PHASE 23
How can someone resist the temptation?
Sa totoo lang, hindi ako yung tipo ng babaeng estudyante noon na pagkatapos ng klase ay diretso ka sa pakikipag-date dahil sa manliligaw... o boyfriend mo. Alam kong malaki ang kaibihan ko sa ibang kababaihan. Aminado naman ako na may pagka-inosente pa 'ko sa ganung bagay. Ni hindi ko pa nga lubos na nararanasan 'yan.
Especially when you always get home after school and some errands you do in your life, in the end—you're always alone.
Even though you know you're with someone, your family, even your friends, there's a part you can think about and you still feel like you're not whole. Na parang nag-iisa ka. May kulang din sa'yo. At na aminado naman akong marami pa 'kong hindi nararanasan. At kahit gusto mong maranasan... alam mong bawal. Bawal pa, o kaya naman, hindi ka pa talaga handa.
Hindi ako tulad sa mga kaibigan ko na mahilig mag-explore sa ganitong bagay—maraming bagay. Na ayos na maging panandalian lang o pangmatagalan. Dahil alam ko naman sa sarili ko na limitado lang ang mga ginagawa ko. But I can't imagine myself na paiba-iba rin ako ng mga lalaking magugustuhan ko. Hindi ko naman kasi ugali iyon. At kahit alam kong pasaway ako, at na maraming nagagawang kalaihim-lihim na bagay no'n sa magulang ko, na isali ko rin sa kasinungalingan 'to—hindi ko pa rin tinuloy at sinubukan.
Hindi naman sa sinasabi kong nai-inggit ako kapag may naikukwento ang mga kaibigan ko tungkol sa love life nila.
But there's still a part of me na, what if... what if ako din?
Wondering how it feels, right?
Kaya talaga desidido ako, at alam ko sa sarili ko na matagal pa bago ko iyon maranasan. Iniisip ko na lang na... na baka pagkatapos ko rin mag-aral, maaaring dun ko na din maramdaman na ako'y handa na o payagan na. At isa pa, palagi ko rin isinisiksik noon sa utak ko na hihintayin ko muna ang pahintulot ng magulang ko bago ko hayaan ang sarili ko na danasin 'yon.
Kasi alam ko naman na medyo bata pa 'ko. Na alam ko sa sarili ko na matagal pa mangyayari 'yon. Naging kampante ako. Dahil ako rin naman nagsabi na magbo-boyfriend lang ako kapag nasa tamang edad na, o kaya pagkatapos mag-aral, dahil sigurado din naman ako na wala pa rin naman akong matitipuhan. At alam kong... kahit may ilang nagtatangka, wala rin makakatagal sa'kin. Kaya kahit pasaway ako sa ibang bagay, tahimik talaga ang buhay ko. Walang distraction at sakit na rin sa ulo.
Kalayaan ko lang ang mas iniisip ko. At hindi ko lubos maisip na maiisip ko 'to ngayon. Na dadanasin ko 'to ngayon at kinain ko lang sa huli ang mga sinabi ko...
Then, all of a sudden, in your quiet and boring life, you'll meet someone unexpectedly. Someone so good-looking who always appears in a mist. A man so charming, mischevious, adventurous and a little aggressive. A stranger, and mysterious man who helps me experience the carefree teen life I was missing.
I just realized our scenes.
It was just started with attraction, or maybe... with a great conversation. Keep it going to lose the feeling of lonesome. I know... of all the many people who introduced themselves to me before—I admit, he was the only one who really caught my attention.
Siguro, dahil bukod sa mabait siya, ay dahil na rin sa kakulitan niya na walang mintis. Pinaranas niya rin sa'kin ang mga bagay na 'di ko pa naranasan. Sobra-sobra pa nga. Na hindi ko naman talaga dapat pagtuunan ng pansin, pero ngayon, kung magdedesisyon akong iwasan siya ay mukhang mahihirapan lang ako't malabo na 'yon mangyari. Lalo na ngayong... nagkalinawan na kami ng nararamdaman sa isa't-isa. Na tinanggap ko na ang nararamdaman ko para sa kanya.
I've never had a boyfriend, so I don't really know what to do when I become a girlfriend. But I'm not too naïve about this thing. Madalas sa libro o sa mga palabas ko lang ito nakikita. Lalung-lalo na sa relasyon ng mga nakikita ko din sa iba, pati sa mga kaibigan ko. Ako ang madalas na witness sa mga landian nila. May alam naman ako kung ano 'yon. Hindi naman ako literal na konserbatibo para iwasan 'yon dahil nakikita ko na rin 'yon. Pero ang maramdaman at magparamdam kung paano iyon ay nakapagbibigay rin ng malaking katanungan din sa'kin.
Anong feeling kapag may ka-relasyon ka na?
Anong pakiramdam na maging girlfriend na—niya?
Ano ang mga dapat na gawin?
How to be a good girlfriend?
Saan ba dapat nagsisimula?
At anong pakiramdam na maging boyfriend si Darcy Baitman?
Hindi ko alam na ganito pala kahirap isipin 'yon para sa isang 'di pa dalubhasang tulad ko.
Honestly, I couldn't picture him as someone persistent in getting a woman... especially, someone like me. I always thought na mapapagod rin siya. Kaya hindi ko talaga tuluyang makuha na sobrang effort niya kaya't tuluyang nahulog ako sa mga bitag niya.
I thought it was just a dream. I don't usually dream often. What kind of dream lasts this long? So... I find myself trying to confirm it.
"I like watching you sleep. It's like, uhm... kind of fascinating to me."dinig kong pagaw at baritonong sambit niya.
Is this real?
Maybe it's not real. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Then, I begin to think, even if its real... is it okay?
Okay lang ba 'to... na hindi naman naaayon sa unang gusto't plano ko? Sa simula pa lang, wala 'to sa plano ko... pero bakit parang nagugustuhan ko? Kahit na nakikita kong unti-unting nag-iiba na ang takbo ng daloy ng buhay ko.
Dahan-dahan ang pagmulat at pagkurap ko nang maalipungatan akong may kung anong marahang humahaplos sa ulo't pisngi ko.
At nang malingunan ko ang sinong inaasahan ko, nakapasok na pala siya sa kwarto ko ng hindi ko namamalayan. Unang pagkurap, asul na mata niya ang sumalubong sa'kin. Nakatungo't nakaupo sa gilid ko at mukhang kanina pang nakamasid sa'kin habang sarap na sarap pa ako sa pagtulog.
Hindi pa nakakaahon sa antok ay 'di man lang ako nakaramdaman ng gulat nang matanaw siya. Napalunok pa ako nang maramdaman ang panunuyot na lalamunan.
I heard him sighed.
"Goodmorning, girlfriend." pagbungad niya, then his lips formed into a small sweet smile.
Natulala ako sa paraan ng kanyang ngiti dahil parang... lalo yata siyang gumagwapo sa paningin ko?
Tumikhim ako saglit. "N-Nandito ka pala... kanina ka pa ba d'yan?" namamaos na tanong ko sa kanya.
Bumangon ako saglit at sumandal sa headboard ng kama. Ramdam ko ang pagsunod ng kanyang tingin sa bawat galaw ko. Pupungas-pungas ay lihim akong napahikab dahil sa sarap ng aking tulog at na maayos ang aking paggising. Namataan ko ang bintanang malinawag senyales na umaga na—na naman. Ang bilis talaga ng araw. Parang kailan lang nung...
"Not really." tugon niya.
"Bakit hindi ka kumatok? Sana kumatok ka para sana nagising agad ako. Tanghali na siguro." nahihiyang saad 'ko nang matantong palagi akong nahuhuling magising.
Umiling siya't sumilay ang tipid na ngiti mula sa kanyang mapulang labi.
"Maaga pa naman. Besides, gigisingin na sana kita, kaso kusa ka naman biglang nagising." mahina siyang natawa. "At isa pa, medyo nawala sa isip ko. You are so good to look at when you sleep. Kahit nakanganga ka pala, ang ganda mo pa rin." natatawang anito na ikinanguso ko.
I bit my lower lip and averted his gaze. Nakita ko kung paano lumalapat ang mata niya sa bawat parte ng mukha ko. Nakaramdam ako ng hiya at hiniling na sana kahit magulo man ang buhok ko, wala sana akong muta o kahit na panis na laway sa mukha dahil paniguradong nakakahiya naman sa gwapo niyang mukha.
He's just wearing a simple plain black shirt with a pair of jeans. May suot pa itong itim na bota nang bumaba ang tingin ko sa kanya dahil nakadekwatro siya. Mas lalong humuhubog ang magandang hulma ng kanyang katawan sa saktong suot na pang-itaas nito. Mukhang bagong paligo rin ito.
Sino ba 'tong magandang nilalang na nasa harapan ko?
Umangat ang aking tingin sa kanya. "May pupuntahan ka?" pansin ko, dahil hindi naman ganito ang usual na sinusuot niya kahit nasa mansiyon lang siya.
Simple lang siya kung manamit 'pag nandito siya sa kanyang bahay. Kaya ang makita siyang ganito't mukhang simple pa rin naman pero pormado...
Tumango siya. "Tayo."
Napakunot ako. "Saan?"
"Basta." he grinned at me and suddenly stand up. Napatingala ako at nanatiling nakatungo siya. "Get ready. Kumain muna tayo bago tayo lumabas."
"Ha? May pupuntahan ba tayo? Saan? Anong gagawin natin?" nag-uunahang tanong ko sa kanya.
Ngiti lang ang itinugon niya sa'kin, hindi ako sinagot at wala akong magawa kun'di mapairap at mailing. Ano na naman kaya ang trip na gawin nitong lalaking 'to?
"Basta nga..." mas malamyos ang tinig na tugon niya. "And I am sure you will be happy and enjoy it." aniya'y may malagkit na pagkindat pa siya sa'kin.
Mabilis ang pangyayari ay natuod na lamang ako sa kinahihigaan ko nang maramdaman ko ang halik niya sa noo ko at saka pinat pa ito. Hindi pa nakuntento't sinakop pa niya ang pisngi ko't hinihimas-himas ito habang mapungay ang matang pingmamasdan ako.
Nakakapanibago... pero ganito ba talaga 'to?
Mas tumindi ang pagiging malandi niya.
Simpleng galaw lamang, umuwang ang labi ko, at halos tumalon na naman ang puso ko.
"Ganda talaga ng girlfriend ko. Ang ganda, ganda, ganda, ganda mo..." he dramatically sighed, nilapit pa niya ang mukha at tila sininghot-singhot pa ang ulo ko matapos niya muling halikan iyon.
Napangiwi pa ko na lalong ikinangisi niya. He just chuckled a bit as I was stunned and gulped deeply.
"Nagpapahanda na ako kay Manang ng umagahan. Wala ka bang ibang ire-request na gusto mong kainin bukod sa'kin?"
Kumurap-kurap ako. He smirked.
"H-Ha?" tila'y nabingi ako at baka mali lamang ang nadinig ko.
Mas lalo siyang nangisi.
"W-Wala..." wala sa sariling sagot ko na lamang kahit medyo nalito ako.
"Sige na, hintayin na lang kita sa 'baba." hindi matanggal ang ngisi na paalam niya sa'kin.
Napakurap ako at hindi ko man lang namalayan na wala na pala siya sa harapan ko at na kung ilang segundo't minuto na ang lumipas na ako'y nakatulala sa ginawa niya sa'kin.
Then like our usual dines... the awkward silence filled the air. Tanging ang mga kubyertos lamang ang naririnig. Miminsan ay sumusulyap siya sa'kin na nakangiti, at napapatingin din ako sa kanya.
Ganito pala kahirap 'yon. Na kahit sa mga simpleng bagay, simpleng sulyapan, maliit na galaw ay nabibigyan mo na agad ng malisya.
Normal ba talagang kabahan sa una?
Like seriously, may boyfriend na ako! Nandito ngayon sa tabi 'ko, sabay kumakain!
Natapos nga ang kain namin ng matiwasay. Nagpaalam sa'kin si Darcy na may sasaglitin lamang sa labas kaya't hindi ko na natanong ko saan ang tungo niya. Abala ako sa pag-inom ng kape habang tahimik na pinapanood ang matanda sa paghuhugas ng pinggan.
Kinagat ko ng mariin ang aking labi nang maalala ko ang kalagayan niya na ikinuwento noon sa'kin ni Darcy. At since hindi pa naman bumabalik si Darcy, inubos ko kaagad ang kape at tumayo, naglakas loob ako't kinuha ko ang pagkakataon upang lapitan at tulungan ang matanda.
"A-Ah, tulungan ko na po kayo..." medyo kinakabahang sambit ko nang makalapit ako, tumabi sa kanya sa harap ng lababo.
Abala siya sa pagkuskos ng pinggan, sinubukan kong kunin ang sinabunan niyang pinggan para ako na lang magbanlaw.
Seryosong sumulyap lamang siya sa'kin. May nakita akong kunot na saglit na dumaan sa kanyang noo.
"Wala lang po ako magawa kaya sana hayaan niyo na po 'ko tumulong, hehe..."
Nadinig ko lang ang tanging buntonghininga niya.
Mukhang supladang inalis na lamang niya ang tingin sa'kin at nagpatuloy na lang muli sa ginagawa. Wala siyang reaksyon, ni hindi walang pinakitang senyales na umiling o tumango kaya't nagpasyang manatili pa rin ako nang 'di ko nakukuha ang sagot niya. At ako naman, sinimulan ko ng buksan ang faucet para magbanlaw na.
"Uhm..." hindi ko alam kung saan magsisimula pero tinuloy ko pa rin daldalin ang matanda kahit na mukhang suplada ito at walang pakialam sa kung anumang sasabihin ko. "Matagal po kasi bumalik si Darcy. Hindi ko alam kung nasaan siya kaya't naisipan kong tulungan din kayo. Maaari po ba?" paalam ko pa sa kanya gayong kahit naman mukhang tatanggi siya ay itutuloy ko pa rin. "Nakakahiya naman po kasi at bisita lang ako rito. Ilang araw na rin po simula nung... dumating ako."
Lumingon siya sa'kin. Hindi rin naman galit, hindi rin seryoso, walang mababakas na irita o ano pa man. Kalmado na lang nakatingin sa'kin. Marahan akong nakatingin sa kanya.
"Nakwento niya nga po sa'kin na matagal na nga raw po kayo naninilbihan sa kanya." I chuckled a bit. "Alam niyo po ba... akala ko po ayaw niyo sa'kin. Pero nang napag-alaman ko kay Darcy na mali yung iniisip ko, napanatag po ako. Pasensya na po kasi... wala pa po akong alam. Pero salamat po, ah? Sa pagtanggap sa saglit na pananatili ko rito sa mansyon niya." pagpapatuloy ko kahit alam ko naman hindi niya ako magagawang tugunin.
"At uh... ang sarap niyo rin pong magluto!" I laughed a bit kahit na medyo nakakaramdam ako ng awkwardness dahil parang hangin lang talaga ako sa matanda.
Bagsak ang balikat, tahimik ko na lang tinulungan ang matanda. Iniisip rin kung bakit ang tagal naman bumalik ni Darcy at saan ba pumunta 'yon?
Pero labis naman ang pagkapanatag at tuwa ko na habang tinutulungan siya sa paghuhugas ng pinggan ay unti-unting inaabot na niya sa'kin para ito'y aking banlawan. Senyales na ayos lang na tulungan ko nga siya!
Nagugulat ay mas lalo kong nginitian ang matanda kahit na mukhang kalmado lang ito. Nagpatuloy lang ako sa pagdaldal tungkol sa kung gaano kaganda ng mansyon at manatili rito. Kung paano kami nagkakilala ni Darcy. Hindi ko na naisama ang dahilan kung bakit ako narito. At kinuwento ko rin kung gaano kakulit at kabait ng amo niya. Nakikinig lang siya at minsan ay seryosong pasulyap-sulyap lang sa'kin.
At dahil dalawa lang naman kami, hindi ko namalayang mabilis rin namin natapos ang paglilinis sa lababo at hapag.
"Pero ayun nga po, Manang. Baka sa isang araw... umuwi na rin ako. Babalik na po ako sa bayan, 'e. Hindi na ko magtatagal rito. Kinausap ko po kayo kasi gusto ko rin po sanang magpasalamat na din. Sa mga pag-aasikaso... sa pagluluto ng masarap na pagkain... sa lahat." pagpapatuloy ko kasabay ng mahina akong natawa. "Nag-enjoy talaga 'ko dito dahil po kay Darcy. Hayaan niyo po... kung may pagkakataon at na... kahit makabalik man ako sa'min, hindi ko makakalimutan itong lugar na 'to, bibisitahin ko ulit ang mansyong 'to..." kahit ang totoo ay mukhang malabo na.
Natigilan pa ako na habang nagpupunas ako ng mesa ay bumungad sa'kin ang kamay niya't may hawak na papel at sulat roon.
"Ayos na iyan, hija. Ako na d'yan." iyon ang nabasa ko.
Hindi ko iyon inaasahan.
Nagparte ang labi ko at nilingon siya. Mga ilang segundo pa bago ako makatugon. Natitigilan pa rin dahil... hindi ako makapaniwala na sa wakas, sumagot siya! Kinakausap na ako ngayon ng matanda sa paraan ng pagsulat niya!
"Manang..." mahina't namamanghang saad ko.
Hindi pa rin makapaniwala. Nakakunot na siya at umiling sa'kin. Naguguluhan sa asta ko dahilan ng pagbalik ko sa huwisyo.
"A-Ah, sige po!" agad na bawi kong reaksyon kahit mas nangingibabaw ang pagkamangha pa rin. "Patapos na rin naman po ito..." sagot ko sa sulat niya. Ilang beses pa ako napakurap at malalim na napalunok. "Wala na po ba kayong gagawin? Pwede po akong tumulong." prisinta ko pa.
Dagling nawala ang kaba at ilang ko sa tungo niya. Sa loob ng ilang araw na pananatili ko rito, ito na yata ang kauna-unang interaksyon namin ng matanda, lalo pa't sa tuwing kakain lang kami nagkikita dahil siya ang madalas magluto, o kaya minsan ay sa hardin, nakakasalubong ko rin siya sa sala habang may ibang inaabala. Ni hindi ko rin naman siya nalalapitan ng husto at nakakausap, dahil sa bukod sa mukhang ilag nga ang matanda, at parang ramdam ko'y hindi ako gusto, nauunahan na rin ako ng hiya.
Kaya ngayong naglakas ako ng loob... hindi ko rin talaga inaasahan. Kabaligtaran sa inaakala ko.
Umiling lang siya sa'kin at patuloy na nagsulat sa maliit niyang kwaderno habang hawak ang ballpen. Habang pinagmamasdan ko siya, hindi ko maiwasang maisip na siguro... ganito lagi ang interaksyon nila ni Darcy sa loob ng mahabang panahon?
Mabuti at hindi sila nahirapan sa isa't-isa. Pero sa katunayan, mas hirap din naman sa matanda at hindi nakakapagsalita kaya idinadaan na lang sa pagsulat para malaman ang saloobin niya.
"Wala ng gagawin, hija. Mamaya pa 'ko magluluto ng ating pananghalian. Kung gusto niyo rin mag-meryenda ay maghahanda ako." basa ko sa kwadernong maliit na hinarap niya ulit sa'kin.
Tumango ako. "T-Tulungan ko rin po kayo mamaya!"
Nagsulat muli siya, medyo nagtagal nga lang. "Sige na, hija. Tapos na. Maaari ka ng lumabas sa kusina at andun na din si hijo. Nasa may kuwadra lamang. Puntahan mo na siya. Hinihintay ka na niya." medyo mahabang sulat niya.
My lips formed to 'o'. Agad na lumapad ang ngiti ko at tumango sa kanya.
"Sige po. Salamat po, Manang!"
She smiled with no humor and gave one nod before turning her back on me.
I honestly don't know have anything today. Maganda ang lugar ni Darcy, at masasabi mong hindi lang ito karaniwanang mansion sa Pilipinas. Pero kung tutuusin na kapag nagtagal ka pala rito ng ilang araw, maaaring mabagot ka nga... siguro magsasabi na 'ko sa kanya mamaya na gusto ko na munang bumalik sa siyudad... o kaya makausap ng personal ang mga kaibigan ko o... tawag man lang. Siguro iyon ang mas uunahin ko. Hindi ko na rin kasi talaga sila nakakausap, kaya 'di na ako magtataka na maaaring mas galit na sila sa'kin. Ngayon ko lang natanto iyon magmula nang umalis ako.
Hindi ko na rin kasi mahanap ang cellphone ko. Ang sabi ni Darcy... nahulog daw siguro iyon at 'di niya napansin habang nasa dagat kami. Ni hindi ko na rin mahagilap nung sinubukan kong hanapin at tinulungan pa niya ako. Kaya ngayon, labis tuloy pag-iisip at pag-aalala ko dahil wala akong magamit.
Sa may lanai lang ako nagdaan.
Humalukipkip akong dumiretso sa kuwadra matapos na mahanap siya. Like what I'm expecting, na sinabi din ni Manang, tama nga, Darcy is here to attend his horses. 'Di ko akalain na may malawak na kuwadra siya sa likod ng mansyon niya. At mas namangha pa ako na may dalawang kabayo pa siya. Bihira lang ako makakita ng kabayo. At masasabi kong napaka swerte niya dahil may alaga din siya.
Nakita kong seryoso itong nakatingin habang inaasikaso ang kulay lupa at isang kulay naman na gatas niyang mga kabayo. His jawline defined and his eyes, serious.
Sumilay agad sa labi ko ang ngiti at lalong tumungo palapit roon dahil sa labis na pananabik na hawakan at himasin ang alaga niya.
He was squatting and feeding the pony. He hasn't noticed me yet, but he is busy holding the rope. I swallowed as I approached him.
"Hey," natigil rin ako sa lakad nang marinig niya siguro ang pagyabag ko nang makaramdaman siguro at lumingon siya.
The corner of his mouth twisted upward in a playful smile. Tumikhim ako at unti-unti rin siyang tumayo. Sa gulat ko'y hindi agad ako nakapagsalita ng ano man. Lumabas siya sa kwarda at malaki ang ngiting sinalubong ako.
Can't believe na boyfriend ko 'tong nasa harapan ko papalapit sa'kin.
I can't believe he's making my heart flutter, nervous, and uncomfortbale at the same time. I have been around men, and I've never been this uneasy before. Siguro ganito talaga... kapag may gusto ka talaga?
"Nandito ka lang pala..." salubong ko sa kanya ng makalapit siya. "Magkakabayo ba tayo ngayon?" biro ko sa kanya dahil alam ko namang may plano kami ngayong dalawa ayon sa kanya.
Kahit nakalapit na siya, hindi pa rin matanggal ang tingin ko habang natutuwang masdan ang malaking alaga niya.
"You can't ride a horse alone..." paunang sabi niya.
Natigilan ako. Ano? Ibig bang sabihin... sasakay talaga kami!? Ito ba gagawin namin ngayong araw!?
"Mangangabayo tayo? A-Akala ko... may iba tayong plano?"
"Ito na nga 'yon." mas lalong kumurbang ngiti na saad niya.
"I thought pasasakayin mo rin 'ko?" 'yun ang pagkakaalala ko nung nag-Jet Ski kami nung isang araw, at naalala ko rin na ibinida niya sa'kin na may alaga siya at tuturuan nga niya raw ako.
Mas lalo akong nasabik sa kaalamang, ngayon nga ito mangyayari.
"You can't be good at that immediately. Baka mahirapan ka kapag mag-isa so... I'll guide you."
Tumango ako sa kanya at lalong nanabik. Hindi tuloy mapuknat ang ngiti sa aking labi.
"Igagala muna kita. Then maybe after I show you around, I'll teach you how to ride a horse." sumang-ayon na lang rin ako sa kanya.
Well, he's right. Besides I've never ridden a horse before, I'm not sure of my balance yet so it's better if he guides me.
I noticed him petting the dark brown horse at the stables. Pinanood ko lang ang ginawa niya at walang takot na lalong lumapit at nakihimas rin don. Mas lalo akong natuwa, napabaling ako sa kanya at nahuli kong nakangiti siyang pinagmamasdan ako.
"Alam mo ba ang kaibahan ng kabayo sa tao?" hirit niya.
"Ano?"
"They are so loyal. At yun ang kabaligtaran nila sa'tin bilang tao."
The corner of my lips lifted a bit as I raised my brow.
"Na kahit marami silang makasalamuha. At maraming umamo sa kanila, pamilyar at kilala nila mismo ang nagmamay-ari sa kanila." lumingon siya sa'kin saglit. "And that's because of the certain feeling. The guts are there, lingering in their blood and throughout their system and they never forget. Gaano man kapareha ang nararamdaman nila sa mga taong pagpapaamo sa kanila, alam pa rin nila kung sino ang mas lamang."
"The one who owns them?"
"Damn right." ngumisi't tumango siya sa'kin. "Hindi sila malilito kahit hindi mo sila harapin o malayo ka man sa kanila sa mahabang panahon. Walang magbabago. There's always a connection between human and horse, which is a beautiful thing."
"So... you really like horses, huh?" pagpuna ko. "Dalawa pa ang alaga mo. Parehas ba 'tong iyo? Iisipin ko yung isang puti, ay parang babae ang may-ari."
"Yea..." kumurap siya saglit. Hindi ko alam kung anong klaseng bumalatay na reaksyon do'n sa mukha niya, pero nang bumalik ang tingin niya sa'kin ay siya namang umangat ang gilid ng kanyang labi. "Akin parehas 'yan. Pero pwede ko rin naman ibigay yung isa sa'yo kung gusto mo."
Napaamang ako.
"Gusto mo, hmm?"
Nagbibiro lang siya, 'di ba?
Pansin ko talaga, sa tuwing may mapapansin lang akong mga bagay, iniisip niyang hinihingi ko o kaya, ibinibigay niya agad niya! Kahit hindi ko naman talaga hinihingi!
Masyado siyang mapagbigay, huh? Mabait nga talaga.
He turned to face me, rolling his eyes at my clothes and biting his lower lip.
I'm wearing my usual shorts and a simple white tank top. His blue eyes narrowed as he traveled down my body. Agad akong napatingin sa suot ko dahil parang may ipinapahiwatig ang titig niya.
"Have a problem with my dress? Is it uhm... okay?" parang nahihiya pang tanong ko sa kanya.
"So okay and so beautiful..."
Napakunot ako sa sagot niya dahilan kung bakit agad nag-init ang mukha ko. Pinipilit kong ngumuso ngunit 'di ko mapigilang sumugat ang ngiti sa aking labi. Bolero talaga.
Naglahad agad siya sa'kin ng kamay.
"Come here..."
Napakurap ako. "H-Ha? Sasakay na? Now na?"
Natawa siya, napalunok naman ako.
I took a look at the horse. The massive brown horse in front of me stands tall and proud. I was hesitating because I was nervous, but my excitement got the best of me. His mouth twisted in amusement.
Not knowing what to do, he marched towards me. I was stunned when he put his hands on my waist. I gasped when I felt his squeeze on both sides of my waist for a brief moment. He could span my waist with his hands alone. I came to a halt and grabbed his arm as he lifted me off the horse.
"Oh my, God, Darcy!" protesta ko nang nasa ibabaw na ako ng kabayo.
He chuckled. Nag-init ang mukha ko sa takot at kahihiyan. Hindi ko mabitawan ang kamay niyang naroon.
"Baka mahulog ako, ah! Safe ba 'to!?" kinakabahang wika ko habang tinatanaw siya sa 'baba. "Ang laki pa naman ng alaga mo!"
Natawa siya sa'kin. "Hay, Celestina. Basta hawakan mo lang din ng mabuti ang alaga ko, walang mangyayaring masama sa'yo."
Napakunot ako sa malisyosong tingin pa na iginagawad niya sa'kin. Wala na lang ako nasabi.
"Trust me. You're safe with me." he chuckled and shook his head, the dimples on his both cheeks left me speechless.
He grabbed my hand and held it. I was clutching his hand. Particularly since I can't find my balance. Darcy then mounted the horse by himself in a swift motion. The horse moved slightly, causing me to shriek once more.
Ang mga ibon sa mga puno ay dinig kong nagsusumiyapsap na sa himpapawid. Hindi pa naman sobrang init na kahit sumisilay na ang haring araw, hindi naman masakit sa balat kapag tumatama dahil sa mahangin na rin at maaliwalas ang panahon.
"Nagbago na isip ko! Ayoko ng sumakay! Baka mabilis ka ring magpatakbo! Madidisgrasya lang tayo!" naaalarma kong sambit habang napapatingin sa ibaba.
"I'm fast but I'll be gentle to you, Celestina. So... relax." kalmado pang pahayag niya na parang sanay na sanay talaga siya.
"Naku, baka mamaya tumalsik ako, ha! Mahal ko pa buhay 'ko!"
He gave another bark of laughter while holding my hand.
"Wag kang mag-alala. Mahal naman kita." natuod tuloy ako sa pahirit na naman niya.
"Shut up! Hindi ako nakikipagbiruan!" halos mapangiwi na ako na lalong ikinatawa niya.
I tried to look at him from behind me. His menacing smirk is plastered on his face. He took the rope to work the horse while his right hand still held my hand.
Hindi ko na napuna iyon dahil kinakabahan ako at puro pa rin tanong ako sa kanya kung gaano siya kasanay para masigurado kong ligtas ako. Darcy's just there laughing like a frigging idiot behind me.
"You, ready?"
"I-I'm not..." pumikit ako saglit ng mariin habang hindi humihingang tugon ko sa kanya.
Parang gusto ko na lang panoorin siya kaysa makisakay sa kanya. Talagang nasa unahan pa ako! Wag niyang sabihing kontrolado ko ang lahat ng 'to tapos nasa likod ko pa siya, kaya paano ko siya madadala!? Baka mahulog lang kaming dalawa!
"Very good." mapang-asar niyang wika at sinimulan na niyang pagalawin ito.
We got out and the road became more and more potholed, so I felt more and more like I was going to fall.
"Darcy!" panay ang tawag ko. "Pakiramdam ko mahuhulog na ako! Maglakad na lang kaya ako?" nadudulas na kasi ang puwitan ko.
He let go of our holding hands. He fastened it to my thigh to keep me from falling or deluding myself.
"You won't. And I won't let you." he said with so much amusement.
I don't even care where we go. I am more concerned about my position and my fear of falling. He maneuvered the rope a bit making the horse gallop faster.
What the heck!?
"Hindi mo kailangang gumalaw. Ako ang gagalaw."
Malalim akong lumunok.
Ang bilis naman niyang kumambyo!
Tumatama na rin ang likod at ulo ko sa dibdib niya. Naririnig ko rin ang malalalim na paghinga niya, habang may nararamdaman din akong mainit na hiningang napapadapyo sa batok ko. Mas lalong hinigpitan ni Darcy ang pagkakahawak sa'kin. Binitawan niya ang kamay ko kaya kumapit na lamang ako sa braso niya. He arms corded as the horse gallop faster.
"Ang bilis mo naman! Papunta bang langit 'to!?" sa bawat takbo ay para bang pati puso ko ay umaalog ito.
Darcy laughed hoarsely na lalong dumagdag sa nerbyos ko.
Lumakas ang tapik niya sa kabayo, miminsan ay inaabante niya ang paghigit ng tali nito. Mas binilisan niya dahil tuluyan na kaming nakalabas at nasa tapat na kami ng dagat. Nangangabayo sa lawak ng espasyo't buhanginan rito.
I shot him a sharp look. He gave me an intriguing grimace. I looked down at his arm that remained on my thigh.
"You'll fall so I need to touch you." nangingising dinig ko sa kanya.
Mukhang nahulaan niya ang iniisip ko dahil nagtagal ang tingin ko ron.
Tss. He's enjoying this very much.
"Did you enjoy being with me, Celestina, hm?" biglang tanong niya upang mawala sa isip kong sakay kami ng kabayo at nabawasan ang kaba ko. "Kasi ako... sobrang saya ko sa bawat oras, segundo, at minuto. Lalo na ngayong... I can say that we finally have a label, and you are really mine."
Biglang nanuyo ang lalamunan ko sa malanding hirit niya.
Bakit ba ganito ang boses niya? Umaayon sa kagwapuhan niya. Wala bang kapintas-pintas ang lalaking 'to?
"So even if you avoid or push me, I don't think I have a strength to stay away from you anymore either..." he whispered lethally.
I took a breath, and no matter how hard I tried to calm down, I couldn't. I still can't believe it. And I shouldn't be so surprised. Dahil masyadong... kahiya-hiya sa kanya. Dapat paulit-ulit ko iyon isinisiksik sa utak ko kaso paminsan-minsan, talagang nananalaytay ang pagkamangha ko.
Sa tuwing ginagawa niya ito ay tumatalon ang puso ko. Nakakalimutan at natatabunan agad ang pag-aalala ko.
Pinapanood ko ang alon at ang buhangin habang marahan na lamang humahakbang ang kabayo. Iniisip na hindi pa rin ako makapaniwala na bukod sa nakaranas pa ako nito, nagkaroon pa talaga ako ng boyfriend—na ngayon ay nasa likod ko. Kasamang nangangabayo.
"Darcy," untag ko.
"Hmm?"
"Nagkaroon ka na ba ng girlfriend noon?" kuryuso kong tanong sa kanya.
He paused for a while.
"You know, I'm always wondering..." I licked my lips. "Why don't you have a girlfriend? I mean—fine. You're handsome. Pero bakit wala nga? Dahil ba ako ang kasama mo ngayon at ako pa talaga na-tripan mo ngayon, huh?" ginawa kong katatawanan iyon na akala ko tatawanan niya rin sa huli.
Pero sa isang banda, minsan... naiisip ko rin 'yon. Para kasing 'di ko pa rin magawang maniwala.
Pero 'di ko naman inaasahang seryoso ang magiging tugon nito. Nanibago tuloy ako...
"Celestina, liking and loving you is not just a trip. It's more than that. You shouldn't just be tripped up, but you should also be taken seriously." sagot niya upang kumislot lalo ang puso ko sa sinabi niya. "At hindi sana dadating sa puntong iuuwi pa kita sa bahay ko kung wala akong pake at hindi talaga interesante sa'yo. Pero dahil sa tanong mo, hindi ko rin naman itatanggi..."
Mas lalo ko siyang pinakinggan.
"...yes, nagkaroon na rin ako ng girlfriend noon. I've been in love... and it was painful, pointless, and overrated..." nag-iba saglit ang timbre ng tono nito.
Tumaas ang kilay ko at tila 'di ako makapaniwala sa nadinig.
"Nasaktan ka? Sa... isang babae? Weh? Bakit naman?" sunud-sunod na 'di 'ko makapaniwalang tanong.
"Because my life back then was so pathetic..." seryoso pa rin siya.
Nawalan tuloy ng panunuya ang tono ko nang mapakiramdaman ko siya.
"Like how am I a screwed up too?"
"I guess...?" he laughed a bit. The kind of laugh you can't ride.
P I E D R A I J A D A
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro