PHASE 20
I know that when I opened my eyes again, and my spirit was completely awakened—I felt something different.
Parang sinasabayan ng kabog ang dibdib ko hudyat na umaalingawngaw ang bawat taktak na tunog nang grandfather's clock sa loob ng kwartong tinutulugan ko. Talagang nakakagising nga ng diwa ang orasang ito. Muntik ko na tuloy makalimutan na panahon pa ng mga kastila ang mansyong 'to at alaga pa rin sa gamit ang mga malulumang bagay rito. Kaya bihira lang siguro palitan ang mga bagay lalo na kung matibay pa. At kahit itong kamang tinulugan ko, bukod sa may pakurtina ang istilong nakasabit sa itaas para siguro 'di ako lamukin, ay halatang gawa rin siya sa antique.
Halatang babae ang tumutulog dahil din sa istilo na may floral beige, lavender, and brown vintage ang wallpaper ng buong ding-ding. Ibang-iba sa istilo ng kwarto ni Darcy.
Isang malalim na hikab ang kumuwala sa aking labi. Pupungas-pungas ay natulala muna ako saglit sa kisame.
Wondering what will happen on this day at ano ang kaya magandang gawin.
Natanto kong... pangalawang araw ko na pala rito.
Hmm... hindi na rin masama dahil naaaliw ako sa lugar na 'to. Mas lalo pa akong nasasabik sa isiping may dagat sa tapat ng mansyong 'to. At anytime, pwede kong puntahan hanggang pagsawaan.
Napabuntonghininga ako ng malalim nang wala sa sariling kusang lumipad ang palad ko—dagling sumapo papunta sa labi ko.
Para bang unti-unting umangat ang puso ko at dagling bumaon para lalong maramdaman ang dagling pagkalabog nito.
I know... I know.
We kissed.
And now, it's weird.
Tila'y may saglit na paru-parong nagtipon sa tiyan ko sa lalong paglalalim ng pag-iisip ko.
Huminga ako ng malalim. Saglit kong iginulo ang aking buhok at parang baliw na naiiling, na para bang sa paraang iyon ay mabubura 'yon habang patuloy na naiiwaksi ko sa isipan ko ang kagabing hindi inaasahang pangyayari. Masyadong madami... at masyado rin mabilis.
And thinking about Darcy claiming my lips last night makes me want to die—or pass out even for a moment, because I'm not ready to face him this morning!
Sanay na ako sa kalandian niya, pero hindi ko lubos na akalain na hahantong siya na halikan ako!
My cheeks fucking reddened again!
Hindi ko pa man nasisilayan ang kasinagan ng haring araw ay para bang tinutusta na ako rito dahil sa dagling pag-iinit agad ng mukha ko na kumalat sa buong katawan ko.
Nanlulumong—marahas ako bumuga ng hangin. Hindi pa nga ako gumagalaw ay parang hahapuin na yata ako kapag naiisip ko ang mukha niya... at ang bawat galaw, lapat ng labi, bawat kagat, at lalo na ang mapanuksong dila niya—ay talaga namang—!
Parang ramdam ko pa rin...
Pa'no na...?
Hindi ko yata alam ang gagawin ko sa oras na magkasalubong kaming dalawa! Hindi ko alam kung ano ang iaakto ko kapag nagkaharap kami. Hindi ko rin alam kung ano ang aking sasabihin. At lalong hindi ko rin alam kung kaya ko pa bang lumabas sa kwartong 'to.
Mabuti na lamang ay magkabukod kami ngayon at isiping malaki ang mansyon ay labis na nagpatanggal ng panlulumo't, ilang, at kabang nararamdaman sa'kin!
Siguro naman, paglabas ko pa lang, hindi ko agad siya makikita? Ano kaya ang ginagawa niya? Umalis kaya siya? Gising na kaya siya? Sana tulog pa...
Parang hindi ko rin yata kakayanin kung sakaling maghahati din kami ng kama katulad nung magising ako kahapon sa kwarto niya. Lalo na't may wisyo pa naman ako, mabuti ay hindi talaga siya ang katabi ko.
Panigurado kasing magkukulang lalo ang tulog ko.
Marahan lang na inasikaso ko ang sarili't naghanda. Namangha pa nga ako sa closet dahil puno ng mga magagandang damit na pang-babae. Na kahit pinilit ni Darcy na ayos lang sa kanya na iyon ang suotin ko—medyo nahihiya pa rin ako.
Siguro maganda rin ang may-ari nito?
Siguro maganda talaga ang nanay o kapatid niya?
Sa istura pa lang niya, hindi na siguro nagkakalayo. Halata namang pinanganak siyang may lahi sa tindig pa lang, at sa kulay ng mga mata niya.
Hindi daw nagamit, 'e. Naka-organized pa ang lahat. Magkakabukod ang kulay at sinadyang inayos ang patas nito. Halos mga bestida na kasing hapit lang ng katawan ko. And by the style of it, most of them are too vintage and lacey dress. May mga ilan pa ngang skincare, mamahaling pabango, make-up, branded bags, lalung-lalo na ang mga alahas na nakita ko sa drawer nang saglit ako naghanap ng blower at suklay dito.
Pero ni isa 'don ay hindi ako nangahas na pakialaman o gamitin 'yon. Sapat na sa'kin ang damit na pinahintulutan niya.
Matapos kong mag-ayos, nagdadalawang-isip man—I clenched my fist and nervously reached for the knob. My knuckles were only inches away when the door suddenly opened making me heart jump.
"O-Oh... D-Darcy! Ikaw pala!" I tried to hide my shock and nervousness by laughing.
I winced a bit dahil alam kong masyadong exagged ang reaksyong sinalubong ko.
Kasasabi ko lang na ayoko muna siya agad maharap, pero heto, lalabas pa lang ng pinto ay mukha na agad niya ang mkabubungaran ko.
Para tuloy may bombang nagpasabog sa harap ko dahil sa pagkapitlag ko.
"Kakatok pa lang ako, palabas ka na pala." aniya.
Ikaw nga unang nabungaran ko kahit ayaw pa kitang makita...
"Bubuksan ko pa lang ang pinto, andyan ka na pala." saad ko.
Tumaas ang isang kilay niya. "Akala ko kasi hindi ka pa rin magigising,"
"Uh, kagigising ko lang naman talaga, nagmadali lang akong maligo..." I suddenly averted my gaze from him coz he's giving me a long glance again. "G-Goodmorning." untag ko.
His lips slowly formed into a small smile.
"Good afternoon," he said huskily.
"Ha?"
His licked his lips, titig na titig sa akin na para bang dinedetalye niya ang bawat parte ng mukha ko—na agad naman pasimpleng ikinakamot ng batok ko.
"Tanghali ka nang nagising. Hindi kita ginising kanina kasi mukha pang masarap ang tulog mo. Ayoko naman na magambala ka, pero dahil tanghali na, naisipan ko ulit puntahan ka para tingnan kung gising ka na talaga."
"Tanghali na pala..." wala sa sarili kong sambit.
Tumunog naman ang orasan kanina pero 'di ko man lang inalam kung anong oras na ba nung nagising ako.
Makikita talaga kung gaano ako kalutang ngayong araw na'to.
"Yup. Bakit tanghali ka na nagising?"
I blinked twice before I glanced at him.
He's just wearing a plane white shirt and a jeans. He looks powdered at fresh tingnan. Langhap na langhap ko ang hindi nakakasawa niyang amoy panlalaki.
His body is sporty type. May tamang muscle at matangkad talaga siya. But a part of his biceps and triceps can be seen on his shirt. Mayaman naman siya pero mas pinili niya pa ring magsuot ng manipis na tela na tamang yumayakap sa kagandahan ng katawan niya. Halata ang bawat bitak nito.
What a perfect physique—oh stop, Celestina.
"A-Ah, late na rin siguro ako nakatulog kagabi kaya..." kibit-balikat kong sagot.
He smirked a little and still looked at me intently. "Puyat ba kakaisip sa'kin?"
I froze a little.
Minsan talaga, gusto kong sampalin ng isa ang lalaking 'to, 'e. Kakagising ko lang, pinaaandaran na naman niya ako ng landi!
Napakibit balikat na lamang muli ako—nanghihinang, hindi na nagawang sakyan ang kanyang biro. At lalong hindi ko rin alam kung makakaya ko pa bang sakyan ang mga biro niya... dahil sa ginawa niya sa'kin kagabi!
"Ako din naman, late na nakatulog. Hindi agad ako makatulog dahil kagabi, Celestina..." mas tinitigan niya pa ako na para bang sa mga tingin niya ay may ipinararating sa'kin dahil sa sinabi niya.
I seemed to know what he was referring to, but I didn't point it out at baka lalo niya lang ako asarin.
Hindi rin siya makatulog kagabi?
Tss.
Siguro natutuwa siya dahil naka-isa siya sa'kin. Pero kung naiisip niyang nagtagumpay siya, pwes, nagkakamali siya!
Nahalikan man niya ako, pero matibay pa rin at hindi nahuhulog ang loob ko sa kanya!
"Ayun..." huminga muna siya ng malalim at binigyan ako ng tipid na ngiti. "Maaga pa rin ako nagising kanina, galing ko sa bayan para bumili ng lulutuin. Since you're already awake, come on, let's go downstairs." anyaya niya agad.
My face lit up a bit.
"Nagluto na si Manang. Sabay na tayong kumain. Marami akong pinaluto at paniguradong gutom ka na."
"A-Ah, pwede bang—"
Tatanggi sana ako para sana sabihing mauna na siya at susunod na lamang ako. Parang 'di ako kumportableng sabay siya sa hapagkainan!
Magdadahilan sana ako pero dahil sa lintik na pagkarog ng tiyan ko ay tinaraydor agad ako sa binabalak ko.
"Ano 'yon, Celestina?" natatawa niyang sambit dahil mukhang narinig niya pagkalam ko.
Pumikit ako ng mariin bago nagsalita.
"A-Ah..." I shook my head. Hilaw ako napangiti. "...wala. Sige, tara na."
Tahimik naman na tumungo kami sa kusina nang masilayan ko muli si Manang habang abala sa paglalapag ng mga pagkain. Seryosong nasulyapan niya kami at nang bumagsak saglit ang tingin niya sa'kin ay napalunok ako.
Saglit akong may naalala. Hindi ko akalain na hindi pala ito nakakapagsalita dahil sa kanyang kondisyon. Naakusahan ko pa tuloy na baka ayaw nito sa akin.
Naisip ko nga, na paano kaya makipagtungo ang dalawa? Paano sila nagkakaintidihan ni Darcy?
Oo nga at pipi, at posible naman na hindi siguro bingi si Manang, pero sa paanong paraan 'din naman kaya ipinapahayag ang saloobin ng matanda kung 'di talaga siya nakakapagsalita?
Nawala saglit ang iniisip ko nang malapit na kami sa mesa ay pinag-usod agad ako ni Darcy nang upuan. Tahimik din naman akong naupo habang abala na si Darcy sa pagtingin ng mga pagkain. Nakita ko agad ang gana sa kanyang mukha.
Mukhang masarap talagang magluto si Manang.
Tahimik na lang kami kumain kalaunan.
"How was it?" untag niya bigla.
"Hm?" I glanced him.
"The food." saglit niya akong nilingon habang ngumunguya, galaw ang kubyertos ay binalik niya ang tingin sa pinggan habang may kaunting ngising nakaultaw sa gilid ng kanyang labi.
"Mas tumahimik ka lalo, 'e. Sobrang nasarapan ka ba sa pagkain kaya 'di mo ako magawang masyadong pansinin?" aniya pa.
Nagulat ako sa tanong niya. Natanto kong kanina pa kami tahimik na kumakain at walang nagsasalita sa'ming dalawa, kahit na may pagkakataon na madalas ay binibigyan niya ako ng saglit na tingin at madalas pa'y umiiwas ako at idinadaan ko sa subo para lang hindi siya kausapin. Ngayon—nakatitig siya sa'kin at sinusulyapan ang pagkain ko.
"Ah!" I laughed a bit. "Masarap."
He smiled.
"Masarap magluto si Manang." agad akong lumunok at pasimpleng huminga ng malalim. "Bakit pala hindi siya sumabay sa'tin? Baka nagugutom na din siya."
Biglang tanong ko, napansin kong umalis na naman ang matanda na wala man lang pasabi—este! Wala man lang senyas na aalis na matapos maglapag ng pagkain.
"Kakain daw siya pagkatapos na'tin."
Dahan-dahan akong tumango.
Paano niya nasabi? Sinabi ba 'yon ng matanda? Ni hindi ko man lang nakita kung paano mag-interaction ang dalawa.
I just heavily sighed at nagpatuloy muli sa pagkain.
"Babalik din 'yon. Baka may sinaglit lang."
Nagkatinginan kami. I can sense him weighing that I was thinking.
Ang weird ng nararamdaman ko. Naiilang ako pero parang gusto ko makapagkwentuhan man lang kaming dalawa. Well I have no choice, kami lang dalawa dito.
Kaya kailangan ko pa rin siya pansinin at hindi iwasan para hindi niya maisip na naiilang ako sa kanya.
"I just wanna ask..." I bit my lower lip and sucked a deep breath. Nakita ko agad ang pagbaling niya bago sumubo. "P-Pero okay lang kung 'di mo sagutin. Baka ikasama mo."
Nakita ko ang bahagya niyang pagkunot. "Sure, tell me about it."
"B-Bakit... uhm..." napatikhim ako saglit. "...bakit pipi si Manang?"
His lips parted. Napakibit balikat ako at inaasahan na baka hindi na niya sagutin.
"I-I'm just curious. Magdadalawang-araw na 'ko dito. Gusto ko sanang makipag-interact kay Manang, nakakahiya naman... na bisita ako rito, kaso 'di ko rin alam kung pa'no siya pakikisamahan. At uhm... dun sa kondisyon niya, inborn na ba 'yon?" pagpapatuloy ko.
Matagal bago siya nakatugon. Akala ko ay hindi na niya sasagutin. Ayos lang naman sana sa'kin.
"Nope. May nangyari sa kanya dati..."
I gasped as my lips parted.
Napakurap ako at umayos ako ng upo nang biglang sumulpot si Manang. Abala na ito ngayon hawak ang mga prutas na nakalagay sa basket. Nagdiretso ito sa may sink at sinimulang hugasan ang mga ito na parang wala siyang kasama sa kusina dito.
Tahimik naman na ako'y muling lumingon sa kanya.
"May... nangyari?" I tilt my head. "Anong nangyari kay Manang?" mas hininaan ko ang boses nang balingan ko si Darcy.
Seryoso na ito ngayon habang nakatingin sa nakatalikod na matanda.
"Ang weird nga, 'e." siya naman ang napakibit-balikat.
Halata sa itsura na nagdadalawang-isip pa ito ngunit napilitan ito tuloy na magsalita.
"Bakit naman?" nalilitong saad ko.
I heard him sighed. Napainom muna nang tubig saglit. "Nung una kasi siyang namamasukan dito... nagsasalita pa siya. Pero nung panahong galing siya sa bakasyon, ang kwento ng anak niya, nakipaglaro daw si Manang..." kita ko ang paglunok niya na ikinalunok ko. Bumaling siya sa'kin. "...sa isang buwaya."
"B-Buwaya?" tila'y nabingi ako kahit malinaw ko naman na narinig.
I froze a bit. Ngunit napaigtad din sa dagling kalabog na narinig ko. Parehas namin nalingon ni Darcy ang nakatalikod na si Manang. Akala namin ay may kung anong nabasag. Aksidenteng nabitawan siguro ni Manang ang mga prutas sa sink kaya kumalabog ito.
Gusto ko lang kumpirmahin kung tama ba ang nadinig ko.
Seryoso ba siya?
"Yea. Ang lugar kasi nila, bukid, kaya marami sa kanilang ilog. May alaga siyang buwaya. At ang kwento, habang pinapakain niya ang alaga niyang buwaya, nilaro niya raw ito. Hanggang sa nalaglag siya habang inaabot yung karneng isusubo niya—"
Malalim akong nalunok. Kinukuwento lang naman niya ay labis naman nakapagpapangimay sa'kin. Mabuti ay patapos na rin kaming kumain. Hindi ko tuloy maiwasang sulyap-sulyapan saglit si Manang habang tahimik na kinukwento sa'kin ni Darcy ang malalang sinapit ng matanda.
"P-Paano siya... na-pipi dahil 'dun?" mas lalo tuloy naging palaisipan sa'kin.
He shrugged a bit. "Sumigaw kasi siya, 'e."
"Sumigaw?"
"Oo."
Napakurap ako. "P-Paanong sigaw?"
"Sa takot ay natangay siya pababa habang hawak ang karne, nadulas at lumubog kasama ang alagang buwaya..."
"Hindi ko maintindihan," napailing ako sa kanya.
Napabuntonghininga muna siya ng malalim. "Sumigaw kasi siya na nakalabas ang dila."
"What!?" pinigilan ko ang masigaw ngunit hindi nakatakas sa'kin ang mariing tanong dahil sa gulat.
"Nakagat yung dila niya, napuruhan siya." seryoso niya pang paliwanag na para bang ayaw kong paniwalaan.
"O-Oh my, God..." tanging naibulalas ko.
Hindi ako makapaniwala. At dahil don, kahit na matagal na nangyari, labis naman ako nalungkot sa nangyari sa matanda.
"Sa pagpupumiglas niya, mas dumami lalo ang natamong sugat niya, ngunit mas napuruhan talaga ang dila niya." pagpapatuloy niya habang pokus na siya sa pagkain.
Buti ay nagagawa niya pang kumain sa kabila ng pagkukwento niya?
"Geez." parang nagsisi tuloy akong pakinggan.
"Mabuti na lang talaga at naisugod siya sa ospital ng anak niya nang makita ang pangyayari."
"A-Ang ibig mong sabihin ay... wala na talagang dila si M-Manang?" kinilabutan tuloy ako sa sarili kong tanong.
Nakakatakot at napakasakit na pangyayari.
Tumango siya. "Kaya hindi na talaga siya makakapagsalita habang buhay." aniya'y nahimigan ko ang lungkot niya sa sinabi.
"Aksidente pala talaga ang nangyari..." nakakalungkot naman.
"Yeah..." he breathed. "Parang lola ko na rin siya. Kaya 'di ko siya magawang palitan. Kung naabutan mo lang siya, malamang malalaman mo kung gaano kabait ang tinig niya."
I smiled him a bit.
"Mukha lang siya suplada, pero mabait talaga 'yan si Manang."
Dahan-dahan akong tumango at sumang-ayon sa kanya.
Hanggang sa saglit na namuo ang katahimikan sa'ming dalawa, at hanggang sa natapos na kaming kumain at hinihintay na lamang na maubos ang kapeng iniinom namin.
"Do you have plans for today? Like Gigs?" biglang tanong ko.
Kasi kung meron man siyang gagawin o pupuntahan, okay lang naman sa'kin na maiwan muna dito. Ayoko namang maging sagabal o abala sa mga personal na ginagawa niya sa buhay niya.
"No. I don't have plans for today, unless kung meron kang gustong gawin."
Napaisip ako. Umiling na lamang ako dahil hindi ko rin alam. Masyado akong naaliw sa dagat, pero siguro mamaya ko na lamang iyon ulit pupuntahan.
"Alam ko na, have you ever been on a Jet Ski?"
Naudlot ang pag-inom ko sa tasa dahil sa tanong niya.
Jet Ski? Tumaas ang kilay ko. "No...?"
"Gusto mo?" agad niyang aya.
My face lit up. "You have Jet-Ski? For real?"
"What? Ayaw mo? Baka may iba kang gustong sakyan pwede din naman ako—"
"Tss..." my lips automatically grim line, napabuga ng hangin kasabay ng pagbagsak ng balikat ko sa mapilyong biro niya.
"Kidding." he laughed a bit. "I'm serious. Let's do it."
My lips parted. Aalma na sana ako.
"Jet Ski." agad na paglilinaw niya.
I paused for while. "Matagal ko nang nakikita't napapanood 'yon pero ni hindi ko man lang nasubukan."
Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko. Para bang imbes na pagtawanan ako ay mas natuwa lang siya sa narinig. Kita sa tuwa niya na naging maganda ang ideya niya, at na hindi siya nabigo sa pag-anyaya.
"So, are you really in? This is gonna be fun." ang tinig ay para bang inaakit pa lalo ako.
Mas lalo ko tuloy naramdaman ang pananabik.
Kami? Sasakay ng Jet Ski? Ngayon?
Gusto ko! Bakit hindi?
I slowly nodded as my lips formed into a wide smile. "Yes. I wanna do it for real."
"Great. Then let's do a quest."
Agad na siyang tumayo na ikinaangat ng tingin ko. Sumenyas na rin siya sa'kin na tumayo na rin para lumabas. Nagpaalam muna kami ng maayos kay Manang bago kami tumungo sa dagat.
"Wow..." hindi ko naitago ang mangha sa isang Jet Ski at na nakaantabay sa dulo ng board walk—handa na para gamitin namin.
"Say hi to my black marlin baby." natatawang sambit niya habang patuloy ako na namamangha sa aming sasakyan.
Mas lalong bumilis ang lakad ko, ramdam ko ang paglingon at sunod niya sa'kin.
At nang mapalapit ako ay agad kong nilingon ang makakasama ko. Napangiti ako at sumalubong ang nakangiti niyang mukha habang papalapit na sa'kin.
Kasing kulay talaga ng bughaw na karagatan ang kanyang mata. Mas lalong naniningkad ang kulay kapag natatamaan ng araw.
Nakasuot pa rin ng jeans si Darcy at ang manipis na puting shirt nito. At tulad ko, hindi na rin nag-abala pang magpalit ng damit. Mas kumportable na ako sa medyo manipis na puting long-sleeves at maong shorts. Parehas din kaming nakayapak dalawa.
"You really know how to ride that?" paninigurado kong tanong, hindi naman natatakot, mas lalo lang nadaragdagan ang pananabik ko.
"Chickening out?" tumaas ang kilay niya. "Try me."
He smirked devilishly and I smirked back.
Ayos lang, mukha namang sanay siya kaya wala akong naramdaman na pag-aalinlangan.
"Okay, ready?"
Hindi mapuknat ang ngiti ko nang tumango ako. Nasa unahan na siya, nakaupo't nakakapit na sa gilid at hinawakan ang manibela. The adrenaline in the anticipation of riding it is kicking in. Naramdaman ko ang pag-uga ng Jet Ski nang inayos ko na rin ang posisyon ko, at hindi rin nagtagal ay umangkas na rin sa likod niya. Ngunit ganun na lang ang pagkapitlag ko nang kunin niya parehas ang braso ko mula sa kanyang likod, kasabay ng pagpulupot niya iyon sa kanyang... matigas na baywang.
Sa pag-ayos niya nang kapit ay sya namang dikit bigla ng dibdib ko sa likod niya. Saglit siyang tumigil at ramdam ang saglit na paglingon niya.
"You need to hug me. Baka malaglag ka." aniya niya agad.
"Okay, but—"
"No buts. Just hug me. Hindi agad kita masasagip kung sakaling malaglag ka."
Malalim akong suminghap at napakurap. Wala akong masabi at ako'y napalunok na lamang.
Tama nga siya, kung hindi ako kakapit ay baka malaglag nga ako. Kailangan niya pang kontrolin ang Jet-Ski para lang sagipin ako kung sakali. Kaya... hindi ko nga dapat ito binibigyan ng malisya kahit ramdam na ramdam ko ang init na katawan niyang halos manuot sa balat ko! Kahit na may tela pa ring nababalot sa'ming damit!
Napabuntonghininga ako at tumango. "Fine. No malice, okay?" inirapan ko siya, kaya kahit nakapagilid ang tingin niya sa'kin, hindi nakatakas sa paningin ko ang pag-ngising aso niya.
"Sadly, I am thinking maliciously when it comes to you..."
Ilang beses niya muli akong tinanong kung handa na ba ako. At hindi pa man humihigpit ang yakap ko sa kanya ay pinaandar na agad niya ang takbo.
"Darcy!"
Halos mapairit ako sa gulat dahilan ng pagtawa niya pero nagpatuloy pa rin siyang bilisan ang pagpapandar ng kanyang Jet Ski.
Wala pang ilang oras ay halos nasa malayo na kaming banda. Maliit na rin na ang natatanaw ko sa mansyon nila nang saglit kong nilingon iyon.
Mas lalo tuloy akong ginanahan nang binilisan niya pa lalo ang takbo na halos umangat ang Jet Ski sa unahan. Para siyang sumasakay ng kabayo sa tuwing kinakabig niya ang manibela para umangat ito. Mabuti na lang ay mahigpit ang kapit ko sa kanya at baka malaglag ako. I cannot believe that he is good with this! Marunong at talagang eksperto!
Halos pinagsawa naming uliin ang lawak ng karagatan. May dinaanan pa kaming hidden caves sa gilid na hindi ko malaman ang tawag. Ngunit saglit lang din iyon at 'di na namin pinasok dahil nararamdaman na namin sa aming balat ang sakit ng halik ng araw. Kaya wala pang dalawang oras ay nagdesisyon kaming bumalik na rin.
Binagalan niya lalo ang jet ski nang makalapit na kami sa buhangin. Habang kami ay bumababa, tawa pa rin ako ng tawa dahil sa kanya. Paano ba naman kasi, nanghingi siya ng tulong kanina na malapit na raw malaglag ang pants niya! Mahuhubaran na talaga siya at halos masilayan ko na ang boxer niya! Gusto ko sanang mahiya, pero mas natawa na lang lalo ako nang mapag-alamang mas nahiya siya sa'kin!
"Geez. Stop laughing!" suway niya. He poked his tongue into his right cheek as he forced himself to frown, even though there was a hidden smile on his lips.
"Ikaw kasi, 'e! Kung bakit ba naman kasi hindi ka na lang nag-short o sinturon man lang kanina! Masyadong kahalay-halay na pangyayari!" natatawang sabi ko pa sa kanya.
Malaki pa rin ang ngisi ko habang papabalik na kami.
Medyo basa na kaming dalawa pero hindi naman to the point na basang-basa talaga dahil hindi naman kami nagsisidan kanina.
He rolled his eyes as he heavily sighed. "Shut up, Celestina."
Mabilis ang oras ay papalubog na naman ulit ang araw.
"So... we crossed to a hidden cave and rode a Jet Ski on a list. Have you ever been a night swimming?" aniya'y parang may pinahihiwatig pa siya.
Unti-unting sumilay ang ngiti sa aking labi. Ngunit dahil sa kanina, kahit naman nakaangkas lang ako sa kanya ay naramdaman ko agad ang pagkapagod. Medyo masakit din kasi ang init kanina.
"Maybe riding a Jet Ski is enough for today."
"Okay." he bit his lip and gave me a nod.
"Thank you... Darcy. I had fun."
He paused for a while as his lips parted. He just shook his head and let out a slight chuckle. Na para bang maliit na bagay lamang iyon.
"Really, thank you. Thank you for the things you have made me experience that I have never experienced before. Sa kabutihan mo rin dahil sinasamahan mo ako." I bit my lower lip.
Hapon na pero pakiramdam ko ay ramdam ko ang pagtusta ng pisngi ko dahil sa namumungay at tila'y inaantok na tingin niya.
"You're welcome." malambing niyang tugon. "Next time. I should uh, teach you how to ride a horse."
My lips automatically formed to 'o'. Napasinghap ako. "Wow! Meron ka rin non?"
"Ah-huh." he nodded. "Just so you know... if there's anything else you want to do, just suggest it, and we can do it. "
"Really?" tumango siya.
"Really. Anything you want..."
Napakunot naman ako. "Pero... hindi ka ba busy sa buhay mo?"
Natawa siya sa'kin at umiling. "Hindi busy pagdating sa'yo." I bit my lower lip; he licked his own as he clicked his tongue. "Hindi sa pagmamayabang, hindi mo kailangang mag-alala. Mayaman naman ako kaya... okay lang." he slightly chuckles. "And the clock is ticking. Gusto ko rin naman gawin ang mga bagay na gusto ko... at syempre mas masaya na kapag ikaw din ay kasama. I have many adventure things I want to try that are still on the list. So now... I'm expecting to be with you in all of that." mas marahan niyang sambit.
"I will look forward to that then..." napapaos kong tugon—kahit na hindi lubos na sigurado sa plano niya.
Pero sa isang banda, natuwa ako dahil naisasama niya na 'ko sa mga plano niya. I know he's kind despite of being brute all the time. But I didn't know he could be this thoughtful... para bang alam na niya ang kiliti at kahinaan ko. Para bang kilala na niya ko.
Hindi ko namalayang nakatigil kami sa tapat ng mansyon niya. Unti-unti siyang lumapit at naramdaman ang isang palad niya. Marami akong gusto pang itanong tungkol naman sa sinasabi niyang... kabayo. Pero hindi na ako makadugtong at napako na lamang sa kinatatayuan.
Nanatili akong tulala sa banayad niyang tingin at sa kanyang ginagawa habang nakatungo siya sa'kin. Dinadama ang lahat ng kakaibang nararamdaman na siya lang yata... ang tanging nakapagpapapukaw nito.
My eyes felt so sleepy as I silently gripped on my sanity.
Kinagat ko ang labi ko at tumingala upang mawala ang panghahalinang nararamdaman dahil lamang sa paghawak niya sa aking mukha at sa mga ibinubulong niya. Ngunit mas lalong lumalalim ang aking pagsinghap at nanginig ang aking mga tuhod nang salubungin niya pa ako ng bughaw niyang mga mata.
"Look, the outside world awaits you. But here's a little secret I'm going to tell you, my love. There's a whole world out there waiting for you, and all you have to do is ask, go, and do all the things you want without feeling restrained. Because you deserve more, Celestina... You deserve more, " he whispered sensually.
P I E D R A I J A D A
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro