Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PHASE 26


His voice was soft, kind, and gentle. Para bang bukod sa mga mata niya, matatangay niya na naman ako pati sa banayad na boses niya.

"Pero Darcy... k-kailangan ko munang umuwi—"

"Are you serious? Itatanan kita, tapos gusto mong umuwi—"

Sa pagkatigagal 'ko, ako naman ngayon ang pumutol sa kanya.

"Tanan agad!?" sa malalim na pagsinghap ay napatigagal ako.

"Ano ba sa tingin mo? Hindi ba't... tanan na ang nangyayari dito? Inilayo kita, sumama ka, at inuwi kita rito sa bahay 'ko. Ang kaibahan lang ngayon... mas mailalayo kita rito." it's like he's justifying himself more and feel like para ako pa 'yong magmukhang mali mag-isip at magdesisyon sa aming dalawa.

And I can't believe he's saying that to me right now!

At kahit minsan, ni hindi sumagi sa isip ko na tanan na pala ang nangyayaring ito! Hindi naman ako na-informed!

"Malayo? A-Anong..." nalilito sa kanya.

Oo nga't tama naman siya, na kusa talaga akong sumama sa kanya. Pero 'di 'ko naman inaasahan na aabot sa ganito ang pag-iisip niya. Pero wala talaga sa plano 'ko ang lalong magpakatagal at magpakalayo kung tama man ang naiisip kong suhestiyon niya! Kaya hindi 'ko din magagawang sumang-ayon sa gusto niyang mangyari.

"Malayong-malayo."

Umiling ako. "H-Hindi ko kailangan magpakalayo... Sumama lang ako sa'yo, pero pansamantala lang 'to. Hindi ako magtatagal..." nakita ko ang unti-unting pagbabago ng ekspresyon niya. 

Napalunok ako. Mahigpit pa rin akong umiiling, hindi pa rin kumbinsido at walang balak na magpakumbinsi. 

 "Hindi ako pwede lalong magtagal. Uuwi ako, Darcy. Hindi pwede 'yang gusto mo. Marami akong naiwan. Marami pa akong kailangang balikan. Marami pa akong kailangan gawin. Lalo na't nag-aaral pa 'ko..."

"Then I will help you." he said it with finality, as if he didn't want us to argue and prolong the conversation.

Kasi ang gusto niya, pumayag lang ako agad.

"Darcy..." napapagod kong suway sa kanya.

Naguguluhan na ako sa kanya. Paano ang pamilya ko? Ang mga kaibigan ko? At lahat ng mga taong malapit sa'kin kung iiwan 'ko? Pati pag-aaral 'ko? Paano 'yun kung pati lahat ng buhay ko ay iiwan ko rito? Hindi niya ba man lang naisip ang magiging sitwasyon ko sakaling sumama ako sa kanya?

Hindi naman sa sinasabi ko rin na... baka mapasama ang kalagayan ko sa kamay niya. Hindi 'yon ang mas nangingibabaw sa isip ko, hindi, kun'di ang mga importanteng taong tatakasan ko at tuluyang iiwan 'ko. Lalo na ang sarili 'ko... at hindi pa ako handa. And I'm not too naïve to realize that his age gap is bigger than mine.

"Kung uuwi ka... paano naman ako?"

I stunned. Hindi agad ako nakapagsalita. There's a sadness that reached Darcy's eyes, but he tries to disguise it.

Malalim akong napalunok. Mukhang hindi 'ko napaghandaan at napag-isipan ng mabuti ang sinabi niya. Kahit ako, napatanong 'din sa sarili.

Paano nga naman ba siya?

Paano rin ako?

Paanong kaming dalawa?

Kahit ako, hindi ko rin alam...

Lumunok muna ako ng malalim at bumuntonghininga, bago siya seryosong sinalubong ng tingin.

"K-Kung 'yun ang pinag-aalala mo—"

"Paano ka makakasigurado?" para bang nababasa niya rin ang posibleng nasa isip ko.

Napabuntong-hininga ako ng malalim at mahigpit na umiling sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong hita ko, bumagsak ang tingin niya roon.

"Umuwi man ako, Darcy... hindi kita iiwasan. Hindi ko man alam ang mangyayari sakaling umuwi ako, pero masisigurado 'kong... wala akong balak na putulin o itigil ang kung ano mang meron sa ating dalawa." halos manginig ang pa ang labi 'ko sa bokal na pagkakasabi 'ko. 

Kinagat 'ko iyon saglit at nakita ko ang mata niyang pagbagsak roon at napalunok. I just clarify things, saying more in those words than I could in most full conversation. 

"K-Kahit na... kahit na maging tutol man agad ang magulang 'ko sa'yo... wala akong balak na itigil, Darcy. Wala. K-Kung 'yon ang inaalala mo..." makapigil hiningang huling sagot 'ko upang mapanatag siya.

He licked his lower lip. Then I see the relief flash in his eyes. But that was a quick second.

Naputol ang iniisip ko nang tumutok ang mga mata niya sa'kin habang hinahawakan ang balikat ko gamit ang isa niyang kamay—tila'y nakaakbay habang nakasandal kami sa sofa, at ang isa niya ay nanatili sa aking hita na may ginagawang kaunting paghagod. Ramdam ko ang marahang pagpisil niya ro'n, na dagli rin namang dumaga at may kumiliti sa dibdib ko't sa bawat parte ng kaibuturan ko. At ang lahat ng pag-aalala ko ay saglit na nawaglit at tuluyang natangay na naman ng hangin sa isang singhap lamang. 

Hindi ko alam kung dapat ko bang ipag-alala 'to dahil sa kaunting galaw niya lang at ginagawa niya ay para bang ang laki ng epekto na niyon sa akin.

"Just trust me... okay?" marahan niyang sambit sa tainga ko. Puno ng emosyon habang pinakakaigihang nakatitig ang mga mapupungay niyang mata sa'kin. "Hindi mo kailangan umuwi, Celestina..." nanghihinang umiiling-iling pa siya na parang doon ay mas makukumbinsi niya ako. "Tandaan mo, ako na lang ang merong ikaw. Nakalimutan mo na bang... tinalikuran ka na nilang lahat? Pati mga magulang mo... kaya wag ka na bumalik. Dito ka lang sa'kin."

"D-Darcy..." sa mahinang tinig 'ko ay para bang mababasag ang boses 'ko sa sinabi niya.

"Hindi mo ba naisip na mas lalo lang lalala ang sitwasyon mo kapag umuwi ka? Hindi mo ba naisip na posibleng malabo na mangyari ang inaasahan mo sa oras na makauwi ka?"

Napalunok ako kasabay ng paglubog ng puso ko sa katotohanang, maaaring nga tama siya sa mga nabanggit. Sumagi tuloy sa isip ko kung gaano ako kinakahiya at labis na nadismaya at galit ang naramdaman ng mga magulang 'ko sa'kin. Halos naramdaman, nasaksihan, at nasalo ko 'yon lahat. At siguro... hindi na malabong ganun na rin ang tingin at nararamdaman sa'kin ng mga kaibigan ko ngayon. Lahat... binigo 'ko sila... 

"D-Darcy..." wala pa rin akong makitang tama sa ideyang gusto niyang mangyari.

"Wag ka na magdesisyon bumalik dahil alam kong hindi ka lang nila tatanggapin."

P-Paano niya nasasabi iyon?

Nagbaba ako ng tingin. At habang naririnig ko ang sinasabi niya ay parang pinipiga ang puso 'ko kasabay ng pag-iisip 'ko sa huling reaksyon na nakita ko sa pamilya 'ko. Gusto kong umiyak dahil sa panlulumong nararamdaman.

"Kasi kung may pakialam sila... sana—sana maaga pa lang, nasa puder ka na agad nila. Hindi dadating dito sa punto... na hindi nila magagawa sa'yo ang mga bagay na ayaw mo. Sana sa una pa lang, inunawa at pinakinggan ka muna nila. Pero hindi... desidido pa rin silang magdesisyon sa mga bagay na ayaw mo na lalong ikakukulong at lungkot mo."

Bumuntonghininga ako ng malalim nang maramdaman ko ang dagling pag-iinit at panunubig sa bawat gilid ng mga mata ko. Huminga ako ng malalim upang pigilan at hindi tuluyang umagos ito sa pisngi 'ko.

"Hindi ba't gusto mong may mabago sa buhay mo? Heto na 'yon, oh. Tinutulungan ka. Sinasamahan ka. Ayaw mo ba..." mas kalmado na niyang boses.

At hindi ko alam kung bakit imbes na kumalma rin ako ay parang ang pait-pait ng pakiramdam 'ko.

Nagbalik sa isip ko ang dating sinabi ko sa kanya.

"Kasi ako... naiintindihan kita, Celestina. Naiintindihan kita..." he said it with gentle.

Imbes na mahele ako sa rahan at gaan ng boses niya, it was as if the softness of his voice was squeezing and crushing my heart. It hurts more.

"I hope they can figure out why it happened and why I did those things. Kaya gusto 'ko talagang mabago 'yon..." malalim akong napalunok saglit. "H-Hindi ko lang alam kung... darating pa ba ang pagbabagong gusto 'kong mangyari."

Then I felt his hands, tapping on my shoulder. Hindi ko pa rin magawang salubungin siya dahil hindi ko maitatagong nasasaktan ako sa mga nasasabi niya. Na baka, posible ngang hindi malabong totoo ngang gano'n ang mangyari dahil sa grabeng dulot na kahihiyan na naibigay ko sa kanila. 

"If not them, then me." nanlulumong nag-angat ako ng tingin at sinalubong naman niya ako na may pagsusumamo. "Ako lang... ako lang ang tanging tatanggap sayo. Wag mo silang isipin. Ako na lang ang isipin mo... ang tunay na may pakialam at mas nakakaintindi sayo."

Heto nga ba ang pagbabagong gusto kong mangyari?

Tama ba siya? Ito ba ang solusyon?

I can feel my heart squeezing. Na sa unti-unting paninikip, masakit at nakakamanhid. 

"Why are you so eager to me, Darcy? Bakit mo ginagawa sa'kin ang lahat ng 'to?"

"Kasi mabait ako."

"Tss..." muntik nang magrolyo ang mga mata ko dahil sa pagbibiro na naman niya.

Kahit kailan talaga... bihira lang kami makapag-usap ng seryosong dalawa.

"Pero Darcy, hindi por que mabait ka ay gagawin mo na sa'kin ang lahat ng 'to."

Masyado nang sobra. Na sa sobrang 'yon, natatakot ako. Natatakot na baka ikasanay 'ko.

"Maybe because you're the only woman who can make me look an honest man, Celestina..."

I stunned. Walang makapa agad na sasabihin. Palagi na lang niya ako tinatameme sa mga hirit niya. Kulang na lang bumili ako ng inhaler dahil kinakapos ako ng hininga! Balak pa yata akong patayin ng lalaking 'to!

"And you deserve this, Celestina. Huwag mong isipin na hindi mo deserve itong pinaparamdam ko sa'yo. Simula nang maibahagi mo sa'kin ang pinagdaanan mo, parang may nag-udyok sa'kin na gusto 'kong iparanas sa'yo ang gusto mo. Dahil kung hindi ako... sino? At wag mo din isipin na ginagawa ko 'to hindi dahil sa naaawa ako sa'yo. Hindi gano'n 'yon... hindi. Ginagawa ko 'to dahil gusto 'ko. Ginagawa ko 'to dahil gusto kong... maging masaya ka. Ginagawa ko 'to... kasi gustong-gusto kita." mas senswal at sinserong pagpapatuloy niya.

I gulped. Na kulang na lang lumutang ako pati ang puso 'ko. Kaya kailangan ko pang lumunok at baka pati puso ko lumuwa na dahil sa lakas ng kabog nito.

"Gustong-gusto kita, Celestina." he chuckled slowly. "Alam kong paulit-ulit na 'ko at baka nagsasawa't naririndi ka na—pero Celestina, sa araw-araw na kasama kita, mas lalong tumitindi ang nararamdaman ko para sa'yo. Mas lalong lumalalim ang isip 'ko sa mga bagay na gusto 'ko pang malaman mula sa'yo. At gusto kong malaman mo na hindi mo kailangan gawin lahat ng mag-isa ang mga bagay na gusto mo. Pwede mo naman gawin ang lahat ng 'yon na may kasama, 'di ba? Pwede rin ako... Pwedeng-pwede ako..."

"H-Hindi ko maintindihan kung bakit gustung-gusto mo 'ko." mas lalong naging malamlam ang tingin niya sa'kin.

At ngayon ko lang matatanong sa sarili. Deserve ko ba talaga ang lalaking 'to?

"Hindi ko rin maintindihan. God..." pumikit siya ng mariin at tumingala saglit, napailing siya sa sarili. Malutong at mahina pang namura at pagak na humahalakhak na ikinuwala. "Did put some cast a spell on me, Celestina—para mahumaling ako sa'yo ng ganito?"

Lumipas ang mga araw ay lalong lumalalim ang isip 'ko don.

At sa mga araw na iyon, napapansin ko na ang pagdalas na pag-alis ni Darcy kaya hindi ko siya masaktuhan o makausap ng maayos. Nakakauwi siya kapag may mga dala pa siyang kung anu-ano para sa'kin. At kung magkakausap naman kami, palagi niyang naililihis ang usapan.

Hanggang sa isang malalim na gabi, wala pa rin siya.

Hindi ako makatulog ng maayos. Gusto ko munang umuwi, kaso, hindi ko pa nakakausap muli ng matino si Darcy dahil madalas ay palaging may paalam agad ito na hindi pa lingid sa kaalaman 'ko. Akala mo lagi'y nagmamadali at may importanteng inaabala. Minsan nga naisip ko na, hindi ko alam kung sinasadya niya o sadyang busy lang talaga.

Malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan. Bumangon at tumayo ako sa kama, nagmartsang lumabas sa aking silid at nagdesisyong magtimpla ng gatas upang dalawin ng antok.

Mabuti ay kahit malaki ang kanilang mansion ay may natatangi pa ring mga dim lights rito sa tuwing maglalakad ako sa pasilyo pababa ng hagdan. Kahit papaano'y, sa sobra man na kalumaan, bukod sa hindi sila nagtitipid sa kuryente, nababawasan din ang aking takot.

Muntik naman ako magulat na sa medyo madilim na parte ay natanaw ko si Manang sa gilid, nakaupong mag-isa dito sa dining area, nakatulala at nagkakape. Akala ko, ako na lang ang gising dito! 

My, God! Mukhang ako pa ang mauunang mautas pa dito sa matandang 'to!

"Manang... nandyan pala kayo." untag ko dahilan ng pagkurap ng mata niya.

Sumulyap lang siya sa'kin. Tipid ko siyang nginitian hanggang sa nagdesisyon muna ako siyang lapitan.

"Bakit hindi pa po kayo natutulog? Malalim na ang gabi." 

Nakita ko ang paggalaw ng kamay niya.

"Wag mo sanang masamain. Ngunit kailan mo balak umuwi, hija?" imbes na masagot niya ang tanong 'ko, nagulat ako sa sulat niya na agad na nilapag niya pagkasenyas niya sa'kin.

Hindi agad ako nakapagsalita at natulala na lamang roon sa sulat.

"B-Baka po..." kahit ako rin ay hindi sigurado.

Sa totoo lang, nung isang araw pa ako nag-aaya kay Darcy pero naabutan naman ako ng hiya kapag alam kong may gagawin ito. Kaya hindi ko siya mapilit at lagi na lamang ako humahanap ng tiyempo.

Pero sadyang... hindi lang talaga ako makakuha. Nakakahiya naman kapag sapilitan kong aabalahin 'to.

"S-Siguro po, bukas. Tutulak na akong umuwi. Sana lang po ay hindi abala si Darcy."

"Hindi ka ba makauwing mag-isa?"

Napakurap ako.

Nagbara saglit ang aking lalamunan kaya't agad akong tumikhim. "K-Kaya ko naman po... uhm... sigurong makauwing mag-isa. May pera pa akong naitatabi." napakibit-balikat ako. "At uh... kaso lang po, nakakahiya man... ay baka hindi po umabot ang pera ko sa uuwian 'ko. Hindi ko rin po kasi alam ang... pasikot-sikot dito. Baka po ako maligaw dahil hindi ko po alam kung anong tamang daan na masasakyan ko pauwi." paliwanag ko.

T'saka mahihirapan din akong mag-commute lalo na kapag maghahanap ako ng masasakyan. Masyado kasing masukal ang lugar na 'to, e. Malayo sa siyudad. At kung may bahay man, siguro matatanaw ko lamang 'yon pataas ng bundok kapag naglalakad ako minsan sa tabi ng dalampasigan. Wala silang... malapit na kapitbahay rito. 

Dahan-dahan siyang tumango nang hindi tumitingin sa'kin. Parang nakatulala lang sa kawalan at malayo ang iniisip. "Nauunawaan ko. Kaya ka ba hindi makaalis ay dahil din kay, hijo?" tukoy niya kay Dracy.

Anong ibig niyang sabihin?

"A-ah... kasi Manang, baka busy talaga siya. Ayoko naman abalahin ang ginagawa niya. Kaya siguro bukas... kakausapin ko na talaga siya sa pag-uwi ko. Sana lang ay kaya ng oras niyang maihatid ako... pauwi."

"Hangga't maaari, umuwi ka na habang maaga pa."

Napakunot ako. Hindi ko alam ang magiging tugon ko sa direktang sinabi niya. At hindi ko rin alam kung dapat ko bang masamain iyon o hindi, at baka maisip niya na wala akong kahihiyan o mababaw ako.

Pero pinilit ko na lamang mangiti sa kanya kahit ang pait na ng pakiramdam 'ko na bumabalot sa kaibuturan 'ko sa sobrang kahihiyan. Kibit-balikat na lamang akong tumango sa kanya.

"Wag mo ng patagalin, hija." parang ang dating sa akin ay gustung-gusto na niyang umalis agad ako.

"M-Manang..."

Hindi ko alam kung masasaktan ako sa sinasabi ni Manang. At parang sabik na sabik itong malubayan ko ang kanilang mansion. Hanggang ngayon ba'y... ayaw niya pa rin sa akin? Sa presensya ko?

Ano 'yung pakikitungo niya ng maayos nung mga nagdaang araw? Pakikisama lang ba?

"M-Manang... hanggang ngayon ba... ayaw niyo pa rin sa'kin? May nagawa po ba akong mali para hindi kayo makapaghintay na umalis ako? Ano po bang ayaw niyo sa'kin para ayawan niyo ako?"

Naparte ang kaniyang labi at siya naman ang natigilan nang mabalingan niya ako. Dismayado ang nabasa ko sa kanyang mukha habang iniilingan ako.

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin, hija. Hindi ko sinabing ayaw ko sa'yo."

Lalong akong nakunot at nagtaka sa sinabi niya.

"Pero sa totoo lang... 'yun po ang nakikita't nararamdaman ko, Manang. Parang unang salta ko pa lang dito, ayaw niyo na agad sa presensya ko. Nauunawaan ko po 'yon, pero sa pagdaan ng mga araw..." napailing ako at dismayado sa sarili.

Parang may nagagawa akong maling bagay sa harap niya sa tuwing nagpapanagpo ang aming mata. 

Nadinig ko malalim niyang paghinga. "Hindi iyon ang gusto kong iparating. Mali ka, hija. Pero pasensya na kung iyon ang naiparamdam ko sa'yo nung una. Pero kung mananatili ka, dapat handa ka at pag-isipan mo muna ng mabuti."

Naging matiyaga naman ako sa mga tugon niya sa patuloy na pagsusulat niya.

"Manang..."

"Pipi lang ako, ngunit hindi naman ako bingi at bulag, hija. Hindi rin ako manhid para 'di ko maramdaman ang namamagitan sa inyo ng amo ko."

Nakakunot na ang noo niya habang inaangat niya't tinapat pa sa mukha 'ko ang kwadernong sinusulat niya.

Napalunok ako.

Hindi pa man ako sumasagot, padabog niyang ibinaba ang kwaderno na ikinaigtad 'ko, at mabilis na nagsulat dahil may panibago na naman siyang tanong.

"Hija, mahal mo ba si Ser Darcy?"

Napaawang ang labi 'ko at tila natuod. Gusto 'kong sagutin agad pero nagugulat talaga ako dito sa matandang 'to. Kaya mas nauunahan ako ng hiya, lalo na ang kaba.

Kaba... na ano kaya ang maiisip niya sakaling sabihin 'ko ang totoo?

Naningkit ang kanyang mata dahilan ng pagbalik ng reyalidad 'ko. Makailang segundo pa ang nangyari para pakalmahin at handain ang sarili sa sasabihin.

Kinagat ko saglit ng mariin ang aking ibang lalabi at nagpakawala ng malalim na hininga. Mahal? Masyadong malaki ang salitang 'yon pero... alam ko sa sarili ko, naamin at natanggap ko na ang nararamdaman ko sa lalaki.  Nagbaba ako ng tingin at dahan-dahang tumango sa harap niya.

"G-Gusto ko po siya, Manang..." maliit na boses na impit 'ko.

Pumikit ako ng mariin at kahit hindi ko pa sinasalubong ng tingin ang matanda, mukhang masama na yata ang itinutuon nitong tingin sa akin. Kasi sino ba naman ako?

Isa lang naman na estrangherong babae na sumama at dinala lang ni Darcy sa mansion niya, tapos malalaman na lang niya bigla na may namamagitan na agad sa aming dalawa! Kaya hindi ko rin siguro masisisi ang matanda sa naging asta niya sa'kin.

Tumikhim siya saglit at naging marahan na lamang ang kanyang galaw.

"Sigurado ka ba?" nakataas na ang kanyang kilay. Ngunit mas kalmado kahit na 'di pa rin nawawala ang kunot na noo sa kanyang mukha.

"Opo..." mahina akong natawa at tumango. "...at hindi ko rin alam kung bakit."

Maaliwalas at malamig ngayong gabi, pero 'di ko alam kung bakit umiinit ang pisngi ko sa kahihiyan.

Nagtagal ang tingin sa'kin ng matanda. Para bang sinusuri nito ang kabuuan ko lalo na sa bawat parte ng aking mukha. At masasabi kong, masyadong naiilang na ako sa paraan ng paghagod na titig niya.

Dahan-dahan niyang pinakita na sa'kin muli ang kwaderno.

"Mabuti. Sana mahalin mo pa lalo siya ng lubos. "

I stunned at napaamang ako kalaunan. Sa mapait niyang maliit na ngiti ay tumango siya at bumuntong-hininga ng malalim. Para bang nabunutan ito ng tinik na matagal nang napapabagabag ng loob niya sa hindi 'ko maipaliwanag na dahilan.

Hanggang sa napaiyak siya nang hindi ko namamalayan.

"M-Manang, ano pong problema? Bakit po kayo biglang naiyak?"

Parang gripong naging tuluy-tuloy ang pag-agos ng luha niya. Hindi ko tuloy alam kung kasalanan ko ba at tama bang maramdaman ko ang kosensya kahit na 'di ko alam ang dahilan. 

"May masama po ba akong nasabi?" tuluy-tuloy pa na tanong 'ko nang 'di pa siya nakakatugon mula sa sulat.

At kahit sa pagpunas gamit ang kanyang palad sa pisngi, ay may lumalandas at namumuong luha pa rin. Hindi ko tuloy siya natiis na 'di lalong lapitan at agad na ipinatong ang aking kanang kamay sa kanyang likod, upang hagurin ito. Tuloy-tuloy lang ang pagpunas niya sa mahinang pagpatak ng luha niya, habang malalalim ang kanyang paghinga.

Hindi ko maiwasan tuloy na mag-alala sa kanyang kalagayan. May pinagdadaanan kaya ang matanda? At bakit... sobrang emosyonal nito nang malaman niya ang nararadaman 'ko sa amo niya?

"Mahalin mo lang siya at napakasapat na. Kahit na anong mangyari... mahalin mo lang siya..." kahit pipi ang matanda ay lalong lumubong ang aking puso na lalong ikinaamang 'ko nang impit pa itong nagpakawala ng iyak.

"O-Opo..." mas lalo ko siya hinagod sa likod upang kumalma. "Wag na po kayong umiyak..." patuloy na pagpapatahan ko. 

Hindi ko rin alam ang gagawin, ngunit nang makaraan naman ng ilang saglit ay kumalma rin ito. Pinanood ko lang ang pagsulat niya, kahit na masyadong 'di ko makita. At nang mag-angat siya ng tingin sa'kin ay marahan at sinsero nang ngumiti ito. Walang nang mababahidan ng kung ano.

"Salamat. Masaya ako para sa inyo, hija. Masaya ako. At sana ay wag mong iiwan at hindi ikaw ang maging dahilan ng paglungkot niyang muli kalaunan. Makakaasa ba ako?" at sa unang pagkakataon ay nakita ko ang kanyang marahang pagngiti.

Punung-puno ng emosyon iyon, at hindi ko maipaliwanag.

At hindi ko alam na sa mga oras na sandaling 'yon, posible palang magbago ang pananaw at desisyon 'ko. Posible pala na ang determinado mong nararamdaman ay tila unti-unting makalas iyon dahilan para lalong mahirapan ako.

"God, Celestina..."

I couldn't open my eyes properly. I wanted to hook my arm around his neck to kiss him even more, but he stopped kissing.

"Darcy, we need to talk. Please?" biglang sabi ko nang pigilan ko ang panghihinang nararamdaman. 

Kung hindi rin siguro siya saglit na tumigil upang kumuha ng hangin ay hindi na naman ako mababalik sa reyalidad. Palagi na lang ganito, na sa tuwing may sasabihin akong importante, madalas ay puputulin niya sa pamamagitan ng halik. 

Nakaawang labi niya at pulang pula ang mga 'yon. It's moist is very tempting. Nag-iwas na lamang ako ng tingin at nilagpasan muna siya. Sinubukan niya akong hilahin palapit, pero panghihina'y nakawala ako saglit.

Ramdam ko ang pagsunod ng tingin niya.

"Ayoko ng dagdagan ang sama ng loob ng pamilya ko. Baka tuluyan na nila akong itakwil. Kailangan ko na talagang umuwi..."

"Sumama ka na lang kasi sa'kin kung gano'n!"

Napairap ako sa kawalan. At bumuntonghininga ng malalim. Naiiling na sumandal ako saglit sa dingding.

"Hindi mo iniintindi ang sinasabi ko."

He came closer as he held my hand. He caressed it in feathery strokes. Nanikip ang dibdib ko habang ginagawa niya ito.

"Kung kaya ka nilang pakawalan. Ako, hindi. Hindi kita iiwan... nandito lang ako sa tabi mo. Kaya wag kang magdadalawang-isip na sumama sa'kin."

That's not even a fucking choice.

Mahal ko siya pero hindi ganito ang naiisip ko. The thought of living with him is fine, but it scares the shit out of me. Marami pa akong pangarap. Masyado pang maaga sa'kin ang ganitong bagay. Hindi pa ito ang tamang pagkakataon. At masyado pa akong bata... Leaving this place would mean leaving my family, my friends, my dreams and my obligations.

"Parang 'di ko kaya..."

If only leaving for my love for him, I can do more. But the departure he demanded would mean I would have to leave my family too.

Pumungay ang mga mata niya niya habang hinahawakan niyang mabuti ang kamay 'ko. I hate how weak he's holding my hand. Hinawakan ko ng mabuti ang kamay niya para hindi tuluyang makalas.

"Hindi ko na lang pwede bastang talikuran ang pamilya 'ko. Ang pangarap ko. Lalung-lalo na ang problemang iniwan ko sa kanila."

"Kaya kitang buhayin. Kaya kong ibigay sa'yo ang lahat ng gusto mo. Maaaring ayawan ako ng pamilya mo sa'kin—"

"Then let's try!" hindi naman siguro masamang subukan kung sakaling ipakilala ko siya sa magulang 'ko pagdating ng araw. 

"Oh, come on, baby! The clock is ticking. Nasasayang ang panahon at oras na'tin..."

"That's hard, Darcy. Hindi pa alam ng mga magulang ko tungkol sa'tin. Hindi sila makakapayag. I don't want to cause any more trouble and pain to them."

"Just please... let's escape. I'll hide you from your family, Celestina. They will never imprison you again. Never... never again," pagpupumilit pa niya.

"Why don't we try, Darcy? Ang dami ko ng kasalanan sa kanila. At gusto ko ng itama iyon. Mapapatawad naman siguro nila ako."

"Paano kung hindi? Anong mangyayari sa'tin?"

Napapagod na bumuntong-hininga ako ng malalim. "Aalis muna ako. Pupuntahan at babalikan ko muna ang pamilya ko. I'll wait till they're okay. That way..."

Umatras siya at umiling kaya mas lalo akong nanlumo at naiyak sa prustrasyon. I can't believe he expects me to be with him. I know his intentions are good, but his idea is really not good!

Tumitig lamang siya sa'kin.

"And I don't have anything yet. Estudyante pa lang ako. Madali lamang para sa'yo dahil walang kaso sa'yo pero... meron sa'kin."

"I'll provide you anything you want. Any...thing..."

Hindi na ako nagsalita. Napapagod na ko. At umiikot lamang ang pagtatalo namin araw-araw. At sa araw-araw na 'yon, palaging magkasalungat ang desisyon naming dalawa.

"Please, Celestina. I promise I won't disappoint you."

Hinila niya ako. Ang tanging nagamit ko lang na tingin sa kanya ay panghihina't at panghihinayang.

"Celestina..." he whispered.

Umiling ako at naugat na lamang sa kinatatayuan 'ko.

"You know the first things of truly living... is do the thing you're most afraid of."

Wala na akong maisalita. Hinayaan ko na lang siya sa mga sinasabi niya. Pero ang desisyon 'ko, hindi na magbabago 'yon.

"Just think about something else you like. What else do you need? Tell me... anything. You want to travel, right?"

Malalim ako napalunok. He looks so hopeful na sa sobrang nakabakat 'yon sa mukha niya ay tila kakagat din ako sa pagkumbinsi niya.

"Just because you're miserable, doesn't mean you shouldn't see the world..."

Ang sarap sana marinig ang mga sinasabi niya, pero alam kong ibang sitwasyon na 'to kaya 'di ko magawang lubusang magdiwang pa.

"It's just been settled. I'm gonna show you life as you've only dreamt it. Maybe we'll start in Italy. There's lovely church outside The Duomo of Milan." mapagsumamong sinabi niya habang nakangiti sa'kin. 'Yung ngiti na alam mong may halong lungkot at umaasa. 

Napakurap ako. He's unbelievable!

"And then I'll show you Hirosaki Castle in the springtime in Japan, the Tianmen Mountains and the Glass Plank Walk in China, and every fucking inch of the Louvre." aniya na parang sabik at nangangarap siya ng gising na makasama talaga ako.

Oh my, God.

These are romantic spots, popular for dates, honeymoons and weddings!

Ano ba 'tong mga sinasabi niya?

Mukhang planado niya pa dahil alam na alam niya ang mga lugar na pupuntahan sakaling sumama talaga 'ko sa kanya. Alam kong mayaman 'yan. At na hindi ko siya nakitaan ng yabang roon. Pero sa mga lugar na binabanggit niya, ay tila maliit na bagay lamang ito sa kanya. 

And damn! If I really go with him, I think this is too much! 

"Plano ko 'yan para sa'tin. It's our date..." he sensually smiled upang lalo akong matulala sa kanya. "Or honeymoon, hmm? I wanna marry you—"

"D-Darcy..."

"—someday. And it's time to start living the life you really want, Celestina..."

Is he for real? He's crazy.

"Change your mind, and changing it again, because no thing's permanent in this world, Celestina... Wala namang masama kung hindi umaayon ang plano sa nangyayari ngayon."

P I E D R A I J A D A 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro