PHASE 24
Natulala't lumalim tuloy ang paglalangoy ng isip ko sa sinabi niya.
Sino naman kaya 'yung nanakit sa kanya? At ano ang dahilan ng paghihiwalay naman ng... minahal niya? Gusto ko sana siyang tanungin ro'n ngunit pakiramdam ko'y ayaw niyang pag-usapan.
Ayaw niya ba? O baka naman... ako lang itong yung ayaw na makadinig?
Sa saglit na natanto sa sarili—at bakit naman kaya, Celestina!?
Anong dahilan? Ayaw mong malaman? Wag mong sabihing nagseselos ka na?
Pero gustuhin ko mang itanggi ang sarili 'ko... ang isipin pa lang na maraming dumaan sa kanyang babae ay lalo akong nakuryoso at labis na hindi ko na rin naman ipinagtaka.
Magiging hindi lang kapani-paniwala para sa'kin kung walang maraming babaeng dumating sa kanya. At mukhang 'di tulad ko... mas marami na siyang alam at karanasan. Kahit na inaasahan ko na ito... hindi ko rin naman itatangging nagugulat pa rin ako kapag naririnig ko ito galing mula sa kanya. Lalo na sa kaalamang... minsan na rin siyang nagseryoso sa isang babae.
I sighed at that thought. Nakuryoso tuloy ako kung sino ang mga iyon. At kung paano niya ituring ang mga ito. Ganito rin kaya siya sa mga naging girlfriend niya?
Mukhang mahaba pa talaga ang lalakbayin ko para lubos na makilala siya. Hindi ko rin lubos na maisip na delikado rin pala siyang maging boyfriend. Kahit naman mabait ang tungo niya, mukha rin kasing pilyo siya.
Ngayon ko lang rin napag-isip-isip... nakailan kaya siyang girlfriend noon? Sa itsura niyang 'yan, ngayon ko lang napansin, kumpara sa'kin ay mukha siyang matured... at hindi na estudyante. At paulit-ulit ko ng pupunahin na bukod sa gwapo talaga siya, mayaman—malamang, marami na ding babaeng nahumaling sa kanya na maaari ring... pinaburan niya. At bakit hindi? Sa gwapo niyang 'yan ay para bang hindi maaaring kukuntento lang sa isang babae. Patuloy siyang titikim ng pulot sa iba't-ibang bulaklak tulad ng isang bubuyog.
"You look old—I mean, too matured for me. Mas maaga ka rin siguro namulat kaysa sa'kin." pagpuna ko sa kanya. "At hindi ako makapaniwala na ang isang tulad mo ay nasasaktan din pala sa isang babae." para bang gusto kong matawa ngunit pinigilan ko na lamang.
Yea... he looked so matured and very... bulky. Halatang batak sa gym at parang mas malaki ang kaibahan ng tindig niya katulad ng mga karaniwang college boy na madalas na nakakahalubilo't nakikita ko.
"Mind if I tell you, Celestina. Tao lang ako, hindi Diyos." mahina't natatawang wika niya na nagpabalik ng wisyo ko.
Sabagay... Pero kasi, iba ang interpretation ko sa kanya. Baliktad. Para sa'kin, siya 'yung tipong mapaglaro at walang pakialam na magpaiyak ng babae. At kahit mukhang hindi naman talaga intentionally, marami pa rin pala talagang iiyak kapag wala siyang interes at hindi niya nasuklian ang pagkagusto nila sa kanya... na parang siya 'yung tipo na marami nagsasabi na... ang isang tulad niya ay worth it iyakan ng balde-baldeng luha ng mga kababaihan—kahit hindi niya namamalayan.
And that is the most powerful aspect of his absolute beauty.
"Para kasing ang hirap paniwalaan. Minsan iniisip ko na sa dating mong 'yan, you played with girls so much all your life, na ngayon kahit girlfriend mo na 'ko, maaaring pagsawaan mo rin ako—"
Natigilan at napalunok ako saglit sa isiping iyon at muling nanakit ang aking lalamunan sa dagling pagbara muli nito, habang kung sa'n na naman naglilipana ang utak ko't iniisip ang mga sinabi ko.
"—k-kaya naisip ko no'n na baka... pinaglalaruan mo lang din ako." I bit my lower lip and cleared my throat.
"Here we go again." he replied in a lazy tone. Para bang nagsasawa na siyang marinig ang mga ito mula sa'kin. "Bakit mo naman nasabing pinaglalaruan kita?" parang nakakunot na ang noong tanong niya dahil sa pag-iiba ng tono niya.
Ramdam ko ang paglingon niya kahit hindi ko pa siya nililingunan. Bumuntonghininga ako ng malalim at napairap sa kawalan.
Saglit na bumagsak ang tingin ko sa binabaybay naming mabuhanging daan. Sa bawat yabag ng kabayo ay siyang hampas at wisik ng along tubig ang kumakalabit sa pandinig ko. Tuluyan nang umaraw, ngunit mas maaliwalas na hangin ang nangibabaw.
"Oh Dracy, I know your type. You probably have girls lining up for you."
He chuckled a bit. Hindi ko alam kung sarkatiko ba 'yon o ano.
"Mukha ba talaga 'kong hindi kati-katiwala para maisip mo 'yan sa'kin?"
I would have said more, but I figured he'd just laugh at me, or worst; maasar lang siya sa'kin so I didn't. Sinubukan kong sulyapan siya saglit, ngunit nagparte ang labi ko nang mahuli kong nakatuon pala ang atensyon niya sa'kin.
His face turned grim. Tumaas pa ang kilay niya at tila hinahamon ako. I sucked a deep breath. Mabilis na kumurap ako saglit at tumikhim. Iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya.
Everytime our gaze met and he looks serious, parang nadadagdagan ang milyang edad naming dalawa. He looks very intimidating and dangerous that I couldn't even bring myself to say anything. Kahit hindi ako kumportable sa pagiging mapang-asar niya—sanay na ako dahil 'yun na ang pagkakakilala ko sa kanya. Ngunit mas lalo yata akong hindi magiging sanay lalo na kapag mukhang seryoso siya. Ibang Darcy ang nakikita ko, lalung-lalo na ang nararamdaman ko... Malayo sa pagkakakilala ko.
"Paano 'ko ba malalaman na hindi mo nga 'ko pinaglalaruan?"
"Hinahamon mo ba 'ko?" natatawa na niyang tugon sa'kin.
He laughed mockingly. Akala ko ay hindi siya makakasagot dahil maaaring mabisto ko siya at malaman kong niloloko nga 'ko at inaasahang hindi siya makakalusot sa tanong ko. At kung meron man, ano naman kaya ang maaaring palusot niya at mabulaklak na naman na salita ang sasabihin niya?
Alam ko... mali na patuloy pagdudahan ko siya. Pero gusto ko lang makasigurado... dahil hindi rin naman naging madali at basta itong desisyon 'ko na tanggapin siya bilang... boyfriend ko. At payagan ang sarili kahit na kahit alam kong bawal pa... sinugal ko at sinubukan ko pa rin kahit hindi ko naman talaga 'to plano. Dahil sa isang banda, gusto ko. Inaamin ko, gustung-gusto ko... gusto ko rin ito.
At siguro, dito ko natanto na malaki nga tiwala at pagkagusto 'ko sa kanya para 'di pa umabot sa mahabang panahon na salubungin siya ng mundo 'ko at tuluyan rin siyang papasukin 'ko.
"Then let's get married."
Umawang ang labi 'ko. His lips lifted in a cruel smirk.
"W-What?" gulantang kong tugon sa nakakagulantang niyang sinabi.
Ang dami niyang maaaring sabihin pero ito pa talaga!?
"What?" tila'y ginaya niya pa ang reaksyon ko.
Sinamaan ko agad siya ng tingin. Yung mukha niya ay para bang matatawa pa sa'kin.
"Para matanggal na 'yang pagdududa mo." he grinned at me and smirked. Lalong tumaas ang kilay niya na lalong nagpapilyo sa gwapong mukha niya. "What? Willing naman akong magpatali sa'yo. Sabihin mo lang at luluhod agad ako."
"A-Anong luluhod!?" I sucked a deep breath again. Ngunit agad na nakabawi rin. "Ang OA mo, ha! Kasal agad!?" napangiwi ako at pinandilatan siya ng mata, lalo namang lumawak ang pagngisi niya. "Oh, Darcy! Stop your grin! Masyado ka na!"
"Oh, bakit? Dun din naman papunta 'yon, kaya bakit pa natin patatagalin 'to?" painosente niya pang reaksyon.
Alam niya ba ang sinasabi niya? Talagang niloloko na naman ako nito! Tsk!
"Ikaw rin... masarap kaya 'kong magmahal. 'Di ka na lugi, masarap din akong maging asawa. At lalong mas masarap ako."
"Ano ba, Dracy!?" naiinis na wika ko. "Mind if I tell you too, estudyante pa lang ako, ha! Wala pa sa isip ko ang pag-aasawa!"
"Well, I can be your sugar daddy." his lips turned into cruel smirked.
"Oh my, God!"
I just groaned in annoyance at mahigpit na umiling na lang sa kanya. Napuno na naman ng alingawngaw na halakhak niya sa buong kaislahan.
Unang araw pa lang namin... ganito na kaagad ang ipapakita niya sa'kin. Palala siya ng palala.
Eh, ano pa bang bago? Kahit naman nung hindi pa kami... sakit na talaga siya sa ulo, sobrang pang-asar at kulit na niya. Kaya nga pati puso ko, hindi na kinaya't sumuko na din sa kanya, 'e!
Hay! Ano ba 'to!? Ang corny ko na!
Pero totoo naman...
A bark of laughter escaped from him. Lumapit siya at naramdaman kong muli ang kanyang dibdib sa aking likod. Imbes na magprotesta ay pumikit na lang ako at suminghap dahil nasasalo ko ang init ng katawan niya na lumalanit sa balat ko.
He is really damn hopeless. I wonder if I could get used to him. Or I could tolerate his crudeness...
Umiling na lamang ako at nagpatuloy sa pag-abala sa sarili sa pagtingin ng mga magagandang tanawin.
"Celestina..." he called.
"Hmm?" wala sa sariling tugon ko.
Kung dati ay para akong napapaso kapag napapadikit sa kanya, iba na ngayon. I feel secured and comfortable in his arms. Unti-unti na rin akong nasasanay sa mga ipinararamdam at pinapakita niya. Lalo na sa presensya niya.
"Akin ka lang, hmm...?" bulong niya na ikinatuod ko.
Sinubukan kong pumormal kahit na sa loob-loob ko'y patindi na patindi ang epekto niya sa'kin.
It's like attractive damn suicide.
Even though I am aware that the effect can be rough and cruel, I still continue to take it in. It's like a blessing and at the same time, maybe it's a curse.
Pasimple akong tumikhim at lumunok. "You are so possessive. Siguro ganyan ka rin sa ibang mga babae mo noon..." pinilit ko siyang asarin kahit na sa loob-loob ay parang sasabog ang kung ano na namang dumadaga sa dibdib ko.
He groaned dramatically. Hinayaan niya ang ulo niyang bumagsak sa balikat ko na tila napapagod na sa mga buwelta ko. Mas lalong nanginig ang kalamnan at kaloob-looban ko nang yakapin niya pa ako mula sa likod, at puluputin pa ng mga mauugat at malupit niyang mga braso sa kawawang maliit na baywang 'ko.
Kung titingnan ay para niya akong nahuli ng walang kahirap-hirap at anumang oras ay maaari niya akong mapirat sa laki ng katawan niya. Ngunit kabaligtaran naman ang pinaparamdam niya sa'kin. Marahan... malambot... mapag-ingat na para akong isang manipis na babasagin na iniingatan dahil anumang oras ay maaari akong mabasag.
May pagkakataon na sinasadya niyang higpitan ng tama at niluluwagan. Para bang pinapakiramdaman niya kung gaano ako kalambot dahil ramdam ko kung gaano siya kakalyo't katigas na tao.
Tinulak ko siya saglit para bumalik ang tingin niya. Slowly, he opened his eyes teasingly. Kahit pa anong bigyan siya ng malamig na tingin, hindi ko na magawa.
"T'sansing 'to..."
Nanulis ang labi niya't lalong kumurba ito.
"Walang iba ngayon, Celestina." malayo sa tugon na pang-aakusa ko sa kanya.
"Ngayon. Bukas meron." pabalang ko sa kanya.
I automaticaly felt his lip on my nape. Hindi ko alam kung aksidente ba 'yon dahil sa padyak ng kabayo.
I groaned and he laughed.
"Hey! I don't do with other girls. The hell I care what they do, so stop worrying. Wala ka dapat ikaselos."
"H-Hindi naman ako nagseselos." he smirked more, parang ayaw pa maniwala sa'kin.
I just rolled my eyes.
"Hindi daw... Eh, bakit umiirap ka sa tuwing binabanggit mong marami akong babae?"
"Bakit, totoo ba? Alangan namang nakangiti ako habang binabanggit 'yon?" dinig ko ang lalim ng buntonghininga niya, pero parang lalo pa yata siyang natutuwang masdan ako habang nagsasalita ako. "I bet. Maybe you are also cruel to them. You dumped them mercilessly—"
"No way. If I turn them down, it's in a good way."
Napaismid ako.
"Alam kong gwapo ako, Celestina. Pero hindi ako babaero. Maniwala ka man o hindi, loyal ako sa babaeng gusto ko. God... why are we arguing about this? When in fact, ako lang naman 'tong madalas... iwan... maloko... lalo na ang takbuhan. Kaya bakit ko gagawin 'yon sa taong gusto ko kung alam ko ang pakiramdam no'n? Kaya kung masakit 'yon para sa'kin... malinaw na 'di ko rin yun magagawa sa'yo."
So he is one-girlfriend-at-a-time kind of man? I really thought he's a lethal, player, and ruthless...
"But I won't deny it, there are some women who have really passed by me, ngunit bilang na lamang iyon sa aking mga kamay. It's not just working after a long time..."
I pursed my lips as my brow raised. "Marami ka na talagang karanasan..." napabuntonghininga ako ng malalim. "Anong dahilan kung bakit hindi rin sila makatagal sa'yo?"
Sus! Baka babaero talaga! Sabihin na lang niya kasi, hindi yung itatanggi pa niya!
"Ano nga ba? Hmm... dahil sobra daw akong magmahal?" he laughed a bit.
"Hah." ang tanging unang lumabas sa bibig ko at lalong nagpakunot sa'kin. He's very impossible! "Dahil lang do'n? Seriously? Anong mali do'n? Kung ganyan ang dahilan nila—aba! Ay napakatanga naman nila at sinasayang ka!"
Nadinig ko ang tawa niya sa sinabi ko.
Bahagya niyang pinisil saglit ang tungki ng ilong ko. Napakurap ako. "Oo nga. Kaya wag mo 'kong sasayangin, ha?"
Pinilit kong ngumuso ngunit sa huli, hindi ko napigilang mapangiti sa kawalan. Buti na lang ay 'di niya makikita itong nakakahiyang reaksyon ko.
The hell! Bakit ko nga ba pinoproblema ito kung totoo naman talaga ang sinasabi niya? Kailangan ko na talagang itigil itong pagdududa ko sa kanya.
"Perhaps that was traumatic for you?"
"What?"
"You know... things that happen over and over again make us sick of it. It's like you'll just get tired and never hope again. "
He heaved a sigh. "Yeah... once, I thought that I didn't want to love again because it's scary to get used to it. To be attached by someone that they are not afraid to leave you anytime. "
So, that explains a lot.
"Eh, ngayon? Takot ka pa rin ba?"
"That was before, Celestina. But now that I've met you, I'm still scared, hindi naman mawawala 'yon... but I'm ready again. Ikaw na ang bahala humawak ng baso, basta ako bahala magpuno nito. Because this is why I want to. Because it is you that I really want to..."
Ayoko, pero namamangha na naman talaga ako sa mga sinasabi niya.
"You really have a lot of experience..." ang tangi kong nasaad.
Kaya pati 'yang mga sinasabi niya... sanay na at hindi nahihiya. Nakakaya na niya 'kong madala. Hindi tulad ko na marami mang gustong sabihin... wala naman akong lakas para maisatinig sa kanya lahat.
Napatikhim na lamang ako at tuluyang wala ng masabing marami.
"Experience, hmm... baby, are you justifying my sexploits?"
Natigilan ako at mabilis na kumurap palingon sa kanya. He gave me a teasing look. Kaunting kibot ng labi ay mabilis na lumulubog ang dimples niya. Damn it.
"A-Ano? Hindi ah! Ang ibig kong sabihin... sa ibang bagay din! Hindi sa ano lang, 'no! Bakit tingin mo ay isa lang ang iniisip 'ko?"
Ganun na ba 'ko kahalay-halay sa paningin niya? Iyon ba ang naiisip niya sa'kin? Oo, gwapo siya. Pero... hindi ko naman siya pinagnanasaan ng gano'n!
"Ah, so kasama rin pala 'yan sa mga iniisip mo? Anu-ano naman kaya 'yon?" tumaas ang kilay niya at nagbabadya na namang kumurba sa pagkangisi ang kanyang mapulang labi. "So, tell me. What are you thinking about, hm?" panghahamon niya pa sa'kin.
Mahigpit kong iniwas muli ang tingin sa kanya.
"Ala ewan ko sayo!"
He laughed so hard that I could almost feel him shaking behind me. Ngumuso ako upang magpigil rin ng ngiti. Naiinis ako ngunit nangingibabaw ang tawa ko dahil sa paraan ng tawa niyang nakakahawa.
"Marami na kong pinaranas sa'yo na mga gusto mo, Celestina. Ano pa bang gusto mo? Maybe soon, I'll provide you the experince that you really want. There's a right time for that. Magsisinungaling lang ako kung itatanggi ko at gusto ko man... ayoko namang madaliin at biglain ka. Maghintay ka lang, malapit na tayo sa exciting part." nakakaamang pa na paliwanag niya.
"Anong bang pinagsasabi mo!?" lalong kumunot ang noo ko.
"Alam mo na 'yon." lumiit ang tono't binulong pa nito sa tainga ko dahilan panandigan ako ng balahibo.
Naalarma ako. "A-Ang bastos ha!"
"Anong bastos?" he chuckled a bit. "Wala naman akong kahalay-halay na direktang sinabi."
Marahas akong bumuga ng hangin. Sa isang singhot ko ay bahagyang napaubo pa ako kahit wala naman akong kinakain o iniinom.
"But don't worry, my experience will be great use to you. Isipin mo na lang na kaya ako naging dalubhasa at maraming karanasan ay para maturuan din kita..." at naging mapaglaro na naman ang tono niya.
Hindi ako tanga kung anong klaseng tono't pinahihiwatig niya, ngunit pinilit ko pa ring hindi intindihin iyon at baka nagkakamali na naman ako hanggang sa mapahiya na naman ako.
"Turuan ng ano?"
"Hmm... what do you think?"
What the heck?
"The question is..." he paused for a while, naramdaman ko pa ang mainit na hininga niyang tumatama sa dulo ng tainga ko saka bumulong muli ito. "...are you woman enough to find out?" talagang may hirit pa siya para lalo akong ma-trigger!
Ayoko na lang talaga mag-talk! Mauubusan ako ng hangin at matutuyuan ako ng ugat sa lalaking 'to!
"Naku, Darcy! Tigilan mo 'ko at tatamaan ka na sa'kin!" inis na banta ko sa kanya.
"Grabe ka naman. Hindi ba pwedeng turuan kitang mahalin at alagaan ako ang tinutukoy ko?" painosente talaga.
Padarag akong bumuga ng hangin. "Alagaan? Malaki ka na, 'no! Ano ka, baby!?"
Natawa na naman siya. "Baby mo. Hindi ba't ginagawa 'yan ng mag-asawa?"
Okay. That was smooth. Masyado siyang matulin lumandi tulad ng inaasahan ko.
"Mag-asawa ba tayo?" buwelta ko rin sa kanya at sa isang sulyap ay binigyan ko siya ng sarkastikong ngiti.
Tumaas ang kilay niya't mukhang hindi rin talaga magpapatalo.
"Magiging pa lang... kasi papakasalan kita."
Wow ha!
"And I know how to take care of you. Samantalang ikaw, you haven't been with a boyfriend, right? So, dapat, masanay at maghanda-handa ka na."
Ano bang paghahanda ang sinasabi niya? Tsk!
"Wag ka mag-alala, dadahan-dahanin naman kita."
Napairap ako't inignora na lamang siya.
"Whatever." naiiling kong wika na lang sa kanya. "You win, Darcy. You always win."
Suko na lang talaga 'ko sa kakulitan niya.
Isang magaan na hanging ibinuga ko mula sa aking baga. Halos antukin na yata ako habang nakasakay sa kabayo dahil sa masarap na hanging dumadapyo sa mukha 'ko. Hindi ko alam kung gaano na kami katagal gumagala rito, pero nag-eenjoy naman ako. Nawala na ang takot at kaba ko dahil magaling itong kasama ko.
Pinagsawa ko na lang ang mga mata 'ko sa mga natatanaw 'ko, dahil anumang oras ay maaaring... hindi na ito maulit pa. Kaya kailangan kong sulitin na. Mukhang mamimiss ko talaga itong lugar na 'to sa oras na makauwi ako...
At lalong... hindi ko rin alam mangyayari sa aming dalawa 'pag nagpasyang umuwi na ako.
Napabuntonghininga ako ng malalim. Naramdaman kong bumagal ang kabayo ay 'tsaka lang ako dumilat. I'm so flushed and dizzy from whatever I'm feeling on his arms. Tiningala ko siya, mula sa aking mata ay bumagsak ang tingin niya sa aking labi.
"Hey..." he whispered.
I gave him a small smile at binalik muli ang tingin sa unahan habang napapasandal na ako sa kanyang dibdib. Kaya lang... ang kaninang kalmadong nararamdaman 'ko ay tila nagkaroon ng bagyo sa loob-loob ko.
"Fuck," he said softly.
I heard him sniffed. Para bang sa bawat singhot niya ay nararamdaman ko ang dampi ng bibig niya. At ang hininga niya dumadapyo sa anit ng ulo ko.
Sinubukan ko siyang lingunin. My lips parted and he bit his lower lip.
"Sorry... ang bango mo lang."
Napakurap ako ng dalawang beses. "I uh...it's okay." naiilang na sagot ko sa kanya.
Napalunok ako nang maramdaman ko lalo ang bisig niyang pumulupot sa baywang ko, at marahang kinagat at hinaplos ng kanyang mga palad sa magkabilang gilid nito. Lihim akong napasinghap.
Hindi ko maintindihan, bigong-bigo siya habang nakatitig sa'kin. Hanggang sa binaba niya ang kanyang mukha at pinatakan ang labi ko ng isang halik.
Sa sobrang gulat at pagkamangha ko na naman ay tila'y natigil ang oras para sa'kin. Nangatog ang aking binti at pakiramdam ko'y matutunaw iyon. Kung hindi niya lang ako hawak sa panga at baywang ko, malamang kanina pa ako nalaglag sa kabayo sa dagling panlalambot 'ko.
His kiss felt like a feather on my lips. Ngayon ko lang natanto na gaano man katigas ang lahat ng bahagi ng katawan niya, kahit ang mga mata pati ang proporsyonadong panga niya, may itatago pa rin palang lambot siya... at hindi iyon malalaman ninuman... hindi ko malalaman hangga't hindi ko siya nahahalikan. His soft lips... his kiss is like a soothing song whispering in my ears, making me want to fly and lie in the clouds.
He kissed me for the second time, this time a little longer and deeper... It is different from his previous soft kiss, but it is still soft and caressing. My mind clouded even more when I felt his finger tracing my cheek and jawline, leaving an electricifying strange feeling in me.
It's my frigging first kiss like this... 'yung alam kong halik na sigurado akong hindi nakapantay ninuman kahit na aksidenteng halik na nangyari sa'min noon ni David. Hindi ko maiwasang ikumpara iyon. Sa nauna—ayoko. Hindi ko gusto. Siguro... ay dahil hindi ko rin gusto ang humalik no'n sa'kin. Pero pagdating sa kanya, kahit magdalawang-isip ka—bibigay at bibigay ka pa rin talaga hanggang sa mabaliw ka.
I don't know what to say or what to feel. Basta't malakas ang tibok ng puso ko at nanghihina na ako. Para bang may gustong mag-umalpas sa kaibuturan ko. At hindi ko alam kung ano iyon. Para bang sa paraan din ng dila niya ay natatangay niya ang enerhiya't kaluluwa ko.
He stopped after the second kiss. I saw him lick his lips before putting his forehead on mine. He crouched habang ako'y hinihigit niya ng kaunti para lalong magdikit ang dibdib naming dalawa. Lalong nanikip ang pakiramdam ko dahil sa ginawa niya.
Nakakamangha. Paano niya napagsasabay iyon? Ang halikan ako, suportahan, at patuloy na mangabayo?
Abala sa pagkamangha at halik niya, naramdaman ko na lamang ang paggapang ng labi niya pababa sa aking panga. Hindi pa ako nakakaahon, nakagat ko agad ng mariin ang aking ibabang labi. Then I felt his hands teasing my tummy. Na halos ang mga daliri niya ay dumaus-os na pataas sa underboob ko.
Napakunot ako ngunit agad na nawala din iyon. Bumigat ang paghinga ko dahil do'n. Masasabi kong dalubhasa talaga siya pagdating sa ganitong bagay.
Gusto kong tumigil muna, gusto ko siyang suwayin at punahin, ngunit katulad ng inaasahan ko, nauunahan at tinatraydor talaga ako ng katawan ko. Para akong may dalawang katauhan sa sarili 'ko—iisa ang kalaban ko. Hindi rin nakakatulong ang mapanuksong mainit na hininga niya at ang mga haplos niya. Para bang ang kaluluwa ko ay sumusuko lagi sa kanya dahil sa magnetong tingin niya.
Palagi na lang ganito...
Na kahit ayoko. Ayoko... kalaunan ay nagiging gusto ko.
"What are you doing..." I half-heartedly struggled.
"Kissing my girlfriend..." namamaos na bulong sa kalagitnaan ng pagtuka niya sa'kin.
His crude curse almost made me faint.
My mouth was dry, palms sweating, when suddenly I felt him press my body from behind.
I heard him chuckled. Darcy can sense my nervous. Tension running through my veins, and stiff body.
"D-Darcy... what are you doing?" ulit kong tanong. Halos magmakaawa na.
Iisa lang naibubulalas ko, pero grabeng dami na ang naiisip 'ko para suwayin siya.
Dinilaan ko pa ang aking labi at dun ko naramdaman ang pagkahapdi nito.
Hindi ko alam kung alin ang mas pupunahin ko. Ang mapanguryenteng haplos niya sa baywang ko o ang pasimpleng dampi ng labi niya sa batok at balikat ko.
"Relax. I'm just calming your nerves, angel baby..."
I swallowed hard. I almost fainted when he crouched to reach for my left ear. I put it away from him for a while because of the tickling. My hair stood on end.
"Darcy, stop it. What if may ibang tao rito? What if Manang sees us—"
"I don't care. Let her." he cut me off.
He always. Fucking. Cut me off.
Hindi ako makasagot dahil baka iba ang lumabas sa bibig ko dahil sa ginagawa niya. I turned to look at him with sharp eyes, but the only eyes I could give were already weak, sleepy, and half-open. Hindi pa nakatulong ang hanging dumadapyo sa amin. I cannot make my eyes throw daggers at him. Especially when he lowered his hand and took an interest in my waist and thighs again. Nakangisi lang siya at at ang mga mata'y namumungay at nababakatan ng... pagnanasa.
I can feel the anticipation at his single touch. It's like he's teasing me. And I'm aware of it. I want to stop him or act impassive but when he started to kiss my neck, hindi ko na napagilang halos dasalin ang pangalan nya.
Hindi ko alam na ganito iyon... na kapag nagkaboyfriend ka, ganito iyon. Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam n'yon? Ibig sabihin ba nito... itong ginagawa niya ay madalas niyang gagawin sa'kin?
Para akong lalagnatin!
"Darcy..." I called. "Umuwi na tayo..." nanghihinang suway ko sa kanya. Pinipilit kong kumunot ngunit bumabalik din sa panlalambot.
"You know if I wasn't gentleman, I would have you on this horse right now."
Malalim akong napalunok.
"I have thought about this every single minute, seconds, hours of every fucking day, baby. You know I'm a half-gentleman. But I can't help it, Celestina. I want to kiss you all the damn time—damn it!"
Halos umarko ang ulo ko sa halik at mga haplos niya. Mga ibon sa himpapawid ang aking namataan. Tila'y isang estrangherong nananalaytay ang nararamdaman 'ko habang napapapikit ako. At sa isang pagmulat ko, may natanaw akong isang lalaki sa 'di kalayuan, nakaitim at tila kanina pa nanonood sa amin.
Sa gulat ko ay bigla akong natuod. Ang kaninang pakiramdam ay dagling napawi. At agad na nabalik sa wisyo at umiwas ng kaunti sa nasa likod ko. I felt him stopped and looked at me.
"Oh, shit." kinakabahang wika ko.
"What's the matter?" mahinang saad niya, mapungay ang mata at mukhang hindi pa nakakaahon sa paghalik niya.
"M-May... may tao pala rito! Nakakahiya! May nakakita sa'tin!"
"Ha?" kumunot siya at tila nalito pa.
Nginusuan ko ang parteng lalaking natatanaw ko sa kabilang dako na parang bundok. Masyadong masukal roon, ngunit sigurado ako. May tao talaga do'n! At sa paglingon ni Darcy para tingnan din ang tinatanaw ko, umiling lang ito sa huli.
Binalik ko ang tingin doon... wala. Nawala ang isang lalaki!
"Wala naman, ah? Sigurado ka ba?" seryoso na ng saad niya habang nakakunot na ang noo. "Baka namamalikmata ka lang."
"Hindi 'e..." hindi siguradong.... umiling-iling pa ako. "...parang may—"
"You're just delusional. Imposibleng may tao rito, dahil tanging tayo lang nakadestino rito. Walang iba."
"Ha?" napaamang ako.
Sa lawak ng lupain at karagatang 'to? Iisa lang ang nakatira rito? Siya lang? Tama ba nadinig ko?
"So... part your lips." he demanded using his soft tone again.
"Ha?" lutang na saad ko.
Para siyang sabik na sabik habang gumugulo pa rin ang isip ko.
"Come on, Cristina. Let's continue."
"P-Pero—"
"Hmm..."
Napawi na naman ang iniisip ko nang walang pasintabing hinalikan na naman niya ako... hanggang sa nagpadala na naman muli ako.
P I E D R A I J A D A
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro