Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PROLOGUE

PROLOGUE

"WAIT, ano ba? Pwede bang bagalan mo naman maglakad, nakakaladkad na ako eh!" mangiyak-ngiyak na reklamo ng dalaga sa lalaking nakahawak sa kanyang kamay na animo'y isang bakal dahil sa tigas at higpit na pagkakapit nito.

Tila bingi naman ang binata na nagtatagis ang mga bagang dahil sa inis na narardaman kaya naman sa isang iglap ay bigla nalang itong huminto at hinarap ang dalaga saka hinawakan sa magkabilang bewang at buong lakas na binuhat at sinampay sa balikat na parang sako ng bigas. Honestly, hindi niya alam kung anong pumasok sa isipan para gawin iyon. He just reacted without thinking and that simple act puzzled him even more.

Magkahalong galit,pagkapahiya at pagkamuhi ang nasa isip ng dalaga pero hindi niya magawang magprotesta dahil nararamdan niyang galit ang lalaking may bitbit sa kanya na hindi niya alam kung bakit. Ang ipinagtataka niya lang ay kung bakit sa halip na dalhin siya nito sa pwesto kung saan dinala ang mga kaibigang nahuli. Hindi kaya may plano.itong masama sa kanya? Hindi naman niya maintindihan ang sarili pero hindi siya nakaramdam ng takot sa halip ay panatag ang loob niya.

.....

"Woohhh!" ang malakas na tilian ng ilang kabataan na kasalukuyang nasa isang dead end ng bagong ginagawang subdivision. They're having a drag-racing and it was illegal lalo na't halos lahat ng naroon ay mga menor-de-edad. Isa rin sa kapansin-pansin ay pawang mga anak ng mayayang angkan ang naroon. Children nowadays, walang pakialam sa hirap ng magulang, pero hindi mo rin sila masisi dahil sa sila ang mga kabataan nakalimutan na yata ng mga magulang dahil sa pagnanais na yumaman at magpayaman. It's not I'm tolerating those kiddo's, minsan kasi may mga rason sila kung bakit sila naliligaw ng landas. Although it's not a good reason to do it.

Hindi pa man lubusang nagtatagal ang laban ay nakarinig na sila ng sirena na hudyat ng pagdating ng mga pulis. Kanya-kanyang pulasan anga kabataang naroon, subalit hindi rin sila nakatakas dahil lingid sa kanilang kaalaman ay may ilan na palang civilian ang kasama na nila bago pa man magsimula ang racing.

"Oh shit!" Natigilan si Sylen nang makita ang nangyayari. patalikod siyang umatras sa pagnanais na maka-alis bago pa man siya mahuli. "Damn," she knew it'll happen. Wala naman talaga siyang planong pumunta doon, nagkataon lang kasi na kasali sa mga kalahok ang Boyfriend niya at nangako siyang susuportahan ito.Tila siya itinulos sa kinatatayuan at napalunok nang marinig ang swabeng tinig na iyun na nagmula sa kanyang likuran.

"Where do you think you're going? try to escape young lady?"

Automatic na napakuyom ang kanyang kamao at labag sa loob na tumingin sa direksyon ng nagsalita. Ilang segundo siyang hindi nakakilos at tila naumid ang kanyang dila. Is he a greek God? His face is like an angel, so beautiful. I know beautiful sounds like gay. But, damn... dahan-dahang naglakbay ang tingin niya sa kabuuan nito.

He's wearing a fitted black shirt na bakat na bakat sa dibdib nito kaya naman pansin na pansin ang tila malapandesal na abs nito. 'O,' hindi niya mapigilang bulalas na siyang nagpataas sa sulok ng labi ng lalaking kaharap.

Muli niyang inangat ang paningin para sana muling pag-aralan ang mukha nito, pero nanlaki ang mata niya at napalunok nang makita niya ang tsapang nakakwintas at nakatapat sa malapad nitong dibdib. Damn, An NBI agent? Oh, God! Is it my punishment for ogling him?

"Done?" tila amused na tanong nito dahil sa halatang pagkilatis ng dalaga sa kanya. "Careless brat!" dagdag niya nang makita ang reaksyon nito pagkakita ng kanyang tsapa. Walang salitang hinila niya ito papunta sa sariling motorsiklo. "Stay!"

Sa halip na sundin ito ay hindi iyon amg ginawa ng dalaga sa halip ay sinipa niya ito at mabilis na tumakbo.

Wrong move....

..........

Natigil sa pag-babaliktanaw ang dalaga ng marinig ang boses ng binata matapos siya nitong pasanin na akala mo'y sako ng bigas at ibagsak sa tapat ng isang motorsiklo na sa hinuha niya ay pag-aari nito.

"Saan mo gusto matulog sa kulungan o sa bahay ninyo? Don't push me to hard, lady!" seryoso ang mukhang ng binata na ikinatigagal niya at napatitig lang sa mukha nito na para bang hinihintay na mag sink-in sa kanyang isipan ang tinuran nito.

"Anyway, I'm agent Freezer of NBI. I don't have any intention to hurt you, now what's your address so I can bring you home or would you rather sleep and stay with your reckless friends?" mahanbang litanya ng binata sa dalagang tahimik lang na nakatayo sa gilid ng kanyang motor.

"So? Your address is?" tila nauubusan ng pasensyang tanong nito nang hindi agad sumagot ang dalaga.

Lihim namang napapamura ang binata dahil wala ito sa plano niya, pero 'di niya alam kung bakit pagkakita niya sa dalaga ay gusto niya itong protektahan. "Damn, what happen to you man? She's only what? Eighteen or maybe even younger!"

"S-sa kabilang kanto lang nito ang b-bahay namin." nauutal na sagot nito kaya naman sinenyasan niya itong umangkas para maihatid. Yeah, the sooner the better. He didn't know what else will happeb to him pag tumagal pa ang segundong kaharap ito.

Halos wala pang limang minuto ay naramdaman niya ang kamay ng dalaga na tumapik sa kanyang balikat pero iba ang hatid noon sa kanyang pakiramdam kaya naman bahagya siyang napahugot ng hininga bago tumingin sa side mirror para lang magtama ang kanilang paningin. "D-doon 'yung bahay namin," nahihiya pa ring saad nito na iniwas ang tingin kasabay ng pagturo sa isang napakalaking bahay na halatang sobrang yaman ng may-ari niyon.

Ipinarada niya ang motor sa tapat ng isang mataas na standard steel electronic gate at hinintay ang dalagang makababa doon at sa muling pagkapit nito sa kanyang balikat at beywang para kumuha ng suporta sa may ataasang motor ay muli niyang naramdaman ang kakaibang sensayon na hindi niya maintindihan. For fucking damn shit DM, she's a minor!

"T-thank you!" sabi ng dalaga nang tuluyang makababa at pansantalang tumayo sa mismong tapat niya.

Tumango lang ang binata bilang kasagutan at sinenyasan itong pumasok na dahil baka hindi na siya makapag-isip ng tama.

Napahugot siya ng hininga nang tumalikod na ito at akmang bubuksan ang side gate nang muli itong humarap at bumalik sa kanyang harapan at walang babalang hinalikan siya sa labi na hindi niya agad nakuhang mag-react at nang bumalik sa sariling wisyo ay tuluyan nang nakapasok ang dalaga na hindi man lang niya napansin.

"Damn, I forgot to ask her name- nevermind, what's the use of being an agent kung hindi niya makukuha ang mga impormasyon tungkol sa dalaga." napapalatak na usal niya saka pinaharurot ang motor na may nakapaskil na ngiti sa mga labi.

Samantalang tila nakalutang sa alapaap ang dalaga sa kabila ng pamumula ng kanyang pisngi dahil sa hiyang naramdaman nang bigla siyang bumalik at halikan ang binatang nabig-

wait! paano mo naman nalamang binata siya? Tanong ng kanyang isipan na kinalumo niya saka laylay ang balikat na nagtuloy sa kwarto at mula doon ay tanaw niya ang papalayong sasakyan ng lalaki.

May asawa na kaya ito? Katanungang gumugulo sa kanyang isipan hanggang sa isang desisyon ang nabuo sa kanyang isipan. Walang iba kundi ang i-stalk ang lalaking nakapukaw sa kanyang atensyon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro