Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

5. I Caught you


Suddenly, I was out of control. If Doctor Wolf had somehow sensed that I was a threat and decided to quietly kill me here, magagawa niya. I focused myself in pleasing him, dahil iyon na lang ang natitirang bagay na pwedeng magsalba sa akin. As I bent my mouth to kiss him, he stopped me.

Katapusan ko na ba?

Aware ako sa maliit na radyong nasa tainga niya as if someone from the control room was guiding him what to do. Nalaman na kaya nila ang lihim kong plano? Pero paano? I alerted my body, alam ko kung gaano kabangis pagdating sa laban si Doctor Wolf at maaaring wala akong panama sa galing niya pero hindi ko basta basta isusuko ang buhay ko nang ganun ganun na lang. Kung mamamatay ako ngayon, mamamatay akong lumalaban. Yun ang turo sa akin ng stepdad ko, at yun ang nakatanim sa utak ko hanggang ngayon.

"As much as I would like to be alone with you tonight, something came up and I think you need to get back to your Boss now...someone tried to shoot him dead," halos bulong sa akin ni Doctor Wolf sa kanyang malalim at malamig na boses.

Nanlaki ang mga mata ko. Anong sinabi niya? "What?"

Hindi na kami nag aksaya ng oras, mabilis niyang pinindot ang elevator para ibalik kami sa pinanggalingan namin. Nang bumukas ang pinto nasa isang hindi pamilyar kaming lugar. Ibang floor ang napuntahan namin, hindi iyon sa kwarto kung saan inadadaos ang auction.

"Where is he? Is he still alive?"

"Yes. Fortunately. My men escorted him in one of these suites. Malalaking pinto ng kwarto ang naroon na floor na iyon. Makulimlim ang liwanag na nagmumula sa mga gilid lang ng pader. Namataan kong lumabas ang ilang mga gwardiya sa isang kwarto apat na pinto ang layo mula sa elevator. Malamang ay naroon si Mr. Choo. Nang lingonin ko sa likod ko si Doctor Wolf nawala na siyang parang bola. Napamura ako sa sarili ko, bakit kailangang magkaroon ng isang di inaasahang insedente sa araw na ito? Hindi ko pwedeng baliwalain si Mr. Choo dahil siya ang cover ko, maghihinala silang lahat kapag hindi ako nagpakita ng concern sa taong binabantayan ko.

I heard a discreet sound of a gunshot from my back, I automatically ducked. Napagulong ako sa sahig. Inabot ko ang maliit na baril na nakasoksok sa boots ko. What the hell! Someone just tried to shoot me as well. Nagmarka ang bala ng baril sa eleganteng dingding ng lugar. Nagtago ako sa isang malaking mahogany vase. I need to get Mr. Choo out of here bago pa mas lumala ang sitwasyon. May sniper na tumatarget sa akin at isang maling galaw ay patay ako. Huminga ako ng malalim nang takbuhin ko ang kwarto patungo sa kinaroroonan ni Mr. Choo. Sinundan ako ng mga balang sunod sunod na pumutok mula sa likuran ko. Pagbukas ko ng suite, unang tapak ko pa lang sa sahig ng kwarto, umuga iyon at bumigay.

Napasigaw ako nang mahulog ako at bumagsak sa auction room. Malambot na kutson ang binagsakan ko pero napapalibutan ako ng mga gintong rehas. Nasa loob ako ng isang malaking hawla. What the fuck is going on? Is this a trap? Umahon ang kaba sa dibdib ko nang lahat ng mga mata ng mayayamang businessmen na kasali sa auction ay natuon sa akin. Tiningnan nila ako mula ulo hanggang paa. Napilitan akong bumangon at tumayo mula sa pagkakalugmok. Nang tumingin ako sa malaking monitor, napamura ako. Ako na ang susunod na item na ibi-bid nila!

Shit!

Namataan ko ang nakamaskarang si Doctor Wolf. I shot a glare at him. Pinlano niya ba ito? Lumapit siya sa akin kaya nagkaroon ako ng pagkakataong kwestyunin siya.

"What's going on, did you trap me on that door? Did you plan all this Doctor Wolf?" asik ko sa kanya sa mahina ngunit madiin na tono.

"No. I didn't. We had kept Mr. Choo safe and sound upstairs while we're searching for the culprit. It looks like...you entered the wrong room."

"Then get me out of here, this is a mistake. For damn's sake I'm not for fuckin sale!" nangingitngit kong turan.

"We don't usually do this. We had never involved a human being in our auctions, this is the first time. While this is against the rules, we have a reputation to uphold. We cannot take back any item that had already been presented to the bidders' eyes."

Mahigpit ang naging hawak ko sa rehas ng hawla. Inuga ko iyon sa pag asang makakalabas ako pero matibay pa sa pinakamatibay ang metal na nagkukulong sa akin.

"Once I'm sold, what will they do to me?"

"Everything. When I say everything, that's no hard limits, no restrictions, no rules.

Napapikit ako.

"Just to brief you about our policy, we offer protection for your future owner, if you try to do funny things on your buyer, you will die. That's part of the deal. So, I suggest we do this just smoothly as possible with your full cooperation..."

"The buyer can do all sorts of things with me, but on one condition, you will save my mother's life! I'm desperate now, I'm only here because I heard that you're a miracle doctor and that you're the best there is..."

Natigilan siya. Ang mga mata niyang halos matakpan na din ng maskara ay mariing tumitig sa akin. They're like the eyes of the wolf ready to bite and kill. "There are only very few in the underground world who knew what I'm capable of as a doctor...who told you about me?"

Natahimik ako. Hindi ko masabi kaya mahina akong umiling. Hindi niya nagustuhan ang sagot kong iyon kaya mas lalong naging mapanganib ang titig niya sa akin. Tapos ay bigla siyang napangisi. "Then you're not in the position to demand things from me young lady. Goodluck with your new owner, till we meet again... Ms. Cabrera."

Aalis na sana siya nang sumigaw ako. "If I lose my mother, then I have nothing to lose anymore. Which means I will kill anyone who will try to get his fingers on me whenever I get the chance. If you wanna sell me here, you will have to sell me dead." Sinigurado kong narinig iyon ng lahat ng mga tao sa loob ng kwarto.

Napabuntong hininga siya at muling bumaling sa akin. "Well if you're a little nicer to your owner I might change my mind..." yun lang ang isinagot niya.

"I want my buyer to marry me. They can do all sort of dirty things with my body as I imagine they would but I need a ring on my finger before that." At least I can keep my dignity to myself before all shit happens. These men here were mostly married. Kung meron mang hindi, walang magtatangkang isaalang-alang ang sariling kalayaan para lang makuha ako. Kung sakaling may makabili nga sa akin sa gabing ito, sisiguraduhin kong magagamit ko ang taong iyon para maisalba ang Mama ko. I just need to afford the payment for my mother's surgery, that's it.

Napatawa si Dr. Wolf. Pati na rin ang lahat ng mga tao sa kwarto na nagpapakabusog sa anyo kong halos makita na ang buong kaluluwa. Natahimik sila nang pumayag sa kondisyon ko ang host. Marami pa din ang sumali at ginustong bilhin ako. Nagsimula ang bid sa five million dollars. Hindi ko akalaing aabot ako sa ganito. Ilang beses ko nang binalaan ang sarili ko na mapanganib ang mundong susuungin ko pero ilang beses na ding nangibabaw ang kagustuhan kong isalba ang nag iisang taong nagmamahal sa akin sa mundong ito. Kahit hindi ko siya tunay na magulang, higit pa sa pagmamahal ng isang totoong ina ang pinaramdam niya sa kin. Gagawin ko ang lahat para masuklian iyon.

Hindi ko namalayan ang pag-angat ng bid. Fifteen million dollars na ang halagang nakapatong sa akin. Hindi ako makapaniwalang pagkakagastusan nila ang kagaya ko.

"Fifteen million— going once. Going twice."

Napatingin ako sa matanda at matabang lalaking bumili sa akin sa halagang 15 million. Mukhang ito na ang panalo dahil wala nang kumagat sa 16 million. Napamura na lang ako sa sarili ko. Ito na ba talaga ang tadhana ko? Kung alam ko lang sana ibinigay ko na lang ang virginity ko sa gwapong lalaking nakilala ko noong isang araw sa dancefloor ko. Wala sana akong pagsisisihan ngayon. Sana hindi ko siya iniwan noon... Nakagat ko ang labi ko, sa mga pagkakataong ito, kung ano ano pang kalokohan ang pumapasok sa utak ko.

"I'll go for 20 million dollars."

Napaangat ako ng tingin. Nanggaling ang boses na iyon sa isang madilim na sulok ng lugar. Pamilyar ang boses na iyon. It's the sexiest, most hypnotizing voice I've ever heard at kabisado ng utak ko iyon. Nang magpakita siya sa liwanag, nakumpirma ko ang hinala ko.

What the hell is he doing here?

Hindi ko alam na kasali miyembro siya ng Dark Society. Who the hell was he?

Nakita ko ang pag-awang ng labi ni Dr. Wolf, maging ito ay nagulat sa presensya ng huling bidder. Pero kaagad din itong nakabawi at nagsalita. "Twenty million dollars from Mr. Jandrix Alexis DiMarco. Who will take up on him with a higher offer?"

Walang nagsalita. Uminit ng husto ang pisngi ko sa kaba at antisipasyon. The glorious, most stunning man from that night was buying me! Hindi ako makapaniwala dahil ilang gabi din siyang laman ng panaginip ko.

"None? Item sold to Mr. Jandrix Alexis DiMarco."

Jandrix Alexis DiMarco. That sounds really familiar! Napatawa ako sa sarili ko. Bakit nga ba hindi ko siya nakilala?

Nagtama ang paningin namin. Napatitig ako sa kanya, hindi ko sinasadyang mapanganga dahil sa kakaibang aura ng kapangyarihang nakabalot sa kanya. Lahat ng mga tao sa kwartong ito ay mayayaman at kinatatakutan sa alta sosyedad pero bukod tangi ang pagiging angat niya sa lahat. Kapansin-pansin din ang respetong pinapakita ng mga ito sa kanya.

Who would have thought that the random stranger I bumped into the other night was the great and powerful Jandrix Alexis DiMarco. Hindi ko siya kilala but surely, I heard of his name once or twice already. Hindi maiiwasang mahagip ng pandinig ko ang pangalan niya dahil isa siya sa pinakamayayamang negosyante sa buong mundo. He's a Prince of hell... the ultimate Prince of Hell. The most ruthless,most demonic, most powerful, and wealthiest of them all.

Nanginig ang bawat himaymay ng katawan ko nang maalala ko kung paano siya idescribe ng mayayamang taong nakapaligid sa kanya. It would have been a lot safer siguro kung doon ako sa matabang bidder napunta.

Then again be careful what you wished for... coz you might just get it. Yun ang kaagad na pumasok sa utak ko gusto kong pagtawanan ang sarili ko. Hindi ako makagalaw, pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa ulo. Nang lumapit siya sa akin, hindi ko maitago ang gulat at kaba ko.

"Nice meeting you again, beautiful. You can't get away from me now. I caught you..." he said in his deeply enchanting manly voice it's almost fantastically musical. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan iyon. Bolta-boltaheng kuryente ang gumapang sa katawan ko halos mangisay ako. Hindi niya binitiwan ang kamay ko, diretso siyang nakatitig sa mukha ko, ang mga mata niya ay tumatawa, at wala siyang kasing gwapo sa mga oras na yun. It looks like the master devil got up of his throne from hell to redeem a helpless soul like me thank you very much. Gusto kong murahin ang tadhana. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro