyang opisina at nagtungo sa restaurant na lagi niyang kinakainan. Ngunit nang makalabas siya sa kaniyang kotse ay nakita niya sa loob ang lalaki na may kasamang babae. Hindi niya maipagkakailang maganda nga iyon at sopistikada.

"She's pretty though," she mumbled.

Patay malisya siyang pumasok sa restaurant at iginaya siya ng waiter sa kaniyang upuan. As usual, pinili pa rin niya ang sulok na bahagi ng restaurant para hindi makita ang lalaki at ang babaeng kasama nito.

Nagtungo siya sa restroom at ramdam niyang may nakasunod sa kaniya ngunit hinayaan na lamang niya iyon dahil baka ibang customer lang. Pumasok siya sa cubicle at rinig niyang sumara ang pintuan.

Ilang minuto siyang naroon kaya naisipan niya nang lumabas dahil baka mayroon na ang pagkaing order niya. Ngunit sa kaniyang paglabas ay nabigla siya nang makita ang lalaking nakasandal sa pintuan ng restroom at nakahalukipkip.

"Ang tagal mo naman."

She was startled at first kaya hindi ito nakapagsalita. Nanuot ang pabango ng lalaki sa kaniyang ilong ngunit ipinilig niya ang kaniyang ulo at nagtungo sa sink para maghugas ng kamay.

Tumingin ito sa salamin at nakatingin rin ang lalaki sa kaniya. Mali yata ang kaniyang pagpunta sa sink dahil lumapit ang lalaki at pumwesto sa kaniyang likuran.

Her face darkened. "C-Can you please go out? I-It's a ladies restroom," she stuttered.

Ikinulong siya ng lalaki sa sink habang nakatitig silang pareho sa salamin. Kitang kita ni Serran ang malalamig na mata ni Red at kung paano nito ilapit ang mukha sa kaniyang leeg.

"Still the same woman I've been longing," he said seductively. "I missed you..." Lumapat ang labi nito sa kaniyang tainga at ramdam niya ang init ng hininga ng lalaki roon.

Nagpakawala ng mapait na tawa si Serran. "Excuse me? This woman you're longing for is dead, Mr. Del Rosario. Can you please excuse me? I have to go," giit nito.

Ngunit hindi siya pinakawalan ni Red bagkus ay idinikit pa niya ang kaniyang katawan dito. Nagkaroon nang mapaglarong ngiti sa kaniyang mukha dahil natutuwa siya sa bawat reaksyon na ibinibigay sa kaniya ni Serran.

"What if I don't, huh?" hamon nito. "You are still the same woman I had few months ago," angil naman nito.

Lalong kumunot ang noo ni Serran. Naiinis na siya sa ginagawa ng lalaki sa kaniya. Wala siyang magawa dahil wala naman siyang lulusutan. Naisip na lamang niyang makipaglaro sa lalaki na parang walang nangyari.

"Okay, fine!" himutok niya. "Hindi na lang ako kakain kahit nagugutom ako dahil ayaw mo akong palabasin. Wala akong pakialam kung malipasan ako ng gutom." sambit niya.

He's jaw tightened upon hearing that to Serran. Naiinis ang lalaki dahil parang kasalanan niya kung bakit gutom ang dalaga ngayon. Nagsukatan sila ng tingin sa harap ng salamin. His face darkened at sinalubong iyon ni Serran na walang katakot-takot.

"Damn, woman..." he mumbled. "... sexy as hell," mabigat ang paghinga ni Red nang sabihin niya iyon.

"Matagal na, Mr. Del Rosario. Now, can you please excuse me?" she plead, sarcasm on her voice.

Kinabig siya ni Red sa kaniyang bewang kaya napahawak si Serran sa batok nito. Matalim siyang tinitigan ng binata sa kaniyang mga mata.

"I know you miss me, my love."

Serran tilted her head on the side. Napabitaw ito sa pagkunyapit ng kaniyang kamay sa leeg ng binata. Hindi siya mapakali dahil ramdam niya ang pagtitig sa kaniya ng binata. She was breathless all of a sudden when Red started to rubbed her waist into circular motion and it tickles her.

"S-Stop..." she mumbled. "...go away, Red. You already get what you wanted, so please... please let me go." She plead without looking to the man in front of her.

Bumitaw naman si Red sa paghaplos sa bewang ng dalaga. "I didn't get what I wanted, Serran." he spoke.

Tiningala ni Serran ang binata at nakita niya sa mga mata nito ang pagkawala ng emosyon. Hindi siya naniniwala na hindi pa nito nakukuha ang gusto niya.

"Just... l-let me go," mahinang pakiusap ni Serran. Yumuko siya at pinipigilan ang sariling luha na huwag kumawala sa kaniyang mga mata. But instead, a tear fell at hindi na niya iyon napigilan. "Y-You already have a family... I-I don't want to ruin it..." she sobbed.

Sumiklab ang matinding emosyon ni Red na hindi niya maipaliwanag. He felt so soft again towards Serran na hindi naman dapat para maprotektahan ito ngunit sa pag-iyak ni Serran na siya ang dahilan, hindi niya mapigilan ang sarili na hindi yakapin ang dalaga.

It's painful. Alam niyang masasaktan ang dalaga sa lahat ng ginagawa niya pero iniisip lang nito ang kapakanan ng dalaga. Ayaw niyang ipahamak ang dalaga sa mga taong may kinalaman sa organisasyon na kinabibilangan niya kaya ito lang ang tanging naisip niya-ang saktan ang dalaga.

Kumalas si Serran sa kaniyang mga hawak at dahan-dahan pinahid ang luha bago lumayo kay Red ng kaunti at tiningala ito ng buong tapang.

"Let's end this... let's forget everything that had happened between us..." tugon niya. "Kalimutan na rin natin na nakilala natin ang isa't-isa dahil wala na rin naman tayong patutunguhan and I mean, wala naman talaga tayong relasyon..." she stopped and look down. "Hindi ko ipagpipilitan ang sarili kong gustuhin mo kasi sa simula pa lang... alam kong may wakas ang pinagsamahan natin."

Natulala si Red sa sinasabi ni Serran. Dahan-dahan na naglakad paalis ang dalaga at hindi na muling nilingon ito. Umiiyak siyang lumabas sa restaurant at walang ibang nasa isip nito kundi ang isiping pagbitaw at hindi na muling paglapit sa lalaki.

Hindi na rin nito kailangan ipagpilitan pa ang lahat dahil wala na rin naman pag-asa dahil pamilyado na ang taong hinihintay niya. She's in pain but she knows, it's not suitable to her. She would probably a mess right now, but she will be the Queen of her own empire someday.



To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro