PHASE 19
Mabilis ang oras ay iginugol namin ni Darcy ang pamamasyal at paglangoy sa dagat. At magsisinungaling lang ako kung sasabihin kong hindi ako nag-enjoy. Sobra akong nag-enjoy kaya umabot na ang paglubog ng araw na pinagsawa namin ang sarili sa pamamasyal lalo na ang paglalangoy.
Pakiramdam ko, sa mga oras na 'yon... kami lang ang dalawang tao sa mundo. A light feeling overshadowed my heavy feelings earlier.
At alam ko namang 'di na bago ito sa kanya dahil dito naman siya nakatira. Pero kahit papa'no—sobrang na-appreciate ko siya dahil hindi niya ako hinayaang maglugmok lamang magdamag sa lugar niya. Sinamahan niya talaga ako at lagi siyang nasa tabi ko.
And I can say... he's really fun to be with. Kahit na may pagkakataon na kung ano-anong katalandian siyang sinasabi, nasanay na lang ako sa pagpaparinig niya. Alam ko namang palabiro lang siya at ako ginagawa niyang libangan. At least, even though I often hear his flirtatious words, what he shows me with his careful movements is still the opposite.
Kaya kahit papa'no din ay nagagawa ko pa naman siyang pakisamahan at nag-eenjoy na makasama siya.
"Come on. Drink it." he commanded.
I immediately took the whiskey he handed me, noticed the thin evaporation fog that released and spread in the air when I felt the ice he put in.
"Just a bit. I'll get myself drunk again."
"Okay. You're trembling a bit. Mas lalong malamig dito kapag gabi. Just in case, pampainit lang naman." was all he said.
"Thanks..."
Agad akong sumimsim ng kaunti. Napakunot ako at napapikit sa lasa ng nainom ko, agad na naramdaman ang paggapang ng init na kumalat mula sa lalamunan patungo sa aking buong katawan.
I winced a bit. Nadinig ko ang mahinang halakhak niya habang pinapanood ako, na lalong ikinainit nang pisngi ko sa kahihiyan pati sa dagling init na naramdaman.
Kumportableng nakataas ang paang—lalo ko isiniksik ang sarili sa gilid na mahaba at malambot na sofa. Habang may telang nababalot sa'kin na binigay niya.
Namataan ko siyang lumagok habang nakatingin sa'kin.
I licked my lower lip.
"My parents gonna kill me..." bigla ko na lamang nasaad nang namalayan kong gabi na—na naman.
Mukhang mag-iisang araw na ako rito sa pamamahay niya. Mag-iisang araw na nasa malayong siyudad. Mag-iisang araw na hindi pa bumabalik at umuuwi.
"Then welcome to the club." he laughed a bit.
Malamig pa rin kahit ako ay nakapagpalit na. Samantalang siya ay nababalot lamang ng retro na roba, tanaw na tanaw ang matikas niyang dibdib, habang magulo pa rin ang buhok dahil sa basa pa rin ito at 'di man lang inabalang suklayan. He looks so careless... yet so powerful—dashing and very irresistible. And he didn't even bother to break his gaze from me.
Hindi ko na yata maibilang sa mga kamay ko kung paano ko siya madalas idenedipena at paulanin ng papuri sa anyo niya. At sa totoo lang, bihira lamang akong... magdipena sa isang tao, lalung-lalo na pagdating sa mga lalaki. Pero ewan ko ba, pagdating sa kanya, lahat yata ay mapupuna mo kahit kaunting kibot lamang niya.
Nagsalin muli siya ng alak sa kanyang baso at umupo din naman sa may tabi ko. May kaunting distansya, nakatigilid rin paharap sa akin. He brushed his disheveled hair using his palms at humalumbaba sa may ulunan ng sofa. I cleared my throat as I averted my gaze from him a bit, at pinagsawang tingnan ang kagandahan ng istlo ang kanilang malawak na living room. And as usual, it's so majestic.
Mabuti na lamang ay nakatulong kahit papa'no ang inumin na ibinigay niya, lalo na't sa gilid namin ay may isang malaking Fireplace Smoke Chamber para kahit papaano ay mabawasan rin ang panginginig ko sa lamig.
Grabe... Ang talaga ganda ng mansion nila. Tama nga siya. Mahirap bitawan ang ganitong kagandang bahay. Halatang inaalagaan. Ni walang makikitang sira na kagamitan.
"Cristina..." pagbasag niya ng katahimikan.
I paused for a while.
"Celestina, actually." agad na pagtatama ko.
Saglit na hinarap ko siya at napakunot ako sa malinaw niyang tinuran. Hindi ako nagkamali. Malinaw ang nadinig ko. Nagkamali siya ng banggit sa pangalan ko. Ngunit alam kong magkatunog ito.
Cristina... Celestina... Cristina.
Cristina ang binanggit niya.
He murmured something but I did not hear anymore. Napapikit siya ng mariin at bumuntonghininga ng malalim.
"Y-Yea... " he cleared his throat. "Sorry, uhm..." napakurap siya saglit. Then gave me a small smile and stared at me for a second. "You know, you look so much like her."
"Huh?" was all I said, slightly confused.
"I'm really sorry, uhm... you just really remind me of someone." he said, in a lazy and drunken tone.
Napakunot ako.
"What? Who?"
"Never mind." he said as he chuckled a bit, which confused me even more.
Uminom siya matapos ay nagtaas ang isang kilay niya at nginisian ako.
Napataas din ang kilay ko at sumimsim muli ako.
"You know, it's our first day."
Tumaas ang kilay ko.
"Na magkasama... na tayong dalawa lang." dugtong pa niya.
I just tilted my head and smirked a bit when I heard him softly chuckle.
"And you don't know how it really, really flutters me." saad pa niya. Walang halong pang-aasar ang nahihimigan ko mula sa kanya.
"How do you say so?" tugon ko.
"Para kasing nagtanan tayo. Tapos ito ang unang araw na magdamag tayong magkasamang dalawa. I still can't believe it..." aniya at binigyan ako ng nakakalokong tawa.
Hindi ako nakapagsalita.
Napabuntonghininga ako ng malalim. "So Darcy... I always wonder... how the hell I am with you right now when we're not close and don't even know you very well. Yeah, I guess, I still can't believe it too..." I chuckled a bit. "...that I come with you. It's like you cast some spell or compelled me." mapagbirong akusa ko sa kanya.
"Compelled?" tumaas ang isang kilay niya at mukhang natatawa siya. "Alam mo, kung kaya ko lang gayumahin ka, ginawa ko na rin sana."
Natawa ako sa pagsakay ng sinabi ko sa kanya. Akala ko ay mamasamain pa niya.
"But seriously, what is your first impression on me?" bigla na lamang niyang tanong.
"Hmm... I don't know?" saglit ako napaisip sa kanyang tanong. "You looked weird? Makulit and uhm... badass?"
"Whoa! Okay...?" dahan-dahan siyang tumango at hindi siya makapaniwalang humalakhak pa sa'kin.
"Because to tell you honestly, you're kind of creep that you're always out of there in a middle of nowhere. Always appear in a murk. May ilan na akong natatandaan minsan—sa Icon Club, lagi kita namamataan kahit 'di tayo nag-uusap."
His face suddenly lit up. Mas lalo siya naging interesante sa sinabi ko.
"Wow... nag-reminisce? Salamat naman at sumasagi rin pala ako sa isip mo." natatawa niyang sambit na siya ring ikinatawa ko lalo.
Totoo nga, sa mga nabanggit niya sa'kin nung isang gabi, may ilang beses na nga kaming naglandas dalawa. Pero... palaisipan pa rin talaga sa'kin ang iba pang dinetalye niya. Talagang 'di ko pa maalala. I guess, yun siguro yung mga panahong langung-lango ako sa alak.
"Well, yea, I sometimes saw you in a dark road. Palaging may kausap sa phone tuwing gabi. You're out there all by yourself. Para ngang may tinatago ka, 'e. Gusto sana kitang lapitan no'n kaso..." then he just shrugged.
"Kaso...?"
"Kaso baka maabala ka." as he bit his lower lip.
"Ow? I don't believe it."
He rolled his eyes. "I knew it. I know you really won't believe it." then he heavily sighed. "Fine! I'm just... shy." aniya'y tila'y sumusuko at umamin na.
"Even more unbelievable." patuloy na iling ko sa kanya.
Mukha naman siyang 'di mahiyain. Eh sa pagkakatanda ko, siya pa nga itong unang lumapit. Hindi ko naman din aakalain na may isang tulad niyang bigla na lamang magpapapansin sa'kin.
"It's true." you don't know if he is pretending to be innocent 'coz there is a ghost of amusement in his eyes. "Shy-yo lang ako."
I winced at his corny pick-up line. Urgh! Here he is again.
"T'saka, okay na rin 'yung natatanaw kita sa dilim para bantayan ka," natatawang bawi niya agad dahil sa napansin niyang reaksyon ko.
Siguro ang tinutukoy niyang nakita ako ay yung oras na biglang tinatawagan ako ng Papa ko. Wala naman din kasing ibang tumatawag sa'kin bukod sa mga kaibigan ko kun'di ang Mama at Papa ko lang, 'e...
At teka nga, bakit naman pala niya ako binantayan?
"It's a city, you know. Nothing bad ever happens there. I'm with my friends that time and I'm safe." was all I said.
He just shrugged.
Wala na akong maapuhap na sasabihin pa.
"So... sino laging kausap mo sa telepono nung mga oras na 'yon?" untag pa niya.
"P-Papa ko." seryoso ba siya? Ba't ba ang dami niya laging tanong?
He smirked. "Ow? Baka naman boyfriend?"
I heavily sighed. "I told you. Wala nga akong boyfriend!" slightly annoyed, but the smile on my lips didn't disappeared.
"Why not? Don't make excuses and say "study first" because I don't believe that all people, in all cases, prioritize their time on studying."
Tumaas ang isang kilay ko. "At paano ka naman nakakasiguro?"
"Because you can fall anytime, anywhere. At 'pag tinamaan ka, hindi mo mapipigilan 'yon sa kahit anong patak ng segundo, minuto, oras at paraan... palagi't palaging... may makakakuha pa rin ng atensyon mo."
Napakibit-balikat ako... hindi alam ang isasagot.
"Well... hindi naman lahat applied yan sa buhay ng ibang tao. Meron naman isang tulad ko na masaya kahit na mag-isa lang. Nagagawa ang gusto at kuntento na sa mga kaibigan..."
"Well, if you say so... I'm just saying the possibilities in unexpected times." he paused a bit. Naghihintay sigurong may biglang aminin ako o ano. "Really, none?" pangungumpirma niya pa sa'kin.
Ano bang gusto niyang sabihin ko? Inaasahan niya bang meron ako? Anong masasabi niya kung meron nga? At ano ang magagawa ko kung wala naman talaga?
"Well... except sa'kin. Wala rin naman akong oras, 'e. Sa sobrang strikto ng magulang ko, pati 'yon, 'di ko pa nararanasan."
"I don't believe it. Kahit pa maaaring dahilan ay strikto ang magulang mo, sa huli, ikaw pa rin ang makakapagsabi. It's still your choice, by the way. Not even your family. Maybe you're not ready?"
My lips parted. Hindi agad nakasagot dahil nasundan na naman ng mga sasabihin niya. Well, siguro nga tama siya.
"O kaya takot ka lang. Naniniwala kasi ako sa kasabihang 'pag gusto maraming paraan, pag-ayaw maraming dahilan.' What this means is that—if you don't want it, you're doing it for whatever fucking reasons, but when you want it, you'll try to do it no fucking matter what."
What a choice of words. Hindi talaga siya nawawalan ng mura sa tuwing may mga sinasabi siya.
I laughed a bit. "Yea, maybe you're right. Kaso ibang dahilan nga lang. Tulad nito, gusto ko 'to, kahit marami pa rin akong naiisip na dahilan para 'di ako tumuloy, naglayas pa rin ako."
"At gustong-gusto mo naman," aniyay tumaas pa ang kanyang kilay.
I gave him a small smile and slowly nodded. May parte sa'kin na naiinis dahil ang mga katwiran niya ay halos tama naman siya. Aaminin ko, mali man, pero gustung-gusto ko nga 'to.
"Alam mo, maraming paraan naman para maranasan, pwedeng masama, pwede ring hindi. Sinasabi mo lang na wala kang oras, kasi binibigyan mo lang din dahilan ang sarili mo para 'di mo maranasan ang bagay na 'yon. But at the end of the day, even if there are people who stop you, nasa sariling desisyon mo pa rin naman 'yon kung paanong paraan talaga ang gusto mo."
"And my decision to be chosen was still following them at that time."
He rolled his eyes, a smirked didn't erase from his lips as he sighed.
"Tss. Whatever. Wala ka lang siguro matipuhan." natatawa pa niyang sabi.
Napakibit balikat ako. "Siguro ganun nga..." natawa na lang din ako sa sinabi niya.
Baka nga ganun. Baka nga tama talaga siya. It's as if he knows exactly what I think and feel, and even if he is right and he may not be experiencing it, it will make you think that you are related to each other.
"Ano bang gusto mo?"
Maikli lang naman ang tanong niya. Pero para bang ang hirap agad sagutin 'yon. Masyado rin akong maraming naiisip sa mga bagay na gusto ko.
I sighed. "Well, generally speaking—"
He suddenly cut me off. "Oh, okay, hold up. We are done talking about the freedom phase, huh? We are talking now about your types."
What the...
Type? Napaisip ako, at para bang mas lalong nahirapan ako do'n. At kung iisa-isahin, aba ay napakarami din!
"I-I don't know what I really want..." ang tangi ko agad nasabi.
At mukhang, parang 'di ako kumportableng magsabi sa kanya ng mga ganung bagay. Hindi ko alam... lalo na't sila Mickey ko lang naman madalas sabihan ang mga katangian na gusto ko pagdating sa mga lalaki.
Kahit kailan, ni hindi ako naglapag ng gusto na mga katangian sa mga kalalakihan. May pagkakataon na may nagtangka man nangligaw, pero hindi ko naman sila masagot kapag nagtatanong sila ng ganyan. Para bang dun ko rin sila na-cha-challenge, hinahayaan ko sila kung ano ang pinapakita nila. At dun ko masasabi kung totoo ba sila o nagpapakitang-tao lang.
He simply smirked. "Oh, let me guess, love, and I'll give you some advice. I suppose you want everything that everyone else wants?"
I chuckled as I frowned. "What? Now, a mysterious rockstar who has all the answers, huh?"
"Hmm... Well, as I lived early. I learned a few things." sumandal siya at mas mataman akong tiningnan.
"So, Mr. Darcy the rockstar, tell me my type and what is it that I really want?" hamon ko bigla sa kanya.
His lips lifted in a smirked. Saglit niya akong at tinitigan. Para bang may saglit na dumaan sa pagkislap no'n. Dumaan ang mga segundo bago pa siya muli nagsalita. At unti-unting kumurba ang kanyang labi sa matamis na ngiti.
"Aside from your desire for freedom... you want someone that you know is up to your standards. Also, the reason why your standards are fucking so high when it comes to men. " he said as if he was sure of it.
"And? I don't see anything wrong with that."
May punto naman siya at pumasok rin naman kahit papa'no 'yung sinabi niya sa mga dahilan ko. Tama siya, medyo... mataas nga rin talaga ang standards na gusto ko. Lalo na... pagdating sa lalaking iibigin ko pagdating ng araw.
"I know, love. That's why you want love that absorbs you... a love that is very, very deep... some thrill, an exploration, and just a little risk."
My lips slowly formed to smile. Somehow, he's right. Wala akong naitatanggi sa mga binanggit niya. And yes, somehow, I want that kind of love when I fall in love.
Sino ba namang hindi?
I'm wondering about the epic love. That seems to be interesting to me.
Though, I'm not looking for love. Because I know... there is a right time for great love to suddenly come to me. Alam kong may isang taong—tadhana na mismo ang maglalandas sa'ming dalawa.
But sometimes... somehow, I'm wishing that our love is the kind that doesn't just change me and my life, or even change them and their life... But that changes the world. That changes everything, including my definition of what is possible, what's real, and what matters.
"How about you? What do you want?" biglang tanong ko rin sa kanya.
Namungay ang kanyang mata at malambing na tumugon sa akin.
"Just you."
At heto na naman, panira na naman siya ng moment sa matinong usapan.
God. Flirt is not my really thing. And seriously, like I said before, I've been terrible when it comes to flirting. Kaya... wala rin talaga akong maibuga na sasabihin! Because I don't have anything right to say either.
"But you know what? Since you're now here... I don't think I've seen you more alive." pag-iiba niya kaagad ng usapan dahil sa saglit na pagkatameme ko.
His lips twitching, para bang natutuwa pa siya sa pagkatameme ko. At pinipigilan niya lang na pagtawanan ako.
Oo na. Siguro, isa rin ito sa dahilan kung bakit wala pa ako. Tama sila Mickey, maganda lang ako. Pero hindi ako magaling lumandi. Ang swerte ko na lang daw kung may isang lalaking lalandi at hindi magsasawa sa'kin.
Napabuntonghininga ako ng malalim sa naisip.
Nakahinga ako ng maluwag nang saglit niyang ipinutol ang tingin sa akin, inisa niyang lagukin ang natitirang laman sa kanyang baso saka niya inilapag iyon sa tabing mesa kasama ang mga may laman pang bote na alak.
I frowned when he stood up. "Okay...? What are you doing?"
Napatingala ako. Sinundan ko siya ng tingin.
My lips parted when he played a song from his retro record player.
My breathing hitched as I saw him walking towards me. Ang aking pagtingala ay siya namang pagtungo niya kasabay nang pag-offer ng isang palad niya sa akin.
"Would you like to dance with your alcoholic boyfriend?" he asked in a husky tone, as his lips rose a bit into a boyish smile.
Kusang nagrolyo ang aking mata. Hindi alam kung maiinis at matatawa.
Ano na naman ba 'tong pakulo niya?
"Boyfriend? Lol."
I haven't even accepted his offer yet—I gasped—and without warning, he took my palms to bring me closer to him, causing me to completely stand up. Tila naging magneto ang aming katawan dahilan sa mabilis na pag-angat ko patungo sa kanya. Halos bumaon ang puso ko sa pagkalabog nang magdikit ang katawan naming dalawa. It was as if fireworks were exploding in my heart and I don't know if he heard or even... felt it.
"Don't forget. Magiging boyfriend pa lang, Celestina..." he whispered.
"Parang sigurado ka, ah?" tumaas ang kilay ko.
"I'll guarantee it. Mababaliw ka rin sa'kin..."
"Tigilan mo 'ko sa kalokohan mo,"
Napataas ang kilay ko. Akala mo naman ay sigurado. Wag siyang pakasigurado, 'no. Tss.
"Celestina... naloloko na 'ko sa'yo. Hindi ko alam kung bakit?"
I didn't know this man did it so quickly that I was unaware that I was getting close to him. The movement is just so smooth... but it's very easy for him to make my heart beat fast, give me fits of panic, and especially soften me up.
Natitigilan—nakaantabay lang ang mga mata ko sa kanya. Binibigyan siya ng hindi makapaniwalang tingin at tuluyang natuod sa kinatatayuan.
Nagmistula akong manika, malalim akong napalunok nang igiya niya pa ang kamay ko, isinampay sa leeg niya, at kasabay ng paglapat ng palad niya sa likod ng baywang ko—na halos umabot iyon sa ibabaw ng puwitan ko, ay siya namang dikit ng kaliwang pisngi niya sa kapwa kanan na pisngi ko.
And I know, I immediately felt the extraordinary electricifying running through my veins as I felt his cheek.
"Seriously..." I heavily breathed. Sinubukan kong maging matatag sa mga panunuksong pinapakita niya. "I've never dance like this—"
"No more talking. Let's kill the time, and dance and celebrate your freedom..."
Sa mainit niyang hininga, mabilis na tumayo ang mga balahibo ko sa simpleng bulong lamang niya sa tainga ko.
Now, he started swaying, causing me to be carried away as well. He started humming before singing the lyrics that echoed softly, just enough for us both to hear the sound of the song.
"You're that goddess... Aphrodite... Well known for her love and beauty... You too me and you bathe me in... Your waters... Your fountain... Left me yearning for more... for more... And I can't take it anymore..."
He keeps whispering a lyric. Para bang banayad na dagat ang kanyang boses habang pinaalon-alon niya pa ito, na sinasabayan ng swabe niyang galaw para mapasunod ako.
"If can I have this dance tonight... I promise you won't forget... I've been searching all my life... For something that I won't regret... Could it be you're the one I'm looking for?"
He has a serenading voice. The runs, his smooth controlled, and lacey-melodic voice quality, makes every girl weak on the knees.
"Why won't you take me away? Bring me to your sacred place... Won't you..." he's continuing humming.
Napapapikit at tila para akong hinehele habang patuloy na pinapakinggan ang pagkanta niya.
He's like a forbidden taste and I feel like he can eat me alive.
I admit, the first time I watched him sing, it was also the first time I heard an attractive band at the Alcoholic Club.
And no wonder, why he is such a roar of a crowd.
Hanggang sa may malambot akong bagay na naramdaman sa aking pisngi. Hindi ko alam kung aksidente o sinasadya niya ba iyon dahilan nang pagmulat ng mata ko. Pero dahil siya ay aking haharapin, para kumpirmahin, halos mahugot ko naman ang aking hininga nang malalim sa mukha niyang sumalubong sa akin.
I swallowed deeply and tried to avert his gaze. Para bang ang mata niya ay nanghihinang, at tila may sarili mga kamay para hatakin niya ang lahat ng sikreto ko, ang nilalaman ng puso't isip ko, kahit ang kasuluk-sulakan nito—sa lahat, at pati sa bawat himaymay ng katawan ko.
Inilapit niya pa lalo ang mukha sa akin. Dama ko ang init na hininga niyang dumadapyo sa aking mukha sa bawat mahinang pagbuga niya. Nag-iiwan ng mainit na paypay sa akin. Dinig ang kanyang malalim na paglunok at ang malalalim na hininga, na para bang siya'y nahapo.
At ako, hindi ko alam... nahahapo at parang nalalasing rin sa paraan ng tingin niya, and I didn't realize that his face is so... close to me. So close that at any moment, I can feel the tip of his lips on my lip.
"Celestina..." he whispered my name through my lips.
Bolta-boltaheng kuryenteng nanuot sa kaibuturan ko lalo na't mahimigan ko ang kanyang malambing na boses.
Hindi ko maipaliwag ang tono niya, sa mga galaw, pati na rin ang ipinararating ng mga tingin niya. Parang... puno ng mga pangungusap. Parang...
Parang ayokong intindihin. Parang gusto kong alamin, pero parang mas nag-aalinlangan ako. At parang... natatakot ako sa puntong, baka tama ang hinihinala't nababasa ko.
Inipit ko ng mahigpit ang pang-ibabang labi gamit ang ngipin. Namumungay ang matang bumagsak ang tingin niya sa ginawa ko bago dahan-dahang ibinalik ang namumungay niyang mata sa akin.
I saw how his adams-apple protruded as he gulped.
I gulped too.
"Y-Yes?" my voice was hoarse, nautal pa ako.
Agad ko rin naman kinagat muli ang aking ibabang labi nang maramdaman ko ang panginginig nito.
"Uh, I very much so," he chuckled a bit, nervously. "I know we've only known for each other for a short while and... I know. I'm in a competing for your fondness. But, uh... I kid you not but I've never met a woman quiet like you..."
Sanay na ako makarinig sa kanya ng mga ganito. Na halos ipinagsawalambahala ko iyon. Na kahit ayokong pakinggan, nakakailang, ay para bang sumuko na lang ako.
At ngayong naririnig ko siyang ganito... lalo na sa malapitan.
Walang pang-aasar na mahihimigan.
Ewan ko. Hindi ko alam. Hindi ko na alam. At tila bago sa'kin 'tong may umuusbong sa nararamdaman ko.
Hindi ko rin alam kung saan na namang papunta 'to pero...
"Darcy..." ang tanging lumabas sa bibig ko.
Ayaw ko man marinig, ngunit parang napako na lamang ako sa kinatatayuan ko habang hawak niya pa rin ako.
Marahang nagparte ang aking na labi nang dumapo ang isang palad niya sa aking kaliwang pisngi. Marahan akong napapikit nang maramdaman ko ang kalyo't ugat sa kanyang kamay. Parang may sa boltaheng iginitgit niya pa sa akin habang marahang hinihimas iyon—na nag-iiwan sa akin na hindi maipaliwanag na kiliti.
"I look at you and see... an angel. I touch your skin and I feel like my entire body catches fire—damn it! I'm picturing myself kissing you and I think... " humugot siya ng malalim.
He think what?
Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin.
Lumunok siya saglit, napapikit ng mariin, at huminga ng malalim.
"I think I maybe, fallin' for you." lalo akong nagimbal sa narinig.
He's... what?
Please...
Sana nagbibiro lang siya. Sana prank lang 'to. At sana kemeng landi lang ito. Kasi ganun naman siya, 'di ba? Sinubukan ko pa siyang titigan at para hintayin na baka bawiin niya ang sinabi niya. Ngunit dumaan na ang segundo't minuto ay hindi dumating ang inaasahan ko.
Natulala ako at ni walang maapuhap na tamang sabihin.
What? Is he... falling for me?
I breathed heavily. Naeestatwa pa rin sa mga sinabi niya. Nauutal man ay umiling ako sa kanya.
"I-I don't know what to say—"
"You don't have to say anything."
My lips parted more as I keep shook my head. "There's just so much you don't know about me, Darcy. And I don't even know you."
"More to learn and love..." umarko ang labi niya at binigyan ako ng tipid na ngiti.
Palagi talaga siyang may masasabi sa huli. Hindi siya nauubusan ng mga sagot at salita. Habang heto ako, sa dami ng mga sinabi niya, ni hindi ako sigurado kung nasagot ko ba o napuna ang lahat ng 'yon.
Bumagsak ang tingin ko at lalong nailang sa kanya.
"I-I must say a good night, Darcy." agad na pamamaalam ko. Hindi na alam ang sasabihin.
Walang balak na sagutin sa huli niyang sinabi.
Kita ko ang pagkaalarma niya. "If I've upset you, you know that I'm—"
"I'm not. You're just surprise me..." napalunok ako. Mas lalong pumukol ang tingin niya sa'kin. "Lasing ka lang siguro kaya ka nagkakaganyan. Magpahinga ka na rin. K-Kakalimutan ko na lang 'tong sinabi mo. At sana... wag mo na ulit sasabihin 'yan. B-Bye..."
Patuloy pa rin ang tunog ng kanta mula sa recorder, umiling siya at tila 'di matanggap ang bilin ko. Tatalikod na sana ako matapos magpaalam, pero hindi pa man ako nakakailang hakbang ay bigla niyang hinawakan ang aking braso, at sa isang ikot niya sa'kin, mabilis niya akong napihit pabalik kasabay nang salubong ng labi niya sa labi ko.
Sa isang pagkabig lamang ay tuluyan na ngang nagsanib ang labi naming dalawa.
Halos mapatalon ako sa gulat nang maglandas ang mga labi namin.
Sa gulat ay halos isigaw ko ng paulit-ulit ang mga pangalan niya sa isip ko!
"Shit." namumugto ang hiningang nagpakawala ako ng isang mura sa kalagitnaan nang atake niya sa'kin.
Ngunit agad niya pa lalo sinakop nang labi niya ang labi ko. Nag-iiwan na paalalang 'oo hinahalikan na niya ako'. Hinahalikan na niya ako... hinahalikan na niya? Hinahalikan na niya ako!
Ni hindi niya man lang binigyan ng pagkakataon na ako'y huminga ng maayos at makapagsalita!
Sa pagkatigil, ay nadepina ko pa ang bawat galaw niya. Ang galaw na bago't nakapagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa'kin. Sa una ay malamlam lamang, parang paru-parong dumadampi hanggang sa pinanggigilan niyang sipsipin ng maayos ang ibabang labi ko.
He slightly bit it and suck it. Twirling his tongue, teasy-licking the every corner of my mouth, until he smack it and nib it—again and again.
Until he's kissing me in a more passionate... and hungry way. Mapaghanap ang labi sa tuwinang aatakihin niya ako. Tanging singhap lamang ang halos magawa ko. Naghaharumentado man ang isip, ngunit dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan, parang taliwas ang nangyayari, tila'y may sariling utak ang aking traydor na katawan.
Then I felt his hands snaked on my waist, holding me, pushing me towards him, as if our distance isn't enough. Tila ba my kuryenteng dumaloy sa katawan ko at sama-samang boltaheng dumiretso papunta puso ko.
I felt dumbstruct. Darcy's calloused hand seemed bigger and stronger. His long fingers are wrapping around mine, squeezing me with carefully restrained power. Nangilabot at sa matindi... at hindi maipaliwanag na sensasyon. Hindi naman dapat. Hindi...
I swear that I took everything I have not to sway towards him as my knee turned to jelly underneath me. Kung hindi lang niya ako suporta, baka kanina pa ako kusang nalupasay sa kanyang karpeta na kinatatayuan naming dalawa.
His lips is like a poison.
Tender, bittersweet, distracting, oblivious, and sinner when it moves.
But despite his poisonous kiss causing me an inexplicable hypnotism. Na kahit sa loob-loob ko ay ayaw ko naman, hindi ko alam kung bakit may parte sa'kin na sa oras na gumanti ako... alam kong maaadik ako!
Patuloy na sumasabog ang dibdib ko dahil sa nalalasahan kong alak mula sa bibig niya. He opened his mouth more, leaving a slippery sound every time he sucked my lower lip. His tongue is teasing me. At sa tuwinang mararamdaman ang basa, lambot ng labi at dila niya sa bawat corner ng labi ko ay para bang nagliliyab ang loob ko—pinagpapawisan na rin ng matindi—malamig. Malamig, ngunit nagliliyab ang loob. Para bang nanginig pati ang bawat parte ng aking mga lamang loob.
"Come on, let me in..." he whispered... like pleading, and I don't know why it sounds sexy.
Kumakatok ang kanyang dila para lalong magparte ang labi ko. Hanggang sa ang isang kanang kamay niya ay dumako na sa likod ng ulo ko, at ang kaliwang kamay ay sakop naman ang panga ko para lalo niya akong siilan ng halik.
A moan of protest left my mouth. Halos manginig ang kalamnan ko at tila nahigop ng makasalanang dila niya ang buong lakas ko. Parang pati kaluluwa ko ay halos mahigop na niya—hindi ako makahinga.
Sa isang hugot ko ng hininga ay nagkaroon ako ng lakas at pagkakataong tuluyan ko siyang mariing itinulak.
Parehas na tumaas-baba ang aming dibdib dahil sa sabay naming malalim na pagsinghap—naghahabol ng hangin.
"A-Anong... anong ginagawa mo!?" naiinis na wika ko, pilit siyang lumapit na siya namang mariing pag-iling ko. "N-No, please..." sa nanginginig at nanlalambot na boses.
Mga mata namin ay tila namumugay at nalalasing na.
He rested his forehead against mine. Nakatungo ako at halos masilayan ang dibdib at taas-baba ng lalagukan niya sa leeg. Dumadapyo ang mainit na hininga niyang pumapaypay sa ibabaw ng basang labi ko dahil... sa kanya.
"Why not..." aniya sa malambing at nanghihinang boses rin.
Nag-angat ako ng tingin at sumalubong sa'kin ang nangungusap niyang mga mata.
I couldn't quite understand what he was trying to say, but I could see the emotions raging like a storm in his ocean eyes.
"Y-You're drunk..."
He shook his head. "I'm not drunk. And I don't want you to forget what I said." he said as my lips parted.
I bit my lower lip at patuloy na umiling lang sa kanya. Hindi na siya magawang salubungin ng tingin.
"I know you probably don't like me yet, but... I'm determined to change your mind."
Because of the conflicting emotions I see in his blue iris eyes, his previously calm ocean eyes appear to be a sea—with gradually more intense waves.
"Darcy, t-this isn't right..." I breathed.
Para akong napipitlag at kalaunan ay manghihina sa mga tingin na iginagawad niya.
"Magugustuhan mo rin ako kalaunan. Kung bibigyan mo lang ako ng pagkakataon para patunayan sa'yo. Gagawin at gagawin ko, Celestina... gagawin at gagawin ko." seryoso niya pang sabi.
Kumurap ako para lalong magising sa kahibangang 'to.
"M-Matutulog na 'ko." iniwasan ko siya ng tingin at lalo na ang sinabi niya.
Umakto na parang walang nangyari kahit pa anumang oras ay parang hihimatayin ako.
Pilit akong umiiling sa kanya kahit na may parte sa'kin na hindi maipaliwanag at ako'y nahahalina.
"Celestina," he called.
"Good night, Darcy." giit ko, saka ako mabilis na tumalikod.
Then I heard his dramatic sigh. "Are you serious? Please, take a hint."
Sa bawat yabag ko patungo sa papalapit na hagdan ay ramdam ko ang pagsunod niya. Lihim akong napairap.
Pambihira!
Bakit ba ang landi-landi at ang kulit niya!?
Hinalikan pa niya ako! Hindi niya dapat ginawa 'yon! Hindi! Dapat!
"Look, I'm just starting to properly confess. You're avoiding me immediately. Please, don't be angry, love..."
Love, huh?
"Oh, well. I'm not." I flatly said as I gritted my teeth.
Hindi ako galit! At hindi ko rin alam kung bakit hindi ko nararamdam yun kahit pa anong hanap na rason ko. Mas naiinis ako! Bukod sa kanya, ay lalo pa sa sarili ko. Wag na siyang magsalita at lalong naiilang ako!
Bakit hindi man lang niya ako bigyan ng space kahit papa'no?
"Look, how can I acquit myself?"
I sighed. Parang may nagrarambulan pa rin sa kalamnan ko.
At hindi ako makapaniwalang nanghihingi naman siya sa'kin ng tawad ngayon.
Now.. he's sorry. He is sorry. He's sorry for what? He's sorry because he fucking kissed me!?
Ay dapat naman talaga, 'di ba!? Mapangahas na paraan iyon! Anong klaseng lalaki siya?
Pero kasi—!
"Hey—"
"Ang panglalandi mo na sobra na at hindi ko na alam kung totoo ba is please—can leave me alone? Wag mo 'kong tawaging love dahil hindi naman tayo magkasintahan. At pwede ba, wag mo rin ko basta hinahalikan—"
His lips parted. Napakurap pa siya saglit nang lingunan ko siya. Ramdam ko ang kunot ng noo ko.
"I've been kissing you for ten seconds, and I haven't even felt you push me—"
Mabilis akong napakurap, buti na lang ay agad akong nabawi sa gulat.
"Sampung segundo!?" nerbyos akong natawa at binigyan siya ng sarkastikong tingin.
"Y-Yes..." kibit-balikat niyang sagot at kita ko ang malalim niyang paglunok.
I bit my lower lip and annoyingly rolled my eyes. Mababaliw na yata ako sa lalaking 'to! Iba yata sumasanib sa katawan ko kapag kadikit ko siya!
Hindi na tama 'to! Ayoko na!
"Tigilan mo 'ko sa kalokohan mo!"
"I'm not. I'm certain. Binilang ko pa 'yon sa utak ko. Kaya pakiramdam ko... kaya matagal, siguro ay gusto mo din—"
"O-Oh, please!"
"Am I a bad kisser? Didn't you like my kiss?" nag-aalangan pa niyang tanong na lalong nakalaglag ng panga sa'kin.
At talagang ito pa ang tanong niya sa'kin?
Hindi niya ba sa'kin itatanong kung gusto ko bang mahalikan? Kung ano ang aking naramdaman?
Bakit parang mas importante pa sa kanya kung gaano siya kagaling humalik?
Wow. Hindi ko naman alam na may kiss evaluation pa palang magaganap! Anong sasabihin ko? Na Darcy, masarap ka naman humalik, pero ang ayoko lang ay hinalikan mo ako nang 'di ka nagsasabi!
But heck! Kahit naman siguro magsabi siya... tatanggihan ko pa rin naman siya, 'no??
God... I am getting more crazy right now! This isn't real. This is just a crazy nightmare and I need to wake up!
"C-Can you just..." napapikit ako ng mariin at huminga ng malalim. "...shut up, will you?" pinipilit kong kumalma, ngunit lalong lumalala ang lintik nang kalabog ng dibdib ko dahil sa kanya. Anong nangyayari sa kamay ko at hanggang ngayon ay hindi pa ito lumilipad sa mukha ng harapan ko? Hindi ba dapat ay galit ako!? "M-Malamang kaya natagalan kasi nagulat ako! B-Bakit kasi..." manghahalik na lang siya na hindi nagsasabi?
At teka nga ulit!
Kahit naman magsabi siya, hinding-hindi rin naman ako papayag na mahalikan niya!
Pero... wala! Wala na! Nahalikan na niya pa rin ako!
Nanlulumo ko siyang tiningnan.
I heard him sighed. "Fine, I will ask you some other time—"
"That's not what I'm trying to say! Don't kiss me."
"Oh, come on. Take a chance. Talk to me. Come on... get to know me too. I dare you..."
'Damn it. Ano bang dapat pa naming pag-usapan? Gusto ko na ngang magkumahog sa kwarto palayo sa kanya! Hindi niya ba nakikita? Hindi ba siya marunong makiramdam, ha?
Hindi ba siya nahihiya at naiilang sa pinaggagawa niya!?
"You know, I want to talk to you all the damn time. I'm always thinking about you... Your genuine desires, fantasies, and interests. Everything you desire in life, love. Everything... everything I want to hear and know more about you." pagpapatuloy na seryoso pa niyang saad.
Utang na loob, ang puso ko, bakit ganito?
Marahas akong tumikhim at kinunotan siya. "J-Just to be clear. Hindi por que nahalikan mo ako, gusto na rin kita. Hindi gano'n 'yon. I'm too smart to be seduced by you." giit ko sa kanya.
His lips twitched. Imbes na kumunot at ikanasama niya ang sinabi ko, maliit na kumurba ang gilid na kanyang labi at binigyan pa ako nang malapad na ngiti.
"Well, that's why I like you..." sagot niya at mapungay pa siyang kumurap sa akin.
Mas lalong nalaglag ang panga ko. Hindi agad ako nakapagsalita at masyadong mabilis ang pangyayari.
"Alam ko naman din, 'e. At sana mabigyan mo rin ako ng pagkakataon na makilala ako." pagpapatuloy niya.
"Darcy..."
"Ganun kita kagusto, Celestina."
Hindi ko naitago ang pagkabigla sa mga sinasabi niya. Naestatwa ako saglit. Mariin na ang titig sa akin pagkatapos niyang sabihin iyon.
Mahihina't malulutong pa na mura ang narinig ko nang nagbaba na siya nang tingin. Dismayadong napapailing at para bang natatawa pa sa sarili.
"God, this is fucking so bad. Hell yeah, a-fucking-disastrous in the making."
P I E D R A I J A D A
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro