Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

0099

Jungkook's POV

Dinala ko siya sa isang Korean restaurant dahil gusto ko ng japchae. Naghanap kami ng pwesto at nung nakahanap na ay tumayo na ako para mag-order. Di ko na siya tinanong dahil alam ko naman ang paborito niya. Tonkatsu at kimbap.

"Oh, bayad ko." sabi niya at inabot sa akin ang pera niya.

"Hindi na! Libre ko." sabi ko at pinakita ang card.

Pero sa tunay, di naman akin ang card kundi kay Jimin hyung. Bilang pambawi daw niya sa akin kaya binigay niya sa akin ang card niya. Diba ang yaman ni hyung? Tamang-tama panggastos sa date namin ni Tzuyu. Oo, date namin ni Tzuyu dahil ngayon nalang kami nagkasama na hindi namin kasama sina noonas at hyungs. Pag magkikita kami o magsasama ay lagi namin sila kasama. Di ko rin alam kung bakit basta susulitin ko na ang araw na ito maksama siya.

Habang pumipila ako ay tumingin ako sa table namin at nakita ko si Tzuyu tinitingnan ang buong paligid. Parang siyang bata ngayon lang nakapunta dito. Ang cute niya! Nag-order na ako at binayaran gamit ang card ni hyung. Humanda ka hyung susulitin ko na ang card mo! BWAHAHAHA

Papunta na ako sa table namin nang may naisip akong idea at tamang-tama nagcecellphone si Tzuyu. Kung alam niyo na readers ang balak ko ay shhh! Kahit alam ko di niyo masasabihan si Tzuyu.

Hinawakan ko ang balikat niya at sumigaw ng "BOO!". Nagulat siya at nabitawan niya ang kanyang phone, buti mahaba ang upuan kaya di nasira o nalaglag. Tumingin siya sa likod at pinaghahampas ako habang sinasabi "Bakit mo yun ginawa ha!? Akala ko kung sino ikaw pala yun! Kainis ka!". Tumatawa lang ako at dahil dun ay mas lalo niya akong pinaghahampas at binatukan pa. Double kill tuloy ako!

"I hate you!" sabi niya at lumayo sa akin. Aba! Diba dapat ang sasabihin niya ay "I love you" o "I like you" bakit naging "I hate you!" di pwede! Baka di niya ako sagutin o mas malala ay bastedin na niya ako. Di pwede mangyari yun!

Umupo na ako sa tabi niya at tumingin sa kanya. Tumingin rin siya sa akin at halatang inis pa rin siya sa akin. Kung nakakamatay ang tingin kanina pa akong patay hindi sa pagmamahal kundi sa tingin na nakakainis. Naku naman!

"Sorry na!" sabi ko at ngumiti sa kanya. At alam niyo kung anong ginawa niya? Inirapan lang ako at lumayo ulit sa akin. Kailan pa ito marunong mang-irap? Kay Jin hyung kaya? Pero kahapon lang naman sila nagsama paano niya nagawa agad yun? Di ko nalang inisip dahil wala din naman mangyayari kung iisipin ko yun.

Lumapit ulit sa kanya at lumayo naman siya. Lapit. Layo. Lapit. Layo ang ginawa namin. Nung lalayo ulit siya, di niya napansin nasa dulo na siya ng upuan kaya mahuhulog na siya at dahil mabilis ako ay nahawakan ko siya sa braso. Hinila ko siya pataas at dahil dun magkalapit na ang mga mukha namin. Isang maling galaw ay mahahalikan ko siya o mahahalikan niya ako. Parang mas gusto ko yung pangalawa char! Baka hampasin ako nina noonas pag nangyari yun. Di pa alam ni Tzuyu dahil nakapikit pa rin ang kanyang mata at hinihintay bumagsak sa sahig. Nagtaka naman siya kung bakit di pa siya bumabagsak kaya minulat na niya ang mga mata niya. Doon niya lang napagtanto na magkalapit ang mga mukha namin sa isa't isa. Lumaki ang mata niya.

"Gwapo ko no?" tawang-tawa kong sabi kaya tinulak niya ako palayo sa kanya.

"Asa!" sabi niya at nagcellphone ulit. Tumabi muli ako sa kanya at di pa rin niya ako pinapansin. Nilagay ko ang braso ko sa lamesa tapos pinatong ko ang ulo ko sa ibabaw ng braso ko at tiningnan siya o parang tinitigan. Sa gusto ko siyang titigan este tingnan.

"M- ma- may dumi ba ako sa mukha?" tanong niya nung napansin na nakatingin o nakatitig sa kanya. Iniiwasan niya ang titig ko.

"Pansinin mo kasi ako." parang bata kong sabi kaya tumingin na siya sa akin. Nagpout pa ako at di ko namalayan hawak-hawak niya na ang pisngi ko. Alam niyo yung pisil na nakakapanggigil? Yun ang ginagawa niya ngayon sa akin. Ilang minuto na ang nakalipas saka siya tumigil kakapisil ng mukha ko.

"Para kang kamatis!" tawang-tawa sabi niya kaya kinuha ko ang cellphone ko at chineck. Tama siya, sobrang pula ng mukha ko parang nakablush-on ako. Gusto mo pala ng ganito ha?

Nung tawa pa rin siya ng tawa ay lumapit ako sa kanya at pinisil ang pisngi niya. Katulad ng ginawa niya kanina ay pinisil ko siya ng may kasamang gigil. Mas tinagalan ko ang pagpisil sa kanyang mukha. Tingnan natin kung sino ang mukhang kamatis ngayon. Nung sobrang pula na ng mukha niya ay saka ako tumigil.

"Ano ba!" sabi niya at hahampasin ako nang iniharang ko sa harapan niya ang mga braso ko na pa-X.

"Ano ito? Habulan lang may pa time-first time-first?" taray niyang tanong sa akin habang nakataas ang isa niyang kilay.

"Mamaya na ulit please. Sakit na kaya ng katawan ko gawa mo!" tampo kong sabi sa kanya at ngumuso. Ansakit talaga ng katawan kooo.

"Okay." sabi niya at saktong dumating ang pagkain. Buti naman! Gutom na gutom na talaga ako. Kumain na agad kami dahil kanina pa kaming gutom.

Naalala ko na may ibibigay pala ako sa kanya kaya inihinto ko ang aking pagkain at kinuha yung paperbag na kulay violet. Inilagay ko sa harapan niya at napansin niya agad. Tumingin naman siya sa akin, bakit nanaman?

"Ano yun?" tanong niya sa akin habang kumakain ng tonkatsu niya.

"Kung tingnan mo kaya diba." sarkastiko kong sabi sa kanya. Tiningnan niya muna ako ng masama bago binuksan ang paperbag. Kinuha niya ang nasa loob ng paperbag at nagulat siya.

"My Yoda?" basa niya sa pangalan ng pabango at tumingin sa akin.

"Customized ang pabango nayan." sabi ko.

"Bakit My Yoda?" tanong niya sa akin, nagtataka bakit yun ang pangalan.

"My Yoda kasi kamukha mo si Yoda at akin ka lang." sabi ko at kinindatan siya kaya namula at ibinaling ang tingin sa ibang direksiyon.

"Kamukha ko si Yoda?" tanong niya ng di niya ako tinitingnan.

"Slight lang." sabi ko.

"Salamat." sabi niya, di pa rin nakatingin sa akin.

May kinuha din siya sa tabi niya at binigay sa akin ang isang Gucci na paperbag. Binuksan ko, isang black na bucket hat at wallet ang nakita ko. Wow! Paano niya nalaman na nagsusuot ako ng bucket hat?

"Salamat dito." sabi ko at ngumiti. Ngumiti rin siya sa akin. Pagkatapos ng bigayan segment ay kumain ulit kami.

.

.

Fast Forward...

.

.

Tapos na kami kumain at palabas na kami ng restaurant. Alam niyo ba? Malamang hindi pa. Nagselfie kami kanina bago umalis. Andami ko tuloy pictures namin sa phone. Kinikilig ako!

Napansin ko na dala-dala pa rin niya yung ibang Gucci paperbags at yung pabango na bigay ko. Dala ko pa din yung mga pabango nina hyungs. Paano kami magdedate kung may mga dala kami?


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


Tzuyu's POV

Napansin kong tumigil kami sa paglalakad at humarap sa akin si Jungkook. Bakit kaya?

"Akin na." sabi o utos niya sa akin na ikinataka ko.

"Akin na ang mga dala mo." sabi niya at tinuro ang mga paperbags na hawak ko.

"Di ka ba mahihirapan? Andami mo na kayang dala." sabi ko sa kanya dahil baka mahirapan lang siya.

"Concerned ka sa akin? Malakas kaya ako!" sabi niya at flinex ang braso niya. Inirapan ko lang siya. Oo na! Edi siya na ang may muscles! Nag-aalala na nga yung tao tsk.

"Ilalagay ko muna sa kotse ko para wala na tayong dala masyado." paliwanag niya. Okay, less hassle kaya binigay ko na sa kanya.

"Babalikan kita." sabi niya at kinindatan ako. Namula nanaman ako at umalis na siya papunta sa parking.

Anong gagawin ko habang hinihintay siya? Dahil gutom pa ako, makabili nalang ng pagkain. Gusto ko ng matamis kaya pumunta akong Dairy Queen. Paano kung hanapin ako ni Jungkook? Maitext nga siya.


To: Mayabang na Kulit

Nasa may DQ lang ako

Text Sent


Nagorder na ako ng isang Oreo Blizzard Medium di ko kasi mauubos ang large. Sinerve na ang order ko kaya kinuha ko at nagpasalamat sa staff tapos naghanap ng mauupuan. Nagcellphone nalang ako habang kumakain. Antagal naman ni Jungkook. Paubos na ang blizzard ko wala pa siya.

"Nandito ka lang pala!" hingal na sabi ni Jungkook pagkaupo sa tapat ko. Di ba niya nabasa?

"Nagtext kaya ako." sabi ko at kumain nalang. Kinuha niya ang phone niya at tiningnan ang text. Tsk.

"Ngayon ko lang nabasa hehe." sabi niya at tumawa.

"Di ka ba oorder?" tanong ko sa kanya habang kumakain.

"Pahingi nalang." sabi niya at binigay ko sa kanya ang blizzard. Di siya kumuha ng kanyang kutsara kaya ginamit niya ang kutsara ko. Parang nag-indirect kiss tuloy kami!

"D- d- di ka kumuha ng iyong kutsara?" pautal-utal kong tanong sa kanya dahil di pa rin ako makapaniwala sa nangyari at umiinit ulit ang pisngi ko. Tumingin siya sa akin na may pagtataka, walang siyang alam sa ginawa niya ngayon. Mga ilang minuto niya lang napagtanto ang ginawa niya kaya ngumisi siya sa akin. Inirapan ko siya habang namumula pa rin. 

Pagkatapos nun ay nagselfie ulit kami. Dinaig pa ako ng kasama ko panay selfie ako nga madalang lang. Sabi niya "Pagbigyan mo nanaman ako Tzuyu! Di ko nga alam kung kailan ulit ang sunod pagkatapos nito." So, gusto niya may kasunod pa ito?

Nung ubos na ang blizzard ko, nakishare lang siya sa akin ay hinila niya ulit ako. Akala ko okay na kami bakit may hilaan nanaman?


~~

Hope you enjoy this update!

Your votes and comments are highly appreciated! Thank you!

- ingridients

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro