Kabanata 11
Nakatulala si Serran sa harap ng pool area. Iniisip pa rin ang pangyayari na naging sanhi ng kaniyang hindi pagpansin sa lalaki. Kahit hindi nito isipin ang nakita niya pero nililipad ang utak niya sa eksenang iyon.
How could he just end up a life like that? She thought on her mind.
It's already been a week and a part of her still can't get over with it. Sa buong isang linggo na iyon ay hindi rin nagpakita ang lalaki sa kaniya. Kapag hinihintay niya ito sa labas ay wala rin siyang napapala. Tiyak nito na hindi magpapakita ang lalaki ngayon.
He even give her laptop and cellphone pero hindi niya iyon ginagalaw. Ang kalayaan na laging makita ang lalaki ay naglaho dahil hindi rin niya ito madalas maabutan sa umaga.
She sighed deeply. Tinawag siya nang isa sa mga tauhan ni Red. Doon lamang siya napabalik sa tamang pag-iisip.
"Madam, handa na po ang tanghalian niyo." saad ng tauhan ni Red.
She gulped. " S-Sige, susunod ako..."
Naglakad na lamang siya patungo sa hapag-kainan. Hindi maganda ang pakiramdam niya pero kailangan niyang kumain. Magtatanong na lamang siya kung mayroong gamot sa sakit ng ulo ang tauhan ni Red na nagtawag sa kaniya. Para siyang nanlalamig pero hinayaan niya ang sarili niya na isipin ang lalaking bumuhat sa kaniya. Ang mukha ni Red na may pag-aalala.
Tanging tauhan lamang niya ang naiwan sa mansyon na lagi siyang ini-rereport sa amo. He doesn't even want to talk to her. Parang ayaw niya itong makita.
Kahit wala itong sinasabi ay alam niya sa sarili niya na dapat hindi nito husgahan ang lalaki. Tila nawalan siya nang gana kaya halos iluwa na lamang niya ang kaniyang kinakain.
"Madam, ayos lang ba kayo?" tanong ng tauhan ni Red.
Tinignan niya ito bago umiling.
"No..." she answered, "May gamot ba kayo para sa sakit ng ulo?"
Nagtataka ang mukha ng tauhan ni Red. "M-Meron po," sagot niya. "Sasabihin ko lamang po kay boss na hindi maganda ang pakiramdam niyo." the guy offered.
Napalunok siya bigla. "Huwag na..." giit niya. "Don't tell him that I am not feeling well, please." she pleads, "Papasok na ako sa kwarto at ayaw ko ng istorbo, magpapahinga lang ako." saad niya bago tumayo.
Pinilit niyang maglakad ng maayos upang hindi maghinala ang tauhan ni Red. Nakarating ito sa kaniyang silid at humilata sa kama.
She didn't know why does her chest became heavy. Sa isang linggong pagkawala ng lalaki sa mansyon, para siyang nawalan ng buhay. Siguro nga ay ganoon, ngunit may bahagi sa kaniyang utak na namimiss niya ang presensya ng lalaki.
Natapos ang walang hanggang pag-iisip niya, ngunit nakadilat pa rin ang kaniyang mata. Hindi niya ininda ang matinding pagsakit ng kaniyang ulo bagkus ay nagtaklubong na lamang ito ng kumot. Hindi siya sanay sa ganoong pangyayari. Ang kaniyang kahinaan ay magiging sanhi ng kaniyang pagluha ngunit nang makilala niya si Red ay nag-iba ang pananaw nito.
She's not like this before. Kahit na sinong lalaki ang dumikit sa kaniya, wala siyang pakialam. Kaya naman niyang pangunahan ang mga bagay na iniisip pa lang niya. Kahit may natitipuhan siyang lalaki ay hindi nito pinapansin dahil prayoridad nito ang mabuhay ng walang sakit sa ulo.
Anong nangyari sa prayoridad na iyon? Ang babaeng walang pakialam sa lalaki pero ngayon? Hindi siya makapaniwala na si Red lamang ang lalaking makakapasok sa buong sistema niya. Para siyang nawawala, nawawala sa kaniyang sarili. Hindi niya maagapan ang ganoong klaseng nararamdaman.
Tahimik ang buong kwarto. Tanging naririnig lamang ay ang aircon na hininaan niya kanina at ang wall clock na nakaharap sa kaniya. She sighed deeply again. Ilang buntong hininga pa ang kailangan niyang ibuga pero hindi pa rin napikit ang kaniyang mga mata.
Sumandal na lamang siya sa headboard ng kama. Kailangan niya talagang magkaroon ng makakausap o pagkakaabalahan. Nais niyang buksan ang kaniyang cellphone ngunit hindi niya iyon ginagawa. Tanging iniisip na lamang niya ay kung kailan ang pagbalik ng lalaki sa mansyon.
"Saan ba kasi siya nagpunta?" bulong niya sa sarili bago na naman bumuntong hininga.
Bumukas ang pinto ng kaniyang silid. Nakita niya ang tauhan ni Red na may dalang tubig at alam niyang kapirasong gamot ang nasa tray na dala nito.
"Sino nagbigay niyan?"
"Dinala ko na po, Madam. Paumanhin at ngayon ko lamang naibigay ang gamot niyo." saad nito.
Tumango lang si Serran at parang napahiya pa siya sa tanong niyang iyon. Hindi dapat iyon lumabas sa kaniyang bibig.
"Umuwi na ba si... R-Red?" kapagkuwan ay tanong niya sa lalaki.
Nagtatakang tinignan siya nito. "Hindi ko po alam, Madam..." iwas tingin niyang sagot.
She sighed again and look at the medicine. Bakas ang hiya sa kaniyang mukha. Matipid na lamang siyang tumango sa lalaki bago ito nagpaalam sa kaniya.
Ininom niya ang gamot. " Oh no, not again..." usal niya sa kaniyang sarili pagtukoy sa hindi magandang lasa ng gamot.
Ininom niya ang tubig at bumaling sa isang maliit na nakatuping papel sa tray. Kinuha niya iyon at binuksan.
She blinked. Tama ba ang nababasa niya?
"R-Red? He made a simple letter..." hindi makapaniwalang bulalas nito.
Natigilan siya. Umaliwalas ang kaniyang mukha at gumuhit ang maliit na kurba sa kaniyang labi. Parang may gustong kumawala sa kaniyang dibdib.
"— but how did he know I am sick?" she then asked herself again.
Oh God! She thought in mind. Nagbukas muli ang kaniyang pinto at iniluwa roon ang tauhan na nagdala ng tubig at gamot.
Parang may bumara sa kaniyang lalamunan nang napatigil ang tauhan nito at napatingin sa kapirasong papel na hawak niya.
"P-Pinapamigay po ni boss, e..." saad nito at nahihiyang ngumiti kay Serran.
"He knew I am sick?" she asked.
Hindi nakaligtas ang mahigpit na paghawak ng lalaki sa laylayan ng kaniyang damit. "Patawad, Madam. N-Naipit lamang po ako dahil—"
Pinutol nito ang sasabihin.
"Nevermind. Get out."
He is a demon. She clearly remember that day. Pumapatay, gumagawa ng illegal na negosyo pero bakit? Bakit nagagawa niyang sumulat ng ganoon?
She clearly remembered what happen on that underground cell. It's so dark in there. Mukhang may dahilan ang lalaki kung bakit niya iyon ginagawa. Ngayon, mas lalong bumigat ang kaniyang dibdib at sumakit ang ulo. Hindi niya hahayaan na magkasakit si Serran even though he showed his merciless killing and wrath.
Parang may kung anong lumukob sa damdamin ni Serran. Ano ba talaga, Red? Anong klaseng tao ka ba?
She sighed again deeply. Para siyang naguguluhan sa buong pagkatao ni Red. May kakaiba at hindi maipaliwanag na dahilan. Naiinis siya pero sumisilay ang ngiti sa kaniyang labi. Pero parang ayaw linisin ng lalaki ang maruming pangalan niya na tila, walang pakialam sa sasabihin ng ibang tao patungkol sa kaniya.
She cleared her throat and massage her forehead. Nakasandal pa rin siya sa headboard ng kama. She wanted to know what he is really doing, lalo na sa part na may humahabol sa kaniya na gusto siyang patayin.
Natulala siyang muli ngunit magkasunod na katok na naman ang kaniyang narinig.
"Pasok!"
Nagbukas ang pinto at iniluwa roon ang kanina'y kapapasok lang na tauhan. "Madam..."
"Ano? Kanina niyo pa ako iniistorbo, sa totoo lang gusto ko na kayong pagbabarilin!" naiinis nitong singhal.
Tila natakot naman ang tauhan sa banta ni Serran. "Paumanhin ulit, Ma'am ngunit pinapatanong po ni boss kung ayos na po ang pakiramdam niyo..." kamot ulong saad nito.
"Kumbinsihin mo siyang umuwi rito sa kaniyang mansyon, para alam niya kung mabuti ang kalagayan ko." masungit na sagot ni Serran.
"Hindi naman po iyon makikinig sa akin, Ma'am..." giit ng lalaki sa kaniya. " Hindi ko naman po siya maaaring utusan..."
Marahas na bumuntong hininga si Serran. "Lumabas ka na lang. Kasi kung gusto niya na maging maayos ang pakiramdam ko, huwag siyang mang-iistorbo sa magandang katulad ko!"
Nagtaklubong na lamang si Serran ng kumot. Narinig niya ang papaalis na yabag ng tauhan ni Red at ang pagsara ng pinto sa kaniyang silid.
Bumigat ang kaniyang dibdib. Iniwas niya ang sarili na isipin si Red. Pero sa sandaling pag-iwas niya ay sumikip na naman sa kaniyang utak ang halikan na naganap sa kanila ni Red kahit matagal na iyong nangyari.
"Bwesit! Lumayas ka sa utak ko!" she hissed.
Sinampal niya nang magkabilaan ang kaniyang pisngi upang magising sa katotohanan na hindi niya dapat isipin si Red. Nakakatakot.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro