0091
Jungkook's POV
Tapos na kami kumain ni Mina noona kaya lumabas na kami at pumunta sa mga pets. Ang kyut nila!
Una kaming pumunta sa mga puppies. Ang lilikot nila. Ganun naman sadya ang mga puppies, playful. Lumapit agad sila sa amin ni noona. May isang puppy na nakakuha ng atensyon ko. Isang puting puppy. Binuhat ko at agad niya dinilaan ang aking mukha. Natawa naman si noona.
"May inaalagaan ka ba Jungkook na aso?" tanong ni Noona sa akin habang binababa ko ang puppy.
"Oo noona. Pangalan niya ay Gureum o Cloud. Ikaw noona?" sabi ko.
'Meron rin. Pangalan naman niya ay Ray." sabi ni noona.
"Quiz Time! Anong pangalan ng aso ni Tzuyu?" tanong ni noona sa akin.
"Gucci." sagot ko.
"Alam na alam ah!" tawang-tawa sabi ni noona. Ngumiti naman ako.
Syempre ako pa. Naalala ko kasi nung nagtanungan portion kami ni Tzuyu sa chat.
Lumipat naman kami ni noona sa mga pusa. Lumapit rin sila sa amin kaya hinawakan ko sila. Kung ang mga aso ay playful, ang mga pusa naman ay behave. Laging tulog parang si Suga hyung.
Pumunta naman kami sa mga ibon. Nakakatuwa! Iba't ibang kulay ang mga ibon dito. Maingay ang mga ibon parang si J-hope hyung at may parrot pa. Lumapit ako sa parrot at nagsalita ng kung ano-ano. Kung anong sinasabi ko ay inuulit ng parrot kaya utas sa kakatawa si noona.
"Gusto ko." sabi ko.
"Gusto ko~" sabi ng parrot.
"Si Tzuyu." sabi ko ulit.
"Si Tzuyu~" sabi ulit ng parrot.
Kinikilig si noona nakangiti. Pagkatapos ko magsalita ay pumunta na kami sa may mga kuneho. Makikita ko na ang mga kamag-anak ko.
"Mga kamag-anak mo Jungkook oh!" tawang sabi ni noona sa akin.
"Long time no see mga kamag-anak! Kamusta kayo?" bati ko sa mga kuneho na ikinautas ulit sa kakatawa si noona.
Lumapit ako sa kanila tapos binuhat ko yung isa. Ang cute ng mga kuneho kaya cute rin ako. Ang magsasabing hindi ako cute ay hindi papansinin ni crush!
"Jungkook." tawag sa akin ni Mina noona kaya napatingin ako sa kanya.
"Gusto mo ba talaga si Tzuyu?" tanong niya sa akin.
"Hindi lang gusto noona kundi gustong-gusto. Gusto ko lagi siya masaya lalo pag ako ang kasama niya. Ayaw ko pag hindi kami nagpapansinan. Gusto ko lagi ko siyang kasama o kausap. Kahit masungit siya sa akin ay gusto ko pa rin siya." sabi ko kay noona kaya ngumiti siya sa akin.
"Okay na sa akin na alam ko sincere ka talaga sa maknae namin." sabi niya na ikinangiti ko.
Linapit ko sa mukha yung kuneho at ngumiti ako yung bunny smile ko. Pagkatapos ay lumabas na kami ng cafe at ihahatid ako ni noona sa amin. Kakahiya naman kay noona. Sabi ko ay hindi na, sinabi pa niya ay isusumbong niya daw ako kay Tzuyu kaya no choice ako.
Sumakay na kami sa sasakyan ni noona at nagmaneho na siya papunta sa amin. Habang nabyahe kami ay may nagchat sa akin. Sino kaya yun?
~~
Messenger
EommaJin just messaged you
~~
Si Jin hyung pala. Bakit EommaJin ang nickname sa akin? Kasi parang siya ang Eomma ko tapos Appa ko si Namjoon hyung. Kikiligin nanaman si Jin hyung. Ano kaya ang chat ni hyung?
~~
EommaJin
O Jungkook! Reward mo!
~~
Ano? Reward ko? Pinagsasabi ni hyung? Tapos may sinend si hyung na picture. Tiningan ko yung picture, si Tzuyu na ang pula ng mukha. Natawa naman ako kaya napatingin si noona sa akin.
"Ano kaya ang tinitingnan?" tanong ni noona ng may nakakaasar na ngiti.
"Makikita mo mamaya noona." sabi ko nalang at chinat si hyung.
~~
BabyKookie
Salamat hyung!
~~
Hindi ako ang naglagay ng nickname si Jin hyung. Baby daw kasi nila ako. Nasa amin na kami pagkatapos ko ichat si hyung. Nagpasalamat naman ako kay noona at pumasok na ng bahay.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Tzuyu's POV
Nagluluto na kami ni sunbaenim ng japchae. Patapos na rin naman kami. Busog na busog ako pati si sunbaenim sa dami naming kinain kanina. Foodtrip nga ang ginawa namin.
"Tzuyu." tawag sa akin ni sunbaenim.
"Bakit sunbaenim?" tanong ko.
"Anong nagustuhan mo sa aming maknae?" tanong ni sunbaenim.
Paano ko ba sisimulan?
"Di ko nga rin alam sunbaenim kung anong nagustuhan ko kay Jungkook. Ang kulit niya as in. Pag hindi mo siya papansinin ay kukulitin ka niya hanggang sa pansinin mo siya. Pero kahit ganun siya, masayahin siya tapos di ako akalain na maeffort siya nung tinanong niya ako kung pwede ba niya ako ligawan. Ang nagustuhan ko sa kanya ay yung efforts niya para pasayahin ako at ang ugali niya." sabi ko at napatingin ako kay sunbaenim na naluluha.
"Malaki na talaga ang Jungkookie namin." sabi niya habang pinupunasan ang mga luha niya.
Sino ba naman ang hindi maiiyak na makita mo malaki na ang inaalagaan at kasama mo ngayon? Ganun din yata nararamdaman nina eonnies sa akin.
Tapos narin namin lutuin ang japchae. Nagtakeout nalang kami ng bread sa restaurant para kay Jungkook.
Hinatid na ako ni sunbaenim sa amin at sabi niya ay siya na ang magbibigay kay Jungkook. Nagpasalamat naman ako kay sunbaenim at hinintay siya umalis bago ako pumasok sa bahay.
Pagkapasok ko ng bahay ay biglang nagchat sa akin si Mina eonnie. Bakit kaya?
~~
Messenger
Mina Eonnie just messaged you
Mina Eonnie
Tzuyu may isesend ako sa iyo!
For sure kikiligin ka!
~~
Chat ni eonnie sa akin. Ano kaya yun? May sinend si eonnie na picture at video. Tiningnan ko muna yung video. Yung video ay may sinasabi si Jungkook tapos inuulit ng parrot. Natatawa naman ako habang pinapanood yung video. Nagulat ako sa huling sinabi ni Jungkook. Feeling ko namumula nanaman ako. Buti wala akong kasama sa bahay kung hindi makikita nina Kuya ang mala-kamatis kong mukha.
~~
Mina Eonnie
Kinikilig si Tzuyu
HAHAHAHA
~~
Natawa naman ako sa chinat ni eonnie. Alam na alam niya talaga ako. Sunod ko naman tiningnan ay yung picture. Si Jungkook na nakangiti yung bunny smile niya habang katabi niya ang kuneho. Nilapit niya talaga sa mukha yung kuneho. Kamukha niya talaga hahahaha.
~~
Maknae Tzuyu
Salamat eonnie
Hindi kaya ako kinilig
Mina Eonnie
Oo nalang
Kinikilig ka naman talaga
Ako pa ang lolokohin mo
~~
Maipost nga mamaya.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Jin's POV
Hello sa inyo! Ako si Kim Seokjin ng Bangtan. Worldwide Handsome. Main Visual ng Bangtan. Pinakamatanda sa amin at Eomma ni Jungkookie.
Pagkatapos ko ihatid si Tzuyu ay papunta na ako kay Jungkookie, ibibigay ang niluto naming japchae at tinapay kahit hindi naman talaga ako nagluto. For sure magugustuhan talaga niya ito lalo si Tzuyu ang nagluto nito para sa kanya.
Naalala ko tuloy ang nangyari kanina, yung namumula ang mukha ni Tzuyu. Di ko talaga alam na para pala kay Tzuyu ang tonkatsu at kimbap na pinaluto sa akin ni Jungkookie. Tapos yung tinanong ko si Tzuyu kung anong nagustuhan niya kay Jungkookie. Habang nagsasalita si Tzuyu ay napapaluha ako. Malaki na talaga ang maknae namin. Naalala ko ang bata-bata pa niya nung una namin siya nakita tapos di pa siya masyado komportable sa paligid niya kaya lagi siya dumidikit sa amin lalo na pag may shows kami.
Pumarada ako sa harap ng bahay ni Jungkookie. Pumasok na ako sa bahay at nakita ko si Jungkookie nakaupo tapos nakangiti habang hawak ang phone niya. Hula ko ang tinitingnan niya ay yung picture ni Tzuyu na mapula ang mukha kanina.
"Nandyan ka pala hyung!" sabi niya nung napansin niya lang ako.
"Hindi ako si Jin hyung. Standee lang ako." sabi ko.
"May standee bang nagsasalita hyung? Standee nga. At wala akong standee mo dito sa bahay." bara niya sa sinabi ko. Bastos talaga ang batang ito. Buti pa si Tzuyu magalang sa akin.
"Buti pa si Tzuyu magalang." sabi ko kaya napairap si Jungkookie.
Kailan pa ito natuto mang-irap? Kanino kaya niya ito natuto? Edi sa akin. Kanino pa?
"Anong dala mo hyung?" tanong ni Jungkookie na nakatingin sa dala ko.
Nakalimutan ko pala kung bakit ako nandito.
"Oh. Nagluto kami ni Tzuyu kanina." sabi ko at binigay sa kanya ang japchae at tinapay.
"Wow! Japchae! Salamat hyung!" sabi ni Jungkookie at kinain na ang japchae.
"Wag ka sa akin magpasalamat. Kay Tzuyu ka magpasalamat siya ang nakaisip ng ideya ipagluto ka." sabi ko at umalis na.
~~
Hope you enjoy this update!
- ingridients
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro