Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

0032

Sana's POV

Kausap ko ngayon si 4Dblank, sinabi ko sa kanya kung nasaan ako. Inend ko agad ang call. Alien talaga ang isang ito. Hinahanap ko kung nandito siya. May nakita ako isang lalaki papunta sa pwesto ko. Wag niyo sabihin siya si 4Dblank. Lumapit siya sa akin.

"4Dblank?/JapaneseGirl?" sabay namin tanong kaya napatawa kami. Umupo kami sa part ng cafe ng walang masyadong tao. Nagorder muna kami. Nung dumating ang order namin ay walang nagsalita. Ang tahimik. Napaubo naman siya.

"Ikaw si JapaneseGirl?" tanong niya ulit sa akin, tumango ako at uminom sa inorder kong smoothie. Ansarap talaga ng smoothie.

"Since hindi pa natin masyado kilala ang isa't isa, magpakilala ka muna." sabi niya na parang sanay sa ganitong scenario.

"I'm Minatozaki Sana of TWICE. A Japanese. Only child. Sabi nila, I have an optimistic personality and clumsy. Loves shopping, eating spicy foods and watching horror movies." pagpakilala ko sa kanya. Siya naman ay tahimik nakatingin sa akin.

"Ikaw naman." sabi ko para tumigil siya kakatingin sa akin. Naiilang ako ng hindi ko alam kung bakit.

"I'm Kim Taehyung or V of BTS. Korean. Have one younger sister and brother. Can speak Japanese. Has a 4D personality. Likes anything that is unique and has the same hobbies with Jin hyung." pagpakilala niya sa akin.

"So pareho pala tayo, 4D rin daw ako sabi nina eonnies." sabi ko sa kanya kaya napatawa siya.

"Kaya pala dinare ako ni tzuyu na ichat ka kasi pareho pala tayo." sabi ko. 

"Evil maknae talaga iyun pareho talaga sila ni Jungkook." sabi niya ng ikinagulat ko.

"Kilala mo si tzuyu?" tanong ko sa kanya.

"Oo, best friend ko pa nga iyun." sagot niya sa tanong ko.

"So kilala mo na ako nung una pa?" tanong ko.

"Hindi. Pinipilit ko si tzuyu pero ayaw niya sabihin." tampo niyang sabi sa akin kaya napatawa ako.

"Tara." sabi niya tapos hinila niya ako papunta sa kotse niya.



Taehyung's POV

Papunta kami sa mall ngayon ni Sana. Saan ko kaya siya dadalhin? Matanong nga si Tzuyu.


To: Chewy

Chewy, saan ko dadalhin si Sana?

Sent


Tapos mga 5 minutes sumagot siya.


From: Chewy

Sa may mga perfume o candles. Mahilig kasi siya sa mga ganyan at gusto niya magstar gazing. Mahilig rin siya magshopping.


Butu nalang alam ni Tzuyu ang mga gusto niya para hindi ako mahirapan. Pinark ko muna ang kotse ko saka kami pumasok sa mall. Dumiretso kami sa alam kong perfume shop. Kilala talaga ang shop na ito dahil sa mga perfume at body mist nila. Pagpasok namin sa loob ay tuwang-tuwa siya. Parang siyang bata na binigyan ng candy, napangiti naman ako dun. Nilibot namin ang buong shop. Bumili siya ng tatlong body mist.

Pagkatapos nun ay pumunta naman kami sa candle shop. Namangha siya dahil sa shop na ito pwede ka magpagawa ng customized candle. Papapiliin ka nila kung anong gusto mong kulay at shape at sila na ang bahala sa lahat. Sa kanya ay purple at pink na may nakalagay na pangalan niya ganun rin sa akin pero gray lang. Pagkatapos namin dun ay hinila niya ako papunta sa GUCCI.



Sana's POV

Buti talaga tinanong ko na agad si Tzuyu kung anong gusto ni V. Mahilig pala siya sa GUCCI kaya hinila ko siya papunta sa shop na iyun. Nilibot namin ang buong shop. Bumili siya ng t-shirt. Pagkatapos nun ay hinila ko siya sa isang tie shop na alam ko. Sabi kasi ni maknae meron siyang tie collection. Natuwa siya kasi makikita mo ang iba't ibang ties dito. Bumili siya ng dalawa dagdag daw sa collection niya.

Dahil nagutom kami ay kumain kami sa isang restaurant na napili niya. Picky eater daw siya sabi ni Tzuyu kaya pinapili ko siya, buti nalang may spicy foods dito. Habang kumakain kami ay nagkwekwentuhan rin kami parang close na close na kami ah at ngayon lang nagkita.

Lumabas kami ng mall maggagabi na. Sabi niya ay pupunta kami sa isang amusement park malapit lang rito. Nagandahan ako kasi buhay na lahat ng ilaw sa amusement park, excited tuloy ako! HInila niya ako papunta sa rollercoaster. Sa may unahan pa naman kami umupo. Nung nagsimula na ay ayos lang sa akin pero yung biglang bumaba doon ako napasigaw.

"AHH!!!" takot na takot sumigaw ako habang nakapikit ang mga mata ko.

"YES!!!" sigaw naman ng katabi ko na enjoy talaga sa rollercoaster.

Pagkatapos nun ay sumakay kami sa gyro drop at gyro swing. Di ko naman alam na daring ang mga gusto niyang rides, di manlang sinabi sa akin ni Tzuyu edi sana nakapaghanda ako sa mga daring rides. Akala ko tuloy mamatay na kami! Pumunta naman kami sa mga stalls. May nakita ako isang pink na teddy bear. Naglaro ako pero hindi ko nakuha. Nagulat naman ako ng maglaro siya. Andaya bakit nanalo siya samantala ako natalo dalawang beses pa.

"Yung pink na teddy bear." sabi niya sa may handler ng stall. Nung naibigay na sa kanya ay ibinigay naman niya sa akin, nagulat naman ako.


"Salamat." sabi ko sa kanya. Feeling ko namumula ako, tumingin ako sa kanya nakangiti siya.

"Tara sa may ferris wheel." sabi niya sa akin at hinila ulit ako yung totoo bagay ba ako? Kanina pa kasi ako hinihila ng isang ito.

Dahil gabi na, maraming tao ang nakapila sa may ferris wheel buti nalang maaga kami nakapunta dito baka hindi kasi kami makasakay. Nung nasa may tuktok na kami ay bigla itong tumigil. Napatingin naman ako sa langit, andaming stars!!! Gusto ko talaga magstargazing. Habang tinitingnan ko ang mga stars may narinig akong may nagclick napatingin naman ako kay V. Hawak ang cellphone niya at nakatingin sa akin.

"Burahin mo iyan." sabi ko sa kanya pero umiling siya. Bahala na nga.

Nung makababa na kami ay pumunta na kami sa may kotse niya at umalis baka kasi hinahanap na ako. Nakarating na kami sa bahay ko. Paano niya nalaman ang bahay ko? Di ko naman sinabi sa kanya ah.

"Tinext sa akin ni Chewy." sabi niya na parang nabasa niya ang nasa isip ko.

"Salamat ulit V." sabi ko sa kanya bago bumaba sa kotse niya.

Bago ako pumasok sa loob ay hinintay ko muna siya umalis. Nagbihis na ako ng pantulog at humiga. Napangiti ako dahil sa nangyari ngayong maghapon.


~~~~~~~~~~~~~

Dedicated to: BrittanyCarreon

Thank you for voting!!


Answeet ng TaeSana!!! Kinikilig tuloy ako habang tinatype ito. Sa tingin niyo magkikita pa ba sila o hindi? #TaeSanafeels

- ingridients


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro