Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PHASE 27


We asked for a magic.

We were oblivious to the amount of pain we could face together in such a short frenetic period of time. We were unaware of the work and sacrifices that the relationship would require of us, but we were intoxicated by love.

And the Karma.

After months of running through hell with him and laughing more than I ever imagined possible—out of nowhere—he suddenly asked me to marry him. And, as I have done in every previous lifetime and will do in every future lifetime, I finally...

"You will fall. Fall crazy to in love with me more, Celestina, which is how I feel about you. I Promise you that..." bulong niya at senswal na ngiti ang iginawad niya sa akin.

"Darcy,"

"Pangako... hinding-hindi ka magsisisi sa'kin. Mahalin mo lang ako ay sapat na..."

I bit my lower lip and sucked a deep breath. Kahit anong gawin kong pagpapakalma sa pangangaltog ng puso 'ko, ay walang epekto iyon sa aking bawat makapigil buntong-hininga.

"Napaka... sapat na." he said with a gentleness in his damn attractive eyes. Dahilan kung bakit ito ang isa sa mga malaking bagay na nakakahumaling sa kanya.

Then he slid a ring on my finger. 

I was stunned. Lihim muli akong suminghap habang nanghihinang ang mata kong... tinititigan ang kamay 'kong hawak niya.

It's a pear-shaped diamond ring. The emerald and the diamond set on two magnetic bands of thorns that draw together as two halves of the same soul forming the obscure heart that... is our love.

He loves me so much, doesn't he?

"Darcy," malalim akong napalunok pagkatawag sa kanya. "Bakit... bakit binibigyan mo 'ko ng sing-sing?" May ideya na ako, ngunit ayoko namang tumalon na lang bigla sa ga'nong konklusyon, pero kahit na nahuhulaan ko na, gusto ko pa rin makasiguro. "P-Papakasalan mo ba 'ko? Bakit? Hindi ba't parang maaga at mabilis pa? Kailan? A-Ano ba 'to..." sa kaba ay halos nag-uunahan ang mga tanong 'ko.

Hindi pa man ako nakakaangat ng tingin dahil abala ako sa pagtitig sa daliri ko, narinig ko ang mahinang halakhak niya.

"Maghanda ka at bukas na,"

Dun na ako napaangat ng tingin sa kanya. "Ano!?" agad-agad?

Baliw ba siya!?

Nagbibiro lang naman siya, 'diba?

Alam kong malakas ang mga trip niya, saksi ako sa mga biglang pagdedesisyon niya sa mga baga-bagay na nagagawa niya, lalo na para sa'kin, pero ang isipin niya na pakasalan ako...

Napangisi siya at naunahan agad ng halakhak. "Silly," then he pets my head and say, "It's just a promise ring..."

Kinagat ko ng mariin ang aking labi. Halos manliit ang daliri ko sa garbo at hindi ko ikakaila na mapuna kung gaano kaganda ng istilo nito. Ni hindi ko nga alam kung nababagay ba ito sa akin! Hindi naman sa ayaw kong tanggapin... hindi naman ako mahilig sa mga ganitong bagay, lalo na't alam kong mahal! Pero dahil suot-suot ko ito—ewan ko! May kakaibang naramdaman ako sa kalooban ko.

Saya... kilig... na may kaunting kaba at takot. At hindi ko alam kung maganda o masamang bagay ba iyon. 

"It suits you well, baby. Don't worry, I know you're still not ready, but I just want you to know that I'm willing to wait."

Tanging tingin na lamang magagawa 'ko, at wala ng maapuhap na tamang sabihin sa kanya. 

"Ang mahalaga sa'kin ay may papel na ako sa buhay mo. At masasabi kong... malaking papel ka na rin sa buhay 'ko. Na ako ang boyfriend mo. Okay na sa'kin 'yon. Hindi kita mamadaliin sa mga bagay-bagay. Sapat na sa'kin ang makita kita at laging makasama, Celestina..."

Pakiramdam ko, sa mga oras na 'to, ay hindi ko na nabibigyan ng pagkakataon ang sarili na huminga. Kaya lihim akong napabuga, wala nang masabi sa kanya. Mukhang vintage ang pagkakayari nito at sa tingin ko, malaki at mahal na bagay ito para sa kanya, at hindi ako makapaniwalang ibinibigay niya ito ng buong puso... para sa'kin—nang walang pagdadalawang-isip.

At sa tuwing tinititigan ko siya ng matagal kapag kasama ko siya, araw-araw... palagi kong 'tinatanong ang sarili...

Bakit ko nga ba siya minahal?

At bakit pakiramdam ko... mahal na mahal na mahal na mahal niya rin ako?

Gayong ang totoo, sa maikling panahon na nagkakilala at magkasama kami, parang lubos na lubos na agad ang pakialam na ibinibigay niya sa akin.

Bakit pakiramdam ko parang nababaliw ako sa kanya?

I feel like I'm falling for him in a dangerous way.

Nakatungo siya sa akin, habang nakatingala ako.

Sa ugong ng yate ay naramdaman ko ang marahang paspas ng malamig at maginhawang hangin na sumasalubong sa amin. At kaunti na lang, sa paglatag ng kadiliman, malapit na kami makauwi sa kanyang mansion galing sa gitna ng karagatan.

Hindi ko tuloy maiwasang madala sa mga mata niya na tila may magnetong dala-dala. Ramdam ko ang marahang pagpisil at hawak niya sa kamay ko, at sinundan ng pasimpleng haplos ng mainit niyang palad sa malambot na pisngi 'ko. Imbes na mapapikit ay lalo lamang akong napapukol ng titig sa kanya. Tuluyan nang nangatog at nanghina ang aking mga binti sa kaunting galaw lamang niya.

"My sweet little demon... my twin flame, my hopeless mine's eternal darkness. The first dark moon we met; I knew you would be my fortress where I could hide the deceased ember of lovers past. "

It's crazy to hear what he's saying, but why does my heart flutter more and more so that I am more obsessed with his cheekiness?

Kung iisipin ay hindi naman niya kailangang gawin 'to. Dahil sobra na ang mga nagagawa niya.

Bakit nga ba ang bilis na minahal ko siya?

"I would literally set myself fire for you, Darcy..." kusa kong naibulalas mula sa nanginginig na bibig 'ko, habang nahahalinang nakatitig sa mga mata niya at tila parang lumulutang ako sa ere.

Ang pakiramdam na palagi kong nararamdaman sa tuwing nagdidikit kaming dalawa.

Pero bakit gano'n... bakit ganito ang pakiramdam 'ko?

Pinakiramdaman ko ang sarili... gano'n pa rin. Walang nagbago, at lalo lamang lumala.

Pero sa isang banda, bakit parang may nakaligtaan 'yata ako?

Sa paanong paraan ko nga ba siya minahal?

"I reflect on the days we spent together. The love that we created. Our bodies were as if burned. Our sacrifices... the demons with whom we've had orgies. And I've known that for the entirety of my mortal life, I'd still love to have a sweet little demon like you." he continues with his poetic nature.

Saan nga ba nagsimula?

Darcy was like a dream. Like a gorgeous beast. Like... uhm, really nice.

Like, the kind of boy that would talk to you all day and every night owl before you sleep and say sweet dreams. And the kind of boy that would meet me outside, greeting, and kissing me every morning before we eat breakfast just to make sure he could hold me as we walked anywhere and start our days.

Like he said, we are like a magnet. Our deniable is pull as ever.

I could still never figure it out why he always chose me. Or what actually liked or love about me. But all I just knew... it felt really good.

Alam kong kahit papaano, sa maikling sandali... Nararamdaman kong minamahal ako ng tama at sapat—hindi—sobra pa nga sa sapat.

I feel like I'm in between in heaven and inferno.

He's now my favorite person, my rant buddy, my partner in crime, my ride or die. He always got my back so do I. God knows I gave my all.

I sighed. Remembering my friends and family. Alam kong delikado at walang kasiguraduhan ang desisyon kong 'to. It was a jeopardize decision. Ngunit isa lang matitiyak 'ko... By that moment, maybe everything else is fine and I've already proven something about myself.

Not until...

My phone rings. I pick it up to see who it is and I'm a little taken aback. It's the first time Darcy has ever called me. We always just text. How odd to have a boyfriend for over two months that I've been once spoken on the phone.

"Hello?"

"Hey, baby," he says.

I smile cheesily at the sound of his voice. "Hi," maliit na tonong itinugon 'ko habang nakatulala sa labas ng bintana't nakahawing kurtina, mula dito ay tanaw ang rumaragasang alon sa tapat ng kanilang mansion.

Hanggang ngayon talaga hindi pa rin ako makapaniwala sa aking sarili... na ang dating ayaw ko payapa't tahimik na lugar ay gustung-gusto ko na ngayon. Pakiramdam ko kasi, nakakulong ako kapag pakiramdam ko ay tahimik paglalagyan 'ko. At dito ko natanto na marahil hindi talaga lugar ang kinasasabikan ko, marahil ay sa tao palang makakasalamuha 'ko. 

Na hindi naman pala nakakalugmok at totoong ayaw ko sa mapayapa. Mapayapa ako at masaya, hindi ko napapansin ang mga oras... lalo na kapag kasama ko siya. 

Pakiramdam ko ay hindi pa rin talaga ako nasasanay... sa ibang bagay mula sa kanya. At kahit sa malambing niyong tono... at pagtawag lamang niya ay ninenerbyos pa rin ako... sa sabik at saya.

"Guess what?"

"What?"

Hindi ko alam kung ano ang inasikaso niya at inabot siya ng takim-silim nang hindi pa umuuwi. Pero ang tanging paalam niya sa'kin ay mamimili na rin siya ng grocery para dito sa bahay. Sasama na dapat sana ako kung hindi lang niya ako pinigilan, at hinabilinan na samahan ko na rin ang matandang maaaring mag-isa sa mansion, kaya't 'di na rin ako nagpumilit pa. Ayoko rin naman maiwang mag-isa si Manang.

Pabor na pabor naman 'yon kay Darcy. Ewan ko nga lang kung bakit kapag sasama ako sa labas--

"I'm on my way there with two bottles of wine, baby. You want to drink with your boyfriend and have a drunken cuddle all night and sleep until noon?"

Naputol ang iniisip ko't napangisi sa malisyosong boses niya. It's really embarrassing what his words do to me. I smile and say,

"Guess what?" without realizing, I bit my lower lip.

"What?"

Tahimik akong suminghap at kinagat ko pa lalo ng mariin ang ibabang labi sa pagsisibol na naman ng aking ngiti. Kahit ang baritonong boses ay hindi ko talaga napalagpas na lihim na mapuna sa gandang marining ito mula sa telepono. Nanunuot papunta sa puso 'ko.

Like his gentle voice is one of the lifelines of my life. He revives all the veins in every fiber of my body that towards to my heart.

"I'm waiting for you. Naiinip na rin ako kaya bilisan mo ng umuwi," mapaglaro kong sagot na agad ko rin narinig ang malutong niyang mura at mahinang halakhak.

I'm on my third glass of wine when he walks out of my bedroom.

Abala lang ako sa panonood sa pagpipinta niya, so I watch him from the couch as he makes his way to table and pours another himself another glass.

That is some seriously good wine. Mabuti ay nakapaghanda ako ng aming makakain kanina nang hindi ko inaabala ang matanda. Tutal ay nakita ko siya kanina sa silid, nanonood sa telebisyon at nagtatahi lamang. At isa pa, ako rin naman ang sumalubong mismo kay Darcy nang dumating siya, dala ang pinamili kaya ako na rin ang nag-ayos.

"Happy monthsary Celestina, my love." agad na bati niya na ginawaran ko naman ng matamis na ngiti.

At hindi rin talaga ako makapaniwala na tatagal kami ng ganito kahit papaano.

Kung may isa rin sa mga bagay na ikahuhumaling ko pa sa kanya, 'yun ay dahil sa pagiging romantiko niya. Napaka-thoughtful niya rin sa mga bagay-bagay. Parang alam niya lahat ang gusto ng isang babae. Ni hindi siya nagkakamali na pasayahin ako para lalong lumalim ang loob ko sa kanya.

Dahan-dahang lumapit siya sa'kin. Naglapat ang labi namin. I closed my eyes, feeling his soft lips more and more. He angles himself and then I heard his plucking tongue's kissing me, made the hair on my neck stand. Tila'y may matinding nagwawala sa kaibuturan 'ko sa paraan na naman ng halik niya.

"Kanino ka lang, hmm?" 

"Darcy..." I don't even know what I want... I couldn't continue talking as we kissed, lalo na't hindi pa nakatulong ang sunod na nangyari.

He used his tongue to graze on my lips, teasing my mouth a bit before he slowly kissed me thoroughly. Nakakaliyo ang mga halik niya. Hindi ko alam kung sino ang mas matinding nararamdaman namin sa isa't-isa... upang dumating sa puntong lalong tumatagal na kinakasanayan ko ang mga halik niya ay parang nawawala ko ang sarili ko sa bawat dampi ng labi niya.

"D-Darcy..." I stiffle my moan at pinatakan ang sunggab ng bawat halik niya. Patuloy lang siyang pagdais sa'kin habang umaatras ako. Hindi alam kung saan kami tutungo. Hanggang sa...

"Shit--!"

Agad kami natigil dahil sa naramdaman ko mula sa likod 'ko. At dito ko natanto na nasagi namin ang mesa upang may malaglag na mga bagay sa sahig.

"Darcy... sabi ko hinay lang. Natapon tuloy." tuluyang nawala na ang atensyon ko sa kanya, lalo na siya.

Parehas na bumagsak ang tingin namin sa sahig.

The paint falls and lands on his canvas. At tumagas lalo ito sa sahig nang gumulong ang lalagyan ng pinta sa mesa at lalong nagkalat ito.

Napasinghap ako.

I lift up my feet to avoid stepping on and dirtying the floor. Pumuwesto ako sa gilid upang iwasan ang pagdanak ng pintura. Nahihilong pinagmasdan ko lang siya. I start laughing as soon as I realize he didn't even think to use the rag when he touched the paint.

Sa pagkataranta ay tila nagmukhang batang naglandi lang ito at 'di alam ang ginagawa. Kahit na alam kong pinipigilan niyang dumanak ang pinta sa sahig gamit ang kamay niya.

Must be the wine. This is some seriously.

He's now muttering curse words. I'm trying to suppress my laughter, but the wine and the ridiculousness of the last few seconds are making it hard. I look at his destroyed canvas and floor at the mess we're about to clean up—and the laughter bursts from me.

I'm still laughing as I lean over para matulungan sana siya, at kunin sa kamay niya ang bote kaya lalo ko siyang nilapitan. Sa kabila ng hilo ay lalo akong nagdikit sa kanya upang mapandantay ang kanang kamay 'ko sa balikat niya. Saka ko siyang pinantayan.

"Tulungan na kita—"

"Ako na!"

Agad na bumagsak ang tingin ko sa seryosong mukha niya.

Natigilan ako saglit na ikinakurap at aligaga 'ko.

"Pero—" mas lalo ko siyang inabot.

But in the matter of second, Darcy's arm came out of nowhere and slammed against me, knocking me backward. There was enough force behind it to knock me off balance. When I lost my footing, tuluyang natumba at napaupo ako sa sahig.

I'm on the floor now, my hand was pressed in the corner of my eye. Dahil masyado ang pagkakadiin nang tumama ang siko niya sa panga ko, at ang daliri niyang tumama naman sa may sentido 'ko. 'Yun ang ikinagulat 'ko. Hindi ko alam kung aksidente o sinadya niya... kung dahil ba may tama na rin siya ngunit 'di ako sigurado... pero sa palagay 'ko...

"Tang ina kasi 'di nag-iingat!" parang bulkang sumabog ang boses niya sa inis.

Aligaga man ang naramdaman dahil sa nakuha kong reaksyon mula sa kaniya, ngunit mas natigilan at natulala ako sa asta niya dahilan ng tuluyang pagbalik ng aking wisyo at mawala nang tuluyan ang aking hilo.

Agad na nanginig at nanlamig ang aking kalamnan. Tila'y para siyang bulkan na sumabog, na ngayon lang bumulusok. Iritadong-iritado at ang bawat paggalaw ay nag-iiwan ng matinding pagdabog.

Is he mad... at me?

At sa bawat pagpatak ng segundo ay mas nagiging malinaw na sa akin ang lahat habang pinagmamasdan siya. Napalunok ako ng malalim. Pain shoots through the corner of my eye, right now my temple, and then I feel the weight.

Heaviness follows, pressing down on every part of me. So much weight pressing down on my emotions. Like everything is shattered.

My coagulation tears, heaviness heart, and laughter were shattered like a broken vase. Mabilis napalitan at napawi ang lahat. Unti-unting nag-init ang sulok ng aking mga mata kasabay ng panginginig ng aking mga kamay.

I wrap my arm over my head and try to wish away the last minute.

"God damn, Celestina..." I hear him say. "You know, it's not funny! This is one of my masterpieces'! Tuwang-tuwa ka pa na narumihan ito!" pagpapatuloy niya, himig pa rin ang inis na mukhang 'di na niya mapipigilan upang huminahon, dahilan lalo ng pagkapitlag 'ko.

Pero... sino nga naman ba ang hihinahon sa nangyari sa painting niya? Hindi pa man tapos ay... kagagawan ko at nasira ko pa!

"D-Darcy, I-I'm sorry... linisin ko na lang—"

"At sa tingin mo gano'n kadali 'yon?" 

Naiwan sa ere sasabihin ko nang galit pa rin ang nakaukit sa mukha nito. Mas lalong tumaas ang kanyang boses. Kumalabog ang dibdib ko sa labis na kaba at... takot.

Sinubukan kong lumapit para tulungan pa rin siya, ngunit labis ang pangangatog ng binti ko nang maramdaman niya ako, talim na mata ang sumalubong, pagbabanta at panduduro niya sa'kin.

"Wag ka ng lumapit at baka lalo lang lumala ang kalat! Anong gagawin ko sa lintik na 'to kung marumi na—tanga ka ba!? Tang ina, edi uulitin ko na naman 'to? Alam mo naman kung ilang oras at araw kong ginugugol ng maayos 'to, 'di ba? Kitang-kita mo naman! Pero—hindi! Nasayang lang ang pagod ko—putangina!" kung may bala lamang ang bibig niya sa pagputok niya, ay baka kanina pa ako nakahandusay sa sahig dahil sa panghihina.

Napapikit ako ng mariin. At sa bawat lunok ko, pait ang nanunuot at nalalasahan 'ko. I don't look up at him. His voice doesn't penetrate through my body this time. It feels like stabbing now.

Ang talas ng kanyang mga salita na parang mga espada ay tila sunud-sunod na tumutusok kung saan sa akin.

I knew he's mad at me... coz his fist and jaw were clenched. Mukhang pagod at inis ang namutawi sa kanyang mukha habang pinapasadahan ng daliri niya ang buhok upang lalong maggulo ito.

Sa nanginginig na labi at pagbabara ng lalamunan ay pinilit kong magsalita, na halos maging paos iyon.

"I-I'm sorry—"

"Bullshit," he muttered a curse again.

Kita ko ang sarkastiko sa kanyang mukha na kahit bulong lang rin ang tinig nito, hindi napalagpas iyon ng pandinig 'ko.

Ngayon lamang nag-sink-in sa'kin nang mapapitlag ako sa naiinis na wika at sigaw niya. And this is my first time seeing him like this...

Ito ang unang pagkakataon na iba ang trato niya sa'kin.

Aksidente at hindi ko naman sinasadya ang nangyari, ngunit alam kong kasalanan ko pa rin. Nauunawaan ko naman na hindi naman ganun kadali ang magpinta, dahil marami kang nilalaan na oras upang gawing perpekto, malinis, at maganda ito... kasalanan ko nga... pero bakit ganu'n?

Ang sakit niyang magalit. Parang... nakakatakot siyang magalit.

Na kahit kasalanan 'ko... hindi naman niya ako kailangang sigawan at murahin ng ganun kalutong.

Then I feel him next to me, his goddamn hand on my back, rubbing. Rubbing softly. Kung gaano katigas ang kaninang boses at kanyang expression, hindi ko pa man siya sinasalubong ng tingin, ramdam ko naman ang lambot ng galaw na iginawad niya sa'kin.

"C-Celestina..." he says. Marahan na ang boses na tila ngayo'y ambon ang kaninang parang kumukulog sa lakas ng kanyang boses.

At sa pangalawang haplos niya sa likod 'ko, hindi ko alam ay napapitlag ako sa takot at baka aksidenteng masaktan niya muli ako ng pisikal. Umiwas ako. Alam kong mali ang isipin ko ito sa kanya... pero dahil nagbalik sa isip ko ang nangyari kanina ay bigla na lang ako naalerto sa haplos niya.

"Oh, God, Celestina," he tries to pull my arms from my head, but I refuse to budge.

I start shaking my head. Dismayado. Hindi ko alam kung para saan. Kung para sa kanya, o para sa sarili ko.

At sa ilang minutong nakalipas...

That's all it takes to completely change everything about the person. Na maaaring hindi na magbalik yung dati. Na maaaring pagsisimula lalo ng pagbabago. Ang pagsisimula ng bagong pagkilala at pagsisimula ng bagong pagtingin... at pakiramdam.

"I'm sorry..." he whispered.

He pulls me against him and start kissing the top of my head. Mukhang natauhan rin siya at ramdam ko ang pagkaaligaga niyang daluhan ako.

"I'm sorry... Damn! I'm fucking sorry! I'm sorry, I'm sorry, I'm sorry, I'm sorry... fuck! I'm really sorry, Celestina," he continued chanting my name. Ramdam ko ang pagsisising himig na narinig 'ko mula sa kanya.

Napalunok ako at tuluyan ng kumalma. Ngunit ako'y tuod pa rin, ang mapait na pakiramdam ay nanatili pa rin sa akin.

"I-I just... I just panicked. You were laughing... I'm so sorry and it happened so fast. Alam mo namang pagdating pagpipinta ay seryoso ako—" nauunawaan ko naman ang pagiging maperpekto niya sa mga bagay-bagay...

"P-Pero..." masakit ang pagbabara ng aking lalamunan, malalim akong lumunok at dahan-dahang nag-angat ako ng tingin mula sa kanya. Kita ko agad ang panlulumong nanuot sa mukha niya. "R-Rason ba 'yon para sigawan... at m-murahin agad ako?" I bit my lower lip, upang pigilan ang panginginig ng labi ko sa labis na emosyong unti-unting namuo sa dibdib 'ko.

Mabigat.

Sobrang bigat. Na parang bigla ka na lang pinatungan ng kung anong mabigat ng bagay sa dibdib mo upang 'di makahinga ng maayos.

He licked and bit his lower lip too. Napapikit siya ng mariin at tila dismayado sa sarili habang naiiling. Tuluyang nagyuko. "I-I know, I'm sorry... I didn't mean to push you, to curse, and yell at you, Celestina... I am really, really, sorry..."

I don't hear Darcy's voice this time. Tila nawala ako sa sarili at nabingi na lamang ako habang paulit-ulit naiwawaksi sa isip ko ang reaksyon at nagawa niya sa akin... kahit na hindi naman niya sinasadya iyon...

"I'm sorry, Celestina. I swear, I didn't mean to. It was an accident. Hindi mo rin naman sinasadya. I'm so sorry." pagpapatuloy niya.

Mapait muli akong lumunok. Kahit na gusto ko s'yang nginitian para sabihing ayos lang, at na upang mapanatag siya... hindi 'ko magawa. Nawalan ako ng lakas. Para bang nangimay ang aking mukha at buong katawan. Hindi alam ang iaakto. Tanging tahimik na pagtango lang ang aking magagawa. Na kahit sa loob-loob ko ay punung-puno ng mga katanungan ang isip ko.

It was an accident.

Baka nga... baka nga gano'n talaga. Baka hindi lang ako nasanay. Baka nanibago lang ako dahil nakita ko ang ganitong side niya.

Pero aksidente rin ba yung nagawa at nasabi niya?

Posible bang sumagi sa isip mo na makasakit ka ng tao dahil lang sa nainis at nagalit ka? Na manakit ka... dahil sa ganitong bagay? 

I don't know... I don't know what to think. What to act, and what to say to him.

Right now, I just want him away from me.

"C-Celestina—" akmang paglapit niya.

"Just... don't," mahigpit na iling ko at 'di siya magawang salubungin ng tingin.

I use every ounce of strength I have in both hands and legs and force him the fuck away from me.

He falls backward, onto his hands. His eyes are now full of geniune, bloodshot eyes... na bukod sa magandang malaberdeng asul na kulay ng kanyang mga mata, ay maging ang emosyong bumabalot dito na bagay na isa sa mga dahilan na pagkagusto ko sa kanya—now he looks sorrow, but then they're full of something else.

Worry? Accident? Panic?

He slowly pulls up his right hand and it's covered with paint. It is trickling out of his palm. Nagkaroon na rin ng dumi ang damit nito dahil sa pagtulo. I look at the floor—kayat na kayat ang pinta sa sahig at kinakailangan agad itong punasan ng basang basahan. At ang canvas, at mga brushes na nalaglag sa lalagyan ay nasa sahig rin.

Walang sabi-sabing, agad din naman ako dumalo sa mga kalat at nilapag ng maayos ang bote sa mesa, ang brushes ay binalik ko rin ng maayos katulad ng madalas na ginagawa niya kung gaano kalinis, maging ang canvas na nagulo sa... kagagawan 'ko ay nilapag ko rin sa mesa.

Kahihiyan ang bumalot sa'kin nang ipatong ko iyon. Dahil... natapunan ng maraming pinta. Ang dumi-dumi na.

Tahimik lamang akong inayos 'yon. Kahit na nasa isip ko ang basahan para kumuha sa baba, at linisan muna iyon dahil alam kong maaaring mahirap tanggalin iyon.

Mas inuna ko muna siya.

I'm full of so much anger and dissapointment, but somehow, concern for his things and hand find its way out.

Lumapit ako sa kanya at agad kinuha ang kamay niya at hinigit. Kusa rin naman siyang tumayo at sumunod sa'kin. Mabuti na lamang ay may banyo rin dito sa loob nang idala ko siya rito.

Malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko nang buksan ko ang sink, habang ramdam ko ang titig niya sa'kin mula sa salamin.

Kinuskos ko lang ang kamay niyang puno ng pinta na halos manigas at matuyo na sa mga kamay niya.

"Celestina..."

Suminghot akong mabuti. Ramdam ko ang pag-iinit ng gilid ng mga mata 'ko, kaya 'di ko siya magawang tapunan ng tingin. Baka kapag tingnan ko siya, ay tumulo lamang ang namumuong luha 'ko.

"Celestina..." nanlulumong tawag niya.

Tumikhim ako saglit.

"H-Hmm?" tanging tinugon 'ko, at baka kapag magsalita ako sa oras na ito ay manginig at mapiyok lamang ang boses 'ko.

Sa bawat kuskos ko ng kamay niya ay siyang nadagdagan ang bigat ng naramdaman 'ko. Ramdam ko pa rin ang mata niyang nakapukol sa'kin mula sa salamin. Tumigil ako ng kaunti at kumurap sandali.

"M-Mahirap agad tanggalin ito kasi permanent water base ang paint na gamit mo. Kaya kailangan hugasan agad..." malalim akong napalunok ako at saglit siyang sinulyapan dahil hindi ko siya matagalan.

Then I grab a towel and shove it in his hand. Medyo hindi pa natanggal ng sabon ang natuyong paint sa kanya, kaya no choice kundi kuskusin ito ng tuwalya ng mabuti. Napatingin ako sa damit niya. Huminga ako ng malalim sa kanyang itsura.

"Alis lang muna ako," paalam 'ko.

"H-Huh?" kita ko ang pagkurap niya, tila naalarma siya saglit. "Saan ka pupunta?"

Napakibit-balikat ako at nag-iba ng direksyon ng tingin. Inaamin kong iniiwasan kong tingnan siya kaya pinalabas ko na lang na abala ako sa paghahanap pa ng basahan dito sa loob ng banyo niya.

Mabuti naman at saglit akong pinaburan ng mundo nang tama nga ang hula kong wala talagang basahan rito.

"Walang basahan rito. Kukuha lang ako at magtatanong kay Manang,"

"H-Hindi na kailangan—"

"Kailangan. Kasalanan ko dahil narumihan ko ang canvas mo. Pasensya na. T'saka... magbihis ka na rin para malabhan ko ang damit mo," guilty ko ring saad. 

Alam kong wala ako magagawa sa painting niya, ang tangi ko na lang magagawa ay linisin ang naging kalat dahil kasalanan 'ko.

Napakurap siya saglit at kinagat ang pang-ibabang labi.

"Pwede namang si Manang na lang..." nanghihinang saad niya.

Napakunot ako. "Nagpapahinga na siya. At malamang ay tulog na si Manang sa mga oras na 'to. Ayoko siyang abalahin at isa pa... kasalanan ko, ako may gawa niyan kaya dapat ako rin ang maglinis. Kaya sige na, kukuha lang rin muna ako ng pamalit mo,"

Nanatiling nananantya ang kanyang tingin. Wala pa siyang sinasabi ay agad ko na rin siyang tinalikuran.

Pero hindi pa ako nakakalayo ay hinigit niya ang braso ko dahilan ng pag-untog ng ulo ko mula sa kanyang dibdib. Napasinghap at nagparte ang aking labi. Ngunit agad ko rin naitikom nang maramdaman ko ang pagpulupot agad ng mga braso niya sa baywang ko—siya, yakap ako, mula sa aking likod.

"Darcy..." natuod ako mula sa kinatatayuan ko, and I'm shaking too bad. "Ano ka ba... M-Madumi ka. Kailangan ko pang linisin yung mga kalat sa sahig. At kukuha rin ako ng bago mong damit. Nadumihan yung t-shirt mo, kaya kailangan ko ding maibabad agad yan at baka magmantsa—"

"Fuck my shirt, Celestina. Wala akong pakialam sa suot ko." he said in controlled voice.

Mas lalong humigpit ang yakap niya sa'kin kaya lalong nanghina ako.

I bit my lower lip firmly. Saglit ako napapikit ng mariin nang maramdaman ko ang tibok ng puso niya mula sa likod ko. Tila kusang kumokunekta ang kabog niya para madama din ang pagdadaga ng dibdib 'ko.

"Are you okay?" he asked, mas marahan na ngayon ang kanyang tinig.

Pilit niyang hinarap ako, at mula sa nakakapanghinang hawak niya ay kahit nakaharap na ako sa kanya, hindi ko siya matapunan ng tingin.

"I said... are you okay?" he's looking back and forth between my eyes frantically as he assesses the side of my face...

Kung saan ay 'di niya sinasadyang natamaan at naitulak niya ng malakas.

Napasinghot akong muli, ngunit dahil sa ginawa kong iyon ay nanlabo na naman ang paningin ko dahil sa kanina ko pang tinatagong luha na gustong magkuwala.

"Hey..."

Agad akong nag-iwas ng tingin hanggang sa nagbaba. I sucked a deep breath to calm down but I failed. My shoulders begin to shake and huge, hurt-filled tears spill down my cheeks.

"No..." prangkang sagot ko kasabay ng pag-iling ko. "And I'm sorry..." tuluyan na akong napaluha. "I'm sorry dahil nasira 'ko ang pinta mo. Wala akong magagawa kasi alam mo namang hindi ako magaling. S-Sorry... sorry talaga, Darcy. M-Maniwala ka, hindi ko sinasadya. H-Hindi ko rin sinasadyang... t-tawanan ka."

I'm in a little shock, and I know he can hear my heart breaking with just one word, because I can feel it in every part of me.

He yelled, cursed, and pushed me.

How can I be okay with that?

The realization of what has just happened hurts worse than the actual action.

Darcy wraps his arm around my neck and desperately holds me against him.

"I'm so sorry, baby. God, I'm so sorry,"

He buried his face against to my neck, sniffing, whispering, and squeezing me with every emotion inside of him.

"Please, don't hate me. Please..."

I bit my lower lip. Tahimik lang tumulo ang mainit na luha ko nang hindi pinupunasan, kaya alam niyang nasaktan ako sa nangyari.

His voice slowly starts to back again. Hindi ko naman siya masisisi. Painting is important to him. Nasaksihan ko iyon kung gaano siya kaseryoso at kaingat, lalo na ang kapulido kapag gumagawa siya. Nararamdaman ko ang pagiging maperpekto nito pagdating sa gano'ng bagay.  Ramdam ko ang passion at pagmamahal niya roon sa bawat paghagod at kagaling ng paghahalo niya ng kulay.

Marahil ay pagod lang siya kaya ganito siya. Kahit sino naman siguro...magiging ganito ang reaksyon. Na magagalit, dahil sa isang iglap ay masisira na lamang ang pinaghirapan mo sa hindi mo inaasahan.

Normal lang naman siguro iyong reaksyon niya.

At sinabi naman niyang... hindi niya sinasadya... kaya nauunawaan ko siya. Sadyang ako lang siguro ito ang OA, na tao din naman siya. Na minsan ay hindi naman dapat laging mapagpasenya, masaya, at nakangiti katulad ng nakasanayan ko mula sa kanya.

At sino nga ba naman kasing matutuwa na ang pinaghirapan mo ay masisira lamang? Sino nga naman bang matutuwa na pagtatawanan mo pa yung pinaghirapan niya? 

"A-Are we cool?" biglang tanong niya. "Do you still love me, h-huh?"

Napaamang ako. He looks so hopeless at tila halata sa mukha na kinakabahan ito.

Wala sa sariling tumango ako kasi... totoo naman talaga. Hindi mababago iyon. Hindi naman por que ganito na ang nangyari ay kabawasan na kaagad iyon sa pagmamahal ko sa kanya. Nagalit lang siya... dapat ko na ba siyang hindi gustuhin at mahalin? 

Maaaring magtampo ako, mainis, o magalit ng husto... pero heto pa rin ang nararamdaman ko sa kanya.

"I'm so sorry," he says again. I pull back and his eyes are now red and I've never seen him look so sad. "I didn't mean to push you away. Nataranta lang ako. All I could think about was my painting... I'm sorry..." he said, scratching his neck and running his fingers through his disheveled hair.

Now, I feel so uneasy.

Tila ba'y may naangkin kaagad na pakiramdam sa akin para mag-iba na naman, at bumalik ang pangit na nararamdaman ko.

Sa daming nag-uunahan na salita sa isip ko na hindi ko agad maisatinig, iisa lamang ang nangibabaw.

Na parang mas importante sa kanya ang pinta... kaysa sa sa'kin.

Mapait ang aking pakiramdam ngunit napapikit ako when he presses his mouth to mine and breaths in.

"Please... forgive me." aniya sa kalagitnaan ng pag-angkin ng labi niya sa akin habang nanatili akong tuod at nakaawang ang aking labi.

Naramdaman niya ang hindi ko pagganti at paggalaw. Kaya lalo niya akong inatake ng mararahang halik na tila paru-paro. Hanggang na napapikit ako.

We're both upset, kissing, confused, and sad. And I've never felt anything like this moment—so ugly, so irritating, so painful, and disappointed. Pero kahit papaano, ang nakakagaan lang ng sakit na dulot ng lalaking ito ay siya rin ang dahil.

My tears are soothed by his sorrow, my emotions soothed with his mouth against mine, his hand gripping me like he never want to let me go.

Then I feel his arms go around my waist. Hindi ko masabi kung mas dismayado ba ako sa kanya o sa sarili ko. Him; for losing his temper in the first place, or me; for somehow finding comfort in his apology.

He carries and kisses me all the way to his couch. He's still kissing me when he lowers me to the couch and whispers, "I'm sorry... Please, forgive me, baby," he moves his lips to the spot side of my face that he... hit by accident, and he kisses me there, gently.

"I'm really sorry. Hindi na mauulit iyon,"

His mouth is on mine again. Hot and wet.

And I don't even know what's happening to me. I'm hurt on the inside, yet my body craves him... and apology in form of his mouth and hands on me. Gusto ko mang magalit, magtampo, layuan muna o takbuhan siya, but deep down... I wanted to believe that it was really an accident.

Hindi niya talaga sinasadya iyon. Nadala lamang siya ng bugso ng damdamin. At kahit sino namang tao, nakakapanakit tayo kapag naiinis, nagagalit, dismayado, o nagagalit tayo.

Kaya bakit ako pa ang iiyak gayong ang totoo, kasalanan 'ko?

Ako dapat ang humingi ng sorry... kasi nang dahil sa'kin, uulitin na naman niya ang ipipinta niya.

He's kissing my shoulder. My cheek. My eye. He's still top of me, touching me gently. And I've never been touched like this with such tenderness. I try to forget what happened, but it's everything right now.

At sa mga oras na iyon, I feel like I saw side of him that wasn't him. I laughed at him when I should have been concerned. It was absolutely awful, and I never want to think about it again.

"Celestina..." bulong niya sa aking leeg habang nakadagan pa rin sa'kin. "I'm sorry... mauunawaan ko kung galit ka pa. Pero 'di ko yata makakayang isipin at tiisin na wala kang imik sa akin kahit na ilang segundo lang makakalipas."

Napabuntonghininga ako ng malalim at natulala sa kisame.

"Just... no more wine again, Darcy." ramdam ko lalo ang pagsisik niya sa aking leeg at pinatakan ng halik niya roon.

Otomatiko rin naman agad kong naipatong ang palad ko sa ulo niya at marahang hinaplos iyon.

"At pasensya na rin talaga... hindi dapat kita tinawanan. Alam kong pinaghirapan mo 'yon, kaya... may mali rin ako. Pasensya na talaga, dahil sa'kin, uulitin mo na naman ang pinaghirapan mo,"

Naramdaman ko ang mainit na hininga niya sa leeg ko at bahagya niyang inangat ang kanyang ulo para salubungin ako ng tingin. Nanlulumong umiling na lang siya sa'kin.

"Galit ka pa ba...?" bulong niyang marahan at malambing na tanong sa'kin.

I look up at him. He forehead resting into my forehead, and it looks like he wants to cry.

I weakly smile. "Ako dapat ang nagtatanong niyan. Galit ka pa rin ba?"

"I feel terrible," he says. "Sana 'di ko ginawa 'yon. Pinagsisisihan ko talaga. Fuck! If I could take back—"

"I know," I say, cutting him off. "I know, Darcy—but..." I paused for a while. Thinking, that maybe, I should be honest with him. Bumuntong hininga ako ng malalim saglit. "...honestly, you made me question everything I thought I knew about you. But I know you bad about it... it's just that... I don't know..." I sighed again. "I don't want to bring that up again,"

"Hindi na mauulit. I'm so sorry..."

Lalo ko naramdaman ang paghigpit ng yakap niya sa'kin. Napapikit ako roon, tuluyan ng bumalik muli ang kaginhawaan kahit papa'no.

"Darcy..." untag ko.

"H-Hmm?"

Lumunok ako ng malalim. I look at him seriously in the eye. "I-If... if anything like that ever happen again... hindi ko na maiisip na aksidente iyon... and I swear..."

"What..." kita ko ang paggalaw ng lalagukan niya sa leeg nang malalim siyang lumunok.

"I swear, I will leave you without a second thought." hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas para sabihin iyon sa kanya. 

He stares at me for a long time, his eyebrows drawn apart in regret. He leans forward and presses his lips against mine.

Napapikit ako. Na para bang sa higpit ng halik niya ay ayaw niyang pakawalan ako. Na sa bawat halik ay nagsasabing hindi mangyayari iyon.

"I know what you're thinking but I swear to you... it won't happen again, Celestina. I'm sorry and I promise."

I shake my head, wanting him to stop. I can't take the pain washed over his face and his voice.

"O-Okay. Just... just please, don't ever make me doubt you again."

He nods and brushes my hair from my forehead. "You're now the most important part of my life, Celestina. I want to be what brings you happiness and not what causes you hurt. Ayokong biguin kitang muli. Pangako... huling pagkakamali na 'to. At hinding-hindi ko sasayangin 'to..." then he licked his lips, pulled my hand that I got closer to him, and pressed me again with a tender and sweet kiss. 

 P I E D R A I J A D A 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro