00106
Jungkook's POV
Tapos na date namin kahapon ni Tzuyu kakalungkot pero di lang yun ang date namin sinasabi ko sa inyo. May kasunod na date yan for sure kahit hindi siya pumayag.
Ano na ba araw ngayon? Thursday? Friday? Tiningnan ko kung anong araw sa phone ko at sabi ay Thursday ngayon. Ganun na ba ang epekto sa akin pagkatapos kami mag-date ni Tzuyu? Nagiging makakalimutin? Paano pa kaya sa susunod naming mga dates?
Sinigurado ko muna na dala ko lahat ng kailangan ko ngayon kahit di ko alam kung anong gagawin namin ng makakasama kong noona ngayon. Mas maganda kung prepared ka na diba? Nilock ko na ang main door ng bahay at sumakay na sa kotse ko. Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa ng aking jeans at pinindot ang Waze na app. Nag-text si noona sa akin kani-kanina lang na magsuot daw ako ng casual pero komportable at sinend sa akin ang location ng aming pagkikita.
Ang sinuot ko ngayon isang plain white na t-shirt, ripped jeans, yung bigay ni Tzuyu sa akin na black bucket hat at ang aking pinakamamahal na timbers. Nagdala na rin ako ng isang bag na laman ay mga damit ko at ilan na towel in case. Nagpatugtog muna ako bago nagsimula magmaneho sa destinasyon namin ni noona ngayong araw.
Makalipas ng isa o dalawang oras dahil naabutan pa ako ng traffic, nakarating na din ako sa destinasyon namin ni noona. Naghanap ako ng pwesto para ipark ang kotse ko at may nakita agad ako, binilisan ko mag-park mahirap na baka maunahan aagawan pa ako ng pwesto. Kinuha ko ang mga kailangan ko ngayon which is ang phone ko, wallet syempre, at susi ng kotse ko. Iniwan ko na yung black bag ko dahil puro mga damit at towel lang naman laman at sino naman ang kukuha ng bag na puro mga damit ang laman?
Lumabas na ako ng kotse at grabe ang salubong sa akin! Ang init sobra! Mahal na mahal yata ako ni araw kaya ganito ang salubong niya sa akin. Buti nalang suot ko ngayon ang bucket hat para hindi naman ako masilaw sa kasikatan ng araw. Tiningnan ko ang phone ko kung nagtext na si noona at meron nga. Ang laman ng ext niya ay magkita raw kami sa entrance kaya agad ako pumunta sa harap. Hoo! Binilisan ko na ang aking paglalakad dahil pinagpapawisan na ako at babad na ako sa arawan.
Nakarating na ako sa entrance at isang tao o babae na nakatayo lang ang nakita ko baka si noona. Lumapit ako at si noona nga! Pamilyar ako sa mga kasama ni Tzuyu pero hindi ko alam ang mga pangalan nila. Ang suot ni noona ay isang yellow long sleeves na top na naka-tuck in sa denim skirt, white shoes at may dala siyang isang bag.
"Noona!" tawag ko sa kanya at lumingon siya sa direksiyon ko.
"Nandyan ka na pala Jungkook!" sabi ni noona sa akin pagkalapit ko sa kanya.
"Oo noona." sabi ko nalang sa kanya.
"Di mo pa nga pala ako kilala sorry. Hirai Momo of Twice." pagpapakilala niya sa akin.
"Jeon Jungkook of BTS." pagpapakilala ko rin at nag-bow sa harapan niya dahil mas matanda siya sa akin.
"Simulan na natin ang trip!" excited na sabi ni Momo noona at pumalakpak pa. Ano daw? Trip?
"Anong trip noona?" tanong ko dahil di ko gets ang sinabi niya.
"Edi food trip!" sabi niya at nauna na maglakad sa loob ng isang food park yata? Ewan. Sumunod agad ako sa kanya dahil ngayon lang ako nakapunta dito.
"Noona nasaan tayo?" tanong ko habang tinitingnan ang nasa paligid ko. Madaming tao, puro mga food stalls ang nakikita ko at iba't ibang upuan, lamesa at dekorasyon. Namangha ako sa ganda ng design dito sa lugar na ito.
"Nasa Grub Hub tayo Jungkook na isang food park sa Quezon City." paliwanag sa akin ni noona habang naglalakad papunta sa isang area na kung saan ang mga upuan ay matataas at ang iba naman ang stand ay gulong ba yun ng sasakyan? Pati ang ibang lamesa ang stand ay gulong rin. Halata mo agad na gulong ito kahit pininturahan ng ibang kulay. Ang cool! Tapos pag tumingin ka sa taas ang ilaw nila ay gawa sa mga water basins na kulay black. Ang galing naman nung nakaisip ng ideya na ito. Para lang itong isang jukyard.
"First stop. Itong area na ito ay 'Junkyard Dining Bar'." sabi ni Momo noona para sa kaalaman ko at umupo sa isang upuan na ang stand ay gulong. Parang tuloy isang guide o empleyado si noona dito na parang isang client.
"Anong mga pagkain ang sineserve nila dito ate?" tanong ko pagkaupo ko.
"Iba't ibang pagkain. May cafe style, comfort food, restaurant, bar style, snacks at iba't ibang cuisines." sagot ni noona na ikinatango ko. Tiningnan ko kung anong stall ang nasa paligid namin at napatigil ako sa isang cafe yata? Oo, isang cafe na pangalan ay Cafe Fratello. Isang maliit na stall kagaya ng ibang stalls dito. Ang harap nito ay may mga dark wood nakalagay sa ibabang parte kung saan nakalagay ang pangalan ng stall.
"Gusto mo itry?" tanong ni noona sa akin na nagpatigil sa akin tumingin sa stall.
"Sige noona." sabi ko at biglang kinuha ni noona ang kanyang phone at may hinahanap yata.
"Ito yung menu Jungkook." sabi niya at ibinigay sa akin ang phone niya. Tiningnan ko ang menu at naghanap ng gusto kong kainin para nga naman hindi kami matagalan pumili. Parang gusto ko tikman ang chicken wings nila at four cheese sandwich. Dahil isang cafe ito, madaming silang beverages na inooffer. Ano kaya mapili?
"Nakapili ka na ba?" tanong ni noona sa akin.
"Yung chicken wings bbq, four cheese sandwich at iced cold latte caramel nila noona." sabi ko at ibinalik sa kanya ang phone.
"Madami tayo titikman ngayon Jungkook na pagkain warning ko na." sabi ni noona at napatawa kami parehas.
"Okay noona." sabi ko at halata sa boses ko na excited ako sa food trip namin.
Tumayo na si noona at umorder ng aming pagkain. Tiningnan ko yung kabilang side at kakaiba yung nasa side nayun dahil ang mga food stalls ay nakalagay sa circle frame na nakadikit sa wooden wall na may mga maliliit na halaman. Pamilyar ako sa style na ito saan ko ba nakita? Nakita ko na siya pero di ko maalala kung saan o kailan. Bakit di ko ito napansin kanina nung umupo ako?
"Anong tinitingnan mo Jungkook?" tanong ni Momo noona na kakadating lang at dala ang tray na may laman ng mga order namin. Konti din kinain ko kanina bago umalis kaya masusulit ko ngayon ang food trip.
"Anong tawag sa kabilang side nayun noona?" tanong ko sa kanya habang pinapatong ang tray sa lamesa kaya napatingin siya sa kabilang side.
"Ah! Ang tawag sa side nayun Jungkook ay The Hobbit Hall." sabi ni noona at umupo na.
"Pamilyar talaga sa akin ang itsura ng mga holes." sabi ko at nakatingin pa rin sa The Hobbit Hall. Nakita ko na pinipicturan ni noona ang order namin.
"Pamilyar talaga. Ang alam ko ay inspired ito sa isang movie." paliwanag ni noona. Anong movie kaya?
"Anong movie noona?" tanong ko dahil di ko talaga maisip.
"Hulaan mo." asar ni noona at kinain ang kanyang chicken kebab. Itong si noona ayaw pang sabihin sa akin pinapahula pa ako
"Alice in Wonderland?" hula ko dahil naalala ko yung rabbit hole na doon galing ang white rabbit tapos sumunod si Alice kaya napapunta siya Wonderland.
"Pwede rin dahil ng rabbit hole pero hindi." sabi ni noona diba naisip din ni noona ang iniisip ko.
Anong movie kaya? Alam ko ba? Alam ba ng mga tao? Sikat ba? Anong genre? PG-13? Rated-18?
"Sikat ba noona?" tanong ko baka kasi hindi, mas lalo hindi ko alam.
"Sikat naman." sabi ni noona na ikinatuwa ko buti naman.
"The Hunger Games?" hula ko. Sikat yun diba?
"Hindi." sabi ni noona.
"Maze Runner?"
"Hindi."
"Harry Potter?"
"Hindi."
"Percy Jackson?"
"Hindi.
"Transformers?"
"Hindi."
"Eh? Diba mga sikat na movies yun ate? Wala ni isa sa mga sinabi ko?" di ko makapaniwalang tanong sa kanya. Nasabi ko na halos lahat ng alam kong movies hindi pa rin.
"Sa wala sa nabanggit na mga movies ang inspiration para sa The Hobbit Hall. May clue na kaya sa pangalan palang nung area." sabi ni noona sa akin at kumain.
"Bigyan mo kasi ako ng hint noona!" reklamo ko. Ang hirap kaya ng pinapahula niya sa akin.
"Sige. Five words, English. Yung pangalawang salita ay ibang term para sa God at yung pang-lima ay nasusuot natin siya." mahabang sabi ni noona.
"Nasabi ko na lahat ng kailangan mo, huhulaan mo nalang." sabi niya at ininom ang kanyang frappe.
Five words, English. Ibang term para sa God. Nasusuot natin siya. Ano daw? Di ko pa rin maisip kung anong movie.
Buffering...
5%
.
.
.
.
.
.
.
15%
.
.
.
.
.
.
.
20%
.
.
.
.
.
35%
.
.
.
.
50%
.
.
.
70%
.
.
.
90%
.
.
.
99.9%
.
.
100%
Complete!
Eureka! Alam ko na!
"The Lord of the Rings?" tanong ko ulit kay Momo noona. Sana naman tama na ang hula ko, sakit na ng ulo ko kakaisip kung anong movie.
Ngumiti muna siya sa akin tapos pumalakpak. "Tama!" masaya niyang sabi sa akin. Yes! Nahula ko rin sa wakas! LET'S CELEBRATE!
"Dahil nahulaan mo, ililibre kita!" sabi ni noona sa akin. Yun naman! Libreng pagkain! Best day of my life!
"Pero ako ang pipili ng pagkain." sabi ni noona na nagpatigil sa akin mag-celebrate. HUWHAT!?
"Sige noona tapos ililibre din kita, ako rin ang pipili para fair." sabi ko sa kanya. Dapat fair tayo no.
"Okay!" sabi ni noona at agad siyang umalis sa kinauupuan niya. Excited naman ni noona. Tiningnan ko ang kanyang pagkain at nabigla ako. Naubos niya agad?? Ganun ba katagal hinulaan ko yung movie? Napakamot tuloy ako sa aking ulo at napagdesisyunan ko na kainin ang aking chicken wings at four cheese sandwich. Ang sarap! Kakatapos ko lang kumain ay saktong balik ni noona na may dalang isang parihabang black na plato na may lamang cheeseburger, fries at isang coke in can ba?
"Tamang-tama!" sabi ni noona na makita tapos na ako kumain at saka nilapag sa lamesa ang kanyang inorder para sa akin.
"Ako naman ang mag-oorder ngayon noona." sabi ko para naman makapaglakad ako ng konti.
"Bilisan mo baka lumamig pagkain mo." di ko alam kung paalala ba o utos yun ni noona. Agad akong tumayo at kinuha ang aking wallet at phone saka nagsimula maglakad para bumili ng pagkain ni noona.
Nakita ko na lagpas sampu ang stall dito sa The Hobbit Hall palang, ano pa kaya sa ibang spots dito sa food park? Ano kayang maibili para kay noona? Hmm... Tiningnan ko muna ang bawat stall pabalik-balik ako habang iniisip kung anong bibilhin. Di ko kasi alam ang gusto ni noona kaya nahihirapan ako. Napansin ko may isang stall na sushi ang binebenta. Japanese si noona diba? For sure magugustuhan niya ang sushi dahil kinakain niya ito sa Japan. Tama! Ito nalang ang bibilhin ko.
Buti walang pila sa stall kaya lumapit agad ako para bumili. Tiningnan ko ang menu nila at di ako masyado pamilyar sa Japanese food. Napansin yata ng isang empleyado kaya pumunta siya sa counter.
"May I help you sir?" tanong niya sa akin.
"Umm... What's your best seller and crowd favorite?" tanong ko sa kanya. Napa-English tuloy ako ng di oras, wala pa naman si Namjoon hyung dito.
"Our best seller is the Cheetos Tuna Roll which is a spicy tuna roll topped with the cheese curl and the Alaska Roll which quite popular." paliwanag niya sa akin na kahit papaano naintindihan ko pero slight lang.
"I have one of each and one coke in can please." sabi ko at binayaran na. Ngayon naman ay hihintayin ko ang aking order. Naghanap ako ng mauupuan muna at naglaro sa cellphone ko.
.
.
.
.
.
"One Cheetos Tuna Roll and Alaska Roll!" tawag ng empleyado. Dumating na din! Tumayo agad ako at kinuha ang tray. Nagpasalamat naman ako bago naglakad sa pwesto namin ni noona.
"Oh! Ano yan Jungkook?" tanong agad sa akin ni noona pagkalagay ko ng tray.
"Sushi noona." sagot ko pagkaupo at ngayon ko tiningnan ng maayos ang inorder ni noona sa akin. Pinicturan ulit ni noona ang mga pagkain saka tinago muli ang kanyang phone. Cheeseburger ba o grilled cheese sandwich ito? Tapos may fries at sauce siyang kasama.
"Noona, cheeseburger ba ito o grilled cheese sandwich?" tanong ko sa kanya habang kinakain na niya ang sushi.
"Both." sabi ni noona habang may laman pa ang kanyang bibig. Ano? Cheeseburger ito at the same time grilled cheese sandwich? Niloloko yata ako ni noona. Napansin yata ni noona na parang hindi ako naniniwala sa sinabi niya.
"Pinagsama nila ang cheeseburger at grilled cheese sandwich. Tingnan mo ang buns, hindi ordinaryong buns yan kundi dalawang grilled cheese sandwiches. Cheese Overload ang makukuha mo." paliwanag ni noona sa akin yun naman pala.
"Bon Appetit!" sabi ko at kinain ang aking burger di pala grilled cheese bruger. Gumamit ako ng fork at knife para hiwain siya kaysa mag-kamay madudumihan pa aking t-shirt. Tama nga si noona. Cheese Overload talaga siya.
"Masarap?" tanong ni noona habang nakain pa rin. Dahil sa may pagkain pa ang aking bibig at sobrang sarap, tumango nalang ako.
.
.
.
.
.
Naubos ko rin ang aking burger at fries, uminom ako ng coke dahil nauuhaw ako. Tiningnan ko si noona at tapos na rin siyang kumain. Naisipan ko picturan ang spot pati ang The Hobbit Hall.
"Punta na tayo sa ibang mga spots." sabi ni noona na sang-ayon ako. Busog na busog ako ngayon, kailangan ko maglakad-lakad. Bago kami umalis ni noona ay niligpit muna namin ang aming pinagkainan.
Naglalakad na kami ngayon at nakaalis na kami sa The Junkyard at The Hobbit Hall. Nasa unahan ko ulit si noona at ako naman ay nasunod lang sa kanya. Pumasok naman si noona sa isang restaurant kung titingnan mo sa labas, pumasok din ako. Bakit biglang lumamig? Pagkapasok ko ay unang nakakuha sa aking atensyon ay ang mga wooden crates o baskets na may mga halaman sa ceiling na nagsisilbing ilaw dito sa area na ito. Tiningnan ko ang paligid at puro mga pamilya nandito. Ito yata ay para sa mga pamilya na may mga kasamang bata o babies para hindi sila mainitan habang kumakain sa park katulad nalang ngayong araw. Pinicturan ko agad ang ceiling at saka hinanap si noona. Nakita ko nakaupo si noona malapit sa bintana kaya lumapit ako.
"Ano naman ang tawag dito sa area na ito noona?" tanong ko pagkaupo.
"The Greenhouse kaya may mga wooden crates o baskets at hanging plants sa ceiling na parang nasa isang indoor garden ka." sabi naman niya sa akin.
"Malamig dito no?" tanong niya sa akin. Ang sarap tuloy tumambay dito kaysa sa labas na mainit.
"Oo noona. Meron pala ganito sa food park." sabi ko dahil ngayon lang ako nakapunta sa food park na may air-conditioned area sila maliban nalang sa ibang mga restaurants o fast food chains.
"Madalang ang ganitong area sa mga food park. Ito ay para sa mga pamilya na may mga kasamang bata o babies na makakakain sila ng maayos at hindi maiinitan." paliwanag ni noona. Tama nga ang naisip ko na para sa pamilya ito.
"At may bar dito sa area na ito." dagdag ni noona.
"Kakain ulit ba tayo noona?" tanong ko sa kanya dahil hanggang ngayon busog pa rin ako sa dinami kong kinain kanina.
"Busog pa naman ako kaya hindi muna." sabi niya at nakahinga ako ng maluwag.
"Punta na tayo sa last spot?" tanong niya sa akin at tatayo na sana.
"Wag muna noona. Dito muna tayo ng ten minutes." sabi ko dahil ninanamnam ko pa ang lamig . Di pa ulit ako handa sa init na naghihintay namin sa labas.
"Sige magpakalamig muna tayo bago ulit lumabas sa initan." Nabasa yata ni noona ang iniisip ko kaya pumayag siya. Yes! Nagkwentuhan muna kami ni noona habang nagpapakalamig dito dahil mamaya lalabas ulit kami. Sinusulit na namin lalo ako ang lamig dito.
After 10 minutes, lumabas na kami sa The Greenhouse. Sumalubong agad sa amin ang init, namiss yata kami ni haring araw kahit sampung minuto lang kami sa loob. Gusto ko tuloy bumalik sa loob. Naglakad pa rin kami ni noona kahit ang init papunta sa huling spot dito. Nung nakalapit na yata sa tingin ko sa huling spot ay agad akong tumakbo sa shade na nakita ko at iniwan si noona sa initan. Sorry noona di ko na kaya ang init na binibigay ni haring araw sa atin. Peace!
"Ang init!" sabi ni noona pagkalapit ni noona at di ko inaasahan hinampas niya ako.
"Aray noona! Bakit mo ako hinampas?" tanong ko habang hawak ang braso ko hinampas. Di naman malakas ang hampas niya pero kahit na.
"Iniwan mo kaya ako sa initan sobrang init kaya." sabi niya.
"Kaya nga ako tumakbo papunta dito noona para makaiwas sa init bakit di ka rin tumakbo?" tanong ko sa kanya. Pwede naman siya tumakbo papunta dito kaysa maglakad at magtiis sa initan.
"Oo nalang." sabi nalang ni noona. Panalo ako! Yes!
Pumasok na kami sa last spot dito sa food park at wow! May mga giant lanterns, nipa huts at white wooden tables dito tapos sa isa pang nipa hut ay nandoon ang mga stalls. Parang hippy vibe ang nararamdaman ko dito. Pinicturan ko ang area na ito. Hindi lang masasarap ang pagkain dito kundi instragrammable din.
"Ito naman ang Hippieyard, sa pangalan palang alam mo na hippy and trippy ang vibes dito. May stage din dito na kung saan nagpeperform ang mga banda." sabi ni noona habang tinuturo ang isang stage na kung saan may nagpeperform ngayon na banda.
"Bili tayo noona ng malamig." sabi ko sa kanya dahil init na init pa rin ako kahit nasa shade na kami.
"Anong malamig? Yelo?" sabi niya sa akin.
"Yung tunay noona?" sabi ko sa kanya, binibiro yata ako.
"Ikaw mismo nagsabi ng gusto mo malamig. Diba malamig ang yelo?" pabalik sa akin ni noona.
"Oo nalang noona." sabi ko sa kanya. Ganito rin ang usapan namin ah bumaligtad lang.
Buti may ice cream stall dito sa Hippieyard. Bumili kami ng apat na ice cream na nasa cup pati malamig na tubig. Tig-dalawa kami ni noona na ice cream. Paulit-ulit na ako pero wala akong pakialam dahil ang init talaga. Di sapat ang isang cup ng ice cream kailangan dalawa. Nakuha na namin ang ice cream namin. Ang akin ay chocolate at strawberry na may sprinkles parehas habang ang kay noona ay mango at melon na may sprinkles din.
"Saan tayo uupo jungkook?" tanong ni noona sa akin habang dala-dala namin ang ice cream at tubig namin.
"Doon tayo sa mga nipa huts noona." sabi ko at pumunta kami sa mga nipa huts. Ang una namin nakitang nipa hut ay walang tao kaya agad kami umupo sa loob. Ngayon ko lang napagtanto ang kahalagahan ng shade lalo na pag ganito ang temperatura sa isang lugar.
"Kainin agad natin ang ice cream." sabi ni noona at tiningnan ko ang mga ice cream. Natutunaw na! Ang ice cream ko! Dahil di na masarap ang tunaw na ice cream ay kinain na agad namin habang nakikinig sa tumutugtog na banda na nagsilbi background music. Dahan dahan ko pa rin kinain ang ice cream kahit na natutunaw na ito kaysa naman magkabrain freeze ako.
"Nag-enjoy ka ba sa food trip natin?" tanong ni noona sa akin habang inuubos ang ice cream.
"Oo noona! Sobra!" sabi ko habang kumakain pa rin ng ice cream. Kakaubos ko palang ng una kong ice cream habang di pa ubos ang kay noona. Uminom muna ako ng tubig bago ko kainin ang pangalawa kong ice cream.
"Iingatan mo si Tzuyu?" paalala ni noona sa akin na nagpatigil sa akin sa pagkain ko ng ice cream.
"Ano noona?" tanong ko sa kanya dahil di ko sure kung anong sinabi niya.
"Iingatan mo ba si Tzuyu?"tanong ni noona sa akin, bigla naging seryoso si noona. Tungkol kay Tzuyu ang usapan kaya malamang seryoso si noona.
"Syempre naman noona." sabi ko dahil tunay naman na iingatan ko si Tzuyu.
"Buti naman." sabi niya at pinagpatuloy ang pagkain ng kanyang ice cream.
"Alam mo ba kahit ganun si Tzuyu na tahimik, masungit o mataray tingnan, cold kung baga sa iba at savage ay isa siyang masayahin na babae na naiiyak nalang sa maliliit na bagay, may malasakit sa kapwa at mabait." pagkuwento niya sa akin.
"Di lang nakikita ng ibang tao ang side niya pero pag nakita nila ay magbabago ang isip nila tungkol sa kanya." dagdag niya. Tamang-tama sa saying na "Don't judge a book by its cover." Dahil di natin alam may side pala siyang ganun kaya dapat lubusan natin kilalanin ang isang tao.
Pagkatapos nun ay wala na nagsalita sa aming dalawa at ang tugtog na nagmumula sa banda ang maririnig mo. Tahimik namin inubos ang natitira naming ice cream. Naubos ko na ang ice cream ko at nainom ako ng tubig habang si noona ay kakatapos lang.
"Sana maalala mo ang mga sinabi ko sa iyo Jungkook." sabi niya bago uminom ng tubig.
"Maalala ko noona, naka-save na sa isipan ko." sabi ko at napatawa si noona.
Napagdesisyunan na namin umalis, niligpit muna namin ang mga cups at tinapon sa malapit na basurahan. May natira pa kaming tubig sayang naman kung itatapon na namin kaya dinala nalang namin. Naglakad na kami papunta ulit sa entrance ng food park.
"May pupuntahan pa ba tayo noona?" tanong ko.
"Oo. Dahil sa dami natin kinain ngayon, kailangan natin mag-exercise." sabi niya.
"Pupunta tayo sa gym noona?" tanong ko agad. Iniisip ko palang na pupunta kami sa gym ay naeexcite ako.
"Hindi sa gym kundi sa isang studio." pagklaro ni noona. Akala ko tuloy sa gym, namiss ko tuloy mag-work out.
"May dala ka bang sasakyan noona?" tanong ko.
"Wala dahil wala pa akong lisensya ikaw ba?" sabi ni noona sa akin.
"Meron noona. Sumabay ka nalang sa akin." sabi ko dahil pareho naman kami ng pupuntahan tapos magbabyahe siya? Makakatipid pa siya ng pamasahe.
"Sige ikaw ang nagsabi." sabi niya at nakalabas na kami ng food park.
Pumunta na kami sa parking at hinanap ang aking kotse na nagtitiis sa initan. Kawawa naman ang kotse ko. Nakita na namin sa dinami-daming sasakyan dito sa parking. Kahit alam ko na nag-iisang Mercedes Benz ang sasakyan ko mahirap pa rin hanapin dahil sa kulay. Bakit ba kasi madaming sasakyan ngayong araw kulay black? Sumakay na kaming dalawa at nagsimula na ako magmaneho papunta sa studio na sinasabi ni noona. Go go go!
~~~~~~~
vote.comment.follow.support.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro