Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SNEAK PEEK

SECOND INSTALLMENT OF TRIGGERED ISSUES SERIES

-


Love is tricky.

And sometimes love is a bitch.

I don't believe in love at first sight.

Can you believe it? How can you immediately tell the person you just saw for just a second that you love him or her?

The kind where you just happened to bump into each other...

A quick glance. The first approach. The unexpected distance. The pauses in breathing. The unmistakable heavy heartbeats—after that... the heartbeat was regular again. Then you'll be dumb for a while. A sly grin on the lips... the abruptly averting... returning once more... Smiling once more and the unavoidable glances. The grimace... the constant swallowing in the midst of your giggling, again with the sucking deep breaths, staring and staring, smiling—and that's all there is to it.

Sounds funny, right?

Sabihin mo, ano ang naramdaman mo?

Mahal mo na ba agad siya?

Masasabing mo bang mahal na mahal mo na siya nung nakita mo siya? Kahit ilang minuto o segundo lang? Kahit pa tatlo, apat, o limang beses lang? Sapat na ba 'yon? Yun na ba?

Kinilig ka naman ba? Masaya ka? Kinilabutan? Hindi makalimutan? O baka naman natakot ka?

Pero paano ba natin masasabing nakakatakot ang isang tao?

Meron bang hindi nakakatakot na tao?

Para kasing lahat naman ng tao... nakakatakot. Matatakot at matatakot ka talaga.

Others say, there are scary people in the world.

Hindi ko nga maintindihan, 'e. Ano ba dapat ang mas katakutan, ang taong mas nakakakilala sayo, o ang mga taong hindi ka kilala?

Kasi kapag kilala ka, maaaring alam niya ang kahinaan mo, ang buong kahihiyan, kalakasan, kahit pa buong pagkatao mo... ang buong istorya mo. At kapag naman hindi ka kilala, wala kang kinakatakot kasi wala naman silang alam sayo, kaya lalong magiging matapang ka sa harapan niya kahit na anumang paraan pa ng tingin ang ibigay niya.

But what if we turn it around? As for you, are you afraid when you know that person already, or are you more afraid when you don't know that person yet?

Ang gulo, 'no?

Nakakalito... na nakakatakot.

Sa totoo lang parehas lang rin. Kahit na hindi mo pa kilala o kahit na kilala mo na... mas matatakot at matatakot ka pa rin. Hindi mo kilala, wala kang alam tungkol sa kanya. Kilala mo na, ibig sabihin niyan, marami ka nang nalalaman tungkol sa kanya... pero sa tingin mo ba, sapat na ba iyong nalaman mo tungkol sa kanya?

Masasabi mo bang kilala mo na siya?

Inuulit ko, kilala mo na ba talaga siya?

Paulit-ulit mo lang isipin... kahit na nakatalikod siya, nasa harap mo, o kausap mo na...

Ano? Kilala mo na ba talaga?

At sa puntong ito, mukhang tama nga yata ako. Kilala ko na siya pero bakit parang takot na takot pa rin ako? O baka nga talagang hindi sapat... at kulang pa ang pagkakakilala ko sa kanya? But why is it that even though fear dominates, we still fight with pleasure?

More indelible. Happiness overcomes fear and dread. You suddenly forget without knowing the reason. You will suddenly be carried away, charmed, and mesmerized by his eyes every time he talks and gets close to you.

Na para bang pakiramdam na matagal na kayong magkakilala. Yung pakiramdam na... kung paano ka niya rin itrato—iba talaga.

"Hey, do you need a ride?"

Sa muling pagtawag niya'y saglit na tumigil ako. Ramdam ko ang presensya niyang nasa likod ko.

Bumuntong-hininga ako ng malalim. Sa isang lingon sa kanya'y agad ko rin namang inilingan—katulad ng palagi kong ginagawa.

"No, I'm fine." alam ko.

Ilang beses na akong tumanggi, pero sige pa rin ako. Pakiramdam ko kasi kapag lagi niyang ginagawa ito... siya lang ang may pakialam sa akin.

It feels like a home. And every time our eyes meet, I feel so secure.

Ewan ko ba...

"Wanna ride with me?"

Again.

Siguro hindi na mabilang sa mga daliri ko kung ilang beses na niya 'yan naitanong sa akin sa tuwing sinasalubong niya ako, kapag wala sa sarili, o kahit na nasa katinuan pa ako. Mga walang palyang gabi. Para bang gustung-gusto niyang sakyan ko siya... sakyan ang magandang kotse niya.

Hindi ko maiwasang isipin na, bakit ba parang haling na haling siya sa isang tulad ko na papasukin ako?

Sa padalawang pagkakataong sulyap ko mula sa kanyang anino'y nakita ko ang pag-angat ng kaniyang labi sa pagngisi.

I feel like he's just watching me wordlessly and grinning from within the shadows...

Naaamoy ko rin ang panglalaking halimuyak niya mula rito. Hindi ko rin tuloy maiwasang suminghot ng malalim at mapapikit. 

"Ano? Sakay na, Miss..." agad kong iminulat ang mata ko. 

I just stared at him and kept sniffing a little.

He smells good, tho. Lagi ko itong naaamoy sa kanya. Sobrang bango niya, na para bang mapapapikit na lang ako at lalong lumalakas ang amats ko.

A twitch of my lips. I thought for a moment and sighed deeply as we stared at each other for a long time.

"Fasten your seatbelt, angel baby," he whispered and smiled triumphantly at me.

Para bang isang bratinelang bata na natuwa dahil nasunod ang gusto niya. Gusto kong madismaya para sa sarili—pero... naisip ko rin, kung hindi lang dahil sa sitwasyon kong ito, hindi ako mapupunta sa ganito. May ilang beses nang naulit ito pero sa isang banda... gusto kong bigyan ng pagkakataon ang taong 'to. Pagkakataong... hindi ko rin maisip sa 'di malamang dahilan. Pero may parte sa akin na gusto kong subukan.

At heto na nga.

Simula nung tuluyan akong pumasok sa kotse at sumama sa kanya, pakiramdam ko parang pinasok ko na rin ang mundo niya... ang buhay niya.

Ito na ba? Totoo na ba ito? Gusto ko ba ito?

"Don't worry, you're safe with me..."

Bakit ba gusto kita?

"Salamat sa pagpayag na ihatid kita. Alam mo naman hindi kita hahayaang umuwi laging mag-isa..."

Ano bang ginawa niya?

"So..." he trailed off a bit at saglit na lumingon sa'kin. "...ano? Saan mo gustong pumunta?" he seems excited and I don't know why.

Tumikhim ako saglit. Hindi agad ako makasagot.

Para namang adventurious ang gagawin naming dalawa sa tono pa ng pananalita niya. At isa pa, lumalalim na rin ang gabi. Hindi ko rin alam ang gagawin ko, pero ang mas nangingibabaw na nasa isip ko...

Ayoko pa talagang umuwi.

"Wag ka ng mahiya. Kahit saan, sasamahan kita." ang pagpapatuloy niya.

Sino ka ba?

"Matanong lang... araw-araw ka ba talagang naglalasing?"

Araw-araw niya ba akong nakikitang lasing?

Bakit pakiramdam ko... kahit hindi ko siya nakikita, parang araw-araw niya rin akong minamasid?

"I... I'm not drunk. I'm just exhausted." mahina't medyo alanganing tugon ko.

Saglit siyang lumingon sa akin at ang palagi kong napapansin sa kanya kun'di ay ang magandang mga mata niya. Malagkit, para bang ngumingiti ito kahit na hindi naman nakangiti. At biglang pupungay kapag tututok ang mata mo sa kanya. Sa tuwing lalapatan niya ako ng sulyap ay tatagal ito ng saglit, lalapat sa mata ko, bago bibitaw muli ang tingin sa akin.

"Why?"

Why do you care?

"What did you do, hm?"

Bakit pakiramdam ko, interesado siya sa lahat ng meron ako?

Ano bang meron sa'kin?

I heard him sighed a bit and played his hands in his steering wheel. Nararamdaman kong sinusubukan niyang isalba ang aming pag-uusap mula kanina at nung mga nakaraan sa tuwing magkasama kami.

"So..." he trailed off. "Bukas ba babalik ka pa ulit ng bar?"

Kita ko ang pag-igting ng ugat sa kanyang braso habang eksperto't swabeng minamaniobra niya ang kanyang manibela. His muscle is flexing whenever his arms move. Lalo na ang matikas niyang dibdib na namamakat pati ang kanyang collarbone.

His long fingers that I try to resist even if just a touch of his fingertips on my skin already sets me on... fire. And every time he's near, even in his silhouette, I feel his warmth that I have been avoiding for so long.

Panay supak siya ng vape na naaamoy ko. It smells like uh... apple? Mixed with strawberry flavor, and it smells so, so sweet which makes me so intoxicated. Sa malamig niyang aircon sa loob ng kanyang kotse, ay tuluyang kumalat ang amoy na nagkukumpulang mga usok na lumalabas sa makurba't manipis at mapula niyang labi sa tuwing humihithit ito—na nanunuot pa sa ilong 'ko. At sa tuwing bumubuka ang labi niya sa pagsasalita ay hindi pa rin nakatakas sa paningin ko ang tongue piercing niya.

I sucked a deep breath and gulped. My mouth ran dry.

Kaya bago pa siya makalingon sa akin, kumurap ako ng mabilis at itinuon ko na agad sa ibang tingin ang mga mata ko. Napapalunok na napasinghot muli ako ng isang beses at tiningnan ang labas ng kotse habang patuloy siyang nagmamaneho sa madilim na daan.

One of the things I noticed was that even though he was talkative, I couldn't be talkative.

Hindi ko alam kung tinatamaan ba ako ng anxiety sa pagiging introvert ko. O dahil ba hindi ko talaga trip ang enerhiya ng taong 'to pero... kung tutuusin ay nagagawa ko naman makihalubilo sa ibang tao kahit papa'no. Kung hindi lang dahil sa sitwasyon 'kong ito... o hindi niya ako tinulungan, ay hindi siya para kausapin 'ko. Yun nga lang, masasabi kong, hindi talaga ako maaasahan na unang magsasalita o magkukusa. Depende sa sitwasyon. Pero ganito ako sa lahat ng pagkakataon. Kaya kuntento pa rin ako, at masaya ako dahil may ibang sapat na tao, na tumatagal sa buhay 'ko, 'e. 

And there's something inside me... at hindi ko alam kung bakit. Maybe in the way he looked? Because I notice every glance of his eyes on every part of my face, all over me, and every move I make every time I speak?

I don't know.

Siguro ako lang itong may problema? Bakit ba kailangan ko mailang sa mga tingin niya? Hindi dapat ako mailang sa kanya, baka akalain din niyang may gusto ako sa kanya!

Kaya Celestina—!

Hindi mo dapat binibigyan ng malisya ang mga bagay-bagay!

Kahit na sobrang lagkit at mapungay ang mga tingin niya, hindi ka dapat matutulala o maiilang sa kanya! Tigil-tigilan mo na rin ang kakalunok kapag nasusulyapan mo siya— nakakahiya ka!

Ano? Nauuhaw kapag nakikita siya?

Mukha ba siyang water dispenser!?

I shook myself and came back to reality when he asked me.

I shrugged a bit at his question. "Maybe... when I feel alone." kibit-balikat ko na lang sagot.

Napakunot siya ng kaunti kahit na nangingiti pa ring lumingon sa akin.

"You know you can still go even if you're not feeling lonely." makahulugang sambit pa nito.

Napataas ang kilay ko. Saglit na humalumbaba, kahit na medyo nanlalabo ang aking tingin ay nagawa ko pa rin makalingon sa kanya. Lango man ay nasa wisyo pa rin naman ako kahit papano.

"The bar isn't just a place to run into trouble. You can also go to have fun... or go even for no reason."

I pursed my lips. "And why is that?" ang tanging nasambit ko sa mga sinabi niya.

"Well, my point is, you can do whatever you want. You can go wherever you want. You can be with whoever you want—you can be with me." pagpapatuloy niya, saka bumagsak muli ang tingin niya sa'kin sa huling linyang binitawan niya.

Nakangiti pa rin siyang nakasulyap sa akin. Sobrang puti at halos manginang na parang bituin ang perpekto at pantay na ngipin niya sa kalatagan ng dilim.

Kumibot ang labi ko roon at napakunot dahil sa tono niya na parang may halong landi. At hindi rin naman ganito kami ka-close para ayain niya ako. Ni hindi ko nga alam pangalan niya. Pero sa mga tono't galaw niya, mukhang alam ko ang agenda niya.

I licked my lower lip as I sighed. "Look, Mister, are you trying to flirt me—"kumurap ako ng kaunti. "What is your name again?"

Nagparte ang labi niya at kalaunan ay natawa sa naging tanong ko. Para bang imposible pa siyang napapasulyap sa akin.

"Oh, seriously?" he touched his chest as if I offended him while jokingly looking at me.

"Okay...?" tumaas ang kilay ko sa kanya. "What's funny?" napakunot lalo ako.

Dahil kahit ano namang pagpapaakit na ginagawa niya, hindi naman ako ganun kadaling madala.

Nangingiting napapailing lang siya sa akin. "Ilang beses na kitang nahahatid at ilang beses na rin ako nagpakilala, hindi mo pa rin ako maalala? You're impossible!"

Napakibit ako ng balikat.

Talaga bang totoo 'tong sinasabi niya?

"Seriously, Celestina—"

Sa gulat ay ako naman ngayon ang napasinghap at napasapo sa dibdib. Nakakagulat naman talaga! Ni hindi ko pa nga sinasabi ang pangalan ko sa kanya at wala ako matandaan pero nasambit na niya!

"Wow. How did you know my name?"

Seriously, I didn't know his name. Kahit medyo kilala siya ng karamihan. But from his perfume, clothes, and posture, I knew it wasn't casual. Lalo na ang mamahaling kotse niya. He was tall, hanggang leeg lang niya ako. Pakiramdam ko ay nanliliit ako sa tuwing haharapin niya ako. He had huge hands, kita ko ang namamakat na ugat sa mga palad niya kapag humihigpit ang hawak niya sa manibela. Napalunok ako. And his black denim jacket fit perfectly on his hunky body in the right places.

Gwapo.

Sobrang napakagwapo niya.

Like, he's too much. Too tall and too handsome. In other words, he's too much to handle.

Parang hindi siya tao. His face is like one of the fictional characters we always imagine whenever we read in novel—far from reality.

Sa totoo lang ay hindi ko matandaan kung kailan ang una naming pagkikita. All I know he's a good vocalist and guitarist in a band. Not specifically his name. Kaya paano niya nalaman ang pangalan ko nang hindi ko pa nasasabi? Nagpakilala na ba 'ko noon sa kanya? Kailan naman kaya kung ganon? At kung ganito naman kagwapo ang lagi kong nakikita gabi-gabi, siguro gabi-gabi rin ako hindi agad makakatulog kakaisip sa kanya! Mababaliw kakaisip kakalimot sa mukha niya.

Dang, Celestina! You must be out of your mind!

Ano? Por que gwapo, ganyan pa ang iisipin mo?

Kilabutan at magduda ka naman, oy!

Pero sa tingin ko... kaya niya ginagawa ito ay dahil sa baka gusto niya nga ako? Pero dapat ba talaga akong maniwala sa kanya? Pero bakit kasi naman niya ako biglang inaaya? Hindi pala, bakit nga ba ang dalas? O baka naman akala niya gusto ko rin siya dahil lang madalas ay nakakasulyapan kaming dalawa?

O baka naman akala niya, tinititigan ko siya! Eh, kaya naman ako napapatingin dahil kasalanan niya rin! Yes. I feel like he's been watching me the whole night like a hawk! Kaya medyo naiilang din ako sa kanya. I can't feel his energy. It seems like the energy that builds up between the two of us is different, so I can't imagine that we have the same vibes whenever I talk to him.

I heard his slightly chuckled. Imposible pa siyang napapatingin sa akin.

"Wow... parang hindi tayo nagkakausap, ah? That's exactly what you said last night. Seriously, are you drunk? I doubt it that you often forget my name. This is the third time, Miss. Tsk... " he was still a little disappointed, napapailing habang pasulyap-sulyap sa akin. "Eh, madalas mo pa nga akong sukahan sa tuwing isinasakay kita sa taxi—"

What!?

W-What did he say?

Napasinghap ako sa narinig. "I'm not drunk! Nasa wisyo ako ngayon! Ano bang pangalan mo!?" naiinis nang wika ko para putulin pa ang susunod na sasabihin niya.

Para bang may naglalaro sa mga mata niya habang tinitingnan ako.

He let out a slightly chuckle. "Looks like you really forgot about me, Celestina, hmm," napadantay ang isang braso niya sa isang bintana kasabay ng paglapat ng daliri niyang nilalaro sa labi niya.

Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagbukol ng pisngi niya sa paglalaro rin ng dila niya habang kinakagat ang pang-ibabang labi, na tila yata ay pinipigilang mapangisi habang napapailing sa akin.

Parang bumabaon ang puso ko sa tuwing binabanggit niya ang pangalan ko.

Fine. Napakagwapo talaga ng lalaking 'to—no!

This guy is really too hot to handle. Para namang imposibleng maging interesante sa'kin ang lalaking 'to. Siya yung tipong ayaw mo naman tingnan, mapapatigil at matutulala ka na lang talaga. Pag-aaksayahan mo ang oras mo para lang matitigan siya. Ang tingnan pa nga lang siya ng matagal ay nakakahalina na at para bang nakakapaso dahilan na pamamanas agad ng nararamdaman ko. Paano pa kaya, kapag siya naman ang binigyan ako ng pansin?

Baka masunog na ako.

I looked away before his glance approached me again. I feel my cheeks heat up with embarrassment. Dang.

As if he knows something. And while I'm clueless when it comes to him.

Sinukahan ko ba talaga siya?

But I fucking don't remember—fuck! Seriously!

Ilang segundong namayaning katahimikan, naririnig ang lubak na daan at kotse ay saka niya muli inuntag ang katahimikan.

"Darcy," as he turned to me, he smirked. Pailalim siyang tumingin sa'kin.

Darcy.

"Darcy..." it seemed like the air came out of my mouth when I whispered his beautiful name, unconsciously.

So... that was his name?

Napalunok ako sagit. It suits him... well.

He smiled at me for a moment, and I immediately saw the dimple penetrated on his cheek. Para bang lastikong umunat muli ang mapulang labi nito sa pagkakangiti.

"Darcy... but you can call me..." he paused a little, my lips parted. Napasinghap ako ron. "... baby anytime." he even winked and bit his lower lip as he sexily chuckled.

Napatikhim ako. I blinked a few more times and looked away. I was so embarrassed that I couldn't frown at him.

Hindi ko maiwasang mapailing. 'God this man! He really good at tease!'

Smirking, I looked away again. Why does he tend to glance at me? Kung hindi lang ako umiiwas kada tatapunan niya ako ng tingin, baka kanina pa kami nadisgrasya dito. Talagang hindi siya napapagod maging ganito? Tutal ay wala rin naman siyang mapapala sa akin.

I really... really have nothing to say about his flirtatiousness. I'm just ashamed of what he does.

So, Celestina, get a grip on yourself and just drop him off!

"Nice to meet you by the way, Celestina. Finally... nasa tama ka talagang wisyo. Sana bukas, alala mo pa rin ako." he continually said and chuckled.

Doesn't he run out of words?

"Bakit? Ano ba ako 'pag wala sa huwisyo?" now, something seems to pique my interest in listening to him.

He bit his lower lip. Humalata lalo ang pagngisi niya sa lalong paglubog ng dimples niya. Laging hindi napapalampas ng paningin ko iyon, nadi-distract ako sa pisngi niya. Hindi ko naman maiwasang ikuyom ang kamao ko sa pamimigil para pigilan ang sarili sa hindi malaman ang dahilan.

"Mas madaldal ka." bumuntonghininga siya ng malalim at tumutok na muli ang mata sa unahan at nagpatuloy sa pagmamaneho. "Alam mo, sana nga lagi kang wala sa wisyo..."

"Huh?"

"Para hindi ka mukhang suplada lagi." sagot niya pa.

"Ganun?" napapakunot, tumaas ang kilay ko.

"Oo, ganun!" pasimple pa niyang hinampas ng pabiro ang manibela. "Para hindi laging nakakunot ang noo mo kapag tinitingnan ako. It's like you're better off tipsy because you always look happier..." napalingon muli ako sa kanya. "...and prettier."

Okay... I must admit... he's cute tho. But his hotness is more dominant.

And I just realized that he's just flirting me again.

I sighed. The unending of his flirtyness.

I'm not really fond into pick-up lines. I get irritated, almost throw up, and sick when that happens. But why when it comes to him, parang unti-unting bumebenta sa'kin? Then I remembered. He really doesn't deny when I accuse him that maybe he has a crush on me. Paano kung... totoo nga talaga 'yon?

Pero kung titingnan ko mukha niya... hindi ko alam.

Tumaas pa lalo ang kilay ko sa mahina't pagpagak pa ng namamaos niyang tawa.

Maniniwala ba talaga 'ko sa lalaking 'to?

Dang, Celestina, pinagtitripan ka lang niyan!

"The Celestina, I know, when drunk, doesn't care about anyone staring at her. The Celestina were not conscious. The Celestina, who is confident and approachable to everyone. The Celestina, who is not a snob and is fun to talk to and with. At syempre, the Celestina's wild side lalo kapag malakas ang amats niya." aniya pa at natawa sa huling linya habang pinapakinggan ko siya.

I bit my lower lip to stop grinning at his pick-up line and how he described me.

Pick-up line? The last thing he said seems to be true.

Pero sorry na lang siya dahil hindi malakas ngayon ang amats ko.

Napalingon ako sa kanya, nakita ko agad ang pag-angat ng labi niya nang mapansin niya sigurong napapangiti na rin ako.

"So, are you still feeling lonely? You know... Like I said, you don't have to go to the bar when you're lonely. I know you don't want to be alone. Maybe you're going through something..." he paused a bit. "It's okay, I'll listen. Just say it, I'm right here."

Bakit niya ba ginagawa ito?

"Kung saan ka, dun din ako. Kahit saan... kahit kailan."

Ano ba ako sa kanya? Ano ba ako sa kanya kung bakit niya ginagawa ang bagay na 'to?

"Tandaan mo, hindi mo kailangan laging malumbay."

Ang daming tanong. Pero parang hinihila ng mga mata niya ang bawat himaymay ng kaluluwa ko palapit sa kanya.

"Hindi mo rin kailangan uminom kapag malungkot ka. Pwede ka namang uminom kahit masaya ka, 'di ba?"

I bit my lower lip as I pouted my lips. Sa paglingon ko ulit ay naabutan ko rin siyang nakalingon na naman sa akin. Namumungay ang mata, at sa pagngiti muli niya ay napabuntonghininga ako ng malalim at tuluyan na ngang sumilay ang aking nagkukubling ngiti sa aking labi.

I don't know why my heart was immediately replaced by a light feeling in such a short time.

Hanggang sa minahal ko na siya... Minahal na namin ang isa't-isa.

"Darcy..."

Bakit ko nga ba siya minahal?

At bakit pakiramdam ko... mahal na mahal na mahal na mahal niya rin ako?

Bakit pakiramdam ko parang nababaliw ako sa kanya?

Nakatungo siya sa akin, habang nakatingala ako. Nadadala sa mga mata niya na tila may magnetong dala-dala. Ramdam ko ang marahang pagpisil at hawak niya sa kamay ko, at sinundan ng pasimpleng haplos ng mainit niyang palad sa malambot na pisngi ko. Imbes na mapapikit ay lalo lamang akong napapukol ng titig sa kanya.

"My sweet little demon... my twin flame, my hopeless mine's eternal darkness. The first dark moon we met, I knew you would be my fortress where I could hide the deceased ember of lovers' past. "

Bakit nga ba ang bilis na minahal ko siya?

"I would literally set myself on fire for you, Darcy..." unconsciously, I blurted out on my own from my trembling mouth while staring into his eyes and it seemed like I was floating in the air.

Ang pakiramdam na palagi kong nararamdaman sa tuwing nagdidikit kaming dalawa.

Pero bakit gano'n... bakit ganito ang pakiramdam 'ko? 

Bakit parang may nakaligtaan yata ako?

Sa paanong paraan ko nga ba siya minahal?

"I reflect on the days we spent together. The love that we created. Our bodies were as if burned. Our sacrifices... the demons with whom we've had orgies. And I've known that for the entirety of my mortal life, I'd still love to have a sweet little demon like you."

He sounds poetic. I don't know if I can be impressed by what he says, as I prefer to be chilled by what he wants to convey.

Parang mas kinabahan pa yata ako.

Saan nga ba nagsimula?

"Together... forever... 'till the day we die by each other hands like we... promised."I repeatedly and slowly uttered these words in front of him, repeating what he was saying while our eyes were still focused on each other.

He tilted his head. Nanunusok ang mga mata niya na para bang tatagos sa kaluluwa ko. Rinig ko ang marahas na singhap niya at tila mabibingi naman ako sa lakas ng tibok nito.

"My angel fuck," he muttered a slow curse.

Saglit siyang napatingala, kita ko ang pag-igting ng litid sa kanyang leeg na para bang pinipigilang mapigtas ang pasensya nang ibinalik muli ang tingin niya sa akin.

Then I just realized that he grabbed me with a deep and passionate kiss. He put a distance between the two of us for a brief moment. Ang kaninang matigas niyang ekspresyon ay tila napalitan ng kakaibang emosyon.

"Baby, I want you to murder me one day!" aniya'y hindi pa rin nilulubayan ang mata niya sa akin.

Alam kong may kakaiba sa aming dalawa.

I gulped and gulped before I could speak again. "D-Darcy," my voice hoarse as I heavily sighed. "We've been only through so much together..."

Pilit kong iwinawaksi sa kanya ang pinagsamahan naming dalawa.

Pero sa una pa lang naman, pansin ko na. Ramdam ko na. Alam ko na. Nakikita ko na.

"I am just so finally committed to my fallen angel."

Pero nahulog pa rin ako sa kanya.

At ngayong nakapangako na kami.

Nakapangakong mag-isang dibdib.

We are like a couple... lunatics.

Yea, the right term to say... lunatic couple.

Siraulo. Para bang may saltik sa utak. Luka-luka at luku-luko.

Buang. Hibang. Maluwag ang turnilyo. Bobo at utu-uto.

Baliw.

Ako baliw? Hindi talaga ako ang baliw. Siya ang tunay na baliw.

Nababaliw na siya... at hindi ko alam kung bakit ganun din ako sa kanya.

Mababaliw na ako para sa aming dalawa.

He's crazy, really. A hell, yeah, crazy. And I feel like I am tied to a fucking crazy man!

"You're crazy..." that's all I could say while looking at him in his state.

"Yea, my crazy. Being madman can be the best feeling in the world at fucking times, angel baby." he deliriously said.

And I'm scared.

I'm so, so, scared to death. I'm frightened, and I don't know what to do. I'm confused.

I'm asking for help...

May ibang tao pa kaya ang makapagtuturo sa akin ng tamang daan? Pabalik? To return to where I really belong? Coz I want to go back. I wanna go back with them. I wanna go home... I really wanna go home!

Dahil hindi ko na alam kung pagmamahal pa ba itong nararamdaman 'ko.

Coz why do I feel our fascination turns to obsession?

P I E D R A I J A D A

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro