0085
Jungkook's POV
Hinila ko si Ate palabas ng Clinic pagkatapos niya sabihin yun. Si Ate talaga, mabubuking pa tuloy ako!
"Bakit mo sinabi yun Ate? Baka makahalata sila." sabi ko sa kanya.
"Sorry naman Kookie. Hindi ko napigilan eh." pagpapaumanhin ni Ate.
"Ayos lang ate. Sana hindi nila mahalata." sabi ko.
"Hindi nila nahalata." sabi ni Suga hyung na sumulpot nalang bigla sa harapan namin.
"Ano ba naman hyung! Ginulat mo ako!" sabi ko habang nasa dibdib ko pa rin ang kamay ko dahil sa gulat.
"Magulatin ka lang sadya." sabi ni hyung.
"So tuloy pa ang plano?" tanong ni Namjoon hyung na nasa likod ni Suga hyung. Kompleto kami ngayon.
"Change of plans, ang mangyayari ngayon ay kayo nalang ang magbibigay ng mga rosas kay Tzuyu kasama sina Sana noona at Kuya Kevin." paliwanag ko sa kanila.
"Pitong girls dahil kasama si Ate Hana tapos pito kami gawa ni Kuya. Kulang pa kami." sabi ni Jimin hyung.
"Kumuha nalang tayo ng ibang estudyante. Anong ba pattern Jungkook?" sabi ni Hoseok hyung.
"Girl, Boy." sabi ko.
"Ang kailangan natin ay 6 girls at 5 boys." sabi ni Namjoon hyung. Nacompute agad ni hyung? Si Namjoon hyung pa.
"Ate, ikaw nalang magsabi kina Kuya ang plano. Jin hyung at Hoseok hyung, kayo ang pumili ng mga estudyante. Habang kai ay nasa gym mag-aayos ulit." utos ko sa kanila.
Pagkatapos ay naghiwa-hiwalay na kami.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Tzuyu's POV
Dahil magaling na daw ako kahit hindi pa naman, kailangan daw namin pumunta sa Gym dahil may announcement. Ang kasama ko ngayon ay si Sana eonnie. Yung ibang eonnies ay may gagawin pa. Si Kuya naman ay umalis na at sina Jungkook hindi ko alam kung saan pumunta.
Nasa harap na kami ng Gym. Tiningnan ko si Sana eonnie, nasaan si eonnie? Iniwan nanaman ako. Bakit lagi nalang nila ako iniiwan? Di ba nila ako mahal? Char. Dahil nandito na rin naman ako sa Gym, pumasok na ako sa loob baka nagsisimula na sila. Bakit ang dilim? Ako lang ba ang nandito? Nasaan ba ang switch?
Naglakad nalang ako kahit hindi ko nakikita ang dinadaanan ko tapos nagkaroon ng dalawang spotlight, isa sa akin tapos isa sa babaeng estudyante na may hawak na pink na rosas. Lumapit naman siya at binigay sa akin yung bulaklak.
"Para sa'yo Ate." sabi niya. Magtatanong pa naman sana ako pero nakaalis na siya sa harapan ko. Napansin ko may note yung rosas. Mabasa nga para naman kahit papaano may alam ako sa nangyayari ngayon.
'You're cute, can I keep you?'
Yan ang nakasulat, natawa naman ako. Naglakad ulit ako at may lumapit ulit sa akin lalaki naman. Wala siya sinabi, binigay lang sa akin yung rosas tapos umalis na. Ano naman ang laman ng note nito?
'They said follow your dreams. So I followed you.'
Ano ba naman ito kinikilig ako, napangiti naman ako dahil dun. Nagsimula ulit ako maglakad. May lumapit naman babaeng estudyanta sa akin at binigay yung rosas.
"Good luck Ate!" sabi niya at umalis na. Good luck? Para saan? Binasa ko nalang yung note.
'7 billion smiles and yours is my favorite.'
Naglakad ako may lumapit, binigay sa akin yung rosas at umalis. Para hindi kayo mahirapan readers dahil madami yata ito. Ito yung mga quotes:
'I follow my heart and it leads to you'
'You are my sun, my moon, and all my stars.'
'You are my favorite distraction.'
'The first time I met you, you already belong to me.'
'Only you can give me this feeling.'
'I smile whenever I get a message from you.'
'You and Me. Forever please?'
'You're my favorite daydream.'
Ngayon meron na akong 11 roses na hawak. Naglakad ulit ako, tumigil lang ako nung nagkailaw ang stage at nakita ko ang Bangtan. Tumingin sa akin si Jungkook at kinindatan ako. Feeling ko ang pula na ng mukha ko.
Tapos bigla may tumugtog, ano kaya ang kakantahin nila? Sa tugtog palang parang alam ko na.
Waiting for you, Anpanman
Waiting for you, Anpanman
Naegen eopji altongina gapppa
Naegen eopji super car like Batman
Doege meotjin yeongungi nae nangman
But jul su inneun geon ojik Anpan
Kkumkkwowanne hero like Superman
Himkkeot ttwieonne haneullopi bangbang
Mureuppak kkajineun geot ttawin duryeopji ana
Sunsuhan nae eoril jeogui mangsang
I'm not a superhero
Maneun geoseul barajima
I can be your hero
Ireon mari gadangkina
Han irinji moreugesseo jeongmal
Geunde kkok haeyagesseoyo eomma
Naega animyeon nugahalkka
You can call me say Anpan
Waiting for you Anpanman
(Lemme hear ya say, lemme hear ya say)
Waiting for you Anpanman
(Turn it up, turn it up, turn it up)
Jom deo himeul naebollae
(Lemme hear ya say, lemme hear ya say)
Neoui himi dwaejullae
(Turn it up, turn it up, turn it up)
Gyesok dollyeo dollyeo naui Anpan
Keep ballin' ballin' still bangtan
Nun tteuni hero but still in miro
Geu young man, young man, young man
Gyesok mollae mollae sangcheo manttang
But ballin' ballin' still bangtan
Apado hero duryeoumeun dwiro
Anpanman panman panman
I'm a new generation Anpanman
I'm a new superhero Anpanman
Naega gajin geon i norae hanbang
Lemme say "All the bad men, cop out"
I'm a new generation Anpanman
I'm a new superhero Anpanman
Naega gajin geon i norae hanbang
Lemme say "All the bad men, cop out"
Ang kinanta nila ay hanggang hook o bago magverse 3. Tapos nun nawala na ang ilaw sa stage. Maya-maya ay nagkailaw ulit. May lumapit sa akin. Si Namjoon sunbaenim pala. Ibinigay niya sa akin yung rosas.
"Good luck sa inyong dalawa." sabi niya at ngumiti. Kita tuloy yung dimples niya. Ang cute! Mamaya ko nalang babasahin yung note.
Sunod na lumapit sa akin ay si Jihyo eonnie. Ngumiti siya sa akin at ibinigay yung rosas.
"Dalaga na si maknae." sabi niya at niyakap niya ako. Niyakap ko rin siya at umalis na rin si eonnie. Binasa ko na yung dalawang notes.
'When they say make a wish, you're the first thing I think about.'
'You have no idea how fast my heart races when I see you.'
Pagkatapos ko basahin ang mga notes, may lumapit na pala. Pagtingin ko si Suga sunbaenim. Binigay niya yung rosas.
"Alagaan mo ang maknae namin." sabi niya. Tumango naman ako. Napangiti naman si sunbaenim dahil dun. Nakita ko tuloy yung gummy smile nya. Umalis na rin si sunbaenim tapos may tumakbo papunta sa pwesto ko at niyakap ako.
"Malaki na ang maknae namin!" madramang sabi ni Nayeon eonnie. Pagbigyan na si eonnnie ngayon lang. Binigay na ni eonnie sa akin yung rosas at umalis na. Binasa ko na yung notes.
'I met you for a reason.'
'You give me the kind of feelings even words can't tell what it was.'
Napangiti naman ako dun. Tapos nakita ko may isang tao nasayaw pa bago lumapit s akin. Natawa naman ako kasi si Hoseok sunbaenim lang ang makakagawa nun.
"Bagay talaga kayo para sa isa't isa." sabi ni sunbaenim na ikinapula ng aking mukha. Natawa si sunbaenim at ibinigay sa akin ang bulaklak tapos umalis na.
Sunod naman si Momo eonnie na may dala isang bote ng tubig. Binigay niya sa akin kasabay ng rosas at sinabi "May nagpapabigay." tapos umalis na. Binasa ko na yung notes.
'If I could have anyone in the world, it would be you.'
'In a sea of people, my eyes will always be searching for you.'
Tapos lumapit naman si Jin sunbaenim na may dalang upuan. "Baka daw nangangalay ka na." sabi niya at binigay sa akin ang rosas. Ngumiti naman ako bago siya umalis. Binasa ko naman yung note.
'My heart beats only for you.'
Pagkatapos ko basahin yung note ay umupo na ako. Pagkaupo ko ay sakto nawala ulit yung ilaw. Nagkailaw ulit ang stage at nandun ang Bangtan. Ano naman ngayon?
Modeun ge gunggeumhae
How's your day
Oh tell me (oh yah oh yah, oh yah oh yah)
Mwoga neol haengbokhage haneunji
Oh text me (oh yah oh yah, oh yah oh yah)
Your every picture
Nae meorimate dugo sipeo
Oh bae
Come be my teacher
Ne modeun geol da gareuchyeojwo
Your 1, your 2
Listen my my baby naneun
Jeo haneureul nopi nalgo isseo
Geuttae niga naege jwossdeon du nalgaero
Ije yeogin neomu nopa
Nan nae nune neol majchugo sipeo
Yeah you makin' me a boy with luv
Oh my my my, oh my my my
I've waited all my life
Ne jeonbureul hamkkehago sipeo
Oh my my my, oh my my my
Looking for something right
Ije jogeumeun na algesseo
I want something stronger
Than a moment
Than a moment love
I have waited longer
For a boy with
For a boy with luv
Oh my my my, oh my my my
Na-LSS tuloy ako sa kanta nila, mapakinggan nga ulit mamaya. Pakatapos nila kumanta ay nawala ang ilaw sa stage at tumapat sa isang babae lumalapit sa akin. Si Mina eonnie pala. Hindi nalang ako tumayo dahil masakit na ang paa ko.
"Masaya ako para sa'yo maknae." sabi niya at niyakap ako. Tapos umalis na rin siya pagkabigay niya sa akin nung rosas.
'For you, everything needs to be perfect. Because you're perfect to me.'
Grabe naman, hindi kaya ako perfect. Nagkakamali rin ako. I'm just a normal human being.
Ang sunod na lumapit sa akin ay sinusuklay pataas ang buhok gamit ang kamay niya habang naglalakad. Si Jimin sunbaenim ito halata na.
"Type pa naman kita pero wala naunahan ako." sabi niya at binigay sa akin ang rosas. At umalis na siya.
'I wish I can be with you forever.'
Wow! May forever ba? Kung may forever talaga, magagawa ba nito nitong nakaisip ng pakulo mangyari yun?
Sunod na lumapit sa akin ay si Dahyun eonnie. Halata kasi sa buhok niya parang orange kasi yung kulay.
"Ang partner-in-crime ko magkakalove-life na." sabi niya at niyakap ako. Binigay niya sa akin ang rosas at umalis na.
'Why can't I stop thinking about you?'
Tinanong pa ako nito. Malay ko naman. Problema mo na iyon hindi akin.
Ang sunod na lumapit sa akin ay may nakakaasar na ngiti sa akin. Si Taehyung oppa.
"Ang aking bestfriend ay magiging masaya na." sabi niya na ikinataka ko naman at binigay sa akin ang rosas.
"Bakit hindi ba ako masaya sa buhay ko?" masungit kong tanong sa kanya. Hinampas lang ako nitong loko.
"Hindi sa ganun luka! Masaya ako para sa'yo." sabi niya at ngumiti. Nakita ko tuloy ang box smile niya. Hinampas niya ulit ako bago siya umalis. Humanda sa akin ang baliw na ito.
'You are the most beautiful girl that I have ever seen.'
Totoo ba? Pinakamaganda? Baka binobola ako nito.
Ang sunod na lumapit ay tumakbo sa akin at niyakap ako. Anong meron sa mga tao ngayon at niyayakap ako?
"Ang aking chewy ay magkakaboyfie na." sabi ni Sana eonnie. Siya lagi ang tumatawag sa akin ng 'Chewy'. Pati pala si Taehyung oppa. Bagay talaga sila.
"Anong tawag mo kay Taehyung oppa?" mapang-asar kong tinanong sa kanya. Hinampas niya tuloy ako. Namula ang mukha ni eonnie sa sinabi ko. Huli ka!
Para hindi ko na siya matanong ay binigay niya na ang bulaklak sa akin at umalis agad. Parang si Sana eonnie ay magkakalove-life na rin.
'I will do anything just to see your smile.'
Lahat gagawin mo? Anything? We'll see about that.
Ang sunod na lumapit ay hindi ko expected na kasama siya sa plano na ito. As in, paano kaya nila napapayag si Kuya? Oo si Kuya Kevin, ang kapatid kong siraulo at boyfriend ni Ate Hana.
"Ang kapatid ko, dalaga na." sabi ni Kuya at iiyak pa pag nagtagal pa siya sa harap ko kaya binigay na niya sa akin ang bulaklak at umalis na.
'Maybe we're destined for each other. Because I always see you everywhere I go.'
Destined nga ba o meant to be? Hindi ba pwede coincidence lang? I don't know.
Kung hindi ko expected ang kay Kuya, mas hindi ko expected ang sunod na tao. Si Ate Hana ang sunod, ang principal namin at girlfriend ni Kuya na ngayon ko lang nalaman.
"Ang swerte niya sa'yo." sabi niya habang binibigay sa akin ang bulaklak. Ngumiti siya sa akin at umalis na.
'I think about you often. No, let me rephrase that. I think about you most of the time.'
Okay, wala ako masabi sa note na ito. As in wala ako masabi. Okay, moving on.
Pagkabasa ko ng note ay nagkailaw ulit ang stage for the third time at nandoon ang Bangtan. Parang may mali, ilan nga ba ulit sila? Diba pito sila, bakit anim lang sila sa stage? Sino ang kulang?
Naega nal nunchichaessdeon sungan
Tteonayaman haess-eo
Nan chaj-anaeya haess-eo
All day all night
Samaggwa badadeul-eul geonneo
Neolbgo neolb-eun segyeleul
Hemaeeo danyeoss-eo
Baby I
Pagkatapos ng line ni Jimin sunbaenim ay may kumanta bigla sa likod ko. Tiningnan ko kung sino. Nakita ko si Jungkook may dalang bouquet habang kinakanta niya yung line niya na naglalakad papunta sa pwesto ko. Binigay niya sa akin ang bouquet at isang rosas. Kumindat pa siya sa akin na ikinamula ko naman. Napansin ko may note ulit.
'Can you please be mine?'
-Mr. K
Siya pala si Mr. K yung nagbigay sa akin ng isang box, ang laman ay mga paborito ko noon. Bakit di ko naisip yun?
Di ko namalayan na nasa stage na pala si Jungkook.
Pagkatapos nila kumanta, may sinabi si Jungkook na ikinagulat ko.
"Miss Chou Tzuyu, can I please court you?" tanong niya kaya umingay ang Gym gawa nina eonnies at sunbaenims.
Anong isasagot ko?
.
.
.
.
.
"Yes." sabi ko na ikinagulat niya.
Tumakbo siya palapit sa akin, niyakap at pinaikot-ikot pa. Lumapit pala sina eonnies at sunbaenims sa amin.
"Binata na si Kookie!/Dalaga na si Chewy!" sabay nilang sigaw.
"Dahil nililigawan na ni Jungkook si Tzuyu, dadaan muna siya sa amin." sabi ni Jihyo eonnie na ikinataka ko naman.
"Edi dadaan rin si Tzuyu sa amin para fair." sabi ni Namjoon hyung.
Napatingin kami ni Jungkook sa isa't isa.
Ano naman ang pakulo na ito mga eonnies at sunbaenims?
~~
Anpanman - BTS
Boy With Luv - BTS
Make It Right - BTS
Yung ibang quotes ay hindi sa akin tapos yung iba ay gawa ko. Kaya credits sa gumawa ng mga quotes na ginamit ko.
Hope you enjoy this long update! Ito na yata ang pinakahaba kong update sa story na ito.
- ingridients
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro