Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PHASE 21


"You know I'm still wondering, of all places... why you invited me here to your house?"

It's also still a puzzle to me that I just asked him this now. He tilted his head to the right when he glanced at me for a moment.

"Hindi ba't sabi ko, dadalhin kita sa lugar na kung saan ay magiging malaya ka?" he gave a slight smirked as he shrugged a bit.

I froze a bit and gulped.

So... he is referring to his home, huh?

May kaunting sumilay sa kanyang mapulang labi nang ako'y kanyang nginitian.

"What I'm saying... there's no rules in here, Celestina. You're happy and free from everything. You can do whatever you want with me without me stopping you." he paused for a while as he squeeked and licked his lower lips.

Now I can't help but my lips slowly automatically formed into a small smile.

"Sa dagat... sa labas... sa kusina... sa sofa... sa kama ko—"

Napaamang ako at muntikan nang bilaukan. "K-Kama mo?" nalilito kong tanong sa kanya.

"Oo." he said with a pair of serious eyes now. Dahan-dahan pa ang naging pagtango niya sa'kin na lalong nagbigay ng karumihan sa aking isipan.

Hindi ko talaga alam kung bakit lahat ng mga sinasabi niya ay binibigyan ko halos ng kahulugan. Kahit sa mga simpleng pagbanggit lamang ay labis na nagbibigay ng malalim na pag-iisip sa akin. Pilit ko na lang talaga iniiwasan at baka kung sa'n pa mapunta ang paglipad ng utak ko.

Nakatulalaan kaming dalawa. At sa huli, ako rin ang unang nagbitaw dahil sa pagkataranta.

"K-Kama ka d'yan!" lihim akong suminghap ng malalim. Binigyan siya ng imposibleng tingin. "Mga pinagsasabi mo? A-Ano namang... gagawin natin sa kama... tss...bastos!"

"Iinom, syempre." my lips parted at his reply.

Ikiniling niya lalo ang kanyang ulo sa kanan at pinakaigihan pa lalo akong tiningnan. Now something seemed to be dancing with amusement in his eyes.

And I couldn't say anything right away, but I could just swallow deeply.

"Kasi pwede tayong magpakalasing araw-araw." tumaas ang kilay niya at binigyan pa ako ng nakakalokong tingin. "Ikaw ha... kung anu-ano iniisip mo." pinagkrus niya pa ang kanyang braso at napailing sa'kin. "Sabihin mo lang at—"

"Screw you, Darcy." I laughed sarcastically, sighed, rolled my eyes, and walked past him. Suko na lang talaga ako sa kalokohan niya. "So... what do you want to show me?" ang pag-iiba ko agad ng usapan.

Namungay ang mata niya kalaunan. His lips formed to a small and sweet smile. Mas lalo akong nagtaka sa sunod na sinabi niya.

"One of my passions, my love." aniya'y sumenyas pa siya sa'kin at sinundan na lamang ang paglalakad niya.

Sa wari ko ay nasa ikatlong palapag na kami. Ilang kwarto na yata ang nadaanan namin dahil kanina pa kami lumilibot dito sa loob ng mansion niya. Hindi alam kung saang kwarto ba kami papasok para makita ang gusto niyang ipakita.

Hindi ko nga alam kung ano ang gusto niyang ipakita, 'e.

Bigla tuloy akong kinabahan.

Even the hallway is in a typical spanish style. Brown floor tiles, massive wooden door with a touch of blue decor. At masasabi kong—ang pinakapaborito ko na talagang parte sa loob ng kanyang mansion ay ang terracotta living room niya. Because it looks very inviting and chic, lalo na kapag sa gabi ay nagkakaroon ng mistulang fireplace. Mas lalo kong naa-appreciate ang ambiance kapag ganoon.

Sa tuwing lumalapat ang hapon, umaalingawsaw sa'kin ang naghahalong amoy ng kape at kahoy, lalo na ang nakakalasing rin na amoy sa mga alak niya kapag sa gabing umiinom siya.

Pero papasok ng papasok ay tila ba'y dumidilim ang aura dito habang kami ay naglalakad sa pasilyo ngayon. Not even a little sunlight comes in, so there is a dim light on. Nagmukha tuloy gabi kahit medyo maaga pa naman.

Hanggang sa tumigil kami sa isang pinto nang pumihit siya. Dahil naging okupado ang isip ko sa mga paligid na nakikita ako, ay ni hindi ko nabilang kung pang-ilang kwarto 'to dahil sa dami nilang magkakahilera.

Hinawakan niya ang seradura at saka pinihit iyon. Nagbigay iyon ng kaunting ingay sa aming pandinig nang sinimulan niyang buksan ang pinto na halos umalingawngaw iyon sa buong pasilyo. Alam kong madilim at ni walang kaliwa-liwanag kaya't medyo nakaramdam ako ng kaunting takot.

I sniffed a little. Hindi ko alam kung anong klaseng amoy na sumalubong sa'kin dahil sa halos nanuot sa ilong ko ay hindi ko maiwasang mapangiwi masyado.

Hindi ko maidipena ng maayos. Napapalunok ay parang gusto ko na lang takpan bigla ang ilong ko. Siguro dahil sa kalumaan ay naluom ang amoy ang loob ng kwartong 'to. Sa tagal na sigurong... 'di nabubuksan.

"Here you go..." lumingon siya sa'kin at ngumiti. "Ladies first."

Mabilis akong napakurap at agad na umiling sa kanya.

He tilted his head at tumaas ang kilay niya.

"Ikaw muna... takot ako."

"Silly," his lips parted as he let out a chuckle.

Malalim akong napalunok nang tatawa-tawa at naiiling nang mauna na nga siyang maglakad, kaya sinunod ko na lang ang pagpasok niya.

"Allow me to show you my passion, my love..."

Agad din naman siyang may kinapa at pinindot sa gilid dahilan ng dagling pagliwanag sa loob.

Nahugot ko ang aking hininga at halos malaglag ang panga dahil sa bumungad sa'kin.

Kung kanina'y parang ayaw kong tumuloy at takot na takot akong pasukin ito, ngayon naman ay halos matuwa at mamangha ako at lalong dinaisan ang mga obrang nakikita ko. Na sa sobrang tuwa ay hindi ko alam kung bakit dumating sa puntong ako'y halos pangilabutan. Pagpasok ko pa lang ay napasapo ako sa balat ko. Para bang kinilabutan ako sa mga nakikita ko. Ang mga... obra... niya?

Obra niya ba talaga lahat ng 'to?

There are many masterpiece paintings hanging on the wall. Na halos sakupin na ang malawak at matayog ang buong ding-ding.

"You're a sucker on vintage things, huh?" pansin ko sa mga gamit na nakita kong nakaayos ang paglalagay.

May isang malaking library sa gilid at puno iyon ng mga makakapal na lumang libro, mga nakapatong na canvas at ilang mga paintings na mukhang hindi pa yata natatapos. Mga pintura at brushes at ilang mga bagay na ginagamit niya siguro sa pagpipinta.

"Impressive?" mahihimigan na nakangiting sambit niya sa'kin habang abala ang mata ko sa pagpuna sa paligid habang pabiling-biling kung saan ang ulo ko.

I nodded smoothly and simply giggled.

"Enjoy the view, then." then I heard him sigh.

Mas nauna ulit siyang naglakad at pinuntahan ang malawak na mesa. Wala pa rin akong salita habang pinapasadahan ng tingin ang buong loob na malawak na kwarto niya.

"Kapag mag-isa ako, at naisipan kong mag-stay rito ng ilang buwan kapag galing ako sa siyudad, dito ako madalas maglagi. Lalo na kapag mag-isa lang ako at walang ibang magawa. Inuubos ko lang ang oras ko sa pagpipinta..." aniya.

Napakalawak ng kwartong 'to, may tatlong mahahabang sofa na nakapalibot at tamang parihabang mesa sa gitna, bukod pa sa mesa na nakatambak ang mga bagay niya para sa pagpipinta't mga papel. Ni wala akong nakitang kama. Napataas din ang kilay ko na may mga mamahalin rin akong nakitang alak na nakahanay doon sa mini bar area niya.

At ang lahat ng iyon—nabalik pa rin ang mata ko sa mga painting na nakasabit sa ding-ding.

"Most of them are Renaissance-inspired constructions." pagpuna ko sa halos lahat ng mga pinta niya.

Even though the subject (person) is different, just by their aura, there is a signature that makes you think he really did this to his masterpieces.

Halos puro mga iba't-ibang kababaihan ang napinta niya. Iba-ibang kulay at istilo, lalo na ang mga naggagandahang mukha nila. And all his paintings are neatly arranged and placed in gold frames. It's like an old painting. In the color of choice, for the background, which is chosen, it seems that he adapts to every countenance of their beautiful faces. It is what they signify that is beautiful to us, really. The colors are really the means of expression.

"How can you tell?"

I shrugged a bit. "The face... The aura... It's like their every smile, every countenance, and every angle has a meaning. I also thought about how much time you spend, especially on the colors you mix, as well as how you also stroke the brushes on canvas." sabi ko habang patuloy na nakatingala't ginagala ang mga mata, hanggang sa ibinagsak ko rin at nilingon siya. Naabutan ko siyang nakatitig sa'kin, binigyan ko siya ng maliit na ngiti. "You have a nice hand, Darcy. And I didn't know that, apart from having a nice voice, you are also an amazing artist. Ang galing. Para namang walang... maipipintas. Perpekto lahat."

He softly chuckle. "Well... I'll take that as one of the greatest compliments I've ever heard." marahan siyang ngumiti at namungay ang mata sa'kin. "Especially from you."

"So, why'd you paint it?"

Parehas na rin namin inilibot ulit ng tingin ang mga obra niya. At hindi ko magawang palampasin na pagtuunan ng pansin isa-isa lahat iyon.

"I discovered myself that I like to paint since I was ten..." bumuntonghininga siya saglit ng malalim. "And they say... that painting is an allegory for control; the canvas, the subject, and the color are all mine, as is every masterpiece I've created is totally, only, my choice."

Walang salitang nilingon ko siya at pinakinggan ang mga sinasabi niya. Now, he was the one who looked up and was stunned into nothingness, as if he was thinking deeply about something.

"But, you know, art taught me that one can achieve one's vision through sheer force of will. Some of these are applicable in real life if you hesitate to let anything get in your way." as he glanced at me and smirked a bit.

My brow raised. "So, this is your thing? Show a girl a few mediocre paintings and I'll swoon and spin it with my stories as well?"

Humalakhak siya sa sinabi ko at umiling sa'kin.

"You're too defensive, Celestina. I may have had many charms, but, uh, regardless, I'm enjoying myself—I mean, alone. Most of the time. At ikaw lang unang babaeng nahintulutan kong idala rito."

"Whatever you say." mas lalo ko siyang binigyan ng imposibleng tingin. "It's so amazing. You really paint, huh?"

"Do you like it? Do you also..."

"Uhm, no." nakuha ko agad ang pinupunto niya. "I'm suck with it, but I quickly appreciated the art. I admire works, and I know that some artists have a story to tell."

"And what do you suppose this?" turo niya sa isang canvas na medyo... kakaiba sa kulay ng mga naging obra niya.

Pinakatitigan ko iyon ng maayos at hindi maiwasang ikumpara. And from what he was saying, it was as if I had defined the creation of that as 'abstract painting'.

"I feel—" tumikhim ako saglit. "—and I see he's agitated...?" tumaas ang kilay niya at ibinalik ko ulit ang tingin sa painting para patuloy na depinahin iyon. "It's extremely dark, does not feel safe, and is unsure what to do about it... He wishes he could control his demons rather than have his dreams control him... He's lost... mad... sad... and alone—or... siguro trip mo lang talaga ang subject na 'yan?" napakibit-balikat ako, 'di naging sigurado, at wala na rin masabi. I laughed a bit. "Sorry, I feel like super overzealous when it comes to criticism."

Sa madilaw na liwanag ay tila nangislap ang mga mata nito. I saw how his jaw protruded. Ngunit saglit lamang iyon nang lumambot ang ekpresyon niya't lumingon sa'kin. At katulad na palagi kong nabubungad sa kanya, ngumingiti siya.

"No, I think you were probably right the first time," he said.

Kusang umangat ang labi ko at lalong napangiti.

"How about this?"

Then a vintage box caught my attention. It's engraved with leaves and flowers. It has a lock but can be opened even without using a key.

And when I opened it, I thought it was a music box and it would play automatically when opened, but it turned out to be a beautiful piece of jewelry inside.

"A bracelet...?" wala sa sariling sambit ko.

"Hmm, yea..." lumapit siya at kinuha ang box sa kamay ko, nilapag niya rin nang kunin niya ang bracelet at sinubukang isuot sa akin nang kinuha't hinawakan niya ang palapulsuhan ko.

Nagkataka ako ngunit nagbago rin agad ang ekspresyon ko kalaunan. My lips parted when I realized he was going to do something.

"Darcy—"

"Let me." he cut me off.

Mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa'kin at tuluyan na niyang isinuot iyon. Nagparte lalo ang labi ko kung gaano mukhang kaantigo at kaganda iyon. Mukhang hindi basta lang na alahas iyon.

Hawak niya pa rin ang braso ko. I can see how his face lit up a bit habang tinitingnan niya ang palapulsuhan ko.

Ilang beses akong napakurap habang pinagmamasdan ang bracelet na iyon. Nawala na sa isip ko ang pagluwag ng hawak niya sa'kin dahil naging abala ang utak kong depinahan ang kagandahan ng alahas na suot-suot ko.

"It's beautiful..." ang tangi kong nasabi.

It's like a winged style.

"I know. It is a winged grey swarovski crystal bracelet. A swarovski ornate filigree antique silver with a gothic victorian baroque design," napaangat ang tingin ko sa kanya kasabay ng pagkurba ang gilid ng labi niya. "And it was worn by a princess almost as beautiful as you."

I gasped and my lips parted. "T-Talaga? Ang mahal pala nito!"

He nodded smoothly. "You can wear it."

"W-What?"

"Sa katagalan at kalumaan, sayang naman ang ganda nito kung walang magsusuot. Bagay din naman sayo kasi... maganda ka din."

I waved it off. "Hindi na. Baka hanapin din ng may-ari kaya salamat na lang."

His lips pursed. "I insist."

Napailing ako at 'di magawang tanggapin. Sa sobrang mahal at ganda, parang 'di ko deserve na tanggapin ang bigay niya. Hindi naman ako interesante, at yes, nagandahan lang ako. Pero ni hindi sumagi sa isip ko na hingin iyon. At hindi naman ako yung tipo na mahilig magsuot ng alahas. At isa pa, baka sentimental din ito sa kanya kaya 'wag na lang.

"Walang maghahanap dahil ako rin ang mag-ari niyan. Ibinibigay ko kasi wala rin naman gumagamit niyan."

Malalim ako napalunok. "Sa'n mo ba binili 'to?" pag-iiba ko ng usapan kaysa ipilit pa.

Siguro palihim ko na lang ito ibabalik sa kahon kapag nakatalikod na siya.

"Binigay 'yan."

"B-Binigay?" kanino naman kaya galing?

Baka siguro sa nanay niya! O baka sa lola niya! Kapatid? Pinsan? Pamangkin! O baka girlfriend niya! Mas lalo ko nakumbinsi sarili ko na wag talagang tanggapin ang bigay niya.

"Yea... actually, binigay ito ng isang prinsesa mula sa bansa pa ng Inglatera nang minsang... kinuha niya akong maging pintor para ipinta siya." aniya at ngumiti sa'kin na lalong ikinapaamang ko.

Totoo ba talaga ang sinasabi niya?

Sumenyas siya sa'kin at tila may saang direksyon na nginusuan siya para tingnan ko rin iyon. "Look at her..." sinundan ko ang tingin niya at napaamang ako sa painting na tinuro niya. "...there she is."

Wow.

The only word that came out of my mouth.

Ayan siya? S-Sobrang ganda niya...

She has porcelain skin, a delicate nose, baby blue eyes, and glamorous-shaped lips. A diamond face shape is best described by her narrow jawline and forehead with quite wide cheekbones.

I can say... this is the biggest and most beautiful portrait painting he has done among all his masterpieces. And the dazzling woman he is referring to is also wearing an elegant Victorian dress.

Dazzling, I must say.

Muntik ko na rin na hindi paniwalaan nang mapukaw ng atensyon ko na kasama sa pinta ang bracelet na suot niya, na ngayon ay suot ko.

At ano pa sabi niya? Isa siyang tunay na prinsesa mula sa Inglatera?

"Oh, my god... England?"

Siguro napaka-adventurous niya talaga para marami siyang makilala. At siguro, sa lahat ng babaeng napinta niya ay lahat kilala niya sa personal. Marami na siguro siyang napuntahan lalo na sa ibang bansa.

"Most of them are women, huh?"

Sumagi tuloy sa isip ko na baka isa sa mga ito ay natipuhan niya. Baka naging girlfriend niya? Hindi rin malabo dahil gwapo din naman siya.

"Are you jealous?"

Napaubo ako sa dagling tanong niya. Selos? Mukha ba kong nagseselos? Bakit ako magseselos? Tunog selos ba sinabi ko?

"No." agad kong sagot at napakunot ako.

"Don't worry, they may be beautiful, but I have never had any interest in one of them." sagot niya na lalong kinamaang ko.

Bakit kailangan niyang magpaliwanag?

"So, you don't have to be jealous—"

"Hindi nga sabi ako nagseselos!" halos tumaas ang boses ko sa kakulitan niya, na tinawanan na lang niya.

He just sighed, naiiling at natatawa pa rin sa'kin. "Oh my, my... Celestina..."

I just rolled my eyes.

Naaasar na talaga ko sa minsang pagkapresko niya. Tss. Ang hilig niyang mamilit sa salita na sa tingin niya'y totoo pero... hindi naman.

"You know... when I can travel, I often get to paint in different places... sometimes people too." he chuckled a bit. "Kahit hindi naman ako nagpapabayad, may ilan talaga na lumalapit, parang naging customer ko na ang ilan dahil may madalas na talagang gustong magpagawa sa'kin. Usually in England. Have you been there?"

I shook my head and shrugged a bit. "I've never really been anywhere..."

"I can take you there. Paris, Japan, England... Just name it. " he uttered, giving me a long searching look. "We can be there together wherever you want."

My lips parted. Bahagyang naningkit ang mata ko. Then I just shrugged and shook my head.

"Tss. Tumigil ka nga. Sobrang layo ng mga 'yon, napaka-imposible pa. T'saka, wag ka ngang magbiro ng ganyan. Baka maniwala ako, sige ka."

"Kailan ba 'ko nagbiro?"

"I don't have a pocket for that, it's too pricey. Bakit, libre mo ba?" I smirked at him when he smirked.

Nagbibiro lang din naman ako.

"Bakit hindi?" he paused for a while. "Yun lang ba inaalala mo?" natawa siya lalo na para bang napakaliit na bagay at madali lamang iyon sa kanya. "Walang imposible sa'kin, Celestina. Lapagan mo lang ako, gagawin ko."

"I like the idea... but no, thanks." sumilay ang kaunting ngiti mula sa aking labi. Napairap ako sa reaksyon niya. "Ewan ko talaga sa'yo. Ang lakas lagi ng trip mo."

Iba na kasi ang usapan kapag sa ibang bansa na. At isa pa, napaka-imposible rin lalo na sa sitwasyon ko. Gusto ko sana... kung malayang-malaya lang talaga 'ko. Walang pag-aalinlangan talaga na papayag ako sa suhestiyon niya. Kasi alam ko naman... ngayon, panandilian ko lang itong saya. Baka bukas, sa isang araw, babalik na rin ulit ako sa buhay na tinakasan ko. Makakauwi rin ako.

Pinagmasdan niya ko ng saglit at mahinang humalakhak sa'kin.

"I love you talaga."

He said—like—out of the blue.

Which has nothing to do with what we're talking about now—suddenly he became like this.

And just like usual, every time he talks like that, I am always dumbfounded and speechless.

"You hear me? I said... I really, really, really love you... Celestina." malinaw, medyo madiin, at dahan-dahan niya pa itong sinasabi.

Pinuno ko ang hangin sa dibdib at mahinang umanas.

Naiinis ako... kailan ba ko masasanay?

Oo, rinig ko siya. Araw-araw na lang ba niya uulitin 'to, ha? Hindi ba malinaw sa kanya? Hindi ba niya makita na... ayoko?

'Nahihibang ka na ba?' Yan sana ang gusto kong isatinig sa kanya.

"Celestina... I..." parang may gusto pa siyang sabihin.

"Oh, please..." I cut him off as I heavily sighed.

Here he is again.

"No—please..." he heaved a sigh.

His expression softened. His gaze traveled over my face, lips were slightly parted, and he seemed to be in a trance. I saw him gulp before shifting his eyes into mine.

"I think we need to talk about it—about us."

Sumikdo ang puso ko sa takot at kaba.

"Let's not prolong this conversation. I don't wanna talk about it." I mean us, because as far as I remember, there was never on us.

"Celestina..." he called again.

I gulped as I glanced at him. He was looking at me as if pleading.

"You don't have to avoid my feelings for you. If you still don't believe me, then I will confess to you every day until you believe me and love me too. "

"You're insane! A-Anong bang nagustuhan mo sa'kin, ha?" I echoed his words, but my voice was trembling. "Baka nagugulat ka lang, Darcy, dahil ako lang nakakasama mo sa ngayon. You know, we barely know each other too." umiling ako. "At hindi ka dapat nagsasabi nang ganyan sa taong kakakilala mo pa lamang. Hindi dapat... lalo na kung hindi ka sigurado."

"Do I look like I'm playing around?" he asked, sarcasm dripping from his voice.

I looked at him, his forehead was creased, and his jaw was clenched.

"I know you don't feel the same way... but take a chance. Hayaan mong pagtrabahuhin kong mahulog sa'kin..." now a sad smile stretched across his face did not escape my sight.

Bahagya siyang lumapit nang hindi ko namamalayan. Ramdam ko ang pagbabara ng aking lalamunan nang masakit akong napalunok. We were so close... so intimate. Nanghihina na rin ang mga tuhod ko sa presensya niya.

I averted my gaze from him when I felt his strange and burning gaze again.

"N-Nagsasayang ka lang ng oras. Kapag nakabalik na ako, baka malabo mo ulit ako makita dahil mapapalayo ako. Magsasawa ka rin at makakahanap ka rin ng bagong pag-iinteresan mo. Kaya habang maaga pa, itigil mo na 'tong kahi—"

His index finger stopped me. "I don't care. Too late for that... I'm already hooked."

Mula sa labi ko ay muli siyang tumingin sa mga mata ko—na lalong ikinapungay niya. Mas lalo ko nadipena ang katayuan niya, na siya namang ikinabilis na panunuyot ng lalamunan ko. Dahan-dahan akong lumayo paatras mula sa kanya. Napayuko siya saglit sa paglayo ko.

"Do you know how rare it is... to desire someone... with all your heart... and for them to reciprocate, hm?" mas marahan niyang sambit, na kahit parang hindi naman niya ako inaakit, ay para bang nadadala ako sa tingin at tinig niya. "That's luck... and you don't get that every day. "

Mas lalo akong napalunok nang magsimula siyang maglakad muli palapit sa'kin.

"At masasabi kong... swerte pa ako ngayon, dahil nasa harap pa kita at nakakausap pa sa ngayon." pagpapatuloy niya. "And with that, any second, any minute, any hour and day... I might even change your mind. What do you think?"

"H-Hindi na... hindi na magbabago ang isip ko. Kaya, tigil na, Darcy." patuloy na pagmamatigas ko.

"Hmm... really?" his head arched a bit. Napapikit siya saglit. I saw how Adams-apple protruded. "Oh, angel baby. You don't realize how lovely it is to hear my name come directly from your lovely mouth and sweet voice."

Mariin kong ikinagat ang aking ibabang labi na halos magdugo iyon. Humugot ako ng malalim at mabilis na napakurap sa kanya.

"You're crazy. W-What are you doing?"

"Talking...?" he smirked.

"Y-Yea, great, talking." I chuckled a bit, already feeling uncomfortable. "Eh... b-bakit ka lumalapit?"

Mas lalong kumurba ang labi niya na parang ipinararating na wala namang mali doon kahit sobrang napapalapit na siya.

"'Cos, I have a lot more to say..."

My lips trembles that's why I bit it again. Saglit akong napapikit ng mariin. "Pwede bang wag kang ganyan m-makatitig? You're just standing there, kanina mo pa ko pinagpupungayan ng mata, ah?" tinatago ang kabang sambit ko, alerto sa sarili.

Oo sa sarili. Dahil ayokong dumating na naman sa puntong madala na naman niya ko.

"What?" amused suddenly dancing to his eyes.

"Ang lagkit mong tumingin. Kanina ka pa—tapos... tapos..." saglit akong lumunok ng laway at kumunot. "...bakit hindi magulo ang buhok mo? Kailan ka pa natutong magsuklay? Magtutulog na't lahat nagpabango ka pa—wag kang ngang sabing t-tumitig!"

"Seriously? Anong problema kung ganon?" natatawa niyang tanong sa'kin.

Mas lalo akong kumunot sa reaksyon niya.

"You're so honest. Do you have problem with my eyes, Celestina?" aniya sa mapaglarong tinig.

"Yes." seryosong tugon ko. At hindi ko alam kung bakit ginagawa niya lang katatawanan ang mga sinasabi ko. Mas lalo akong kumunot nang lalo ko siya nadipena ng maayos sa malapitan. "They're too sparkly and irresistable—and it's so annoying."

"Does it bothering you, hm?" mas marahan na niyang tugon.

"I just said they were. Ang kulit mo. Bakit ka ba lumalapit, pwedeng tumigil ka?" hindi na naitago ang inis.

"Why? Gusto ko lang naman kausap ka sa malapit, 'e. Hindi ba pwede 'yon? Bakit ka ba kasi layo ng layo, hm...? Nagkakaroon na ba ako ng epekto sa'yo, Celestina, huh?"

Gusto ko maubo sa mga sinasabi niya! Pero pinigilan ko lang at baka mapadura lang ako sa harapan niya!

"Hah! Hindi 'no! Everything about you is bothering me!" naiinis ko lalong wika sa kanya.

"Oh, is it?" parang nagulat pa siya. Mas lalong nauunat ang labi niya sa pagkakangisi.

"Y-Yeah... listen," I licked and gritted my teeth as I glared at him.

Nang sobrang lapit niya ay dumikit ang hintuturo ko sa dibdib niya nang duruin ko siya. Bumagsak ang tingin niya doon, tumaas ang kilay at kumurba ang labi, kaya ibinaba ko rin agad ang kamay ko nang bumalik ulit ang namumungay na ng mata niya sa'kin habang patuloy na pinangungunotan siya ng noo. Pilit kong pinigilan ang pagkapitlag sa tingin niya.

"...you're not gonna get to me. Like I said, I'm too smart to be seduced by you. I am detached. Totally, then." pilit na paglilinaw ko sa kanya na tila'y hindi talaga siya natitinag.

"Totally...?" mas lumambot ang kanyang boses at lumagkit na tila inaantok na ang mga mata nito.

Na mas lalong kinaiinisan ko. Yung mukha lang siyang kalmado habang heto ako, halos magharumentado na naman dito! Bibigyan siguro ako ng malalang sakit ng lalaking 'to! Mukhang mapapaaga yata ang tapos ng buhay ko sa kanya kapag ganito siya!

I can also reflect myself in his sparkling eyes, halos madipena ko ang sarili dahil sa sobrang kunot ng noo ko.

"A-Ah-huh, I feel nothin' 'bout you..." I said, holding my breath as I could almost feel my knees trembling.

"Nothing... huh?" he whispered in a flirtatious voice.

Hindi pa nakatakas sa paningin ko kung paano niya basain ng dila niya ang pang-ibabang labi at kalaunan ay kinagat niya rin ito na parang isang malambot na bubble gum.

"N-Nothing..." hindi ko na magawang makalunok sa walang patawad na dagling pagtungo niya pa sa'kin nang ginawa niya iyon.

At kaunting hibla na lamang ay maaaring maulit na naman ang pangyayari nung isang gabing... hindi ko na yata makakalimutan pa. Ang maramdaman muli ang kanyang labi. Ang mahalikan na naman niya 'ko.

"Hmm... I doubt that. I can feel that you're liking my presence, especially when I'm close. " and I don't understand why his tone sent me shivers down to my freakin' spine.

"How are you sure about what I feel?"

I'm just trying to keep a straight face, but... damn it.

My voice almost runs out of response. I felt an electric shock in the middle of my body. I don't know which... specific call.

"Hmm... 'cos your body is the most liar than you are, Celestina," he whispered, like with so much anticipation.

Naging marahan ang pagkurap ko sa kanya hanggang sa dumapo ang namumungay niyang mata sa nakaparteng labi ko. Bumalik ang tingin niya sa mata ko nang hindi pa rin ako gumagalaw.

Hindi ko alam na sa isang tingin na iyon ay isang senyales na pala iyon.

He kissed me thoroughly.

I gasped, from what seemed to be a running horse inside my chest. My heart rate suddenly slowed down. And this time—to suck up some air—I retaliated.

I let him kiss me so hard that I almost couldn't breathe.

I really... kissed him back.

Totally, then. 

P I E D R A I J A D A

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro