0096
Jungkook's POV
Wednesday ngayon. Nasa mall ako ngayon hinihintay ang makakasama kong noona para sa araw na ito. Sino kaya? Sa tingin ko si Sana noona dahil ngayon din si V hyung. Kung si Sana noona ngayon may gusto sa akin si Tzuyu.
Kaya dapat si Sana noona ngayon. Fingers crossed. Kagabi ay nagpasalamat ako kay Jin hyung lalo na kay Tzuyu. Ang sarap nung japchae. I feel appreciated that time. Pinagluto ka ng paborito mong pagkain ng taong gusto mo sino ba naman hindi matutuwa at kinikilig? Kaya gusto ko makabawi naman kay Tzuyu. Pero paano?
Kakaisip ko kung paano makakabawi kay Tzuyu ay hindi ko namalayan may babae na lumapit sa akin Wait lang... Parang pamilyar siya.
"JUNGKOOK!" sigaw nung babae na lumapit sa akin.
"WHAT THE-- Sana noona naman!" dabog kong sabi sa kanya.
"Kung nakita mo lang reaction mo." tawang-tawa sabi ni noona habang hawak ang tyan niya.
Sige tawa pa noona.
"Bakit naman kasi ikaw tulala dyan? Kanina pa ako dito di mo pinapansin. Sinong iniisip mo? Si Chewy ba? O ibang babae yan? Di ka loyal sa Chewy namin. Sumbong kita kay Chewy." dire-diretso sabi ni noona. Nagrarap yata siya. Hinawaan na ni V hyung si noona sa pagiging OA masyado.
"OA much noona, hinawaan ka na ni hyung. At loyal kaya ako sa Chewy niyo kaya kumalma ka na." sabi ko para mawala na sa isip ni noona ang naiisip niya baka maisumbong pa ako kay Tzuyu naku... At kumalma na si Sana noona.
"Anong agenda natin ngayon noona?" tanong ko sa kanya dahil di ko alam kung anong gagawin namin ngayong araw.
"Pupunta tayo sa isa sa mga paborito kong shop." excited na sinabi ni noona.
At nagsimula na maglakad si Sana noona, sumunod nalang ako sa kanya dahil di ko alam kung saan kami pupunta. Buti walang masyado tao ngayon. Naglakad kami ng naglakad hanggang sa tumigil si noona sa isang shop.
"Mahilig ka pala sa pabango noona." sabi ko habang nakatingin pa rin sa shop.
Ang shop ay nagbibigay ng vibes katulad nung sa Harry Potter yung parang may pagkavintage na may magical ang style. Pumasok na kami sa loob at akala ko pabango ang binebenta dito? Bakit wala akong makita kahit isa?
"Kasi tayo ang gagawa ng ating pabango." sabi ni Sana noona. Paano niya nasagot ang tanong ko? Nasabi ko ba na di ko namalayan?
"Di mo sinabi Jungkook. Halata naman sa mukha mo na nagtataka ka." paliwanag ni noona kaya nagets ko. Isa rin palang mind reader si noona parang si V hyung lang. Bagay talaga sila. TaeSana!
"Dito sa shop na ito ay pwede ka gumawa ng sarili mong pabango na para sayo lang talaga." sabi ni noona sa akin. Ok nagets ko na. Nacucurious rin ako kung paano nila nagagawa ang iba't ibang pabango.
Gagawan ko si Tzuyu kapalit ng pagluluto niya ng paborito kong pagkain. Tama, isa ito sa mga gagawin kong pambawi. Pati pala sina hyungs gagawan ko baka magtampo pa sila. Gagawan ko pa ba si V hyung? Kasi sa tingin ko gagawan siya ni noona tapos gagawa din ako edi dalawa ang kanya. No choice kung hindi gagawan baka magtampo at may masabi pa tungkol sa akin kay Tzuyu. At syempre meron din para sa akin. So ilan ang gagawin ko? Bale walo.
May lumapit sa aming lalaki na sa tingin ko ay empleyado dito at siya ang makakasama namin sa paggawa ng mga pabango namin. Pinapunta niya kami sa isang pwesto dito sa shop na kung saan may isang table na puno ng mga oil para makagawa ng pabango.
"Para magawa ang inyong pabango ay pipili muna kayo ng mga ingredients. Dito sa harap niyo ay may mga iba't ibang oils na pwede niyo pagpilian. Pwede hanggang apat na oils ang piliin niyo. Ilista niyo nalang sa papel kung ano napili niyo. paliwanag nung lalaki at binigyan kami ng mga papel.
"Paano po pag madami ang ipapagawang pabango? Paano ko po maisusulat?" tanong ko dahil walo ang ipapagawa kong pabango.
"Isulat mo sa pinakataas ang iyong pangalan tapos kada pabango ay lagyan mo ng pangalan bago yung ingredient o ingredients na napili mo para sa pabango nayun." sabi nung lalaki at tumango nalang ako.
Makapagsimula na at matatagalan ako dito. Tiningnan ko yung mga oils na nasa harap ko. Pumili ako ng isa at inamoy ko. Nung sa tingin ko ay babagay kina hyung o sa akin ay isinulat ko. Ganun ang ginawa ko pati si Sana noona. Kay Tzuyu nalang ang kulang. Ano bang babagay kay Tzuyu na pabango? Hmm... Dapat may rose at lavender yung kanya. Paano ako makakapili ng rose dami ng oil? Madami pala oil ang makukuha sa rose akala ko isa lang. Inisa-isa ko ang mga oils ng sa rose.
"Kakaamoy mo Jungkook mawawala na sadya ang amoy sa laki ng ilong mo." sabi ni noona at tumawa. Napatawa rin yung lalaki sa sinabi ni noona.
"Sama mo noona sa akin! Di ka naman inaano ng ilong ko." sabi ko at tinuloy ang pagpili. Iniisip ko pa kasi kung magiging maganda ang amoy pag pinagsama kasaman ang iba pang napili kong oil. Isinulat ko na ang napili ko at binigay sa lalaki.
"Bakit parang ang dami naman ng sa iyo Jungkook?" takang tanong ni noona sa akin.
"Secret noona." sabi ko at ngumiti.
Pagkatapos ay pumunta naman kami sa isang pwesto kung saan dun daw ipagsasama-sama o ihahalo yung napili naming oil para sa pabango namin. Hihintayin daw namin matapos ang paghahalo bago gawin ang susunod na step. Umupo muna si noona. Pinanood ko kung paano nila haluin ang mga oils. Di ko alam pero nasasatisfy akong tingnan kung paano nila gawin.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Tzuyu's POV
"At bakit tayo nasa Gucci store oppa?" tanong ko sa kanya dahil di ko alam kung bakit kami nandito sa paborito nyang shop.
Nasa mall kami at nung nagkita kami ni oppa basta niya nalang ako hinila sa pupuntahan namin. Di naman excited si oppa sa lagay niya no? At nandito nga kami sa paborito niyang shop na alam ko alam niyo which is Gucci.
"Dahil ngayon ko lang napagtanto na di ka pa nakakabawi sa akin at alam ko babawian mo ako pag nagkita tayo kaya uunahan na kita." sabi niya na confident na confident pa. Tinaasan ko siya ng kilay dahil di ko gets ang sinasabi niya.
"Kaya kaysa bawian mo ako ng mga hampas at suntok ay ililibre nalang kita dito sa paborito kong shop." sabi niya at umalis pa sa harapan ko para makita ang loob ng Gucci.
Ililibre ako ni Taehyung oppa sa Gucci, isa sa mga pinakamamahal na brands na alam natin ngayon at paboritong brand ni oppa? Panaginip ba ito? Kung hindi, wag niyo muna ako gisingin. Tuwang-tuwa ako sa ideya na ito nang biglang--
"Aray! Bakit mo naman ako binatukan oppa?" tanong ko sa kanya habang hawak-hawak ang batok ko. Namumuro na talaga si oppa!
"Hindi kasi ito panaginip Tzuyu. It's real alright." sabi niya na ikinataka ko. Wait... Paano niya nalaman na yun ang iniisip ko? Nasabi ko ba na di ko namalayan?
"Di mo sinabi Tzuyuu. Halata sa mukha mo na iniisip mo kung tunay ba ito o hindi." biglang sabi ni oppa. Mind reader nga pala itong si oppa.
"Ililibre mo talaga ako oppa? Kahit madami akong bibilhin sa Gucci?" tanong ko dahil sinisigurado ko baka mamaya niloloko lang pala ako at ako talaga ang magbabayad sa huli.
"Oo nga Tzuyu! Kahit madami ka pang bilhin ako pa rin ang magbabayad. Promise!" sabi niya at itinaas pa niya ang isang kamay, patunay na nagsasabi siya ng totoo.
"Pag sinira mo promise mo, susumbong kita kay Sana noona." sabi ko at ngumiti. Ngumiti din si oppa sa akin.
Dahil aalam ko si oppa talaga ang magbabayad sa huli ay iniisip ko kung anong pwede kong bilhin sa Gucci.
Let the shopping begin!
~~
Happy 7th Anniversary BTS!!!! To all co-ARMYs out there Happy Anniversary!
💜💜💜💜💜💜💜
Third day na ng A Day with-- ng Tzukook.
- ingridients
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro