0031
Sana's POV
Saturday na ngayon. Ngayong araw kami magkikita ni 4Dblank. Ano kaya itsura niya? Sana naman gwapo. Mamaya mo na isipin ang itsura niya Minatozaki Sana. Isipin mo muna anong susuotin mo mamaya.
after 10 minutes...
WAHHH!!!!! Wala pa akong susuotin!!!! Anong gagawin ko!!?? Tawagin ko kaya sina eonnie? Edi malalaman nila ayoko. Si maknae nalang kaya ang tawagin ko? Si maknae nalang tutal siya lang naman ang may alam nito. Tinawagan ko si maknae antagal sagutin.
(Eonnie?) tanong agad ni maknae.
"Eonnie agad? Wala manlang hello?" tanong ko. Evil maknae nga pala ito
(Anong kailangan mo Sana eonnie?) tanong ni maknae.
"Tulungan mo ako wala pa akong susuotin para mamaya!!" sabi ko sa kanya.
(Papunta na ako dyan eonnie) sabi ni maknae at inend ang call.
after 5 mins...
Nandito na si maknae sa kwarto ko diba ang bilis niya. Mabilis kasi magdrive si maknae kaya ayaw namin siya maging driver mahal pa kaya namin ang buhay namin no.
"Pasaan ka pala eonnie anong event?" tanong ni maknae habang naghahanap ng damit ko para mamaya.
"Sa Candy Pop Cafe. Magkikita kami ni 4Dblank." sabi ko sa kanya habang naghahanap ng sapatos.
"ANO!!??" sigaw niya sa akin. Anlakas pa naman sumigaw ng isang ito yan tuloy ansakit ng eardrums ko.
"Pumayag ka eonnie?" tanong niya sa akin. Tumango nalang ako tapos tinuloy namin ang paghahanap ng damit ko.
"Suotin mo ito eonnie. Ako bahala sa buhok mo." sabi ni maknae.
Pumunta ako sa banyo at nagbihis. Pagbalik ko ay malinis na ang kwarto ko. Hinanap ko si Tzuyu, naglalaro sa cellphone niya. Nung nakita niya ako ay sinimulan na niya ang pagaayos ng buhok.
Ang suot ko ay white shirt na may nakalagay na bravo! summer, denim skirt, white shoes at isang cream sling bag.
Tapos ang hairstyle ko ay low ponytail na may side braid credits to Tzuyu. Iniwan niya ang bangs ko sa harap.
"Ang ganda mo eonnie." sabi ni Tzuyu habang pumapalakpak pa. Feel na feel niya maging stylist ko ngayon
"Salamat sa iyo maknae." sabi ko.
"Ako pa." yabang niyang sabi napailing na ako.
Napatingin si maknae sa relo niya at bigla niya akong hinila.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya, bigla-bigla kasi nanghihila.
"Sa kotse ko eonnie. Malalate ka na 9:45 na." sabi niya.
Pumasok na kami sa kotse niya at nagdrive na siya. Sana buhay pa kami pag nakarating sa cafe.
After 5 minutes...
"Eonnie nandito na tayo." sabi ni maknae.
"10 na eonnie baka nandun na siya. Just be yourself eonnie." paalala ni tzuyu sa akin.
"Sige salamat ulit Tzuyu."sabi ko bago bumaba sa kotse niya. Pagkababa ko ay umalis na siya at ako ay pumasok sa cafe.
Taehyung's POV
Ngayon araw kami magkikita ni JapaneseGirl. Tinawagan ko si Jungkook para tulungan ako sa susuotin ko para mamaya. Habang siya naghahanap ng damit ako naman ay palakad-lakad dito sa kwarto ko.
"Tumigil ka nga dyan hyung. Ako ang nahihilo sa iyo." sabi ni Jungkook habang naghahanap pa rin.
"Sa kinakabahan ako." sabi ko sa kanya. Napatingin si maknae sa akin.
"Hyung wag ka kabahan dahil pag kinabahan ka mamaya baka maisip niya hindi ka paready na makita siya." paliwanag ni maknae sa akin. Oo nga no.
"Matanong nga maknae inlove ka ba?" tanong ko sa kanya kung makapagbigay ng advance parang love guru.
Kaysa sagutin ang tanong ko ay binato ako ng damit. Ansama talaga ni Jungkook sa akin. Paalala ko na mas matanda ako sa aming dalawa tapos kung tratuhin niya ako?
"Yan ang susuotin mo hyung kaya magbihis ka na malalate ka na nyan." sabi niya kaya pumunta agad ako sa banyo at nagbihis. Pagkalabas ko ay naghihintay si maknae.
"Ang gwapo mo hyung pero mas gwapo ako." sabi niya kaya binato ko ng unan bago ko ayusin ang buhok ko. Isa pa rin itong ubod ng yabang at kahanginan sa katawan magsama sila ni Jin hyung at Jimin hyung.
Ang suot ko ay black sweater, white pants, rubber shoes at relo.
Ang hairstyle ko naman ay inayos ko lang ang harap para maging ganito.
Pagkatapos ko ayusin ang buhok ko ay umalis na kami ni Jungkook sa bahay ko. Sumakay kami sa aming kotse ay umalis na. Si Jungkook pauwi na sa bahay niya habang ako ay papunta sa Candy Pop Cafe. Nagpark muna ako bago pumasok sa cafe. Umupo muna ako kasi 9:50 pa naman 10 ang usapan namin ni JapaneseGirl.
After 10 minutes ay may pumasok na babae sa cafe parang may hinahanap siya. 10 na wala pa siya matawagan nga. Tinawagan ko siya at agad naman nita ito sinagot.
(Hello?) tanong niya.
"Nasaan ka na squirrel?" tanong ko sa kanya.
(Nasa loob na ng cafe malapit sa pinto at wag mo akong tawaging squirrel.) sabi niya at inend ang call.
Napatingin naman ako malapit sa pinto ang nakikita ko lang ay yung babae kanina pumasok wag mo sabihin siya si JapaneseGirl!!??
~~~~~~~~~~~~~
Dedicated to: ZairaMaePanganiban6
Thank you for voting!!
Part 1 palang yan ng pagkikita nila. Ano kaya mangyayari sa part 2?
- ingridients
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro