PHASE 17
I awoke with the fleeting sensation that my head was almost splitting in half.
With a deep groan. My eyes flutter open.
Hindi pa man tuluyang naglilinaw ang aking paningin, unang bumungad sa akin ang isang mataas na kisame. There is vintage ceiling lights, nakasabit at tila ba kay garbong tingnan na nakakabit ito sa makintab na kisame. Then it has a pressed tin metal ceiling that shows off a beautiful vintage pattern that adds an exquisite touch to the space. Para akong naligaw sa makalumang panahon dahil sa mga makalumang bagay na nalalapatan ng mata ko.
I slowly got up in bed and still dizzy. I also closed my eyes for a moment when I felt the rays of the sun hit my eyes because of the curtain that was open, dahilan na mapansin ko rin ang nakabungad na malaking bintana at masilayan ang pagsulyap ng haring araw. Sa nanunuyot na lalamunan ay napalunok ako. Agad na nakaramdam ng pagkauhaw.
I sucked a deep breath and heavily sighed. Siguro sa dami ng mga nangyari kagabi ay hindi na ako nagtaka na maramdaman ng katawan ko ang pagod ngayon. The desire to puke was also intensifying, so I covered my mouth before scanning the surroundings.
Napakalambot at luwang ng kama sa akin. Tamad na tamad ay hindi naman dapat, pero nahirapan pa rin akong bumaba sa sobrang luwang nito. Napagapang pa nga ako.
Ilang pamilya ba ang humihiga dito?
This large estate and has stunning mahogany woodwork. Lahat ng nakikita kong mga bagay ay tila ba yari sa lahat na matitibay na kahoy. It's amazing but terrifying at the same time. I suddenly got chills when I looked around and noticed every detail I could see. It's kinda creepy, and I don't know. Siguro hindi lang talaga ako sanay sa ganitong istilo ng lugar. May pagkamaliwanag man, ngunit mas nangingibabaw pa rin ang dilim dahil sa mga aninong bagay na naaaninagan ko kapag natatamaan ang mga ito ng liwanag ng ilaw, o sikat ng araw. Nag-aagaw rin ang kulay lupa dahil sa mga nagsusumigaw na mamahaling antigong mga muwebles, dilaw na sinag dahil sa ilaw, at dugo dahil sa mga karpeta't kurtina sa kabuoang aura nito. This suite has a rich appeal that features a beautiful queen size antique bed with ornate carvings.
This is indeed a mediterannean-styled room. Napakalaking kwarto—kung kwarto nga ba ang matatawag dito. Pakiramdam ko ay higante ang nakatira dito at ako ay isang munting babae lamang na napadpad. Nanliit ako.
I can feel as if you've just woken up through time in the 1800s or early 1900s as you touch the antique fixtures and care, was taken to restore and preserve the original tiles and fixtures.
Then suddenly, horror crept into me when I realized that I am not really in my room. Nasa hindi ako pamilyar na lugar. Wala talaga ako sa condo. Ibang-iba sa modernong condo na pansamantalang nilalagian ko.
Nasaan ako? Kaninong lugar 'to?
Then only his face suddenly flashed in my head.
"Darcy..." I spontaneously mumbled his name out of my mouth.
I suddenly bit my lower lip and sucked a deep breath. Bigla akong napapikit nang sandali akong may naalala.
In a convenience store. The pocky. His flirtations that he expresses through his pick-up lines. His car. Driving. Alcoholic Bar. His performance. The neon lights and the thin smoke of his cigarettes always come out of his mouth whenever he speaks. We were drinking. Eating burgers and supermeals at the ball pit slide at Jollibee. His corny jokes and all.
"Why don't you come with me?"
"I'm going to take you to a place where you're free. That you can do whatever you want."
"I'll run away with you. Forget about your worries then maybe... just enjoy each others company."
"Wala ka talagang pagsisisihan kasi mabait naman ako."
Huminga ako nang malalim at napahilot sa sentido nang maiwaksi ko na naman sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Yun lamang ang mga natatandaan ko.
Hindi ko nga maalala kung paano ako nakapasok sa kwartong 'to at paggising ko ay nasa malambot na kama na agad ako.
I suddenly overthink what else happened last night. Did something happen again? O baka naman may nagawa na naman akong... kahihiyan sa kanya!?
I bit my lower lips, firmly.
I suddenly felt guilty. Hindi ko lubos na maisip na ilang beses kong pinag-isipan ko pa siya ng masama noon gayong siya pala itong naaabala ko! Ako nga dapat ang mahiya!
At sana naman hindi! Parang 'di ko na yata kakayaning mabuhay kapag nalaman kong nasukahan ko ulit siya!
I heavily sighed and mentally slapped my face and shook my head.
Masyado na yatang OA 'to pero totoo naman kasing nakakahiya iyon lalo na't alam kong sobrang naabala ko talaga siya kagabi. At isa pa, ang dami ko na rin naging atraso sa kanya. Sa pagsuka ko pa lang ay sobra-sobra na.
As I said, I really, really, really... don't know why I keep him to suck me in.
What was going through my head last night and why did I also suddenly agree with him?
Seriously. I really should stop drinking 'til I'm drunk.
Akala ko dati, kung hindi lang ako nakakatulog o nasusuka at nakakagawa ng eksena 'pag nalalasing, umuuwi naman agad ako bago pa ako makagawa ng eskandalo. At alam kong nangyayari lang 'yan kapag kasama ko ang mga kaibigan ko. At umuuwi lang din—kapag alam kong hindi ko na rin sila makakasama. Hindi naman kasi ako madalas makisama sa halos hindi ko naman lubos na kilala. Bilang nga lang rin sa mga kamay ko na kinikilala kong... alam kong matatawag na tunay na kaibigan.
At 'di tulad ng mga kaibigan ko, kahit iwan mo sa kung sino, ayos lamang sa kanila. Hindi sila mag-aalinlangan... o matatakot dahil magaling silang makisama. Hindi tulad ko.
Pero ngayon, napatunayan kong hindi naman pala ako laging ganun. Kaya ko rin naman palang makisalamuha sa hindi ko lubos na kilala. Especially... er... I do weird things... and I couldn't even justify them now.
Sa pangatlong pagkakataon, heto na naman. Hindi ko inaasahan na magagawa ko ang mga pambihirang bagay... mula sa kanya. Mula pa sa estrangherong tulad niya.
Nung gabing 'yon, ang daming mga nangyari. Iniisip ko lang na makukuntento na ako ng mga oras na 'yon, pero nagkamali yata ako at muntik ko na lang rin tanggapin sa huli—pero natantong kong hindi pa pala huli... Dahil sa sinabi niya ay para bang nadagdagan ang pagkukulang at lalong nanuot ang pagkatukso ko sa mga... gusto ko pang subukan ding mga bagay na... hindi ko pa nasusubukan talaga.
"Oh my, my... angel baby..."
I stunned and gasped when I heard a familiar raspy voice.
Pumihit ako para lingunin iyon, pero parang gusto ko na lamang tumalikod ulit o tumalon pabalik sa kama at magkunwaring tulog sa nabungaran ko.
Darcy's topless body greeted and almost waving at me—damn it!
"You're awake." he said as he tilting his head.
It was as if his actions had become slow, along with the thin smoke that surrounded him. Mukhang ang pinaglabasan niyang pinto ay mula sa banyo.
"Goodmorning." he chuckled, immediately noticing his dimples as they sank.
At ako, nakakatatlong tikhim at lunok na ng aking laway ay parang nawalan ako ng boses at isasalita.
Hawak niya ang puting tuwalya habang pinapatuyo ang malago't basa niyang buhok. The mint and man musk perfumes wafted in his freshly bathed scent. Pati yata sa gamit nitong toothpaste ay hindi yata nakatakas na mahagip pa iyon ng pang-amoy ko. Halos mag-flex ang mga muscle nito sa braso kapag umaangat iyon sa pagpunas niya sa kanyang ulo.
"Since you're awake, you can take a bath too. I also prepared our breakfast with Manang."
Malalim akong napalunok. Napaawang ang bibig ko habang wala pa rin sa sariling pinapasadahan siya nang tingin.
Him, without a shirt, uncontrollably, my gaze fell only on his lower part, dangerously tightly hanging on his hips with a white towel for it's dear life, with water dripping down his hair, ay para bang gusto kong himatayin habang papalapit pa siya sa akin.
Kumikintab ang kanyang dibdib pababa sa matikas at mabitak niyang tiyan. Bakat na bakat pa ang kanyang abs at v-lines na tila para siyang hindi tao at ginawa lamang ng magagaling na sampung iskultor para maging perpekto ang buong anyo niya sa paningin ko. Umagang-umaga ay para bang lalong nanuyot ang lalamunan ko...
"How are you feeling, my love?" aniya habang pinupunasan pa niya ang kanyang braso gamit ang hawak na maliit na puting tuwalya sa maugat na kamay nito. "You okay?" as his lips lifted into smirked.
"Y-You, uhm..." napakurap ako saglit at lumunok muli. "You look—"
"I look what?" his eyes danced with amusement. There was a ghost smile that penetrated his lips slowly as he raised his brow.
Dumaga pa ang dibdib ko nang kahit malapit na siya ay dagling bumagal ang lakad niya papalapit sa'kin. Mula sa mapaglokong tingin ay unti-unti pumungay ang kanyang mga mata na para bang inaakit ako nitong bumalik muli sa kama.
What the—!
Pambihira! Ano ba 'tong sinasabi mo, Celestina!?
His tongue poked inside on his left cheek. "Do I look dashing? Gorgeous? Hot? Irresistable...?" he asked as he sexily chuckled.
What a confidence of this guy.
I sucked a deep breath and gulped nang kaunting distansya na lamang ang pumapagitan sa aming dalawa. Halos dumapyo sa mukha ko ang mainit na hininga nito.
Mas lalo kong nadipena ang kakisigan at kalakihan ng kanyang dibdib na may balahibo. At doon ko natantiya kung hanggang saan lamang niya ako. Hanggang dibdib niya lang ako. Perpekto siguro ang tama nito kapag ipapatong ko sa matikas na dibdib niya ang ulo ko habang nakapulupot ang mga bisig niya sa'kin at yakap-yakap niya ako—tama ka na nga, Celestina!
Nahihibang ka na talaga! Kulang ka sa kape! Kailangan mo na talagang lumaklak ng kape!
"Neat." wala sa sarili kong tugon, that I would just disappear in front of him like a bubble and immediately take back what was said.
If I really had the power to compel someone or do hypnotism, I would have done that to him long ago so that he would forget the words that suddenly came out of my mouth.
He tilted his head at pinakaigihan niya pa akong tiningnan na para bang hinihintay niya ang sunod na sasabihin o bubulong ko... sa sobrang lapit ng mukha niya.
"Hmm?" he bit... and licked his lower lip.
Kumurap ako at napaiwas sa kanyang ng tingin. I cleared my throat as I heard him chuckled.
"I mean, y-you look neat." at utang na loob, ang bango pa ng hininga niya. Kumurap pa muli ako para gisingin ang nawawala na naman sa sarili. "Uhm... why are you here?" pag-iiba ko ng usapan.
Tumaas ang kilay niya at hindi matanggal ang multong ngiti sa kanyang labi.
"Because this is my room? I just took a shower and I'm going to get dressed."
My lips formed to 'o' and nodded.
"Pasenya ka na at hindi kita agad ginising. Masarap ang tulog mo, e." aniya pa niya.
I just sighed and averted my gaze from him.
Bigla akong nahiya. Ano bang karapatan kong kuwestiyunin siya? Dapat nga, siya kumukwestiyon sa'kin at hindi naman ako nakatira dito! At hindi rin siya dapat ang humihingi ng pasensya, kun'di ako!
At ano ba namang klaseng tanong 'yan, Celestina? Napaghahalataan ka tuloy!
Eh sino ba kasing hindi kakabahan sa ayos niya! Katulad nito, para siyang si Michelangelo, pumaywang pa siya at tumambay sa harapan ko na hindi inaalis ang tingin sa'kin. Bakit nandito pa siya sa harapan ko gayong magbibihis na siya?
Bakit hindi pa siya magbihis?
May sasabihin pa ba siya?
Pero wala pang ilang saglit ay para bang nabato't kinuryente ako sa kinatatayuan ko dahil sa natanto.
Bakit pala ako ang hindi umalis!?
Ano, Celestina? Wag mong sabihin na gusto mong panoorin ang pagbibihis niya? Wala ka bang balak lumabas!?
"U-Uhm, sige. Lalabas muna ako kung ganon. Pasensya na—"
Umiling siya. "No. I have my walk-in-closet. Just stay right there, I'll be quick!" umalis na rin siya sa harapan ko at tumalikod para puntahan ang sinasabing walk-in-closet niya.
Masasabi kong ang yaman talaga niya.
"O-Okay..."
Lumingon muli siya sa'kin. His lips formed into a small smile.
Napakibit-balikat naman ako sa sinabi niya kasabay ng paglapat ng tingin sa kabuuan ko. Napanguso ako. Ito pa rin suot ko mula kahapon. Ni hindi pa pala ako nakapagpalit! At maski shower o toothbrush man lang 'di ko nagawa! And I feel like I'm stink, dahil naghahalong iba-ibang naaamoy ko sa damit ko.
Paano pala ako maliligo?
"Is everything okay?"
Napaangat bigla ako nang tingin nang mapansin nakatingin pala siya habang hawak ang seradura ng pintuan. Hindi ko alam kung bakit ko sasabihin pa 'to sa kanya pero no choice dahil wala rin naman akong extra na damit. Kakapalan ko na mukha ko.
"Uhm... kasi..." parang may kung anong sumusundot sa puwit ko. Napakamot ako nang nanatili siyang nakatigil at nakataas na ang kilay sa akin. "Hindi ko yata magagawang maligo. Wala kasi akong damit—"
"You can wear my clothes." he smirked and paused for a while. Nailang pa ako nang maramdaman ko ang mata niyang naglakbay sa buong katawan ko. "But if you're not comfortable, there are some women's clothes there that I know will definitely fit you."
My lips parted.
"Talaga?"
Tumango siya. "Yup."
At bakit naman siya merong pangbabaeng damit?
"Bakla ka ba?" napasapo ako sa aking bibig na walang preno.
His eyes widened at lumingon lalo sa akin. "Are you kidding me?" bigla siyang natawa sa akin habang ito ay naiiling. "Gusto mong itulak kita sa kama at pupugan ng halik?" hamon niya at ngumisi pa siya sa akin.
Napapitlag ako at lalong hinarap ako. Alam kong nagbibiro naman sya pero nalaglag pa rin ang panga ko sa hamon niya.
My heart stammered. "What!? I-I'm... I'm just kidding!"
He just gave me a nod. The smile on his lips still hasn't disappeared.
"Kung bakla ako, hindi ako mag-aaksaya ng oras at nagka-interes sayo, Celestina." sarkastiko pa siyang natawa at binigyan ako ng imposibleng tingin. "Goddammit..." saglit siyang madramang huminga ng malalim habang naiiling. "...you're aware that I'm attracted to you..." he paused for a while. "Silly. You gave me a reason to like you even more, angel baby. Fuck, this is fucking so, so bad. "
Nadagdagan na naman ang init nang mukha ko at dagling nagbaba ng tingin.
Naisip ko rin naman kasi na... baka sa kapatid niya rin iyon o sa nanay niya ang ipapahiram na damit niya!
"P-Pasensya na talaga..."
"God, you're so cute."
At parang hindi ko yata kakayaning may makakita sa ayos ko nang mapansin nilang may ibang gumagamit ng personal na gamit sa kanila! Nakabukas na ang labi ko at handa na sanang tumanggi ngunit hindi ko naituloy nang magsalita muli siya.
I heard his chuckle again. "Don't worry. Matagal na 'yun don sa closet. Wala ng ibang gumagamit so that's okay."
"B-But—"
"At lalong hindi akin 'yon. Ako lang at si Manang ang tanging naririto. Wala rin dito ang pamilya ko. Nasa ibang bansa."
I bit my lower lip.
"Wala rin akong kapatid na babae. At lalong... hindi rin ako bakla."
Napalunok ako sa paliwanag niya kaya't nabawasan rin kahit papaano ang aking pangamba.
"Come on. Feel at home."
Nahihiyang tumango na lamang ako sa kanya. "Sorry... and t-thanks..."
"You're welcome. So..." he sighed. "...after I'm done here, I'll just wait for you downstairs. Nando'n lang kami sa 'baba."
At naiwan na lamang akong tulala sa malaking pigura niyang likod papasok sa loob ng walk-in-closet niya.
Oh my, God! Ano bang naisip mo Celestina at pinagkamalan mo pa siyang bakla? Really? Sa tindig pa lang, galaw, at sinasabi niya, natanong mo pa talaga kung siya ay bakla!?
Parang ngayon lang nag-sink sa akin... nandito talaga ako sa bahay niya.
Sa bahay niya ako inuwi.
Natanto kong nakalabas na si Darcy sa kanyang kwarto matapos kong maligo nang mai-check ko ang walk-in-closet niya at hindi na naka-lock iyon. Hindi naman sa pinag-iisip ko siya ng ano... nakakahiya naman kung nakaroba lamang akong lalabas sa banyo at bigla kaming magkakasalubong dalawa sa ayos ko.
Kung s'ya, ay para walanghiyang humarap at ayos lang sa kanya ang naging ayos niya kanina. Parang ikamamatay ko naman kapag iyon ang nangyari sa'kin!
Mamomroblema pa sana ako sa aking susuotin nang agad naman mapamulahan ang aking pisngi dahil sa nakalapag na bestidang puting damit sa kama at... underwears.
"Whoa..."
Underwears.
Halos maihalamos ng palad ko ang aking mukha sa isiping baka siya pa ang naghanda nito. Geez.
Napaka-thoughtful naman pala niya kung gano'n. Pero... kahit na! Nakakahiya pa rin!
Kanina pa ako pabalik-balik sa paghawak ng seradura ng pinto. Nagdadalawang isip kung lalabas pa ba ko o tatanga na lang dito dahil sa ayos ko. It's a white dress that only reaches above-the-knee. There are no beads or designs on it. Every time I touch the fabric, which is made of silk, my shoulder sticks out because of its puffed off-shoulder style. The dress is quite fitted up to my waist and loosens up to my thighs. Halata ang pagkakurba ko at hindi ko alam kung bagay ang magandang damit na ito sa akin.
But still, even if I looked like a ghost, I headed outside the room even though I was barefoot.
I dragged my gaze to the entirety room. Kung nalula pa ako sa kwarto, mas nalula naman ako sa kabuoan ng mansion na ito. Sobrang luwang ng espesyo at napakalawak nito para lang kay Darcy na nag-iisang nakatira rito. And just like his room, the rest of the design are made in wood, dark brown, yellowish, and red only. It usually have smooth plaster walls.
Dahan-dahan pa akong napababa habang patuloy na pinapasadahan ng tingin ang mansion. Hanggang sa narinig at natanaw ko siya... sila sa malawak na kusina. Ang kulay puti niyang shirt ay nakayakap na ngayon sa maskulado niyang katawan, nakatalikod sa akin habang abala sa tinitimpla.
Mariin kong naikagat ang pang-ibabang labi at marahang nagtungo roon.
My entire face flushed in extreme embarrassment as memories of last night. I really can't remember what happened afterwards.
"Celestina,"
Muntik na akong mapatalon sa gulat nang tawagin niya ang pangalan ko at 'di ko namalayang nakaharap na pala siya sa akin. Nakadantay siya sa isang mataas na mesa na mini bar kung tawagin, hawak ang kanyang umuusok na tasa. He rose his brow when he saw me with a startled expression.
"Uh... hi,"
"Come here..." lumapit siya sa'kin at sinenyasan niya akong lumapit roon sa mesa.
Napasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. At nang mapansin kong dumapo ang tingin niya sa mga paa ko na walang kasapin-sapin ay dagling nailang ako. Nakita ko ang pag-angat ng kaunting gilid sa kanyang labi na parang may nagkukubling multong ngiti.
"A-Ah, hindi ko kasi makita ang sapatos ko t-tsaka..." lumunok ako saglit. "Wala rin pala akong tsinelas." I chuckled nervously. "Pero okay lang rin! Kumportable naman ako kahit yapak and uhmm..." saglit pinasadahan ang paligid. "...ang linis ng bahay nyo."
He shook his head and smiled. "Told you, it fits you well."
"Ha?"
Nang mapansin kong nakatuon pala ang tingin nito sa damit ko ay nailang ako.
Narinig niya ba ang paliwanag ko? Bakit ang tagal niyang nakatungo?
Nahihiyang ngumiti na lamang ako sa kanya. Napakibit balikat ako. "T-Thanks. H-Hindi ka na sana nag-abala pang maghanda ng susuotin ko—"
Bumagsak ang mata niya sa'kin para matigilan ako. My leg that was wobbling earlier now seems like it has been plastered with cement to make me stiffen where I stand.
"I didn't prepare a dress for you."
"H-Ha?" napalunok ako. "Sino?"
"Si Manang." aniya at tumingin sa ibang direksyon. "Si Manang ang pinasuyo kong ihanda ka ng susuotin. Nandito lang ako sa kusina, ako nagluto ng ibang pagkain habang hinihintay kitang bumaba."
Talaga? Hindi ko napansin. Ah, baka nung naliligo ako kanina.
At nang malingunan ko ang tinitingnan niya ay natanaw ko ang isang babaeng ginang na may katandaan, nakaitim, nakapusod ang mauban nitong buhok habang nakatalikod, abala sa pag-aasikaso na mga pagkain na mukhang ilalagay pa lamang sa hapag.
"Yung mga damit mo, nasa laundry na. Pati sapatos mo, pinalinis ko rin, okay lang ba?"
Napalunok ako. "Pa'no yon? A-Anong susuotin ko?"
"Wala." sagot niya.
Napamulagat ako at tinawanan ang reaksyon ko.
"Joke lang." bawi niya.
I heavily sighed. Mukhang magkakasakit ako sa puso dahil sa lalaking 'to. I will never forget last night, that he promised me that I would be safe with him, but because of what he was saying, it was as if my heart was dangerous to him.
"Don't worry. Malaya ka namang gamitin ang ilang damit na nandito."
"O-Okay lang?"
"Hmm," he nodded. Parang wala lang sa kanya.
Wala na akong maisagot sa sobrang kahihiyan. Parang gusto ko na lamang umuwi. Pakiramdam ko, para akong isang babaeng gusgusin sa bayan at naisipan lang ampunin ng gwapo ito.
"Kamusta ang gising mo?"aniya dahilan na maputol ang aking iniisip.
Lumingon muli siya sa'kin pagkahigop niya sa kanyang tasa. Magkatabi kami sa pag-upo. Kumbaga sa paribahang mesa, siya yung matatawag na nasa dulo, pero ako yung nasa may gilid, malapit pa rin sa kanya dahil ipinag-usod niya pa ako mismo ng upuan kung saan ako mauupo, at sa tabi niya pa talaga.
"Okay naman." bumuntonghininga ako ng malalim.
Pansin kong seryoso lamang ang mata kahit na tapunin niya ako ng tingin habang naglalapag siya ng mga pagkain. Mukhang istrikta si Manang. Ni wala akong mabakasan na gulat o kahit ngiti. Hindi naman mukhang galit. Seryoso lamang.
"Hindi ka na ba nahihilo? Masakit ang ulo...?"
Umiling ako at tipid siyang nginitian. "Hindi na naman."
The side of his lips lifted. "Good. Then let me get you something to drink. Want a coffee? Chocolate? Tea? Or milk?"
"Ah, a coffee will do. Thanks," maagap ko sinabi.
Tumango siya at saka tumayo saglit at nagsimulang pagtimplahan ako ng kape. Naiwan bigla ako sa mesa at si Manang naman ay nagsimula nang maglagay ng mga pinggan at kubyertos. Halos umalingawngaw lamang iyon sa lawak ng dining room. Pino at mabini lamang ang pagkakagalaw nito. Malalim akong napalunok nang magtama ang mata naming dalawa ay saka ko siya binigyan ng isang ngiti.
Pero ni wala man lang reaksyon ang matanda.
Humilaw ang ngiti ko kalaunan nang magpatuloy si Manang sa ginagawa, na parang walang nangyari at ako'y isang hangin lamang. Suminghap na lamang ako ng malalim at napanguso habang abala pa rin si Darcy sa pagtimpla ng kape ko.
Mukhang hindi ako welcome sa bahay na 'to ah.
Nakakahiya... mukhang hindi yata ako kaaya-aya sa matanda. Ni hindi man lang ako inimikan. At kung ako ang gagawa no'n, baka mapangunahan lang ako ng kaba ko. Galit kaya sa akin dahil nagdala ng babae si Darcy dito?
Galit kaya?
Pero mukhang mabait naman kasi... naalala kong siya pala ang naghanda nitong suot ko. Batid kong, nakita niya rin ako kagabi sa pagdating kahit na wala ako masyadong maalala.
"Here..." lumapit na siya sakin at binigay ang tasa. "It can help to clear you head. It's organic coffee, masarap 'yan." ngumiti siya sa'kin.
"Thank you..."
Mas lalo pa akong tinamaan ng hiya. I ran my tongue over my lower lips and took a deep breath. Then I brought the cup to my lips at nagsimulang sumimsim. Nang malasahan ko ay tama nga ang sinabi niya. Masarap nga at kakaiba ang lasa. Nakakagaan pa sa pakiramdam.
"Manang, this is Celestina."
Natuod naman ako sa kinuupuan nang magsalita si Darcy sa matanda. Maamo ang tingin nito sa lalaki at nang dumako na muli ang tingin niya sa akin... nabawasan ang ngiti nito at tumikhim lamang sa akin.
Tumikhim ako saglit ngunit hindi pa rin naging kabawasan 'yon para mautal ako sa nakakatakot na tingin ng matanda.
"H-Hello po. Nice to meet you po, M-Manang."
"Asawa ko siya, Manang."
Agad akong napalingon at 'di naiwasang hampasin siya sa braso. Mabuti ay nalunok ko na ang kinakain ko dahil baka mabuga ko sa kanya ang nginunguya ko.
"Darcy!" mahinang suway ko sa kanya at agad na nagyuko sa mariing titig na sa amin ng matanda.
Natawa siya sa reaksyon ko. "Magiging." pagtatama niya na lalong ikinaamang ko. "Magiging asawa pa lang pala, Manang." nakangiti pa niyang saad sa matanda at binagsak muli niya ang inosenteng tingin sa akin, na parang walang kalokohang sinasabi. "What's with the long face, Celestina? Gusto mo bang magpakasal na agad tayo? Sorry... gusto muna kasi kitang maging girlfriend. Magdahan-dahan muna tayo. Alam mo na, go with the flow—"
"Hindi ako nakikipagbiruan. Baka kung anong maisip ni Manang. Hindi naman totoo! Nakakahiya!" mahinang giit ko sa kanya habang pasilip ang sulyap ko sa matanda.
"Eh hindi ba dun din naman ang punta no'n? Magiging girlfriend kita, at kapag sinagot mo 'ko, magpo-propose naman ako at aayain na agad kitang magpakasal. Magiging asawa mo 'ko at asawa kita. Mag-asawa na tayo." aniya na parang nananaginip pa siya ng gising habang nakangiti sa kawalan.
Akala ko, mga babae lamang madalas gumagawa ng ganito. Hindi ko inaasahang siya rin pala.
He's delusional. Trip niya talagang asarin ako. Tsk.
"Wow. Lakas mo." sarkastikong nasabi ko na lang sa kanya.
Kasabay nang irap ko ay siya namang nagpakawala ng mahinang halakhak.
Para siyang gumawa nang buod ng isang kwento. Napailing na lamang ako sa kalokohan niya. Nang igala ko ang tingin ko'y umalis na ang matanda sa harapan namin. Ni hindi ko man lang yata napansin at narinig na magpaalam sa amin.
"Wag ka nang magalit. Hindi naman kasi talaga joke 'yun, eh." mapang-asar pa na tono niya.
"Darcy naman..."
"What?" aniya'y inosente pa siyang lumingon sa akin kahit na may namumuong multong ngiti sa kanyang labi.
Napanguso ako. "Tumigil ka nga. Baka lalo akong hindi magustuhan ni Manang dito. Baka 'di niya na ako kausapin. Kanina pa nga niya ako hindi iniimikan, hindi mo ba kita? Nahihiya na ako. Baka ayaw niyang nandito ako!" nag-aalala ko ring sambit.
"Ano ka ba? Wag kang mahiya." natatawa niyang sambit sa'kin. "T'saka, wag kang mag-alala, gusto ka ni Manang." sabi pa niya na para bang gagaan ang loob ko roon. "Gustung-gusto ka nun," paninigurado niya.
Parang ayaw kong maniwala.
Napakunot ako. " Nauunawaan ko, bisita niyo lang naman ako dito. Tsaka, tigilan mo nga ko sa mga ganyang biro mo sa harap ni Manang. Ni hindi nga ako inimikan. Okay lang naman sa'kin, e. Hindi mo kailangan magpaliwanag. "
"Tss. Hindi ka naman talaga niya kakausapin, 'e..."
"Tingnan mo. Mga kalokohan mo kasi! Kung ano-ano pa pinagsasabi mo. Mukhang hindi natutuwa si Manang sa biro mo. Baka akalain niya pang... totoo sinasabi mo."
Natawa pa siya sa'kin, na lalong ikinapanlumo ko sa sunod niyang sinabi.
"Totoo naman talaga—"
"Darcy!" putol ko ulit, naiinis na sa kanya.
"Magiging totoo pa lang." pagtatama niya ulit na lalong ikinaasar ko.
Napasandal na lamang ako sa kinauupuan ko, naiiling na napasuko na lang ako sa kakulitan niya. Habang siya ay nangingising patuloy na ngumunguya pa rin at ganadong sumusubo ng pagkain.
"At wag ka ng umasa na kakausapin ka pa niya."
Imbes na bigyan man lang niya ako ng pampalubag loob, ganito pa masasabi niya. Ang gulo niya talaga! Sabi niya, gusto ako ni Manang. Pero sa nakikita ko... parang hindi naman.
"Bakit?"
"Hindi ka talaga niya maiimikan. Kasi pipe siya, Celestina."
P I E D R A I J A D A
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro