0087
Jungkook's POV
It's Monday. Ngayon ang simula ng ideya nina noonas at hyungs. Nandito ako sa Candy Pop Cafe dahil dito ang tagpuan ng makakasama kong noona.
Pagtingin ko ay may isang babae na parang orange ang buhok. Siya ay isa sa mga kasama nina Tzuyu. Ano nga ang pangalan? Dahyun yata ang pangalan. Hindi ko kasi masyado pa kilala sina noonas, si Sana noona palang.
"Hello Jungkook!" bati ni noona sa akin.
"Hello noona." sabi ko sa kanya.
"Dahyun nalang Jungkook. Mas matanda kaya ikaw sa akin." sabi niya na ikinagulat ko.
"Sorry. Hindi kasi halata." paliwanag ko na ikinatawa niya.
"Ayos lang." sabi niya.
Pumunta na kami sa kotse niya. Pagkasakay namin ay nagdrive na si Dahyun.
Hindi pa rin ako makapaniwala na mas bata pa siya kaysa sa akin. Hindi talaga kasi halata.
"Dahyun, saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.
"Malalaman mo rin." sabi niya kaya tumahimik nalang ako.
Habang nasa byahe kami ay nagkwentuhan kami parang komportable na ako sa kanya. Masayahin siya at andami niyang kwento, parang lang si Jimin hyung. Bagay sila sa isa't isa. Ship! Ship!
"Nandito na tayo." sabi niya kaya tumingin ako sa labas.
Nasa Pied Piper Cafe kami, sa labas palang halatang music cafe ito. May mga musical notes na nakadikit sa bintana tapos parang vintage style. Pagpasok namin sa loob ay namangha ako dahil sa design. Sa isang side puro mga records at discs tapos sa kabila ay mga instruments. Sa harap naman ay may mini stage kung saan pwede ka tumugtog pag gusto mo.
"Sabi kasi ni Tzuyu sa akin na mahilig ka daw sa music kaya dinala ko ikaw dito." sabi niya.
Ngumiti naman ako dahil dun. Nagtanong pa siya kay Tzuyu. Maeffort siya.
Nag-order naman kami ng musical note cookies, harmony mini cakes at genre smoothies. Kanya ay Ballad smoothie habang akin ay Acoustic smoothie.
Nung dumating ang mga inorder namin ay kumain kami tapos nag-uusap namin kami.
"Jungkook, anong mga instrumento ang kaya mo tugtugin?" tanong ni Dahyun.
"Guitar, Saxophone at Drums. Ikaw?" tanong ko sa kanya.
"Piano." sagot niya.
"Tumugtog ka please." sabi ko at nag-please pose pa ako yung magkadikit ang palad sa kanya para tumugtog siya.
"Sige na nga. Alam ko na pala kung bakit naiinis si Tzuyu minsan." sabi niya na ikinataka ko.
"Ano?" sabi ko dahil di ko gets at curious ako kung anong sinabi ni Tzuyu sa kanya.
"Wala." sabi niya at pumunta na sa harapan kung nasaan ang piano.
Tumugtog siya ng isang love song, hindi ko alam ang title pero ang galing tumugtog ni Dahyun. Nung natapos siya ay pumalakpak ako.
"Ang galing mo!" sabi ko dahil totoo naman.
"Dahil tumugtog ako, tutugtog ka rin para fair." sabi niya.
Tumayo na ako at kumuha ng isang gitara at umupo. Ang tinugtog ko ay acoustic ng isang love song. Nakalimutan ko na kung anong title. Makalimutin sadya ako.
Nung natapos ako ay pumalakpak si Dahyun. Bumalik na ako sa pwesto namin.
"Ang galing mo din pala!" sabi niya.
"Salamat." sabi ko at uminom ng smoothie ko.
"Jungkook, may tanong ako." sabi ni Dahyun.
"Ano yun?" sabi ko at kinakabahan ako.
"Bakit mo nagustuhan si Tzuyu?" tanong ni Dahyun sa akin.
Kaya pala ako kinakabahan tungkol kay Tzuyu ang tanong.
"Hindi ko rin alam kung anong isasagot ko. Nung una kong siya ichat ay alam ko kakaiba siya. Hindi siya yung mga babae na kinukulit ka. Baligtad ang nangyari sa amin, ako ang nangulit sa kanya. Tapos nung nagkita kami, iba siya sa chat. Kung sa chat ay masungit siya tapos ang ikli niya sumagot sa personal ay masayahin siya, maingay at mabait. Hindi dahil maganda siya ay nagustuhan ko na siya dahil sa ugali niya kaya ko siya nagustuhan." sagot ko sa tanong niya.
Diba ang haba ng sagot ko, wala ako magawa tungkol kay Tzuyu ang topic. Marami talaga ako masasabi basta si Tzuyu ang usapan.
"Dahil sa sagot mo, approve ka na sa akin." sabi niya at nagthumbs-up pa sa akin. Natawa naman kami.
Nagstay muna kami dahil hindi pa kami tapos kumain at titingnan pa namin ang cafe.
Ano kaya ang ginagawa nina Tzuyu ngayon?
Tzuyu's POV
Nandito kami ni Jimin sunbaenim sa Persona Cafe. Hindi lang ito isang cafe, ito ay isang comic cafe. Oo, isang comic cafe. Meron pala ganun, hindi ko alam.
Ang ganda ng design. Mahahalata mo talaga na comic cafe ito dahil ang walls niya ay scenes sa isang comic, sound effects na ginamit at mga quotes. Vibrant at colorful ang ginamit na mga kulay sa cafe na ito.
Tapos may malaking spot na kung saan nandun ang mga upuan at mga mesa na pwede niyong gamitin kung kakain ka o magbabasa. Ang mga upuan nila ay talaga para sa pagbabasa.
Ang sinsabi ko sa inyo ay yung cafe side nito tapos yung kabilang side naman ay parang isang mini library kung saan nakalagay ang mga comics na pwede mong basahin dito lang sa cafe. Kompleto sila, sabihin mo lang ang comic na hinahanap mo meron sila.
"Mahilig ka ba magbasa Tzuyu?" tanong ni sunbaenim sa akin. Nandito kami sa library, naghahanap kami ng mga comics na pwede namin basahin.
"Hindi naman sunbaenim." sabi ko kaya napatingin siya sa akin. Kinabahan tuloy ako. May sinabi ba akong mali?"
"Bakit oppa ang tawag mo kay Taehyung tapos sa akin ay sunbaenim?" tanong niya.
~~~
Dito muna magtatapos ang "A Day with--" nina Tzuyu at Jungkook. Wag kayong mag-alala dahil ginawa kong dalawang chapters ang bonding nila. Kada araw ay dalawang chapters. Kasi feeling ko sobrang haba pag isang chapter lang. Yun lang. Hope you enjoy!
- ingridients
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro