Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

2. God's Favorite


What am I doing? What am I doing acting like a sex-starved slut in front of a stranger?

There was a hint of danger when he said he'll kill me. Given a different circumstance I would willingly oblige to his demand. I'm not a submissive, but this man's extraordinary charm and power were something an ordinary woman like me couldn't resist. I gathered all my willpower just to knock out all the earthly desires he provoked deep within me, in between my thighs particularly. I was here for a mission. I must not forget that.

Hindi biro ang pinagdaanan ko para lamang makarating sa lugar na ito. I was looking for a man. For an underground black-market surgeon. He's the best in the underworld, he's also by far the most dangerous, the most elusive and the most expensive doctor. Ilang buwan kong pinagaralan ang mundong ginagalawan niya. Mundo ng karahasan at mararahas, ng krimen at mga kriminal. Nakipagpatintero na ako sa ilang matataas na pinuno ng sindikato para lang makahanap ng konkretong impormasyon at makapasok sa mundo niya. Hindi ito ang tamang oras para lumihis ako ng landas.

I saw the masked man just went out of the private lounge. I know what he did. He killed someone inside that small room. Nabalitaan kong lumalabas lang ang mabangis na lobo sa lungga kapag may papatayin. Only those who are about to die has the privilege of knowing his real identity behind the mask. It's him! Definitely. The Masked Wolf. The most brutal and the most dangerous Lord in the dark side of the world.

"Dr. Wolf..." bulong ko.

Humigpit ang hawak sa akin ng lalaking hanggang ngayon ay nagpaikot ng ulirat ko. He's blue-green eyes were ultimately alluring like some sort of a spell that can never be broken. Kahit lasing ako, alam ko ang mukha niya ang pinakaperpektong mukhang nakita ko sa buong buhay ko. I wanted to see his face again, wanted to feel the warmth of his embrace and the hardness of his whole body against mine, again, in different situation and in a different place.

"Sssshh. This place is full of cold-blooded criminals. The Masked Wolf himself is here. Don't do anything that will draw their attention..." I found myself confessing to the godly stranger. Ayokong madamay ito sa kung anumang krimen na pwedeng mangyari sa loob ng bar. I suddenly felt like protecting him.

"Who are you...?" Bulong ng lalaki.

"You don't have to know my name..."

"Oh, honey, I need to..." his grip suddenly tightened. "You said this place is full of criminals, what makes you think I'm not one of them?"

The color of his fascinating eyes became darker. It's much greener than blue now. Alam kong gusto niya lang talagang malaman ang pangalan ko. Sigurado kasi akong hindi siya myembro ng sindikato, sa ilang buwan kong pagaaral sa underground world sa parteng ito ng Amerika, kilala ko na halos lahat ng mga prominenteng mukha ng mga kabilang sa sindikato.

"Kung hindi ka ganyan kagwapo, maniniwala na sana akong isa kang kriminal." I said in my native tongue. Sigurado akong hindi niya ako naintindihan. "There's no way a face as angelic as this can be the devil..." sa huling pagkakataon hinayaan kong pasadahan ng mga daliri ko ang pisngi ng estranghero. It felt like heaven.

"A devil can wear angel's clothing too..." he said staring at me intently. "Besides, he used to be an angel and God's favorite...".

Ngumisi ako ng makahulugan sa kanya. "Kill me. If you're the devil you can kill me now. I'm a sinner, I don't mind going to hell if the devil is you..." I reached for his mouth. It was slightly opened and moist, he tasted really very good and addicting. Kailangan ko nang lumayo sa kanya, bago pa mas lalong mabulilyaso ang mga plano ko sa gabing ito.

Nang bitiwan ko ang mga labi niya, namataan ko ang pagdating ng ilang mga unipormadong pulis sa bar. Natunugan siguro ng mga ito ang nangyaring krimen kaya sumugod kaagad. Nagkagulo na sa buong paligid. Nalingat na din ang lalaking kasayaw ko nang tawagin na siya ng mga kasamahan niya. Nang bitiwan niya ako, yun na ang pagkakataon na hinihintay ko, kaagad akong naglaho sa mga taong nagkumpulan pa rin sa dance floor.

Kailangan kong sundan ang pakay ko. Kailangan kong makausap si Dr. Wolf.




Inasahan kong sa bahaging ito ng daungan ng malalaking barko tutuloy si Dr. Wolf para makapagtago sa mga pulis na inasahan nitong dadating. Pero wala akong makita ni isa sa mga tauhan nito sa paligid. Ilang sandali pa dumating na ang mga pulis doon.

Shit!

Kaya pala nagbago ng plano ang matinik na doctor na iyon. Hindi basta magpapahuli ng ganun-ganun na lang, nautakan na naman nito ang mga alagad ng batas. Nagtago ako sa mga naglalakihang bariles na dinadaong sa lugar na iyon. Hindi ako pwedeng makita ng mga pulis kundi ako ang madadawit at maiimbestigahan. Kinailangan kong umakyat sa matangkad na truck upang makapagtago sa taas. Sayang ang damit ko, ang mahal pa naman nito, napunit lang ng wala sa oras ang laylayan dahil sa pagtakbo at pagtago ko. Hindi ko pa rin nakausap si Dr. Wolf! Naiiyak ako sa inis dahil kung hindi nangialam ang mga pulis hindi magbabago ng plano ang doctor-slash-mafia leader na yun! Ngayon back to square one ako. Hihintayin ko ulit na muling magpakita ang Masked Wolf ng underground world. Kung kelan at saan, hindi ko alam.

Nagvibrate ang cellphone na nakakabit sa hita ko.

"Alyssa, were you able to see the Masked Wolf?" sabi ng nasa kabilang linya.

Napakuyom ako.

"I did. But he got away. Give me a few more days."

"You're running out of time."

Dammit. I know.




Jandrix

"You find her?" Tanong ko kaagad sa mga tauhan ko nang makabalik ang isa sa mga ito at naupo sa harapan ng kotseng pinagtataguan ko.

"I'm sorry, Boss. We followed her. She knew the original escape route of the Masked Wolf. She even went there looking for you... then she's gone. Even the police didn't see her. We have had to back up, we cannot stay longer than necessary or we might have compromised ourselves with the police..."

Napakuyom ang kamay ko sa asar. Isang babae lang, isang babae lang iyon nakawala pa sa paningin ko at pati na rin sa paningin ng mga tauhan ko. Asar kong nasuntok ang gilid ng kotse.

"We'll find her!" Nakayukong sabi ng tauhan ko nang mapansin ang biglang pag init ng ulo ko. Tch. Mukhang maraming alam ang babaeng iyon tungkol sa Masked Wolf, mukhang marami din itong itinatagong sekreto.

"That woman, I think is secretly following me and my whereabouts. You know I can't sleep with the thought of somebody trying to invade my privacy. You know what to do with her. Bring her to me alive if you can, if she resists, get rid of her." Mahinahon ngunit maigting kong utos sa tauhan ko. Malaki ang tiwala ko sa kanila, alam kong maihaharap nilang muli sa akin ang babaeng iyon.

She knew about the existence of Dr. Wolf. She even knew he's the famous Masked Wolf— leader of the biggest syndicate in the whole United States. Napangisi ako dahil nakaharap na niya ako hindi niya ako nakilala. Sabagay, ni isa sa mga kasosyo ko sa maduming mundong ito, walang nakakakilala sa akin. When I started the deadly and the dangerous world of underground crimes sinigurado kong ang katauhan ko ang pinakamalaking sikretong pangangalagaan ko.

I went by the name of Masked Wolf. My identity was unknown, untraceable. Sa lawak ng grupong hawak ko at sa dami ng tauhang meron ako, maliban sa mga personal bodyguards ko, apat na tao lang ang direktang nagrereport sa akin.

I called them Phantoms. Si Jan, si Alec, si Lee at si Ares. They're the core commanders of my entire syndicate. Their identities were elusive and shifting. Lahat silang apat pwedeng magsuot ng maskara at magpakilalang Masked Wolf sa kahit na anong okasyon. I'm the big boss, the mind behind all the crimes, my Phantoms were my executors. They were also my frontliners.

I was in that damn place because of a traitor. I have zero consent over my own people biting the hand that feeds them. I went there to personally teach him a lesson and made sure that I'm the last face he sees before he dies. I was on my way out of the bar when this gorgeous bitch in red stumbled upon me.

Kaya hindi na ako magtataka kung si Ares, isa sa mga Phantoms ko ang kilalang Dr. Wolf ng kahina-hina lang babaeng iyon. Tinawag niya itong Masked Wolf. Anuman ang kailangan niya sa akin, anuman ang kaugnayan niya sa mga pulis na dumating sa crime scene, kailangan kong alamin. Kailangan ko siyang makita ulit. Napapikit ako at napailing-iling. I was prepared to take her home earlier. She was soft, angelic and very responsive. Just the type of woman I want to grace my bed. I almost fell for her trap.

I dialed Jan's phone number. "I need you to organize a big black-market auction in Dark Casino as soon as possible. Announce that I will personally host the event." I said while tapping my fingers on the side of the car's window. Sumilay din sa labi ko ang isang makahulugang ngisi. If that woman is after me, I don't need to find her. She'll show herself voluntarily.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro