Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PHASE 16


Malimig ang sumalubong pagkapasok pa lamang namin sa loob. We are greeted by the guard and welcomed us with a smile. Na kahit may kalaliman na ang gabi ay para bang hindi sila pagod at nanatiling may mga ngiti pa rin sa kanilang mga labi.

Yun nga lang, sa tuwing napaparaan kami ay may ilan agad napapatingin sa'min, at alam ko kung saan mas bumabagsak ang paningin ng iba kun'di... sa tabi ko pa talaga.

I knew it. This man is really the center of attention. The kind that will catch your eye and make it hard for you to avoid looking at him anymore.

Napabuntonghininga ako nang malalim at mas binagalan ang aking hakbang nang 'di niya namamalayan, habang dire-diretso siyang dumireksyon papunta sa counter.

He's still shirtless, pero napapatungan ng kanyang black leather jacket ang kanyang pang-itaas. Mas halata pa rin ang kahubdan at abs ng kanyang katawan habang siya ay naglalakad. Hindi ko alam kung may damit pa ba siya at hindi nag-abala pang magsuot ng shirt mula kanina. Sa tangkad niyang iyan ay kapansin-pansin, may pagkakataon rin na may ilang crews, servers na ilang babaeng napapahagip nang tingin dahil sa kanya. At kahit ang mga umoorder at kumakain, hindi pa nakatakas sa paningin ko na may isang nabangga pa mula sa pagkatulala at muntik pang madulas habang may nagma-mop dahil sa makalaglag pangang lalaki nitong kasabay ko.

"Hindi mo naman kailangan pang ilibre ako. May pera naman ako." ani ko nang maunahan niya ako magbayad.

Napalunok ako ng malalim. Baka sakali magbago pa ang isip niya. Dahil nakakahiya na talaga sa kanya!

"I know."

"Sana ako na lang nagbayad." I bit my lips.

Masyado maraming naorder niya at lahat ng iyon ay gustung-gusto ko talaga. Halos malanghap ko pa ang amoy ng pagkain na lalong kinasakit ng sikmura ko senyales na gutom na talaga ako. Hindi ko na lang pinahalata sa kanya at lalo lamang ako mahihiya.

"It's okay. Told you. I'd make it up to you..."

"T-Thank you..." that's all I can say.

Dahil naging abala na ang utak ko sa pagkain na kakainin namin ngayon. Gutom na talaga ko!

"You're welcome." he smiled. "Wag kang mag-alala, wala akong balak na singilin ka. At lalong hindi ko rin tatanggapin, sakaling magbayad ka. Gusto lang talaga kitang ilibre. Mabait naman ako, e."

Pinigilan kong mangiwi sa madalas na litanya niya sa akin sa tuwing mag-aalinlangan ako.

"T'saka pambawi na rin dahil hindi ko man lang naisip na baka nagugutom ka at diniretso kaagad kita sa bar kanina." paliwanag pa niya. "Sorry for not asking, really,"

Hindi naman niya kailangan sabihin 'to. Kasalanan ko rin naman kasi. Hindi naman magkadugtong ang bituka naming dalawa para makonsensya siya't dapat pinakain niya ko kanina.

"Thank you, I guess," I said.

And then I sighed and gave him a small smile.

Medyo nahihiya pero dahil malakas talaga ang trip niya ay hindi na ako makaatungal pa. Kasi ba naman, ano ba namang klaseng tao siya na bigla siyang mag-aayang tumaas kami para lang puntahan ang playground mismo dito sa loob ng Jollibee?

Seriously? Is he for real?

Dito pa niya na-trip-an na kumain sa loob. Akala ko kakainin na lang namin ang inorder namin sa labas dahil nagpa-take out siya... hindi ko naman inaasahang ganito ang dahilan niya.

Medyo nahihiya rin ako sa kanya na bukod sa pahatid na nga niya ako, nilibre pa niya talaga ako!

"So are you gonna stay quiet, hm?" basag niya sa katahimikan.

Tumunog ang paper bag nang sinimulan niyang buksan iyon at inunang ilabas ang burger saka ako inabutan ng isa. Agad ko namang kinuha. Saka niya nilapag ang iba pa sa aming tabi.

Nakapwesto kami sa parteng... hindi ko alam ang tunay na tawag. Basta punung-puno ng mga bola. Or should I say, we're in the area of the ball pit slide.

We were just sneaking while we were walking inside earlier. Natatakot na baka may makasita sa'min na ibang staff dahil pang bata lang yata talaga ang pwedeng makapasok dito. Pero dahil nakalusot kami sa pangunguna't mukhang pasaway na lalaking 'to, talagang desidido siyang dito na lamang kami umupo. Mukhang malakas talaga ang trip niya. Para pa siyang batang natutuwa habang pinapasadahan nang tingin ang kapaligiran.

"Uhm..." tumikhim ako saglit at lihim na napangiti habang sinusuri rin ang kapaligiran. "Actually...this is fun. I gotta remember to do stuff like this more often."

Kasi pagkakatanda ko, sobrang bata ko pa yata nung huli akong makaranas nito. Halos 'di ko na rin matandaan kung kailan.

I chuckled when he slightly threw the balls in front of me. Tinamaan ako sa tiyan, ngunit 'di naman masakit.

Nagpatuloy siyang kumagat sa kanyang burger nang hindi ako nilulubayan nang tingin habang may ngisi sa kanyang labi.

Kumagat din ako at tipid na ngumiti sa kanya.

"Bakit naman?" he smirked and frowned a bit. "Seriously, don't tell me... you've never experienced here when you were young like..."

I cut him off, slightly embarassed, and chuckled. Dahan-dahang tinunguan ko siya nang mahulaan ko ang iniisip niya.

"Yes."

"Why?" aniya na para bang hindi siya naniniwala at hindi niya matanggap na malaman niya iyon sa'kin.

I sighed. "Coz my parents wasn't really interested in any of that. Not specifically, but yea, like..."

I saw how his adams apple protruded. He blinked twice.

"Kid stuff?"

"Yup." I nodded as I continued to chew.

Palihim pa akong madramang bumuntonghininga ng malalim para lang ma-feel ang mga kinakain ko. Halos 'di ko na yata matandaan kung kailan ako huling kumain dito.

"Seriously?" he paused for a while. "I bet you don't have a best childhood memories. Naniniwala kasi ako, na majority, lahat ng bata ay nakaranas dito. At isa na 'ko don sa mga batang 'yon. The best kaya dito."

Napakibit balikat na lamang ako sa kanya habang binibigyan niya pa rin ako ng imposibleng tingin.

"I know." tugon ko na lang. "What?" I ask innocently kahit na may nababasa ako sa mga imposible niyang tingin, dahan-dahan siyang napanguya habang naniningkit ang kanyang karagatang mata, napairap ako saglit. "Blame my parents coz they wasn't really interested any of that. They made it sound so silly."

For a fleeting moment, I wondered to myself why I went with this man in the first place? 'Cause, seriously. This man is every bit as dangerous. And I feel like... there's a part inside of me that I am very... very... very drowning to him.

And I don't know why I keep him to suck me in.

Nagugulat na lamang talaga ako sa mga sinasabi niya mula kanina pa. Na parang kay tagal na kaming nagkaroon ng interaksyon at magkakilala. Ang dami niyang mga sinasabi, at mga tanong na minsang nagpapalito at may pagkakataon na nagpapaalala din sa'kin kahit papa'no.

Sa totoo lang, kanina pa ako natutulala. Kahit natapos na kaming kumain ay kanina pa niya ako dinadaldalan. Okupado pa man ang isip ko sa ibang bagay, sa tinatakasan kong bagay... nagagawa ko pa rin naman siyang tugunin kahit na tipid lamang.

At base sa pagsasalita niya mula kanina pa, natitigilan na naman ako kung paano pa niya nalaman ang pangalan ko. At kung paano ko rin tuluyang nalaman ang pangalan niya.

"Salamat sa pagpayag na ihatid kita. Alam mo namang hindi kita hahayaang umuwi laging mag-isa."

"You know, you can go even if you're not feeling lonely."

"Looks like you really forgot about me Celestina, hmm..."

"So... do you still want to know more about when we first saw each other? How we met? You were so drunk."

"Come on, Celestina. Hindi ko na mabilang sa mga daliri ko kung ilang beses ko nang nabanggit sa'yo ang pangalan ko." natatawa pa niyang sambit na lalong ikinapakunot ko.

"Pero ngayong 'di ka lasing, sana hindi mo talaga makalimutan." aniya pa niya ulit.

Kanina pa niya sinasambit ang mga 'yan mula pa kanina.

Patuloy lamang akong nakikinig sa kanya. He's now driving and he decided to get gas first, so I let him. I was ready to take a taxi, but again... he insisted earlier, and he said that he would also take me there, pumayag na rin naman ako since parehas kaming nilalagian ng condo.

At ngayong nagkakwentuhan na naman kami, parang hindi ko kinaya ang mga nalaman ko tungkol sa mga naging interaksyon naming dalawa. Bakit ganun... totoo ba talaga? Baka sa sobrang lasing ko no'n kaya hindi ko talaga lubos na maalala ang ibang mga sinasabi niya? Pero posible ba 'yon? Na kahit kaunti ay wala kang maalala sa mga nabanggit?

At kung meron man, tanging mga sulyap niya, saglit na usap, at nung nasa Icon ako madalas nung mga nakaraan. Hindi lang talaga ako makapaniwala... na may mas mauuna pa palang senaryo kung paano pa kami nagkita.

"You want one?" untag niya dahilan na maputol ang lalim ng inisiip ko.

He's offering me to resist his vape, I immediately shook my head and gave him a small smile.

"Oh, no thanks. I don't smoke and I have an..." I paused for a while. "...asthma."

"That blows, hmm." agad naman niya inalis ang vape at sa huli, bumuga siya sa bukas na bintana sa tabi niya. "Sorry."

"It's okay." I sighed and smiled a little.

"Such a good girl, huh." he smirked.

Para bang namangha pa ito nang malaman niyang hindi ako nagsisigarilyo. Kahit kailan, hindi ako nagkaroon ng ibang bisyo. At kung meron man, bukod sa pagsisinungaling ay tanging pag-iinom lang ang makakaya kong gawin.

I heard he cleared his throat and sighed after a couple of minutes when silence enveloped us for a while. Hindi talaga siya nauubusan ng salita. He keeps entertaining me at para bang kumportable siya't hindi naiilang man... o napapagod.

My lips parted and stayed a bit on his neck and body.

Walang awa talaga siyang nagtanggal kanina ng denim jacket kaya naman balandrang-balandra ang itaas niya habang ngayong nagmamaneho siya! Bigla akong nakaramdam ng init at ilang, lalo pa ng nagreklamo siyang medyo binabanas habang nilalakasan ang air con sa loob.

"Wala kang extra shirt?"

"Wala. Nakalimutan kong magdala ng extra, e."

Napakibit balikat ako at nahihiyang umiwas sa kanya nang tingin.

"P-Pasensya na."

"It's fine. Suka mo lang naman 'yon. Hindi naman nakakamatay at malayo sa bituka." natatawa niyang sambit na para bang 'di nakakadiri iyon.

Hindi ko naman alam! Ito siguro ang napapala nang umiinom at hindi muna kumakain ng dinner! Kaya heto, medyo lupaypay din ako at medyo ramdam pa rin ang kirot ng sentido.

"K-Kahit na... pasensya na talaga. Kung gusto mo, daan tayo sa mall para ibili kita?"

"It's okay. I feel better in my jacket. Don't worry."

Namawis ang mga kamay ko at natahimik na lamang. And the way he held the backrest of my seat.

Just to distract myself, I looked at my phone screen, and then my eyes went around. Hindi man ako interesante sa dagat ng mga dumadaang sasakyang sa kalsada, pinilit ko na lang panoorin pa rin 'yon. Pero kahit hindi ako madalas lumilingon, napupuna ko pa rin ang lahat.

Like the scent, the softness of his car seat, the gentleness, and the erotic beats and sound from his stereo as he murmurs some lyrics entitled 'Red Lights' by Rini.

The song is extremely sensual. And as he sang along with Rini's voice, the sound from his stereo got even better in my ears. And boy, his voice is so beautiful and cool when you hear him up close.

"Driving with my windows down tonight on my way to you, yeah... I'm rolling while I'm whipping in this ride, I'll be there real soon..."

She said don't rush, the night's still young, oh we can take our time

I just hope that it's enough to make her mine

"I just can't wait to get there... I'm catching red lights every time I stop I lose my patience... Can I make you my lady now?"

I want you in my arms now

Keep daydreaming of us dancing on the moon

"Forget about everything for now... Focus on me and you..."

His gaze met mine.

And... and the smoke dancing in the neon lights purposefully designed inside his car; his cold baritone voice and deep sighs; and especially his great bulky figure that shadowed every time the corner of my eye still caught him when I looked straight ahead— even though I, the truth is my sight was actually overviewed.

I caught a whiff of his perfume. I pursed my lips and couldn't stop noticing the smallest details. He now turned down the air conditioning. He must have felt cold when I noticed his arms that he had already gotten chills.

Agad din naman tumigil ang kotse nang makaparada kami sa tapat ng gasolinahan. May apat pang nauunang sasakyan kaya nakipila muna kami sa isang tabi. I keep browsing my phone. When he stopped the engine, he immediately took out his own phone and browsed too. I was going to text Mickey, but I didn't realize that my load had expired.

Natulala na lamang ako sa kawalan at napabuntonghininga nang malalim. Nag-iisip na mga sasabihin ko sa kanya at magso-sorry na rin.

"Wanna hear a joke?" untag niya sa katahimikan nang nagpalingon sa akin.

"What?" tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

"But I know you're not gonna laugh 'cause it's not funny." aniya pa niya na parang binabalaan niya ako sa maaaring maging reaksyon ko.

Maagap ko siyang tiningnan. Hindi pa marehistro ng maayos sa utak ko kung totoo ba iyong naririnig ko. May joke siya... gusto niyang magkwento ng katatawanan.

"Okay..." umarko na kaunti ang aking labi, naging interesante na lamang sa kung ano niyang maaaring sabihin. "... tell me about it."

Tumikhim siya saglit at umangat ng kaunti ang gilid ng kanyang labi.

"Si Juan at si Pedro."

I stunned. Did I hear him right?

Muntik na ako bilaukan sa sariling laway.

Seriously?

Kinagat ko nang mariin ang ibabang labi dahil sa sinabi niya. Natatandaan ko, parang bata pa yata ako niyan nung huling marinig ko ang mga ganyang pangalan. Natatawa pa nga ako no'n, at hindi ko naman inaasahang... sa ganitong makabagong panahon, at sa dinamiraming joke na ikukwento't ilalapag niya ay mukhang makaluma pa at maaaring narinig ko na.

Bumuntonghininga na lamang ako at nanatiling nanahimik at hinayaan siya.

"Okay, so..." he cleared his throat and paused for a while. "Here's the thing..." itinagilid niya pa ang kalahating katawan para harapin ako. "Isang araw magkasamang naglalakad si Juan at Pedro patungong panaderya. Bago pa sila makapasok ay kumuha na ng tatlong tinapay si Pedro at itinago sa bulsa ng 'di namamalayan ng may-ari. Pero alam mo ba sinabi ni Pedro?"

I just smirked, pinigilan ko pa mapairap sa sarili. "Ano?"

"Ang sabi ni Pedro; 'oh, 'di ba? Ang talino ko. Nakakuha ako ng tatlong tinapay ng walang ginagastos. Hindi rin alam ng may-ari kaya 'di ko na kailangan pang magsinungaling.'' Kaso nagtaka si Juan, naisip nito ay parang nayayabangan pa siya kay Pedro. Ang sabi naman ni Juan, 'weh, matalino ka na niyan? Panoorin mo 'ko.' nagyayabang din niyang sinabi."

Nanatili lamang akong nakatingin sa kanya habang patuloy siyang nagkukwento. I don't know why I keep being entertained, even though I may have heard it.

"Kinausap ni Juan ang may ari at sinabing 'bigyan mo 'ko ng isang tinapay at pakikitaan kita ng magic'. At dahil naging interesado din naman ang may-ari, walang alinlangang binigyan niya ng tinapay si Juan. Kinain din naman niya agad ito at humingi pa ng isa, kinain ulit at humingi pa ng isa pa. Nagtaka ang may-ari at sinabing..." he paused for a while again as he licked his lower lip and gave me a playful smile. "...ano'ng ginawa mo? Asan na ang magic na sinasabi mo?'"

Tumaas ang kilay ko. Medyo naiinip na sa huling ikukwento niya ngunit nalilibang din naman ako. Hindi pa rin maintindihan, napaisip din naman ako.

Asan nga naman ba ang magic?

"Alam mo ang naging sagot ni Juan?" tanong niya pa.

"Ano...?" tumugon ako. Hindi ko alam, pero parang pati ako ay nadadala sa kanyang kwento.

"Ang sabi niya sa may-ari; 'tingnan mo ang bulsa ni Pedro, nandoon ang tatlong tinapay na kinain ko.'"

Natitigilan, napakunot pa lalo ako at pinigilan ang matawa sa kakornihan ng kanyang pagpapatawa.

Napakamot siya sa batok nang hindi ko magawang humalakhak at wala akong maibulalas sa kanya. Hindi ko alam kung bakit mas natatawa pa yata ako sa reaksyon niya dahil para siyang nag-iintay at tuluyang nalugi.

"You're dumb." napapailing na tangi kong nasabi sa kanya.

He roll his eyes and laughed a little.

"Tumawa ka, sayang effort ko makapag-search lang ng joke!" aniya pa niya nang inangat niya pa ang phone habang natatawa sa'kin. "...Mapatawa ka lang."

Natawa na lang ako sa nilintanya niya sa huli at napailing.

"I like seeing you smile."

Agad din namang unti-unting namatay sa huli ang aking tawa nang mapansin kong mapungay ang mata niyang pinagmamasdan pa ako.

Tumikhim ako at napakurap siya saglit.

Ayan na naman siya...

He clicked his tongue. "So, angel baby. Your turn, tell me about it and what is your story?"

Kinunotan ko siya saglit. "Sinasabi mo bang gusto mo rin makarinig ng joke sa'kin?" I bit my lip to suppress my chuckle. "Pasensya na kung ganon, wala akong baon ngayon."

"No, I mean, anything." he bit his lower lips as he licked it. Nang-aagap siyang tumingin sa'kin. "Yung kanina..."

I smirked a little. I don't know if it's right for me to say this, but I've been triggered to finally talk about what I'm going through.

Seriously, this stranger.

Kahit na sinabi niyang may ilang interaksyon nang naganap sa aming dalawa, pakiramdam ko... estranghero pa rin talaga siya sa paningin ko. Pero sa oras na 'to, pakiramdam ko unti-unti nang nagbabago at nagiging magaan na ang pakiramdam kong kausap siya.

"I'm just trying the things..." I bit my lower lip.

"Trying the things of what?"

I shrugged a bit. "Things I never tried before... na pinagkaitan rin sa akin noon."

"Hm... so, tell me. Bakit ka nga ba talaga naglayas? Because I think there is another reason, right? And why do you often go to bar? Do you have any siblings? Bakit rin ang makakalimutin mo?" napakunot ako at saglit siya nilingon nang magkatamaan ang tingin namin.

"I..." halos hindi agad ako nakasagot sa dami na namang mga katanungan niya.

Parang nawala na lang talaga ang antok na naramdaman ko dahil sa pagiging madaldal niya.

"You know, you don't have to answer all of my questions." then his lips lifted into a smirk.

Bahagyang tumaas ang isang kilay ko. "Eh bakit ang dami mong tanong?"

He chuckled. "So you'll know that I'm not interested in all your answers. And I'm curious about you. I just want to voice what's on my mind. But if you don't answer, it's fucking fine with me, love. No heavy feelings."

I cleared my throat and smirked a bit. "Kasi gusto ko. Ewan ko. Basta gusto ko lang at masaya ako. Wala. I don't understand. " sunud-sunod na sabi ko.

His lips parted. "What?" napakunot siya, kita ko ang lito na bumalatay sa mukha niya dahil sa mga sinabi ko.

I chuckled and roll my eyes a bit. "Sagot ko 'yan lahat sa mga naging tanong mo."

"May nakalimutan pa pala akong itanong." he bit his lower lip and slowly formed to smile. "Are you single?"

My brow raised as my lips parted. Dahan-dahan ko din naman inilingan siya.

"Y-Yea..." I sighed.

He lips curled up into cruel smirk. "Ako din."

Tumaas naman ang kilay ko sa paraan ng tono nang tumugon ito. "SML?"

"SML...?" sumingkit ang mata nito. Mukhang 'di niya naintindihan ang aking sinabi.

"Share mo lang?" I said as I held back my laughter.

"Yea. SML." natatawa na ng sambit niya at tumango sa'kin.

"Ows? Are you really sure that you're...?" makahulugan kong tanong niya, mukha nakuha rin naman niya.

"I'm super deadly sure, mi angel. That's why, we're perfect match, right?"

I sighed. Here we go again with his flirtatious tone.

I really don't know about this man's trip. And I only think of one thing every time I hear him like this... he's just playing around. Hindi naman siya seryoso. Alam ko iyon kaya hindi ko na lang bibigyan ng malisya. Sanay na rin ako sa mga katulad niya.

"So, balik tayo sa topic."

"Seriously?" hindi ko siya makapaniwalang tingnan.

He pursed his lips and quietly nodded, waiting for what I was about to say.

"Bakit dumating sa puntong tinatakbuhan mo ang magulang mo?"

Napayuko ako at bumuntonghininga nang malalim. "Where should I start? Well... since then, I feel like I never really had a chance to be a kid." I laughed a bit when I looked back at him again.

Wala nang namumutawing ngisi sa kanyang labi at seryoso na lamang siyang nakatitig at nakikinig sa akin.

"I spent most of my time in my parents world. Kadalasan, nagagawa ko lang ang mga gusto ko kapag... patago. My whole life was about to school, which didn't leave me a lot of time for anything else. At kung meron man... tumatakas lang ako. Lies, secretly doin' some stuff, just like that."

"Kaya ka naglayas dahil don?"

"Yep." nahihiyang tango ko sa kanya. Nahihiya na baka habang pinapakinggan niya ako, iniisip niyang mababaw ako at napaka-immature kong tao. Baka isa lang rin siya sa kanila, at baka hindi lang niya ako lubos na maiintindihan. "I left because maybe that was the way they would understand me. I run away coz I really... really, really want to change that."

I heavily sighed nang makita kong dahan-dahan siyang napatango na para bang naiintindihan niya talaga ang nararamdaman ko.

"Well... that explains a lot."

I licked my lips. "Look, it's just that... I don't want someone to control my life forever. That everything I do, or I have, is not from my own decision. That not everything I do is forced. Mahal ko yung magulang ko pero... gusto ko din gawin ay yung mismong gusto ko—talaga. Na hindi lang dahil sa kanila. I'm so sick of it being locked up and not learning to be independent in many things. I'm so sick all the time, that they raised and made me believe that I have to depend on others. You know, I'm of legal age, and here I am... I feel like a child who ran away and is still being chased by my parents. Shit happened and I know it's my fault. But at least... somehow, I hope they were able to understand me. I hope they can figure out why it happened and why I did those things. Kaya gusto ko talagang mabago 'yon..." malalim akong napalunok saglit. "H-Hindi ko lang alam kung... darating pa ba ang pagbabagong gusto kong mangyari."

I bit my lower lip. Medyo nailang at hindi ko namamalayang napahaba na ang kwento kong naibahagi sa kanya. It's just that... gusto ko lang mailabas ang frustration ko. Hindi naman ako umaasang maiintindihan niya ako ng husto. Pero sapat na iyong may nasabihan at nakikinig sa'kin kahit 'di ko naman lubos na kakilala.

"S-Sorry sa pagiging madaldal ko..." I was breathing heavily.

"It's okay. I understand. Kahit ako rin naman ang nasa posisyon mo... baka nga mas malala pa yung magawa ko."

Binaybay muli namin ang siyudad at may kadiliman na daan. Lumingon ako nang maramdaman kong napapalingon siya. Na kahit iiwas ay nahuhuli ko pa rin. Kaya sa huling pagkakataon na lumingon muli ako, nagtagal ang mga mata nito sa'kin.

I twitched my lips. Tumikhim ako at binasag ang nakakailang na katahimikang namutawi sa amin pagkaraan ng ilang minuto. Hanggang sa namamataan na namin ang tayog ng condo'ng uuwian ko—na naman.

"So uhm... thanks for the treat, and eating with me, random rockstar who appears in the murk."

"What?" his brows furrowed even though there was a hidden ghostly smile penetrated on his red lips.

I felt awkward a bit, I laughed a little. "You never told me your name before. Para kang kabute na bigla na lamang uultaw madalas sa dilim at kakausapin ako."

Natawa siya. "At ikaw naman, napakamakakalimutin. Just remember, I'm Darcy."

"I already know. It's really nice to meet you, Darcy."

"You too." he smiled. I finally, smiled at him too—I don't feel awkward anymore. "Just think about what you said, I think you should do it."

Marahang kumurap ang mata ko saglit. "Do what?"

"Think of a bunch stuff you haven't done, and just start doin' all of them. You said you want a change to happen, right? Then so be it."

Napangiti muli ako at unti-unting naging kumportable na talagang kausap siya.

Napailing na lamang ako sa pangumbinsi niya na para bang kay daling gawin iyon sa isang iglap lamang. Hindi niya alam na sa tuwing magdedesisyon ako, may parte pa rin talaga sa isip at puso ko ang pag-aalinlangan. Parang pakiramdam ko, pinararamdaman at pinapakita niyang siya lang nakakaunawa sa'kin. Siya lang natatangi kong naging kakampi sa oras na 'to.

"You know, this summer I tried to be a different person, and I feel like it was ridiculously bad." natatawa ko pang sabi sa kanya.

"Sorry."

"Oh, please. Don't be." I chuckled. "So... Thanks for uhm... saving me. Really, I owe you one."

He bit his lips and slowly nodded at me. Malagkit pa siyang napakurap as his lips formed into a small smile.

"Wanna hang out with me again?"

I bit my lower lips and deeply became thought. Hindi sigurado sa paanyaya niya kaya hindi ko siya magawang sagutin at idinaan na lang sa ngiti. Sa dami ng nangyayari sa buhay ko, baka malabo na muli na magkita pa kaming dalawa.

Baka nga bukas, wala na ako dito at malayo na talaga ako.

"I have an idea. Why don't you come with me?" aniya pa niya.

"H-Ha? Saan naman..."

"I'm going to take you to a place where you're free. That you can do whatever you want."

Napakurap ako saglit. "Huh?"

"I'll run away with you. Forget about your worries then maybe... just enjoy each others company."

Napakibit balikat ako na ikinataas nang kilay niya sa naging reaksyon ko. Para bang hinihintay niya, at kailangan kong sagutin ang alok niya.

"Hindi magandang biro 'yan." agad ako umiling sa kanya.

"Hah! Sino bang may sabing nagbibiro ako?" buwelta niya rin pabalik sa'kin.

I jumped slightly in my seat, overcome by my emotions and the manner in which he speaks... and the kind... of how he stares at me. Darcy's throat vibrated with a low chuckle, knowing that he had very good and succeeded in sending me into fits of panic—again and again.

"Y-You know, if you're just pity kaya mo ginagawa 'to. Salamat na lang."

Because, to be honest, I'm not confident in taking my own steps. Even if I run away from them, I know my friends' and parents' ghosts will never stop haunting me.

May parte sa'kin na natatakot pa rin. Hindi naman mawawala 'yon.

"Oh come on, Celestina." nawala na ang ngisi sa labi nito at seryoso na niya ko tiningnan.

Napaamang pa ako sa pagmamaneho niya na para bang balak pa niyang lagpasan ang condo na uuwian na sana namin ngayong dalawa.

"N-No, please..." tanggi ko agad, kasi pakiramdam ko na mali pa yung mas lalo akong lumayo dito. At 'di ko rin alam ang binabalak niya. "We have to go back."

"Oh, come on. We've already come this far,"

"Why are you doing this? Hindi ako pwedeng lumayo. Look, no one knows where I am. Even my friends. Can we please just go back?"

"You see, we're almost afar... far from your prison."

Despite hammering of my heart, my brows knitted in confusion.

"But—"

"Come on, Celestina. You don't want to go back right now. At sigurado ka bang wala na ang magulang mo don sa condo? At kung mahuli ka man, sigurado ka ba at desidido na pumapayag ka na sa desisyon nila sa'yo? Hahayaan... mo na lang ba 'yon?"

Bigla naman ako nag-aalala at napaisip. "But I need to—"

"So that's it? Tapos makikita ka ng pamilya mo? Tapos ano? Hahayaan mo ulit na silang magkontrol sayo? Ni hindi mo pa nagagawa ang mga gusto mo. Wala pa nga sa kalahati ng pagbabagong inaasam mo." he leaned closer, looking disappointed as he shook his head.

Naramdaman niya siguro hindi ako papayag sa sinabi niya. At para bang hinahamon pa niya ako sa paraan ng tingin na binibigay nito.

"At ano ring saysay ng paglalayas mo kung alam mong mababalik ulit sa dati ang mga bagay na ayaw mo? Nasaan don ang pagbabago?" I heard his sigh. "I'm just telling you..." he licked his lower lip. Mas lalong lumapit ang mukha niya, at lalong nahalina sa titig, manghina ang mga tuhod dahil sa init ng mabangong hininga niyang dumadapyo pa sa mukha ko. "Look, step away from your life for a while. Make the most of it. Sulitin mo na..."

Sa sinasabi niya, habang tinititigan ako, pakiramdam ko ay kaunti na lamang ay makukumbinsi na niya ako.

Marahas akong bumuga nang hangin at saglit na pumikit ng mariin.

"Am I... am I gonna safe with you?"

His lips parted. "Is that a yes?"

"Am I gonna safe with you?" ulit kong muli.

Mukhang nakuha niya iyon kaya napansin ko muli ang pagbabalik ng unti-unting pagngiti sa kanyang mga labi. His canine teeth and his sunken dimples on his cheeks caught my eye. It was as if there was a star in his eye, in the sparkle as he happily looked at me.

"Yes, mi angel."

I bit my lower lip, firmly. Humigpit ang hawak ko sa hem ng shirt ko. Parang sasabog ang puso ko sa lakas ng tibok nito. Oo, inaamin ko, kinakabahan man, alam kong mali, pero may parte din sa'kin na nasasabik ako na may magagawa pa ako.

"Promise?" ramdam ko ang dagling pag-init at panunubig sa gilid ng mata ko dahil sa sabik at kaba na bumabalot sa puso ko.

Halu-halong emosyon nararamdaman ko.

"Promise."

"Can I trust you?"

"I promise."

"I have pepper spray and a cutter. If you do something bad to me, I swear, you're dead to me." patuloy na paninigurado ko, nagawa ko pa siyang bantaan.

Tinaasan ko siya ng kilay at nilabanan ko ang tingin niya sa'kin. He bit his lower lip and chuckled.

"I promise, I promise, I promise." he kept chanting as he tried to catch my eyes, tilting his head a little, and hiding his crooked smile.

At imbes na ako, pinag-pinky-swear niya pa parehas ang magkabilang daliri niya, na para bang 'don ako dapat bumase at pagpapatunay na maniwala dapat ako sa kanya.

It was funny that I was seriously threatening him, yet it sounded as if I was just telling him a joke story.

Hanggang sa bumigay na nga ako at tuluyang hindi lumabas ng kotse niya. Na parang nung oras na pumasok ako kanina, nahirapan na ako at hindi na ako makalayo. At parang doon pa lang, sa oras na iyon, ay nagsimula na din ang unti-unting pagpasok ko sa mundo niya.

"Wala kang pagsisisihan kasi—"

"Mabait ka?" my response to him was a bit sarcastic because I immediately guessed the repeated line he was saying.

He chuckled and slowly nodded at me.

"Just do whatever you want to me."

P I E D R A I J A D A

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro