0014
Jungkook's POV
Nandito ako sa kwarto ko, hawak ang cellphone ko at kinukulit si GoddessQueen dahil... wala lang. Habang chinachat ko siya bigla nalang pumasok si V-hyung, binatukan at hinampas ako. Nabitawan ko tuloy ang phone ko buti naman sa kama nalaglag kundi si hyung ang bibili ng bago.
"Wala naman akong naalala na may ginawa ako sa'yo hyung." sabi o reklamo ko habang hinihimas ang ulo ko ang lakas pa naman ni hyung pero mas malakas pa rin ako.
"Ganti ko sa'yo at utos ni GoddessQueen." sabi ni hyung ng ikinagulat ko. Kilala ni GoddessQueen si hyung! Paano?
"Kilala mo si GoddessQueen?" tanong ko. Sana sagutin ni hyung. Tumango si hyung.
"Sino?" tanong ko ulit.
"Hindi ko sasabihin kung sino siya." sabi ni hyung at nakacross arms pa. Ang taray.
"Ililibre kita ng pagkain." desperado kong sabi. Basta libre hindi aayaw si hyung.
"Kahit saan?" tanong niya parang sinisigurado.
"Oo." sagot ko. Maghahanda na akong pera lalo na si V-hyung ang ililibre ko ng pagkain.
"Sige na nga. Si Tzuyu si GoddessQueen." sabi niya. Sinong Tzuyu?
"Sinong Tzuyu?" tanong ko. Wala akong kilalang Tzuyu. Tzuyu? Tzuyu? May pangalan bang Tzuyu? Kakasabi lang ni V-hyung Jungkook kaya may pangalan na Tzuyu. Wala talaga akong maala na Tzuyu.
"Bakit ko sasabihin? Tinanong mo lang kung sino kaya sinabi ko ang pangalan. Wag mo kalimutan ang libre. Sige aalis na ako." sabi ni hyung at umalis na sa kwarto ko buti naman.
Sino si Tzuyu?
~~
Dedicated to: tzuyusinbjungkook
Thank you for adding Dare to your reading lists. Enjoy reading!!
- ingridients
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro