PHASE 18
The interior style more romantic than Spanish-style design. It is very warm, welcoming, and utterly stylish—iyon ang nadidipena ko sa loob ng mansion niya kanina—na ngayon ay nadidipena ko rin ang kalumaan lalo sa labas habang kanina ko pa ito tinitingala. Tanaw na tanaw iyon habang kami ay nakaupo sa buhanginan, katapat ang malinaw at malawak na karagatan.
His house is generally features stucco walls, a red terracotta roof and very decorative wrought iron elements, and tiled designs.
My breath was caught in my throat when I saw how magnificent the ocean is because of its magnificent curves. Huge waves are breaking into the ocean, and the beach is deserted, with only a distant palm tree appreciating its beauty.
The golden-pink sunset hues of autumn right into my eyes. And at the same time, as I'm barefoot, I feel the softness of the white sand on my skin. Napapikit ako sa mabining hanging pumapaypay sa aking mukha, langhap ang maalat na maaliwas na hangin sa panghapong-tapat habang umaalingaw-ngaw ang pagsusumiyasap ng mga ibon.
"Half century before the mansion was even built."
"Ha?"
Bumagsak ang tingin ko sa mga mata niya. Nabungaran kong kanina pa pala siya nakadantay pataligid at nakatitig sa'kin.
"That was my family's home." tukoy niya sa mansion na kanina ko pa tinitingnan—na napansin niya.
Sa taas na iyon at nasa limang palapag, napaisip ako kung ilan kaya ang kwarto sa loob at sinu-sino ang mga natutulog dito? Batid kong marami siyang kamag-anak. Marami silang miyembro sa kanilang pamilya. Pero nasaan kaya pamilya niya? Ilan din kaya ang mga kapatid niya? Siguro marami din siyang pinsan. At mukhang... laki talaga siya sa yaman.
Dahil walang normal na buhay ang may ganitong klaseng tirahan.
"Your mansion is so incredible. Kailan pa 'yan itinayo?" hindi ko naiwasang mapuna at itanong sa manghang nararamdaman.
"1865."
Hindi ko naitago ang singhap at gulat. Nagparte ang aking labing nilingon siya.
"I-It's too old, huh?"
The edge of his thin lips, with a slightly larger attractive lower lip, lifted.
"But gold, isn't it?" as he raised his brow.
"Grabe! Seryoso?" wala sa sariling napailing ako. "Hindi ko akalain na... ganyan na katanda ang mansyon niyo. Akala ko naman sinadyang ganyan ang yari para magmukhang luma."
Hindi maiwasang mamangha. At dahil naging malalim ang isip ko roon. Bigla na lamang pumasok sa isip ko ang mga napag-aralan ko noon sa history. I remember some historical events in local and even international history for the year of the 1800s.
Ibig sabihin... sa taong 'yon, maraming mga digmaang nangyari sa ibang bansa, at ang mga ilang Pilipino nung mga panahong 'yan, sa pagkakatanda ko, ay patuloy pa rin nilang ipinaglalaban ang kanilang kalayaan. At sa taon ding 'yon ay may tinatawag na the Old Bilibid Prison, which is the first national penitentiary in the country, was established in Manila under a Spanish royal decree.
Alibata pa kung tawagin ang aming pangunahing ginagamit na letra, and that time, Filipinos were derogatorily called "Indios" by the Spaniards.
At mukhang abot pa ng mansion na ito noong Presidente pa rin ng Estados Unidos na si Abraham Lincoln sa panahong 1865, kaso yun na rin ang naging huli niyang taon sa pamamahala dahil namatay lang rin siya nung April 15 at naglingkod lamang ito bilang presidente sa loob ng apat na taon pamula 1861. At sa 1865 na 'yon, doon na nasundan ang sunod na naging Presidente ng US na si Andrew Johnson. And—oh my, God! Limang taon pa lang din nito noon si Jose Rizal!
It was only then that there was a first President here in the year 1899—when the youngest President, Emilio Aguinaldo, and was installed as the first constitutional republican, a Filipino revolutionary, politician, and military leader in the era.
At kung hindi pa ako naputol sa pagkutingting ng mga halu-halong naiisip ko dahil sa katabi ko, baka kanina pa ako patuloy matulala hanggang sa mabaliw rito.
"What's your race?" kuryuso kong tanong sa kanya.
Dahil sa aura pa lang niya, hindi ko masasabing pure pinoy siya. Lalo pa sa kulay ng balat at ng mga mata niya.
"I'm an Half-Spanish."
"I see..." so that explains a lot.
"Sa mga nakaraang henerasyon, maingat na lang talagang pinangangalagaan itong tahanan namin dahil napaka halaga nito sa pamilya ko." he paused for a while.
"Gaano kahalaga para hanggang ngayon ay nakatayo pa rin ito?"
He heavily sighed. "Sobra... na kahit maraming gustong bumili, hindi namin ipinagbibili dahil sa dami na rin ng mga alaalang nabuo... lalo na ang mga namayapang mahal namin sa buhay. Kaya kahit sobra na sa kalumaan, ni hindi ito naisipang ipasunog o kahit na ipagiba."
Dahan-dahan akong napatango sa paliwanag niya. "Dito ka ba talaga tumitira?" kuryuso ko pang tanong. "Like, wala ka bang ibang bahay?"
Tumango siya sa'kin. "Dito na rin kasi ako ang ipinalaki. Sa side lang ito ng ama ko ang pagmamay-ari ng mansyong 'to. May mga ilang properties naman kami pero sa magulang ko lang 'yon nakapangalan at hindi sa'kin. Pero kahit na bigyan man nila ako, mas gugustuhin ko pa rin talagang maglagi rito. Pero dahil malayo din ito sa siyudad, nagdesisyon din naman muna akong magpakalayo at magpakasarap ng buhay doon." he chuckle a bit.
Oh... so that really explains a lot.
Taga dito talaga siya. Hindi sa siyudad. Hindi halata sa itsura niya. At mukha rin kasing malayo sa siyudad ang lugar na 'to, tanging mga punong-kahoy lang yata at mga damo na lamang ang nakikita ko sa gilid, at ang malawak na karagatan sa harapan. Hindi ko alam kung sa'ang lupalop na espesipikong lugar 'to at ni wala akong natatanaw na kalsada at kahit na matatayog na building dito. Pero natitiyak ko rin na nasa Pilipinas pa naman ako. May ilan din naman akong natatanaw na bahay sa kabilang dako, ngunit malayo pa yata kapag lalakarin iyon.
"Hindi ka naman ba natatakot?"
He gave me a one glance, a questioning look as he frowned a bit.
"Natatakot...?"
"Oo, kasi ilang siglo na rin ang lumipas. Ang dami nang mga nangyari. Baka nga may mumu na rin, 'e," ani ko at natawa sa huli. "Buti 'di ka nakakaramdam, 'no? May third-eye ka ba? Wag mo na lang pala sagutin."
At kahit na ginawa kong biro iyon... baka nga posible pa iyon, 'e. Na sa kagandahan at kalakihan ng mansyon nila, at ilang siglo na rin lumipas, ay may nakakahilakbot pa rin ang nasa likod nito. Pero... wala naman akong third eye! Kaya kahit may multo, hindi ko rin naman makikita. Mararamdaman man, pero ang mahalaga, 'di ko makikita!
Napailing na lang siya sa'kin. "Oh..." unti-unti siyang nangisi at tumaas ang isang kilay niya. "...matatakutin ka pala? I knew it..." he chuckled. "Scared-y cat." aniya sa mapang-asar pa niyang tono.
Napairap ako. "But seriously, usually when I see someone's house being torn down or set on fire, it's also to forget bad memories, just want to move to another faraway place, or make a new life..." nilingon ko siya. "Ganun ba," tumikhim ako saglit. "Maliban na lang kung may mga aksidenteng nangyayari kaya may ilan namang napipilitang ilisan ang kanilang sariling lugar."
"Hmm..." his tongue poked inside in his right cheek as he shook his head. "...hindi naman. Hindi ako natatakot. Siguro nasanay na rin? This was also inherited from me. And like them, inaalagaan ko rin ang lugar na 'to. Even if I want to move to any place, I still have no intention of letting go of this mansion, tear it down, and even burn it. Nangako ako sa kanila, kaya mananatili ang pangakong 'yon hangga't nabubuhay ako..."
Seryoso pa nitong paliwanag.
"Ngayon at sa susunod pang henerasyon?"
His lips twitched, and when he turned to me and our eyes met, his lips formed a small smile.
"Ngayon at sa susunod pang henerasyon."
Mukhang napakahalaga talaga sa kanya ang mansion na 'to, ah?
At kung titingnan, mukhang alaga pa rin naman sa linis kahit na halos antigong mga bagay ang napapansin ko. Even though his mansion is very rustic, ni wala akong nakitang nabubulok. TV nga lang yata ang napansin kong bago, at kahit siguro ako rin ang nagmamay-ari nito, parang ang hirap rin pabayaan dahil sa katibayan at kagandahan ang istilo nito. At isa pa, ang mahal na kaya ngayon kapag magpapagawa ka ng ganitong klaseng bahay!
Hindi ko talaga siya masisisi.
"This is also the only wealth, a treasure, that no one can buy even if they put down a pile of money. And every time I come home here; I feel more at peace... I feel so home-y..."
"Home-y?"
"Hmm," he nodded. "Kasi pakiramdam ko, marami pa rin akong kasama, kahit na alam kong madalas ako'y nag-iisa."
I bit my lower lip. I don't know what to say. Since he mentioned the word 'home', it was as if my mind was suddenly struck by... my home too. Baligtad naman kami. Kasi kahit pakiramdam kong may kasama ako, mas nananaig pa rin ang pakiramdam na parang nakakulong pa rin at nag-iisa ako.
At least siya, kahit na sinasabing madalas siyang nag-iisa, nagagawa niya ang gusto niya. May kalayaan siya sa kagustuhan niya. Malaya siyang makita ang tunay na mundo, na hindi katulad kong napipilitan na maglihim, at kailangan pang tumakas para lang maramdaman ang kalayaan na hinahangad.
Pero paano niya nasasabi 'yan, na sa laki ng mansyon na tinitirhan niya, hindi siya nakakaramdam ng pangungulila?
Hmm. No one knows.
Naputol ang iniisip ko nang lumingon muli siya sakin at dahan-dahang ngumiti. "Look at the ocean. See?" nguso niya pa sa karagatan habang nakatulala sa kawalan.
Binagsak ko rin doon at tunay ngang matatawag na kapayapaan.
"Hirap pakawalan, 'di ba? Parang ikaw."
I winced a bit and bit my lower lip.
Ayos na ang usapan, 'e. Talagang naisingit pa niya lumandi, huh?
"Well..." I just shrugged and was also stunned by the absence. Ang ganda nga rito. "...'can't blame you."
"'Told you." he said as he slightly bumped his shoulder on mine and playfully winked at me.
I frowned a bit.
He chuckled.
I chuckled too.
Then a few minutes passed, and I cleared my throat for a while.
"Hey, I wanna ask..." wika ko sa kanya sa kalagitnaan ng katahimikan. "...something,"
"What is it?"
Nilingon niya lang ako pagkatapos ibinalik niya rin agad ang tingin sa kawalan. I tucked a strand of my hair behind my ear nervously, then took a moment to gather the courage I needed.
Should I really need to ask him that kind of question, Celestina?
Pero kanina pa kasi ako nababagabag at 'di mapakali. Palagi na lang talaga ako may malalim na palaisipan sa tuwing kasama ko siya... ewan ko talaga.
Suminghap muna ako ng malalim bago magsalita.
"May nangyari ba sa'tin?" shit. What do I mean to say, anong nangyari sa'tin kagabi?
Hindi ko na naitama ang aking tanong nang bigla siyang tumugon sa'kin.
He brows furrowed. "What?"
"Kasi paggising ko... nasa kwarto mo ako."
"So?" one of his brows was raised, and his ocean eyes blinked softly.
Para bang sa tingin na binibigay nito, nagtatanong kung... ano namang problema do'n?
"Does it mean we sleep next to each other?" I asked in a small voice.
He smirked a bit. "Magugulat ka ba kapag sinabi kong 'oo' ?"
Nanlaki mata ko at halos bumaon ang puso ko, hindi na halos maibuga ang malalim na hininga ko.
"Kidding." agad naman niyang binawi.
Marahas akong bumuga ng hangin, sapo ang dibdib at napairap sa kanya.
Then I overheard him giggling. The kind of chuckle that makes your fleshly desires come true. I couldn't believe he could combine roughness and hotness in a single chuckle. That kind of sound comes naturally to him. That's probably why he's so good at singing.
"A-Ano nga? Kasi hindi ko matandaan kung paano tayo nakauwi kagabi dito sa mansion mo..."
"Alam mo, sa siyam na oras na naging byahe, hindi na ako nagtaka na tulog na tulog ka habang nagmamaneho ako."
"And then?" I tilted my head, waiting for him to say something else.
"Tapos pagkauwi, hindi pa rin kita ginising kasi mukhang pagod ka talaga." pagpapatuloy niya.
"Tapos?" paano ako nakatulog sa kama? Paano ako humiga? Paano ko sinalubong ang mansion niya? Paano ako naglakad papasok? Paano?
He sighed and rolled his eyes. "You know, if you're wondering if something happened to us last night, sorry, the answer is no. Walang exciting part na nangyari sa'tin, Celestina. So, chill." natatawa pa niyang paliwanag.
"Exciting part?" I breathed out. Naningkit mata ko. "B-Bakit nasa kama mo ako?"
He turned to me, the corner of his lips twitching as if fighting a smile. Binigyan niya ako ng imposibleng tingin matapos ang ilang segundong pagkatigil niya sa mukha ko.
"Celestina, kung nagdududa ka, you can check if you feel sore or not. Samahan pa kitang magpa-check-up kung gusto mo. Had anything happened between the two of us last night and I'm telling you, baka hanggang ngayon nasa kama pa rin tayo, inaakit at niroromansa ka."
"D-Darcy!" paamang kong suway sa kanya.
Nagsisimula na naman siya!
Him with his filthy mouth!
I already accept that he's kind because he always reminds me of that, but sometimes... whenever I secretly inspect him, sometimes he's a very cold-blooded brute!
He just shrugged. "Pero syempre hindi ko gagawin 'yon kasi nirerespeto kita. At kahit ang ganda-ganda mo, hindi naging epekto 'yon para maano ako lalo..." humina ang boses niya sa huling linyang binanggit niya.
"Maano?" tatlong beses akong kumurap. "Anong ano?"
"Basta ano... basta 'yun!" umiling na lang siya at hindi na tumingin sa'kin.
The side of his lips lifted. Dahil nakatigilid ang gwapong mukha niya, kasabay ng paglubog ng kanyang dimples, pagdila at kagat sa ibaba niyang labi ay para bang may kakatwang naiisip ito. Nagmumukha lalo siyang pilyo sa paningin ko.
Mas lalo tuloy akong na-triggered sa nakakalokong ngising tinatago niya.
"Ano nga!?" pangungulit ko.
"Nevermind."
"Luh, ano kasi 'yon? Ano ba yung ano na sinasabi mo? Para maano ka?"
Pumikit siya ng mariin at napabuntonghininga ng malalim. His lips formed to grim line. Hindi na ito nakangisi pagkalingon sa'kin. Para bang nakulitan sa'kin at sana nga 'di ko na lang kinulit para 'di ko marinig ang pagiging honesto niya.
"Na ano... na maakit ako... ganun! Tsk..." he voices became flat. I don't know if his tone is annoyed or what.
Naestatwa ako.
I could feel all the blood in my body rushing to my cheeks. I bit my lower lip. The metal was almost palpable, and it would bleed when I pressed harder on my lip as I looked away from his gaze.
"Pagod din ako ng mga oras na 'yon. Binuhat at nilapag lang kita sa kama ko pero wag kang mag-alala, kasya ang sampung tao sa laki no'n. At kahit magkatabi tayo, hindi kita niyakap. Ni hibla ng buhok at dulo ng daliri mo, hindi dumikit sa'kin dahil ako na lang nagbigay ng distansya sa'ting dalawa."
"I—"
"Ni singhutin ka nga, 'di ko magawa. 'Can't help it. I might die, but you smell so good. That's all. Sana hindi mo ikasama."
Napaamang pa lalo ako sa sinabi niya at wala ng makapang isasalita. Nasa dulo na ng dila ko ang salitang 'pasensya dahil pinagdudahan kita' ngunit sa gulat ay 'di ko agad maisatinig iyon.
"Nasa huwisyo ako, pagod at tulog ka. Paano rin magkakaroon ng exciting part? Walang nangyari sa'tin." tumaas ang kilay at ngumisi pa siya.
Sana yan na lang sinabi niya. Hindi na sana niya idinetalye pa.
Napanguso pa ako sa tono ng pang-aasar niya. Bumagsak ang tingin niya doon.
"Biro lang, ikaw naman..." tumikhim siya saglit. Para bang sa mga mata nito, siya ay natatawa ngunit pinipigilan lang niya dahil sa sama na ng tingin ko. "Pero seryoso... sabi ko naman sa'yo, hindi kita gaganunin—mabait ako. Ano ka ba?" he slightly patted my head. "You silly."
Hindi naman matapang ang tinimpla niyang kape kanina pero parang tumakbo ang puso ko. Parang tatrangkasuhin yata ako dahil sa naramdaman kong pagkatusta ng mukha ko.
With slightly trembling fingers as a result of his steely stares... Darcy still looked at me with amusement, a sexy crooked smile, and remarkable for him being a lip biter, a smirker, and a lip licker—always playing on his freakin' seductive lips.
"I'm sorry If I've been pain in the ass." nahihiya kong sabi. "I didn't really mean for this to happen..."
"Oh, please. Don't be. Okay lang naman." he chuckled. "You should feel lucky. Mahaba ang pasensya ko sa mga lasing."
I bit my lower lip and keep silent.
"You know, I've been there, so... it's no big deal. 'Wag ka na mag-isip ng kung ano."
And for the first time, I admit, in the little details I filled in because of his single move, it sent me shivers down my spine.
Kakaiba ang epekto sa'kin ng lalaki. Hindi ko maipaliwanag...
Sa mga tingin... parang magneto... para akong lumulutang sa alapaap.
Walang patawad na sinasamahan pa ng kalagkitan at kapungayan mula sa kulay ng kaniyang mata. And the vampire-like canine shape of his white teeth is so damn... it.
"Alam mo. Kulang ka lang sa ligo, 'e." aniya at humalakhak dahilan ng aking pagkurap.
Bigla siyang tumayo. At hindi ko alam kung bakit pa siya pumunta sa harapan ko dahilan nang pagtingala ko.
"Hoy, naligo kaya ako, remember—hoy! Bakit, ano ba!? Darcy!" suway ko, habang patuloy na umaatras.
Nagkaroon ako ng pagkakataon na makawala sa hawak niya at handa na ang aking paa na tumakbo palayo, ngunit wala pang saglit ay mabilis pa rin niyang nahuli ako. Napairit ako sa gulat, nakaamang nang maramdaman kong umaangat na ako sa buhangin. Doon ko lang namalayan na nakapulupot na ang kanyang mga braso sa aking baywang at tuluyang buhat niya ako patangay sa papasalubong na bagsik ng along tubig.
"Wala ka ng takas ngayon. Wag ka ngang killjoy! Maganda maligo ngayon!"
"Hoy! Teka lang—oh my, God! Seryoso ka ba!? Ayoko! Malamig kasi!" tinapik ko pa ang mga braso niya na nanatili sa baywang ko.
Masyado siyang malakas kaya nanlumo ako.
Naiiling na humalakhak siyang—tagilid na pumaharap sa'kin at hindi pinansin ang paghaharumentado ko. Patuloy niya pang hinigpitan ang hawak sa kamay ko habang higit-higit na ako sa pagbaba ko. Ramdam na ng dulo ng daliri ng mga paa ko ang anod ng dagat. At ako, nawalan ng lakas at nagpatianod na lang sa kanya.
And in less than five seconds, I immediately averted my face while he happily met the waves of the sea. We were completely submerged and wet.
I took a deep breath after going up and floated my face. The water was almost to our waists. Slightly annoyed, I looked at him with a frown.
"Ikaw talaga! Basa na ang damit natin! Ang lakas ng trip mo! Palagi ka na lang napapasunod ako—"
"Bakit? Gusto mo bang hubad tayong maligo?" he paused for a while, and suddenly, a cruel smirked appeared on his lips. "Pwede naman, madali naman akong kausap."
Hindi naman 'yun ang ibig kong sabihin!
"Shut up!" was all I said.
"I told you. Saying no to me is more dangerously, baby."
I looked up when I was greeted by his face looking up at the sky, closed eyes, his palm gently brushing his wet hair while the water continued to trickle down from his perfect face, proportioned jaw, down to his seemingly undulating Adams apple.
"Oh, yeah?" I sarcastically said, rolled my eyes at him, and splashed water on his amused face.
Mas lalo siya humalakhak. "What Darcy wants... Darcy usually gets, hmm 'kay?"
It's like he's giving me that look and tone of reminder.
"Hmm 'kay," I gave him a tight smile as I mocked him.
"Try to look at the autumn sky..." marahang saad niya habang nakatingala.
Tumingala rin ako. Halos lagpas na sa kalahati ang tanging nakasilip sa ulap at bundok, senyales na malapit na ngang lumubog ang haring araw.
"You know, sometimes, it's good to be stunned by a beautiful absence, it feels good even if you don't say anything."
"Naiingayan ka ba sa'kin? Sabihin mo lang. Kasi sa pagkakatanda ko, ikaw 'tong mas madaldal sa'ting dalawa."
Natawa siya sa turan ko. "Hindi naman kita inaasar. Just try it and you will see."
And unexpectedly, I let myself float too and suddenly calmed down as I felt peace and freedom as I looked up at the autumn sky.
Just stunned and speechless.
Quiet.
And that's it. I can say... he is right. My heart was filled with delight... It was as if the world had embraced me and made me realize how beautiful the world and life are. It's wonderful.
But at the same time, I felt ashamed. Because I know these are what I've been missing my whole life.
I felt myself, waiting to feel a sense of regret and sadness, but my heart felt full... Tanging magaganda lang ang pakiramdam na bumabalot ngayon sa puso ko. Untainted ugliness. Only joy.
Thanks to him.
P I E D R A I J A D A
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro