0107
Jungkook's POV
Kakadating lang namin ni noona sa dance studio na sinasabi niya. Mabilis kami nakahanap ng puwesto kanina dahil wala masyadong tao sa building. At ngayon paakyat na kami sa kanyang practice room. Ngayon ko lang nalaman na regular pala si noona dito kay meron na siyang sariling practice room. Dala-dala ko ang aking black bag dahil alam ko papawisan kami ni noona kakasayaw. Nasa may harapan na kami ng practice room at bubuksan na ni noona nang biglang--
"YEAHHH!" sigaw na nagmumula sa tapat ng practice room ni noona. Boses lalaki. Parang pamilyar ang boses nayun. Narinig ko na siya somewhere di ko lang alam kung sino. May party ba sa tapat? Ang ingay. Di na namin pinansin ang ingay na galing sa tapat at bubuksan na sana ni noona ang pinto ng may sumigaw ulit.
"PARTY PARTY!" sigaw ulit na galing pa rin sa practice room na nasa tapat namin. May hula na ako kung sino yung nagsisigaw pero di pa rin akong sure.
"LET'S PARTY PARTY!" sigaw ulit pero this time boses babae. Dahil dun ay nagkatinginan kami ni noona na parang iisa lang ang naiisip namin ngayon.
"Si Tzuyu yun diba?/ Si Tzuyu yun!" sabay namin sabi ni noona at nakalipas ang mga limang segundo natawa kami. Parehas nga ang naiisip namin.
"Si Tzuyu yun for sure boses palang." sabi ni noona dahil sa tagal na nila na nagsama, for sure kilala na nila ang boses.
"Sino ba kasama ni Tzuyu ngayon?" tanong ni noona sa akin. Sino nga?
"Sa pagkakaalala ko ay si Hobi hyung." sabi ko at doon ko lang napagtanto na si hyung pala ang nagsisigaw kanina na akala mo lasing. Kaya pala pamilyar na pamilyar sa akin ang boses dahil ito ay nagmamay-ari ng walang iba kundi si Hobi hyung! Parang isang sound machine si hyung pati sound effects siya na nagawa di na kailangan iedit.
May naisip akong ideya na di ko alam kung anong magiging reaksyon ng dalawa at di ko sure kung papayag si noona sa naiisip ko ngayon.
"Anong iniisip mo Jungkook? Kalokohan ba yan?" nagtatakang tanong ni noona sa akin.
"Sakit mo naman magsalita noona! Pag nag-iisip ako kalokohan agad? Di ba pwede ideya lang?" pagdadrama ko habang nakahawak pa ako sa dibdib na parang may tumama dito. Judgemental naman ni noona hmp.
"Tumigil ka sa pagdadrama mo! Di bagay sa iyo. Malay ko ba kung anong iniisip mo ngayon. Ako ba ang may-hawak ng utak mo hindi diba?" sarkastikong sabi ni noona at hinampas ako sa braso. Malaman noona hindi mo hawak ang utak ko kasi nasa katawan ko. Itong si noona talaga. Pangalawang beses na ako hinampas ni noona. Ano ba sa tingin nila ako? Isang punching bag?
"Bakit mo naman naisip noona nag-iisip ako ng kalokohan?" tanong ko sa kanya dahil curious ako kung bakit yun agad ang naisip niya.
"Nangiti ka lang kaya mag-isa diyan. Akala ko nga nababaliw ka na. Tatawagan po naman sina sunbaenims at ang iba para samahan ka sa Mental." sabi niya. Nakangiti pala ako? Di ko alam.
"Madaming namamatay sa akala noona." sabi ko nalang.
"Ano ba kasi iniisip mo?" tanong niya at mukhang naiinis na si noona. Lumapit ako sa kanya at binulong ko sa kanya dahil kung ano ito ay secret muna. Malalaman niyo mamaya.
"Game ako dyan!" sabi ni noona at mukhang mas excited pa siya kaysa sa akin. Di ko akalain na papayag si noona sa naisip ko.
Pumasok muna kami sa practice room ni noona at inilapag ang mga dala namin mga bags at isasagawa na namin ang ideya ko. Nagpalit na muna kami ni noona ng damit dahil basang-basa na gawa ng pawis. Naeexcite tuloy ako.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Tzuyu's POV
Nandito kami ni oppa sa kanyang practice room sa isang dance studio. Nakapagpalit na kami ng damit. Ang suot ko ngayon ay isang white over-sized shirt, gray na sweatpants at naka-slides nalang ako dahil sumakit ang paa ko kakalakad namin. Si oppa naman ay t-shirt at sweatpants. Nagpatugtog si oppa at nagtatalon, napapatalon rin ako. Wala na kami pakialam kung malakas ang tugtog namin basta kami ay magpaparty party.
"YEAHHH!" sigaw ni oppa at nagsisimulang magsayaw freestyle. Magaling nga pala sumayaw si oppa pati si Jimin oppa.
"PARTY! PARTY!" sigaw ulit ni oppa na akala mo may party nga. Di naman ako papayag na si oppa lang ang nasigaw.
"LETS PARTY! PARTY!" sigaw ko rin habang tumatalon. Napapasayaw na din ako gawa ng tugtog. Nagsasayaw lang kami ni oppa ng may biglang kumatok, pinatay muna ni oppa ang tugtog.
"May bisita ka oppa?" tanong ko dahil baka may inimbita si oppa ng hindi ko alam.
"Wala naman ako inimbitahan ngayon Tzuyu." sabi ni oppa na ikinakaba ko.
"Delivery?" tanong ko ulit. Umiling si oppa. Kung wala naman bisita si oppa at hindi yun delivery, sinong kumatok?
"Baka multo yun!" panic na sabi ni oppa, kitang-kita sa mukha niya ang takot. Matakutin nga pala siya sabi ni Jungkook sa akin.
"Hapon palang oppa diba sa gabi nalabas ang multo?" sabi ko sa kanya, sa pagkakaalam ko ha. Kumalma naman si oppa sa sinabi ko.
"Oo nga no pero sino pa rin ang kumatok?" tanong niya at nawala na ang takot niya.
"Baka pinaprank lang tayo oppa." sabi ko dahil yun lang naman ang naisip kong rason. May kumatok ulit.
"Titingnan ko." sabi ni oppa at pumunta sa may pinto. Dahan-dahan naman binuksan ni oppa ang pinto at saka tiningnan kung sino ang nasa labas.
"Wala namang tao." sabi ni oppa at sinara na muli ang pinto. Ilang hakbang palang ang nagagawa ni oppa ay may kumatok ulit.
"Sino ka ba?" tanong ni oppa naku naiinis na si oppa. Wala naman sumagot kaya lumapit ulit si oppa at binuksan ang pinto.
"Pinagloloko ba tayo? Wala naman tao!" inis na komento ni oppa pagkasara ng pinto sa kung sino man nagpaprank sa amin.
"Wag mo nalang pansinin oppa." suggest ko at binigyan si oppa ng tubig. Tinanggap naman niya.
Nagpatugtog nalang muli si oppa pero ngayon hindi kami nasayaw, nakahiga ako sa sahig at nagpapahinga habang si oppa naman nakaupo hawak ang phone niya. Pinikit ko ang aking mga mata at hinayaan ang sarili kong pakinggan nalang ang tugtog ng may kumatok muli. Minulat ko agad ang mga mata ko at tiningnan kung binuksan ni oppa ang pinto pero nakaupo pa rin siya. Buti naman hindi na pinansin ni oppa dahil mamaya mapapagod din kung sino man nakatok sa pinto.
Dahil walang nagbukas sa amin ng pinto ay patuloy pa rin ang pagkakatok ng kung sino man yun na wala na yata magawa sa buhay kaya iniistorbo niya kami. Kahit ako naiinis na rin sa kanya, sa dinami-daming practice room yung room pa ni oppa ang napili niya. Tinakpan ko ang mga tainga ko gamit ang kamay ko para di ko marinig ang pagkakatok pero wala naman nangyari dahil naririnig ko pa rin. Ugh! Kailan ba siya titigil sa pagkakatok?!
Dahil di ko na matiis ang pagkakatok ay tumayo na ako at mabilis na pumunta sa pinto at binuksan ito. Tiningnan ko naman kung may tao pero sa pangatlong pagkakataon ay wala. Dahil naiinis ako ay padabog ko sinara ang pinto para malaman ng kung sino man yun na nakakainis ang ginagawa niya.
"Wala nanamang tao?" tanong ni oppa sa akin nung napansin nasa may pinto ako at hindi na nakahiga.
"Oo, oppa. Naiinis na rin ako kung sino yun pag nakita ko lang siya ay sasapakin ko kulang pa yun. Sasapakin ko siya at babatukan." sabi ko kay oppa at handang-handa na ako hulihin sa akto ang taong ito.
"Ganito nalang ang gawin natin. Pag may kumatok ulit ay sabay natin titingnan." suggest ni oppa at tumango ako. Di na ako umalis dito sa pwesto ko at hinihintay nalang namin ni oppa ang muling pagkatok.
Bakit walang kumakatok ngayon? Kung kailan handa na kami saka hindi kami pinagtripan tsk. Nakapuwesto na kami malapit sa pinto, inaabang ang pagkatok ng kung sino man yun.
"Kakatok pa kaya yun oppa?" tanong ko habang nakatingin pa rin sa pinto.
"Di natin alam." sabi ni oppa at nag-kibit balikat.
Pagkasabi yun ni oppa ay may kumatok. Dahil ako ang pinakamalapit sa pinto, hinawakan ko agad ang pinto at mabilis na binuksan ang pinto. Di ko inaasahan ang sunod na nangyari, nakahiga na ako sa sahig at nasa ibabaw ko naman ay isang lalaki na nangangalang Jeon Jungkook. Nagulat naman ako na ikinalaki ng mga mata ko dahil ngayon ko lang napagtanto ang puwesto namin.
"Umalis ka nga!" inis kong sabi habang tinutulak siya palayo sa akin pero wala naman nangyari. Ang bigat niya kaya, naiipit ang aking abs.
"Paano kung ayaw ko?" asar niya habang nakatingin sa akin. Dahil nasa ibabaw ko siya ay sobrang lapit ng mga mukha namin, isang maling galaw mawawala ang aking precious first kiss.
"Ano na? Magtitigan lang ba kayo dyan hanggang mamaya?" asar ni Momo eonnie na nasa gilid katabi si oppa na pinipicturan kami. May kasama nga pala kami kaya buong pwersa ko tinulak si Jungkook at tumayo agad. For sure, ang pula nanaman ng mukha ko.
"Buti naman naisip niyo na may mga kasama pa kayo." asar ni oppa habang nakangisi sa amin na nakataas pa ang isang kilay. Napaupo ulit ako sa sahig at tinakpan tuloy ang aking mala-kamatis na mukha gamit ang aking mga kamay dahil sa kahihiyan. My gosh! Nakakahiya talaga! Pwede na ako magpalamon sa lupa o tumakbo palabas ng building ito hanggang sa bahay.
"May picture ako in case for the future!" rinig kong sigaw ni oppa at tuwang-tuwa na may pang-blackmail sa aming dalawa.
"Isend mo sa akin mamaya hyung!" rinig kong sabi ni Jungkook. Isa ka pa! Kaysa mahiya sa nangyari ay natuwa ka pa! Hihingi mo pa ang picture.
Di ko alam kung may mukha pa ba ako ipapakita sa kanila pagkatapos ng nangyari. Hanggang ngayon nakaupo pa rin ako at nakatakip ang mukha. Ramdam ko may lumapit sa akin at hinawakan ako sa ulo. Itinaas ko ang aking ulo at tiningnan kung sino yun, walang iba kundi si Jungkook tapos ngumiti pa sa akin. Di ko alam kung ilang minuto kami na ganito ang puwesto namin na para bang walang nangyari kanina, kami lang ang tao dito at ramdam ko mabilis na tumitibok ang aking puso. Am I starting to have feelings for you, Jeon Jungkook?
"AYIEEEEEEE!" sigaw nina eonnie at oppa na nagpabalik sa aming dalawa. Kilig na kilig naman kayong dalawa?
"Parang nasa isang K-Drama lang! My gosh!" kilig na kilig na sabi ni eonnie at nagtatalon pa.
"Navideohan ko!" sabi ni oppa at iwinagayway ang kanyang phone. Kitang-kita si J-Hope oppa ang number one supporter sa aming dalawa, baka mamaya siya pa ang gumawa ng fanclub at siya ang president.
Tatayo na sana ako at hahabulin silang dalawa nang may humawak ng aking braso at pinaupo ulit. Ano nanaman? Tiningnan ko ang aking katabi ng may pagtataka.
"Hayaan mo na silang dalawa sa gusto nilang gawin." sabi niya at ipinatong ang kanyang ulo sa aking balikat.
"O-oy! Ano yan? Chansing ka ah." sabi ko kahit halata naman sa akin kinikilig ako.
"Ganito muna tayo please. Kakapagod ang ginawa namin ni noona kanina." pagmamakaawa niya.
"Sino ba kasi may sabi na gawin yun? Wala naman diba?" pagsasabi ko sa kanya na parang isang nanay pinagsasabihan ang anak.
"Oo nalang." sabi niya at hindi na muli nagsalita. Ang tahimik tuloy dito sa practice room ni oppa. Saan ba pumunta sina oppa? Di naman ako makalingon ng maayos dahil may nagpapahinga sa tabi ko.
Click. Click. Click. Click. Click. Click. Click.
Tunog ng camera sa isang phone di pala sa dalawang phones na rinig ko nanggagaling sa likuran namin at alam ko kung sino ang mga ito.
"EONNIE AT OPPA!!" sigaw ko kahit di ko sila lingunin. Saka ko lang napagtanto na nagpapahinga pala si Jungkook sumigaw pa naman ako. Tiningnan ko kung nagising siya pero hindi. Sumigaw na ako lahat-lahat di pa rin siya nagising. Naalala ko tuloy yung nasa clinic kami sa school namin, sabay-sabay na nagsalita sina eonnies pero di pa rin siya nagising. Heavy sleeper pala ang isang ito. Paano nalang kung emergency at tulog ang isang ito?
"Kung ice cream lang si Jungkook, kanina pa siya tunaw dahil sa mga titig mo maknae." sabi ni eonnie na nasa harapan na pala namin. Nakatitig na pala ako dito sa katabi ko, di ko namalayan. Tiningnan ko si oppa at yun nakangiti nanaman ng nakaka-asar, pinicturan niya ulit kami for sure.
"Pinicturan mo ulit kami oppa no?" tanong ko sa kanya kahit alam ko na naman ang sagot sa tanong ko.
"Ako pa. President ako ng love team niyo." proud niya pang sabi sa amin. Sabi na may fanclub na kami at oppa ang president. Maka-love team ah, nasa showbiz lang?
"Ano nga pangalan ng love team niyo?" tanong ni oppa sa akin. President daw ng love team, di naman alam ang pangalan.
"Sa akin mo pa tatanungin yan oppa, mas lalo di ko alam." sabi ko dahil wala naman ako alam dyan sa mga love team na yan. Ngayon ko nga lang nalaman na love team na kami.
"TzuKook yata. Nakita ko sa mga comments sa post ni Taehyung sunbaenim." sabi ni Momo eonnie.
"Bet ko yung pangalan! TzuKook!" tuwang-tuwa sabi ni oppa na may palakpak pa.
"Anong gagawin natin ngayon?" tanong ko sa kanilang dalawa. Di naman pwede na tumambay lang kami dito hanggang mamaya.
"K-Pop Random Play Dance." sabi ni oppa. Napatingin kami ni eonnie sa kanya dahil di namin alam yun.
"Ano yun sunbaenim?" tanong ni eonnie. Parang ngayon lang kinausap ni eonnie si oppa.
"Isa sa atin ay magpapatugtog ng isang k-pop song. Kung alam mo ang sayaw ay pupunta ka sa harap at sasayawin mo hanggang sa tumigil ang tugtog." pagpaliwanag ni oppa sa amin.
"Game ako dyan!" sabi ko.
"Ako rin." sabi ni eonnie.
"Gamitin nalang natin phone ko dahil nakaconnect na siya sa mga speakers. Gisingin mo na ang katabi mo Tzuyu. Napapasarap na ang pagkapatong sa balikat mo." sabi ni oppa at tiningnan ang phone niya. Oo nga no, kanina pa siya nakapatong sa akin.
"Jungkook. Jungkook." paggising ko sa kanya habang hinahampas ang braso. Tinawag ko siya ng tinawag at pinaghahampasan saka lang siya nagising.
"Huh? Ano? Nasaan ako?" lutang niyang tanong habang kinukusot ang mga mata niya. Halatang bagong gising.
"Gumising ka na at magsasayaw na tayo." sabi ko at tumayo na. Tumayo na rin siya.
"Anong sasayawin natin?" tanong niya habang papikit-pikit pa ang mga mata.
"Random." sabi ko at tiningnan niya ako ng may pagtataka.
"K-Pop Random Play Dance." sabi ko nalang at doon niya lang naintindihan.
"Pinag-usapan ang susuotin. #CoupleOutfits." sabi ni eonnie at kinilig ulit. Napatingin ako sa salamin na nasa harapan namin at tama si eonnie. Parehas kami ng suot ni Jungkook. Parehas oversized white t-shirt at gray sweatpants.
"Walang originality." sabi niya sa akin, nakatingin na rin sa salamin. Ako pa ang sinisi?
"Ako walang originality? Baka ikaw pa." pagtataray ko.
"Mamaya na kayo mag-away lovebirds at simulan na natin. Sa girl groups muna tayo magsimula." pag-aawat sa amin ni oppa at pumindot na si oppa sa phone niya. Hinihintay nalang namin ang tugtog.
♫
ppalgan mat gunggeumhae Honey
♫
First line palang ng kanta ay pumunta na agad si harap si eonnie at sumayaw. Alam niya yata lahat ng sayaw. Go eonnie! Ichecheer nalang kita!
♫kkaemulmyeon jeomjeom nogadeun
Strawberry geu mat
Corner candy shop chaja bwa Baby
naega jeil joahaneun geon yeoreum geu mat♫
Pagkatapos ay nagpatugtog ulit si oppa.
♫
eonnideuri malhae cheoldeullyeomyeon meoreottae
I'm sorry sorry cheoldeul saenggak eopseoyo (Nope)
♫
Kahit wala pa sa chorus ay pumunta na kami ni eonnie sa harap at saktong chorus na ang ipinapatugtog.
♫
yeppeugiman hago maeryeogeun eomneun
aedeulgwa nan dalla dalla dalla
DDA-DDA-LA DDA-LA
ni gijune nal matchuryeo haji ma
nan jigeum naega joa naneun naya
DDA-DDA-LA DDA-LA DDA-LA
I love myself
nan mweonga dalla dalla Yeah
I love myself
nan mweonga dalla dalla Yeah
nan neorang dalla dalla Yeah
♫
"Kailan kayo sasayaw boys?" tanong ni eonnie sa kanila dahil so far kami palang ni eonnie nasayaw.
"Dalawa pa lang ang pinatugtog noona. Wait lang." sabi ni Jungkook, may point rin naman siya.
♫
jeomjeom dagaoji Crazy
ajjilhage gyeonun Russian Roulette
Ah-ah-ah-yeah
La-la-la-la-la~ (neon imi)
Heart b-b-b-beat
majimak nameun sungankkaji
naege matgige doel kkeoya neon
dalkomhan neoye Russian Roulette
♫
Wala sa amin ni eonnie ang pumunta sa harapan pero nakakagulat na nasa harapan sina Jungkook at oppa sumasayaw. Alam nila ito bakit ako hindi?
"Galing namin no?" sabi ni Jungkook pagkatapos nilang sumayaw.
"Alam niyo yun?" tanong ko. Ano bang tanong yan Tzuyu? Malamang alam nila, kakasayaw nga lang nila.
"Di porke't lalaki kami hindi namin alam ang sayaw ng girl groups." sabi niya.
♫
nal neomuneomuneomu
neomuneomuneomu neomuneomuneomu
neomuneomuneomu neomuneomuneomu
neomu joahamyeon geuttae malhaejweo
naega jakkujakkujakku
jakkujakkujakku jakkujakkujakku
jakkujakkujakku jakkujakkujakku
jakku tteooreumyeon geuttae bulleojweo
♫
Pumunta na kaming lahat sa harap at sumayaw. Kahit sumasayaw ako ay pinapanood ko sina Jungkook sumayaw parang silang babae kung gumalaw.
♫
Seulpeohajima no no no honjaga anya no no no
Eonjenanana naege hangsang bichi dwae jun geudae
Nae soneul jabayo ije jigeum dagawa gidae
Eonjena himi dwae julge
♫
Sina Jungkook lang ang pumunta sa harap at sumayaw. Alam na alam nila ang mga sayaw. Sila yata ang representative sa kanila sa girl group dances kasama si Jimin oppa.
♫
Lalalalala Lalalala
Lalalalala Lalalala Lalalalala
juseyo dalkomhan geu mat Ice Cream Cake
teukbyeolhajin oneure oulineun maseuro
ibgae mudeun Ice Creame
ni gaseum dugeungeoryeo naega daga ogetjyo
It's So Tasty, Come And Chase Me
mot chamgesseo I Scream, You Scream
Gimme that, Gimme That Ice Cream
♫
Si J-Hope oppa lang ang pumunta sa harap at sumayaw. Galing sumayaw ni oppa!
♫
wi arae wi wi arae wi arae wi wi arae
wi arae wi wi arae UP~
wi arae wi wi arae wi arae wi wi arae
wi arae wi wi arae DOWN~
♫
Pumunta sa harapan si Momo eonnie at Jungkook. My gosh! Pati yun nagagawa ni Jungkook? Ano ba ang hind niya kayang gawin?
♫
Eoeoeo an geureomyeon naega deo
Ppajil geotman gateo ppajil geotman gateo
♫
Alam na alam namin ito ni Eonnie kaya pumunta na kami sa harapan pati rin sina Jungkook.
♫
A dapjangeul mothaejwoseo mianhae
Chingureul mannaneura shy shy shy
Mannagin jom geureoku mianhae
Jom itda yeollakhalge later
Joreujima eodi gaji anha
Doeeojulge neoui Baby
Neomu ppallin sirheo seonguireul deo boyeo
Naega neol gidaryeojulge
Cheer up baby, Cheer up baby
Jom deo himeul lae
Yeojaga swipge mameul jumyeon andwae
Geuraeya niga nal deo johahage doelgeol
Taeyeonhage yeongihallae amureochi anke
Naega neol johahaneun mam moreuge
Just get it together
And then baby Cheer up
Nado niga joha sangcheo ibeulkka bwa
Geokjeongdoejiman yeojanikka ihaehaejugil
Sok maeum deulkil kkabwa geobina
Jigeumcheoreom jogeumman deo dagawa
Geuri orae geollijin anha
Just get it together
And then baby Cheer up
Be a man, a real man
Gotta see you love me
Like a real man
Be a man, a real man
Gotta see you love me
Like a real man
♫
Pawisan na ako pati sina eonnies pero di pa rin kami natigil. Ang saya pala nito! Bakit ngayon ko lang ito nalaman?
♫
Ppajyeo bogo sipeo Baby
Jal deureoyo nae Boy
♫
Pumunta ulit kami ni eonnie pati si Jungkook. Pati ito alam mo Jungkook?
♫
Dan hanbeondo neukkyeobon jeok
Eomneun geol alge haejuneun
(saram gidarigo ineun geol)
Eolmaga dwaedo gidarigo sipeo
I just wanna fall in love
Eotteohke naega umjigil su eopge
Nal Ooh Ahh Ooh Ahh hage mandeureojwo
Gajja gajja jinsim eomneun gajja
Jal ga jal ga Huh (OOH-AHHhage)
Eotteohke ije deo halmari eopge
Nal Ooh Ahh Ooh Ahh hage mandeureojwo
Bla La La La malmanhaji malgo
Neukkyeojige Huh (OOH-AHHhage)
♫
"Last song na yun para sa Girl Group, sa Boy Group naman tayo." sabi ni oppa at nagpatugtog na ulit.
♫
Nan bureul jilleo
Simjangeul taewo
Neol michige hago sipeo
B. I. G., yeah, we bang like this
Modu da gachi chong majeun geotcheoreom
♫
Pumunta sina Jungkook at oppa sa harap at sumayaw.
♫
BANG! BANG! BANG!
BANG! BANG! BANG!
Ppangya ppangya ppangya
BANG! BANG! BANG!
BANG! BANG! BANG!
Ppangya ppangya ppangya
Da kkomjjak mara da kkomjjak ma
Da kkomjjak mara da kkomjjak ma
Oneul bam kkeutjang boja da kkeutjang bwa
Oneul bam kkeutjang boja
Ppangya ppangya ppangya
♫
"Ako naman ang magpapatugtog oppa. Wala ako masyadong alam na sayaw sa boy group." sabi ko at nagpalit na kami ng puwesto. Ako sa may gilid habang si oppa ay kasama nina Jungkook. Ano kaya maipatugtog?
"Last na ang ipapatugtog mo Tzuyu, pagod na ako!" sabi ni Jungkook na sinang-ayon din nina eonnie. Dahil last na ito alam ko na ang ipapatugtog ko, hinanap ko kung meron si oppa at buti meron siya. Pinatugtog ko na at sinamahan sina Jungkook sa gitna sumayaw.
♫
Dance Dance Dance Dance
Dance (Oh) Dance (Oh) Dance (Oh) Dance (Oh)
(Oh) Dance (Oh) Dance (Oh, oh‚ oh‚ oh
Sorry Sorry Sorry Sorry
Naega naega naega meonjeo
Nege nege nege ppajyeo
Ppajyeo ppajyeo beoryeo baby
Shawty Shawty Shawty Shawty
Nuni busyeo busyeo busyeo
Sumi makhyeo makhyeo makhyeo
Naega michyeo michyeo baby
♫
Pagkatapos ay lahat kami napaupo sa sahig, si Jungkook nga ay humiga pa. Ibig sabihin ay pagod na pagod kami. Ang lagkit na namin dahil pawisan kami. Gusto ko na tuloy magpalit. Tumayo ako at kinuha ang bag ko.
"Saan ka pupunta Tzuyu?" tanong ni eonnie sa akin na nakaupo pa rin sa sahig.
"Magpapalit ng damit sa practice room mo eonnie." sabi ko.
"Wait lang. Magpapalit na rin ako." sabi ni eonnie at tumayo na rin.
"Magpapalit na rin kami ni Jungkook." sabi ni oppa na ikinatango ko.
Pumunta na kami sa practice room ni eonnie at nagpalit ng damit. Ang suot ko ngayon ay black na tshirt at black na sweatpants. Naisip ko magsandals nalang ako dahil pauwi na naman kami. Nung tapos na kami magpalit ni eonnie ay kinuha na namin ang mga bag at lumabas na ng practice room. Saktong pagkalabas namin ay lumabas na rin ang boys. At sa ikalawang pagkakataon, parehas nanaman ang suot namin ni Jungkook. Inaasar tuloy ulit kami nina eonnie at oppa. Nilock muna nilang dalawa ang parehong room saka kami naglakad palabas ng building. Napag-isipan namin na kumain muna bago umuwi. Kung kanina kay oppa ako sumabay ngayon ay kay Jungkook naman dahil gusto nung dalawa. Magsasalita palang sana ako na kay oppa nalang ako sasabay ay hinila na ako ni Jungkook papunta sa kotse niya. Isa pa rin ito, ayaw daw pero gusto naman ako sumabay sa kanya. Kaya si eonnie at oppa ang magkasama ngayon.
~~~
vote.comment.follow.support.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro