Kabanata 12
Hindi na lamang nagsalita si Serran dahil baka iyon pa ang dahilan ng pag-aaway nilang dalawa. Ngayon lang sila nagkita kaya minabuti na lamang niya ang pagtahimik.
Dama niya ang nag-aalalang tingin sa kaniya ni Red. Mukhang gusto nitong magsalita ngunit wala namang lumalabas na tinig sa bibig niya. Nais niyang sundin na lamang ang bawat gusto ng binata ngunit gusto niya rin maging malaya.
She felt him move closer to her side kaya nag-angat ito ng tingin. Her head is still spinning and her body is still sore. She felt weak all over again.
"I-I'll rest, get out..." she said weakly.
Pilit itinataas ni Serran ang kaniyang kumot ngunit inagaw na nito sa kaniya ng binata at siya na ang mismong nag-ayos ng kumot nito. Hindi na lamang niya pinansin ang bawat tingin ng binata dahil tumalikod na ito sa kaniya.
Lumipas ang ilang minuto ay hindi makatulog si Serran. Pilit niyang ipinipikit ang mata ngunit naramdaman niyang humiga ang lalaki sa kaniyang higaan. Na-istatwa ito, pigil hininga siyang lumayo nang kaonti rito.
"Don't move," baritonong sambit ng lalaki. "I won't do something bad, just rest." mahinang usal nito.
Niyakap na lamang ni Serran ang unan sa kaniyang gilid at ipinikit ang kaniyang mata. Binalewala nito ang lalaking katabi niya upang makapag-pahinga na rin siya ng mabuti. Kailangan niyang gumaling upang hindi na magpatuloy na tumabi ang lalaki sa kaniya.
Samantala, si Red ay nakatingin lamang sa kisame at nang maramdaman niyang tulog na ang dalaga sa kaniyang tabi ay hinarap niya ito bago idantay ang kaniyang braso sa tagiliran ni Serran.
"Sleepwell, Serran and get well soon." he mumbled on her ears. "I'll make it up to you kapag tuluyan ka ng gumaling." huling sambit niya bago kintalan ng halik ang gilid ng ulo ni Serran.
Nakayapos ang kamay nito at hindi inalintana ang init ng dalaga sa kaniyang tabi. Pilit rin niyang ipinipikit ang kaniyang mga mata ngunit hindi ito makatulog.
Nabigla siya nang umikot ang dalaga paharap sa kaniya at iniyakap nito ang kaniyang braso. Pigil hininga siya dahil sobrang lapit na ng kanilang mukha. Lihim naman siyang napamura dahil isang galaw lamang ay mahahalikan na nito ang labi na kaniyang tinatamasa.
"Fuck," he cursed before letting out again a deep sigh.
Hindi niya mapigilang titigan ang dalaga lalo na ang labi nito na gusto na niyang halikan. Hindi niya gustong magnakaw ng halik sa dalaga ngunit wala siyang pagpipilian kung hindi gawin na lang iyon.
Inilapit nito ang mukha sa dalaga at marahang kinintalan ng halik ang labi nito. He really like her kahit na hindi niya mapaamo ang babae ay isa pa rin iyon na dahilan para mahulog sa babae.
Insanity. Iyon lamang ang tamang salita na naisip ni Red sa kaniyang sarili. Marami na nga ang humahabol sa kaniya na gusto siyang mamatay ngunit gusto pa niyang itago ang babae sa puder niya.
"You're insane, Red!" bulalas niya.
He just closes his eyes and breathes deeply. Frustration is all over him because of the woman he likes— no, love is the exact word for that. Hinila na siya ng tuluyan ng dilim.
Madaling araw nang magising si Serran na may mabigat na nakadantay sa kaniya at nakayap pa siya rito. Inangat niya ang tingin at kinusot pa ang mata niya kung hindi lamang siya namamalikmata.
"Oh shit!" she growled.
Mabilis niyang tinanggal ang pagkakayakap sa kaniya ni Red at mabilis na tumayo sa kama. Kumuha siya ng damit at pumasok sa banyo ngunit sumandal ito sa likod ng pinto.
"What the hell, Serran!" inis na singhal niya sa kaniyang sarili. Akala ko lumayas na ang lalaking iyon pero ganoon na lamang ang mabubungaran ko?
Naghilamos siya sa labis na pagkataranta at nagbabad na lamang siya sa bathtub. Halos ilang minuto siyang natulala nang makarinig siya ng pagkatok sa pinto ng banyo.
"Serran?" ang baritonong boses na pagtawag sa kaniya ni Red. "You okay, there?"
Hindi makapagsalita si Serran kaya sunod-sunod na kumatok si Red sa pinto. Natakot si Serran na baka sirain nito ang pinto kaya minabuti nitong sumagot na lamang.
"I-I'm...o-okay," utal niyang sigaw.
Tumigil ang pagkatok ng pinto at nakahinga lamang siya roon ng maayos.
"Make it fast, Serran. Hihintayin na lamang kita sa ibaba," malamig na usal nito.
Tila nabuhusan naman ng malamig na tubig si Serran dahil sa malamig na boses ng binata.
"Don't fucking wait, Red." pilit niyang sagot.
Natahimik ang nasa labas ng banyo. Bumuntong hininga si Serran nang wala na siyang marinig na tinig mula sa kausap. Ipinikit na lamang nito ang kaniyang mata at isinandal ang ulo sa bathtub.
Napamulat siya nang wala sa oras noong biglang bumukas ang pinto at iniluwa roon ang may matalim na titig ni Red. Naglakad ito palapit sa kaniya kaya nagsumiksik siya sa bathtub.
"What the hell. . . are you doing here?" nauutal na tanong ng dalaga at pilit tinatakpan ang sarili.
Ngumisi ang binata sa kaniya. "Kung ayaw mong lumabas, pagbibigyan naman kita Serran." he smirked.
Kumunot ang noo ni Serran sa binata. "What the hell are you talking about? Can you just get out?" naiinis na angil nito.
Mapaklang tumawa si Red at mabilis na kinabig ang ulo ni Serran palapit sa kaniya na naging dahilan para bumalandra ang dibdib ni Serran. Nagulat ito at pilit na lumalayo sa binata.
Dumako ang tingin ni Red sa nakabalandrang dibdib ni Serran at napakagat labi pa siya bago napamura ng lihim.
"Damn those delectable boobs of yours!" he exclaimed at tinitigan na naman ang labi ng dalaga.
"Bastos!" sigaw ni Serran. Nagpumiglas siya sa hawak ni Red kaya nasabuyan nito ng tubig ang mukha ng binata.
"Fuck!" singhal ni Red. "Talagang gusto mong maangkin sa loob ng banyo, huh?" mapaglarong sambit niya.
Tinaasan ng kilay ni Serran ang binata, "Die asshole! Manyak! Napaka-bastos mo!" pagsisigaw niya. "Pwede, lumabas ka na? Nakakasawa kasi ang pagmumukha mong gago ka!"
Kumuyom ang kamay ni Red at matalim na tinitigan si Serran. "Kapag namatay ba ako, magiging masaya ka na?" malamig na tanong nito.
Tila nalunok naman ni Serran ang dila niya nang sabihin iyon ng binata. Hindi niya inaasahan na ganoon ang salitang bibitawan ni Red sa kaniya. Napayuko siya.
"Cat got your tongue?"
"You're insane, Red! Baliw ka na," mahinang singhal ni Serran. "Wala naman akong pakialam kung mamatay ka, e!" masakit na pagbitaw nito ng salita.
Lumamlam naman ang mukha ni Red. His cold eyes become rigid at umigting ang panga nito sa sinabi ng dalaga.
"Then I'll just die," he mumbled. Dress up, itatakas kita rito ngayon at magiging malaya ka na," sambit niya bago tuluyang lumabas ng banyo.
Natigilan si Serran at sinundan niya ng tingin ang papaalis na bulto ng lalaki. Napakagat siya sa kaniyang labi. Tila, nahiya sa kaniyang ginawa at may parte sa kaniya na ayaw niyang mamatay ang lalaki.
Nagbihis si Serran at bumaba na lang upang hagilapin ang binata ngunit hindi niya ito mahagilap. Nagtanong siya sa tauhan ni Red.
"Nakita niyo ba si Red?"
"Hindi po, Ma'am." magalang na sagot ng alagad ni Red sa kaniya.
Linisan nito ang pasilyo at nagtungo sa pool area. Naabutan niya roon si Red na nagaayos ng baril. Lumapit ito sa binata ng nakayuko.
"A-Ano..."
"Sana naayos mo na ang mga gamit mo dahil nariyan na ang tumutugis sa akin," malamig na usal niya.
"N-Naayos na..." nakayukong sagot niya.
Sasagot pa sana siya nang mabilis na dumating ang isang alagad niya. "B-Boss... nariyan na po ang kalaban, kailangan na po nating umalis!" mabilis na saad ng lalaki.
"Takot ka? Easy lang, hayaan mo silang makapasok sa teritoryo ko. Humanda lamang kayo," utos ni Red sa tauhan.
Hindi niya tiningala si Serran at mabilis niyang inayos ang baril nito. Malungkot naman si Serran na tahimik sa gilid na tila walang nakakapansin sa kaniya.
Maglalakad na sana siya sa papalayo sa binata nang bigla itong magsalita.
"Serran," he called her.
Huminto si Serran at malungkot ang mga matang tumingin sa binata. "A-Ano iyon?"
Umiling ang lalaki. "Nothing. Be happy," huling sambit nito na siyang ikinataka ni Serran.
Pilit na lamang ngumiti si Serran. "Of course..."
Sasagot pa sana si Red ngunit hindi na niya nagawa dahil mabilis niyang hinila si Serran at ikulong ito sa kaniyang bisig.
"Ah... shit!" daing ni Red nang tamaan siya ng putok ng baril ng kaniyang kalaban.
Nagulat at nabigla si Serran at nanlalaki ang matang tumingin kay Red.
"You're okay, you're safe..." nanghihinang usal niya. "You're safe, my love..."
Pumatak ang luha ni Serran nang may lumabas na dugo sa bibig ni Red. Hinawak nito ang pisngi ng binata. "Y-You're... b-bleeding," taranta at garalgal ang boses nito.
"Shh... d-don't cry, I'm okay..." sagot ni Red bilang assurance.
Sunod sunod na putok ng baril ang umalingasaw sa buong lugar. Hindi makapagsalita si Serran.
"Let's get out of here..." mahinahong saad ng binata kay Serran.
Inakay niya ito paliko sa isang pasilyo kung saan naroon ang underground na daanan paalis sa mansyon na iyon. Sa kalagitnaan ng kanilang paglalakad ay hindi pa rin tumitigil ang pagbuhos ng luha ni Serran. Tumigil si Red at may pag-aalala ang mukhang tumingin kay Serran.
"R-Run... run S-Serran," utos niya. "Diretsuhin mo ang daan may kotse roon na naghihintay sa may paanan."
"N-No..." Umiling siya, "I don't want too, Red. Hindi kita iiwan rito. I am sorry for saying that earlier. Ayaw ko, I am sorry, hindi ko alam..."
Umiiyak si Serran ngunit pinahid ni Red ang kaniyang luha. "It's okay, my love. Someday, you and me will meet again... I'll be better..." nahihirapang usal niya sa dalaga.
"I'm sorry... ayaw kong m-mamatay ka," hagulgol niya.
"It's alright, Serran. I'm not gonna die, I promise." he assured. "I promise, I will find you, just run Serran, please!"
Humiwalay si Red kay Serran at pilit niya itong itinutulak palayo sa kaniya. "Run now, Serran! Be safe, remember what I promised!" sigaw niya. "I love you, so much..."
Mabilis na tumalima si Serran at tumakbo papalayo at hindi na muling lumingon sa sugatan na si Red. Putok ng baril ang tanging naririnig niya sa kaniyang pagtakbo ngunit tinatagan niya ang kaniyang loob hanggang sa makarating siya sa may paanan.
Mayroon ngang sasakyan roon at mabilis siyang pumasok sa kotse at pinaandar iyon paalis sa lugar. Nanghihina, pagod na pagod si Serran habang inaalala ang bawat eksena kanina.
Tanging nasa isip niya lamang ay si Red at ang pangako ng binata sa kaniya.
"Be safe, Red. Please, be safe..." mahinang panalangin niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro