Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

0046

Jungkook's POV

Ngayon ko kukunin yung mga pagkain kay Jin hyung at yung bouquet kay Lily. Naligo muna ako at nagbihis. Ang suot ko ngayon ay black t-shirt, ripped jeans at rubber shoes. Di na ako nag beanie kasi basa pa naman ang buhok ko.

Nagdrive ako papunta kay Jin hyung. Sana naman gumawa siya kung hindi sisirain ko talaga lahat ng damit niya na kulay pink at yung collection niya. Iniiisip ko palang ay natutuwa na ako. Ang sama ko talaga. Baka sermunan pa ako ni Jin Hyung pag nangyari yun at isumbong kay Namjoon Hyung. Basta tungkol kay Jin Hyung ang usapan ay nagagalit agad si Namjoon Hyung di namin alam kung bakit.

Pinark ko ang kotse ko at pumasok agad sa bahay ni Hyung.

"Bakit ka nandito umagang-umaga?" tanong agad ni Hyung na naka-pajamas pa at magulong buhok. Diba wala manlang good morning, tanong agad.

"Kukunin ko na yung mga pagkain." sabi ko para hindi na tumagal ang usapan.

"Nasa kusina, kunin mo na. Tutulog pa ako. Ilock mo ang pinto pag umalis ka." paalala ni Hyung at umakyat na. Kagaya ng sinabi ni Hyung ay nilock ko ang pinto pagalis ko.

Pagkain ✔

Next stop: One In A Million Flowers

Pagpasok ko agad sa shop ay hinanap ko agad si Lily gawa ng bouquet.

"Ang aga mo naman sir. Kakabukas ko palang." sabi niya.

"Gawa kasi nung bouquet Lily. Titingnan ko kung tapos na." paliwanag ko kung bakit maaga ako.

"Ito naman si sir. Walang tiwala sa akin." biro niya.

"Hindi naman sa ganun Lily. Excited lang ako makita yung bouquet." natatawang sabi ko.

Habang kinukuha ni Lily yung bouquet ay  tinext ko si Sana Noona.


To: Sana Noona

Noona yung address ni Tzuyu?

Sent


"Sir ito na po yung bouquet nyo." sabi ni Lily habang hawak yung bouquet.

"Ang galing mo talaga Lily kaya ito ang paborito kong flower shop." sabi ko. Magaling talaga si Lily.

"Salamat sir. Dadalhin nyo na ba po o ipapadeliver nyo po?" tanong niya. Parang mas gusto kong ideliver nalang diba mga readers?

"Delivery Lily. Hinihintay ko lang yung address kung saan ideliver." sabi ko. Pagkasabi ko ay nagreply na si Sana Noona


From: Sana Noona 

Sa Young Village, St. XXX yung kulay blue ang gate. Isa lang naman yung kulay blue na gate yun ang kay tzuyu.


"Lily, may card ba kayo?' tanong ko. Magsusulat lang ako ng message.

"Oo naman sir kulay violet pa." sabi niya habang binibgay yung card na violet.

Nagsulat na muna ako. Anong sinulat ko? Malalaman nyo rin :)

"Lily naiforward ko na yung address. Kay Miss Chou Tzuyu mo ibibigay tapos pag tinanong kung kanino galing wala kang sasabihin." pagpapaliwanag ko sa kanya kung anong gagawin.

"Sige sir." sabi niya tapos umalis na ako.

Papunta naman ako sa Post Office para ideliver yung box Nailagay ko na yung pagkain sa loob tapos nilagyan ko ng kulay violet na ribbon. Nung sinulat ko na ang address ni Tzuyu ay binigay ko sa lalaki tapos ipinaliwanag ko kung anong gagawin pagdineliver na sa bahay ni Tzuyu.

Umuwi na ako at pagkapasok ko ay humiga ako sa sofa dahil sa pagod. Kahit pagod worth it naman. Sana maideliver kay Tzuyu ng maayos.

At sana mapatawad na ako ni Tzuyu.


~~~~~~

~~~~~~~

Dedicated to: PINKEYT

Thank you for voting!!

Hello readers!! Kung may nagbabasa pa nito, sorry at ngayon lang ako nakapagupdate dahil nagayos pa ako ng requirements this week sa school. Sa tingin nyo, mapapatawad na ba ni Tzuyu si Jungkook? Next chapter ay Tzuyu's POV. Hope you enjoy this short update!

- ingridients

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro