Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

0090

Tzuyu's POV

Good morning! Today is Tuesday. Sino naman kina sunbaenims ang makakasama ko ngayon? Di ko inaasahan na magiging komportable ako kasama ni Jimin sunbaenim este Jimin oppa pala. Baka magtampo pa yun katulad nina Taehyung oppa at Jungkook.

Tinext ako ni sunbaenim na susunduin niya daw ako dito sa amin. Libreng pamasahe ngayon. Pero nagdala pa rin ako ng pera in case.

Hinihintay ko na sa labas si sunbaenim nang may tumigil na Audi sa harapan ko. Bumaba ang bintana nito at pinakita si...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Morning Tzuyu! Sakay ka na." sabi ni Jin sunbaenim at sumakay na ako.

"Morning rin sunbaenim." sabi ko at nagbow sa kanya. Natawa naman si sunbaenim na ikinataka ko. May ginawa ba akong mali?

"Wala kang ginawang mali Tzuyu. Ngayon nalang kasi may nagbow sa harapan ko." paliwanag niya na mas ikinataka ko.

"Bakit po?" magalang kong tanong sa kanya.

"Buti ka pa magalang hindi katulad ng anim kong kasama na wala nalang ginawa kundi pagtripan ako at saktan lalo na yung isa yung pinakabata." pabirong sabi ni sunbaenim na ikinatawa ko naman. Alam ko si Jungkook ang tinutukoy niya.

"At wag ka nga mag po at opo sa akin feeling ko sobrang tanda ko na talaga kahit tunay naman." dagdag niya na ikinatawa namin parehas.

Sa buong byahe ay wala kaming ginawa ni sunbaenim kundi magkwentuhan at tumawa. Akala ko nung una seryoso si sunbaenim yung may pagkaistrikto yun pala kabaligtaran. Parang si Jungkook pero older version.

Maya-maya tumigil na si sunbaenim sa pagmamaneho. Nasaan na kaya kami? Bumaba na kami parehas sa sasakyan niya at nakita ko nasa harap kami ng isang restaurant. Wahhh!! Food trip ba gagawin namin ni sunbaenim?

"Halika na Tzuyu, malapit na magsimula." sabi ni Jin sunbaenim at pumasok na sa loob. Sumunod naman ako sa kanya dahil di ako pamilyar sa lugar na ito.

Ang pangalan ng restaurant ay FIRE Restaurant. Di naman puro grilled ang sineserve dito. Alam ko na kung bakit FIRE ang pangalan ng restaurant kasi sa pagluluto kailangan mo ng apoy diba? Ang galing mo talaga mag-isip Tzuyu.

Pumasok kami sa isang room na puno ng tao may suot na mga apron. Bakit kami nandito? Ano ba gagawin namin? Puro mga tanong naiisip ko ngayon. Umupo kami ni sunbaenim at sinuot ang mga apron na nasa harapan namin.

"Sunbaenim, anong gagawin natin?" tanong ko sa kanya.

"Magluluto tayo Tzuyu. Nasa isang cooking class tayo. Ang restaurant na ito ay may cooking class offer tuwing weekdays for free." paliwanag niya sa akin.

Ang galing! Naeexcite tuloy ako magluto. Ang alam ko si sunbaenim ang nagluluto sa kanila kasama si Suga sunbaenim. Pero bakit pa kami sasali sa cooking class kung si sunbaenim ay magaling magluto?

"Nagluluto ka ba Tzuyu?" tanong ni Jin sunbaenim.

"Oo sunbaenim pero si Jihyo eonnie ang madalas nagluluto sa amin." sabi ko na ikinatango niya.

Maya-maya nagsimula na ang cooking class. Ang lulutuin namin ngayon ay tonkatsu at kimbap. Nagulat ako ng mga ilang segundo tapos natuwa. This might be my lucky day! Wahhh!

"Paborito mo ang tonkatsu at kimbap?" tanong ni sunbaenim. Tumango ako ng parang isang bata na ikinatawa ni sunbaenim.

"Kaya pala." nakangiting sabi ni sunbaenim.

"Anong kaya pala sunbaenim?" tanong ko. May alam ba si sunbaenim na di ko alam?

"Kaya pala nagpaluto noon si Jungkook sa akin ng tonkatsu at kimbap. Akala ko dahil gusto niya lang kumain nung oras na yun. Yun pala may bibigyan pala." asar ni sunbaenim.

"Kinikilig si Tzuyu! Ang pula ng mukha mo." tawang-tawa sabi niya kaya napahawak ako sa mukha ko.

Tama si sunbaenim, ang init ng mukha ko. Kung sino man ang makakakita sa akin ngayon parang ako kamatis sa pula ng mukha ko.

Tawang-tawa pa rin si sunbaenim. Natawa na rin ako, nakakahawa kaya ang tawa ni sunbaenim. Nakinig na kami sa instructor namin at nagsimula na kami magluto ng tonkatsu at kimbap.

.

.

Fast forward

.

.

Tapos na kami magluto ng tonkatsu at kimbap! Tinikman namin at ang sarapp! Magaling nga si sunbaenim magluto. May naisip ako. Ipagluto ko kaya si Jungkook ng paborito niyang pagkain?

"Sunbaenim." tawag ko kay Jin sunbaenim.

"Bakit Tzuyu?" tanong niya habang kumakain pa rin ng kimbap.

"Anong paboritong pagkain ni Jungkook?" tanong ko sa kanya.

"Japchae, pizza at bread. Bakit mo tinanong?" pabalik na tanong ni sunbaenim habang nakangiti.

"Ipagluluto ko sana siya." nahihiya kong sinabi at yumuko.

"Ang cute mo pala pag nahihiya." sabi ni sunbaenim.

"Mamaya tayo magluto pag malapit na tayo umuwi. Kumain muna tayo." sabi ni sunbaenim at hinila ako palabas ng room. Di pa yata busog si sunbaenim, ako rin naman hehe.

Foodtrip Time!


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


Jungkook's POV

Naglalakad na ako papunta sa DNA Cafe. Alam niyo ba kung anong ibig sabihin ng DNA?

Ang ibig sabihin ng DNA ay Deoxyribonucleic Acid. Di niyo alam no? Matalino kasi ako di katulad nina hyungs except kay Namjoon hyung. Matalino sadya yun.

Nasa harapan na ako ng DNA Cafe. Sino kaya kina noonas ang makakasama ko ngayon? Pumasok na ako sa loob at may nakita akong babae nakatayo parang may hinihintay yata. Humarap sa direksyon ko yung babae.

"Hi Jungkook!" masayang bati sa akin ni Mina noona.

"Hello noona! Kanina ka pa dito?" tanong ko kay noona. Nakakahiya naman kung naghintay si noona ng matagal sa akin. Bakit kasi late ka gumising Jungkook?

"Hindi naman. Umupo na tayo at kumain." sabi ni noona.

Naghanap kami ng pwesto. Nagustuhan namin ang pwesto yung malapit sa bintana kaya yun ang napili namin. Si noona na ang nag-order dapat kasi ako nalang. Ngayon ko lang napansin na ang graceful gumalaw ni noona parang si Jimin hyung. Wag niyo sabihin kay Jimin hyung lalaki lalo ulo nun.

Habang hinihintay si noona ay tumingin nalang ako sa may bintana at may nakita akong mga aso, ang kyut nila. Parte rin ba ito ng cafe?

"Opo, may mga aso. Parte pa rin ba ito ng cafe noona?" tanong ko.

"Oo Jungkook. Sa labas ng cafe ay may mga pusa, aso, ibon at kuneho. Ang cafe na ito ay isang pet cafe." paliwanag ni noona sa akin.

Wow! Meron pala ganitong cafe. Ngayon lang ako nakapunta sa isang pet cafe.

"At Jungkook wag ka na mag-po at opo sa akin. Mas matanda lang naman ako sa iyo ng ilang buwan." sabi niya at ngumiti.

Maya-maya ay dumating na ang inorder ni noona. Habang kumakain kami ay nagkukwentuhan kami ni noona. Mahilig pala magsearch si noona ng mga restaurants at cafe. Nasearch pala ito ni noona.


~~

Sorry kung ngayon lang ako nakapagupdate! Ngayon lang kasi nagkainternet sa amin.

 Day 2 of A Day with-- nina Jungkook at Tzuyu. Anong mas prefer ninyo mga readers? Isang chapter na sobrang haba o ganitong dalawang chapters para sa A Day with-- ng Tzukook?

Your comments are highly appreciated! Please comment your opinions!

Hope you enjoy this update!

- ingridients

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro