PHASE 13
The gentle rays of the sun caressing my skin caused me to open my eyes. I yawned as I squinted at the white curtains dancing by the big fixed glass windows, still dizzy from my short sleep.
My body feels light against white sheets. Masyadong malaki ang kama para sa akin kaya sa tuwing gabi ay lalo kong nararamdaman ang paninibago at pag-iisang nararamdaman ko. I stare at the empty spaces before I fall asleep, wondering what I could do—or do new things in the next few days that I hadn't done in all of my life.
I sighed at that thought.
Ano pa nga ba, Celestina? You're still in freedom. You still can do whatever you want.
Pag-isipan mo pang mabuti at baka may nakakaligtaan ka pa. Ano pa ba ang mga bagay na hindi mo pa nagagawa? Yung tipong gustung-gusto mong gawin noon pa, na pakiramdam mo... ipinagbabawal pa rin ng mga magulang mo hanggang ngayon? Bukod sa pag-iinom at pagliliwaliw kasama ang mga kaibigan, makakita ng maraming tao, makilala ang mga ito sa maikling panahon, libutin ang kabayanan at... makapunta sa malayong lugar?
Malayong lugar. At habang lumalalim ang iniisip ko, maraming lugar ang pumasok sa isip ko. At hindi ko alam kung alin ang uunahin ko.
Gusto ko ba? Gusto ko... pero makakaya ko kaya puntahan ang mga 'yon kahit mag-isa ako?
I suddenly felt anxious, I immediately imagined in my mind the beautiful places that I knew I would be happy with when I fulfilled myself that I had been to one of the places I wanted to go to.
Kaya kahit isa man lang ay mapuntahan ko na. Yes, Celestina. Gawin mo na... para pagkatapos nito at naramdaman mo na ang satispaksyon mo, umuwi ka na sa inyo. Harapin ang problema at huwag ng takasan ang kung anumang magiging desisyon na nila para sa'yo. Dahil alam kong lahat ng gagawin ko ay may mga kahihinatnan—at hangganan. At sa oras na umuwi ako, alam ko... alam kong kailangan kong salubungin, harapin, at saluhin kahit na ano pa mang hatol ang isasalubong nila sa'kin.
Kaya sulitin mo na. Lubusin mo na ang pagiging pasaway mo, hangga't may magagawa at oras ka pa.
And this is a feeling of the perks of having rich and supportive friends.
Hilut-hilot ko ang aking sentido, nilibot ko ang tingin na tinitirhan ko pansamantala. Medyo may kalawakan ito, hindi nagagamit masyado ngunit patuloy pa rin binabayaran ito ng magulang ni Mickey. Mukhang hindi ko pa nasasabi pero mayaman talaga ang pamilya niya. Like, her father is a lawyer and her mother works and also has a high position in a bank. She also has a sister, who is years ahead of her and also works in the bank like their mother. Mickey's just a little different in that she's taking a course because she's interested in tourism. And that's it. All I know is that she was supported by her family. She also did not mention that there was a conflict in their family.
Aside na kahit na si Becca, may kaya rin sa buhay. Dahil ang mga pamilya niya ay marami ring lupain na pinagkakakitaan. At higit sa lahat, maluwag rin ang magulang sa kanya at may legal both sides na boyfriend pa.
Kaya hindi ko talaga maiwasang matuwa sa pamilya nila.
Sino ba namang hindi?
I sighed, swallowing my insecurities.
Hindi lang naman iisang beses ako nakakatulog rito, marami na rin dahil sa tuwing nag-aaya kung saan si Mickey, at kapag madalas nagpupunta kami sa bar, dito kami lagi dumidiretso sa One Oasis na pinagpapaalam ako noon sa magulang ko na may group-study-overnight kuno kami, which is minsan, totoo rin naman maliban na lang na naisisingit ko pa talaga ang pagsama sa bar-hopping.
Nag-apartment lang si Mickey ngayon na medyo malapit sa pinapasukan naming University dahil 'yun daw ang mas trip niya para hindi siya masyadong ma-hassle kapag magda-drive siya. Hindi raw kasi siya mas mapapakali kung mag-isa lamang siya sa condo kaya't pinayagan rin siya ng magulang niyang kumuha ng isa pa niyang uupahan. But because it's summer, bukod sa minsan magkakasama kaming tatlo, nagiging busy na rin siya minsan dahil sa mga inaatang sa kanya ng mga magulang niya na nasa ibang bansa, tungkol siguro sa negosyo rin nila. Ganun din si Becca.
I sighed. Maliban lang sa'kin na naglayas...
I feel a little bit guilty, but I would be lying if I said I don't like this place.
It's nice to stay, especially at my age, and it's fair to say I'm at the legal age to want to be independent. The walls are cream, with simple frames with abstract paintings hung on the walls. The interior is trendy and clearly modern in its workmanship, if I must say. Then there's a simple vanity white table, cabinets, latest air conditioner, a white-curtains next to my bed with a window to be said to stand out the towering building charms the city, and when I exit the bed room, I'll be greeted by the appropriate living space and dining area.
Halatang hindi pinababayaan ang condo at talagang alaga sa linis. May mga nakaiwan rin na damit si Mickey dito na pansamantalang pinagagamit niya sa'kin kaysa na bumili pa raw ako dahil ako rin naman tumatanggi kapag sinasabi niyang mag-mall kami para bumili ng kakailanganin ko.
I sighed. Baliw na nga siguro ako na lalayas na nga lang ay wala akong ibang tangay-tangay kundi tanging sarili ko lamang.
Sa totoo lang ay sapat na sa'kin ang makakain ko sa araw-araw, pero mabuti na lamang ay hindi nagkakalayo ang katawan niya sa katawan ko kaya 'di ako namroblema sa susuotin ko aside from the fact that I have no choice but to wear some of her more er... revealing clothes when the three of us go on our secret walks.
Ang mga muwebles ay halos simple lamang rin ngunit halos mangintab ang mga ito sa paningin ko, hindi rin masikip at kaunti lamang ang mga gamit pero tama lang sa isang may-ari na minsanan lamang kung magpunta rito. Napakaluwag kung tutuusin para sa isang taong tulad ko.
Kaya habang tumatagal rin talaga ako dito, hindi ko maiwasang mainggit sa buhay ni Mickey and Becca. Yea, honestly, I envy their life, especially Mickey. Medyo maluwag na magulang, suporta sa kagustuhan at nakapagpapasaya sa kanya at higit sa lahat napaka-independent niyang babae, walang alinlangan at takot para gawin ang mga bagay na gusto niya, nakakapagdesisyon din siya ng malaya para sa sarili niya.
Unlike me. Truth be told, I'm always scared. Like a scared-y cat.
I've lived according to my parents' decisions, which I couldn't make on my own. Frequently, I'm not always confident in my own abilities.
And who would've thought that I'm already twenty years old but still can't learn to drive a car, don't have a driver's license, and my parents haven't allowed me to yet? Always let them all know what I was doing, and almost update them every day as if I were a very fucking obedient child. At ang lahat ng gusto ko ay palagi silang magdedesisyon bago ko gawin ang bagay na iyon, sabihin, o kahit na ano pang dapat na isipin. Lahat-lahat. Palagi. Nakasalalay sa kanila.
Madalas, kahit gustung-gusto kong pumunta sa malayong lugar, ako'y takot pa rin.
So... is this how it feels to be independent and alone?
I don't know. Even if I'm alone, I'm not really sad nor happy. Just a neutral feeling. But right now, I feel at peace and... happy—somehow. Coz I'm still free.
Pumasok ako sa loob ng convenience store at sinimulang kumuha ng isang cart para mag-grocery. Tutal late na ng magising ako, mabilis ang oras ay pahapon na rin nang mapagdesisyunan kong lumabas saglit ng condo dahil sa dagling tinamaan ako ng cravings ko, nabagot na rin kakapanood sa Netflix. Ang una ko na kaagad naisip ay bumili ng cup noodles para pantanggal na rin ng hang-over ko. Magkakasama kasi kami nila Mickey at Becca kagabi kaya... buti na lamang ay nakabawi sila na puntahan ako.
And while looking at the products, I wonder and can't imagine how students like, away from their family at nangungupahan lamang ay nagagawang mag budget ng kakainin nila sa araw-araw? Na walang ibang nagre-remind o nag-iintindi at asikaso sa kanila? Sa totoo lang ay may ilan namang perang natitira pa sa'kin dahil sa pagtitipid ko noon sa baon ko, nakagawian na rin dahil sa laging paalala sa'kin ni Mama noon, at ilang araw pa naman nakakalipas magmula ng lumayas ako, pero masasabi kong... mahirap pala talaga kapag nag-iisa ka.
Yung tipong bigla ka na lang matutulalang mag-isa kung ano mga dapat na gawin? Kung may nakalimutan ka ba, ano ang dapat mong kainin sa mga oras na ito, at minsan pa nga ay wala na sa tamang oras ang paggising at pagkain ko. Yung tipong walang manggigising sa'yo para kumain na, mga pangangamusta at pagpapaalala. Tipong gawa ko dapat lahat. Gigising ng kusa, kakain ng mag-isa, at matutulog pa rin na nag-iisa.
So I applaud those who can do it themselves. Because, in the long run, how do they do that? What about endurance? Their bravery? Self-determination without reliance on others?
Enjoying the bliss of being alone, panay tingin lamang ako sa mga produktong masasarap, madaling lutuin na pagkain, at higit sa lahat ready to eat na, dahil aminado naman akong hindi ako gaano magaling magluto.
But I almost jumped a little when someone blow a warmth breath on my nape.
"Have you ever had these?"
Napalunok ako ng mamataan ko kung sino iyon. Masyadong malapit ang mukha nang pumihit ako para lingunin ang nagsalita...
My heart thumped. Agad akong napalunok, at nataranta nang tumama ang karagatan niyang mga mata sa'kin. He's now just standing there three feet away from me!
My lips parted, he twitched and licked his lips.
I'm still stunned, hindi agad nakapagsalita habang nakaharap sa kanya nang hindi ko inaasahan.
"I came across you. I was like, walking like... I have to stop for you so..." he lightly shook his head, heavily sighed, and slowly straightened and curved his lips in a boyishly smile. Kita ko ang saglit na bumalatay na hiya sa kanyang mukha. "Hi."
Napakurap ako saglit at napalunok. "H-Hey..." mahinang tugon ko.
Hindi agad ako nakagalaw ng ilang segundo at napatulala sa kanya. Sa kagustuhan na lamang siyang tanguan at talikuran matapos gantihan ng bati, pero bigla na lang akong nakonsensya dahil nakaharap pa rin siya sa'kin at kinausap pa ako at tanging dadalawa lamang kaming tao sa parteng 'to.
"Want some?" he mused out loud. Napakurap ako sa pagkapatulala ko.
Bahagya niyang tinaas ng kaunti dahilan na bumagsak ang tingin ko sa isang kulay pink box na hawak niya. Para bang may stick siyang kinakagat nang nagsimula siyang sumubo at nguyain ang kinakain nito.
"Alone again?" aniya ulit sa kalagitnaan ng kaniyang pagnguya.
Halos manuot sa tainga ko ang lumalagutok na kinakain nito, hindi nakalampas ang tunog ng kanyang dila, ang tunog nang pagsipsip saglit sa kanyang labi, maging ang kanyang paglunok na naglaro't parang naging kanta sa pandinig ko.
I smiled tightly at him and cleared my throat to cover the nerve that was clogging my throat.
Still stunned that he suddenly appeared in front of me. What a coincidence, I guess.
"Uh..." the words died in my mouth, and I couldn't think of anything comprehensive to say to him.
Ano bang sasabihin ko? Hi din? Kamusta? Pero close ba kami para itanong ko 'to? Pero parang hindi niya hinawakan ang kamay ko at hinatid sa taxi nung isang araw, ah!? Ano pala ang ginagawa niya dito?
My god, obviously, Celestina! Malamang, nag'grocery din siya! What kind of question is that?
"...pocky?" nabasa ko ang hawak niya.
He raised his thick eye brows at me as his lips lifting in a smirk again.
"Yep. Strawberry flavor..." he licked his lower lip. "It really, really tastes better and I'm not kiddin'." nakabukas na iyon at para bang batas ito nang kinain niya pa dito sa loob ng store kahit na mukhang hindi pa niya nababayaran.
"R-Really?" I cleared my throat.
"Hmm, yea. Masarap siya... and uh, it's also my favorite." he chuckled a bit as he continually licked his lower lips.
Nakaawang lamang ang labi kong hinihintay ang sunod na sasabihin niya, kaya napansin ko nang siya ay sumulyap saglit sa'kin bago siya dumampot sa box at sumubo, bumagal naman bigla ang pagnguya niya nang ibalik niya ang tingin sa'kin. Pasimple siyang napakamot sa kanyang batok kasabay ng pagkagat sa ibabang labi nang mapansin niyang hindi pa rin ako makapagsalita.
At habang nakikita ang ayos niya, parang 'di 'ko maisip na kumakain siya ng ganitong klaseng pagkain. Malayung-malayo sa isang bote ng beer at vape na madalas na hawak niya nung huling makita ko siya.
"You know what? Parang mas masarap talagang kainin ang mga pambatang pagkain. Hindi sila nakakasawa. Mas nakakaadik pa silang kainin kaya..." he paused for a while and smirked. "Masarap ang pocky, marami silang flavor." aniya pa niya.
I just gulped, and I don't know why I was taken aback by his amused stare at me.
"Just sayin'." pahabol niya pa at sa huli'y unti-unting namatay ang tawa niya.
"R-Right..." the only word came out from my mouth as I secretly sighed.
I bit my lower lip and for a moment, my eyebrows rose.
Binawi ko rin naman kaagad nang maibagsak muli niya ang tingin sa'kin at sa cart na dala-dala ko at na saglit niya ring pinasadahan ng tingin ang kapaligiran. At ako, hinihintay na rin na baka umalis na rin siya sa kinapupwestuhan ko dahil hindi pa ako tapos sa pagpili na mga pagkaing bibilhin ko.
Pero sa sinabi niya, may punto at tama naman siya. Lihim naman ako natawa sa sarili nang bumagsak ang tingin ko sa cart ko nang mapansin kong dalawang stick-o, mga chuckie, at yakult ang laman ng mga pinamili ko. Puro mga pambatang snacks.
I heard him let out a sigh dahilan na bumalik muli ang tingin ko sa kanya.
"Alright. I know you don't believe me, but you'll have to try this one. I don't want you to leave here thinking that I'm a weirdo. " kumuha siya ng isang piraso, sumubo muna nang isa bago niya iminuwestra ang kanyang kamay sa bagong kuha at'saka ko napansin na palapit na ito sa bibig ko.
Lumakas ang tibok ng puso ko. Napasinghap ako ng malalim at 'di alam kung ibubuga ang sariling hininga. Siguro anumang oras mapapansin niya ang pagtaas nang dibdib ko at dagling pagbakat ng ugat at buto sa leeg ko dahil halos hindi na ako makahinga sa gagawin niya.
Susubuan niya ba ako? Kasi kung oo, baka mapanganga ako.
I mentally slapped myself!
My god, Celestina!
Anong naisip mo at handa kang ngumanga at magpasubo sa taong hindi mo gaano kilala!? Agad ko naman itinikom ang nakaparteng labi ko dahilan ng paghinto, at lapat ng mata niya sa mata ko nang aamba siyang magsubo sa'kin.
"O... kay." I bit my lower lip and let out a sigh.
Inangat ko ang kamay ko kahit na may hawak ako para kunin iyong parang stick na hawak niya, at tikman na rin, ngunit iniwas niya ang kamay niya sa'kin.
"Let me. Come on. Try it." aniya niya nang mas inilapit niya ang kamay niyang determinadong gustong subuan talaga ako.
"But..." I'm still hesitated.
Saglit ako napatingin sa paligid. Napanguso pa ako nang may isang napadaang matandang babae at napagawi ang tingin sa'min. Mukhang kinikilig at base sa reaksyon niya ay tila magkasintahan kaming dalawa sa paningin ng matanda.
"Malinis naman ang kamay ko. Don't worry, even if you lick and suck my finger, it's fine and I won't mind—" I gasped dahilan ng pagkatigil niya at natawa sa'king reaksyon. "Just kidding. Open your mouth, miss."
Since he insisted, wala rin naman akong choice dahil may hawak akong cart at sa kabilang kamay ay wallet at phone ang tangan ko. Walang nagawa kun'di ngumanga at nagpasubo na lang sa kanya.
Seriously, nang natanto kong isusubo na niya sa'kin ay napaisip ako. Pwede ko naman siyang tanggihan kung ayaw ko, 'di ba? Bakit hinahayaan ko siya na subuan ako!?
Nababaliw na yata talaga ako.
It was too late for me to close my mouth and I was about to retreat when I felt the tip of the stick he was holding towards my lips.
Despite the fact that the food did not smudge on my lip, I was taken aback when he brushed his thumb in the corner of my lip for a split second, causing the tip of my tongue to feel his finger due to the parting of my lips that I am only now becoming aware of—Jesus!
"S-Sorry." halos walang boses na sambit ko dahil sa dagling ilang at hiyang naramdaman.
Naramdaman niya ba 'yon!? Nalawayan ko tuloy daliri niya! Nakakahiya!
"Right?" nakatitig lang siya sa'kin at para bang nagpipigil ng tawa habang sapilitang ngumuya na lang ako.
Nawala naman ang pagkunot ng noo ko dahil sa lasa ng pinakain niya sa'kin.
"Shit." iniwas ko ang tingin ko sa kanya at bumagal ang nguya at paglunok ko.
I couldn't bear his intensity! He's too much for my innocent heart, and every time we talk, I feel like I'm about to have a heart attack. Geez this man. Nakaka-intimidate talaga ang lakas ng dating niya.
Hihingi pa sana ulit ako ng pasensya at na sabihin na lagyan ng sanitizer ang kamay niya dahil may dala naman ako, pero ganun na lamang ang pagkaawang ng labi ko sa sunod niyang ginawa.
It didn't help when he sucked on one of his fingers again, which I also accidentally sucked on that... same finger earlier while he was still eating the pocky, until now without him letting go of his gaze on me either! Damn it!
Lalo nag-init ang pisngi nang mukhang wala siyang kaalam-alam.
"Shit?" his lips slowly rose for a smirk as he winked at me. "See, I told you!" a low chuckle vibrated on his throat, knowing that he'd succeeded in sending to me fits of panics.
Akala niya yata'y napamura ako dahil sa masarap naman talaga ang pagkain na pinatikim niya. Pero hindi yun ang mas tinutukoy ko. Napamura ako dahil sa sariling daliring sinipsip niya!
Lihim ako napangiwi sa ginawa niya. Bakit niya ginawa iyon? Sinasadya niya ba o baka hindi niya talaga alam iyon? Kung alin sa dalawang 'yon, parehas pa rin nakakahiya.
"U-Uh..." I cleared my throat, at pilit na binabawi ang sarili sa kahihiyan. "...m-maybe I'm gonna buy these." my lips trembled at agad na mahigpit na kinagat ang pang-ibabang labi dahil sa patuloy na pagsubo niya ng pocky nang hindi tinatantanan ang pagtitig niya sa'kin.
Halos mapasinghap ako ng malalim at hindi na maibuga ang sariling hininga dahil sa nakikita ko.
"Yea. Buy it." aniya'y pinapaakit niya pa ang kanyang boses mabili ko lamang at makain ang paboritong pocky niya.
Inalis ko ang tingin ko at nagpokus na lamang sa aking pinamili kasabay ng unti-unti na ring pag-alis sa tabi niya nang walang maayos na pamamalaam, kinuha ko ng pagkakataon na iyon habang abala siya sa pagkain ng paborito niyang pocky. Kumuha rin ako ng Pocky na strawberry at chocolate flavor dahil nagustuhan ko nga. Limitado lamang ang pagkuha ko at siniguradong hindi masasayang itong lahat na pinamili ko. Nang makuntento na ako sa sapat na pinamili kong pagkain, at ilang pang mga kakailanganin ko, agad akong dumiretso sa cashier at binayaran ang mga ito.
I still pushing my cart palabas ng store para sana maghintay ng taxi na dadaan. Medyo dumidilim na rin. Ang kahel, asul, at kadilaman ay nag-aagaw na ang kulay sa kalangitan at unti-unti na ring dumidilim ang buong kapaligiran, kasabay nang unti-unting pag-ultaw na liwanag sa mga nagtatayugang gusali sa buong kabayanan.
"Uuwi ka na?"
Malalim akong bumuntonghininga nang marinig ko na naman ang boses niya. I found the source of smoke one cigarette stick, hanging lazily by the mouth of no other than Mister Rockstar—again.
Nakasandal siya sa kanyang black Toyota Supra car. I bet this guy isn't just handsome, huh?
"Y-Yea. Bumili lang saglit." tipid ko siyang sinagot, nginitian, at inalis muli ang tingin sa kaniya para pumara ng taxi at makita niyang wala akong oras pang makipag-usap muli sa kanya.
Suminghap ako nang malalim ng maramdaman kong unti-unti siyang nagmartsang palapit sa'kin. Itinapon niya ang kanyang nauupos na sigarilyo at inapak-apakan ito. Then he lazily towards to my direction.
Mas lalo akong nataranta.
Argh. What is it again?
And boy, I'm telling you that no words can describe how awkward I feel right now. Parang maikukumpara ko ang sarili sa isang kuting na nilalapitan ng isang malaking buwaya.
"Then, can I take you home?"
I waved it off. "Nah, it's fine. Mag taxi na lang ako."
"Nah, I insist." mababang boses na ani niya. Sa tuwing naririnig ko na talaga ang boses niya ay tila humahantong sa pagkanta.
Oh, please. I don't want anyone following me and offers bring me home.
Gusto ko sana isatinig ngunit baka ikasama niya iyon. Ang hirap talaga kapag tinatamaan ka ng pagiging introvert mo.
"Sige na, Ma'am. Sama na you." napabaling ako sa isang security na may pagkamukhang tomboy na babae dahil sa panglalaking gupit ang buhok nito. Ngumisi siya sa'kin matapos niyang balingan ang lalaking nasa tabi ko. "Mukha namang masarap—este, mabait si poging Kuya. Kaya payag ka na." pangumbinsi din niya na ikinataas ng kilay ko.
What the heck is she trying to say?
Napabuntonghininga ako ng malalim.
"Look," bumalik ang tingin ko sa kanya nang siya'y lalong lumapit. Dinalaan niya ang ibabang labi habang matiim na siyang nakaingin sa'kin. "Don't you have a pepper spray?" tanong niya na ikinakunot ko. "Then use it, if you feel provoked."
Pilit akong umiling sa kanya. "Salamat na lang. M-Maabala pa kita—"
"It's okay. Kaysa naman mamasahe ka pa, gagastos ka lang lalo—"
"May pera naman ako, so..." can you please, leave me alone? "Thanks, but no thanks, Kuya."
"Kuya?" he chuckled. Kahit na nakakunot ay hindi matanggal ang ngisi sa kanyang mukha. "At anong tingin mo sa'kin? Sisingilin kita kapag hinatid kita? Ganun ba?" natatawang iling niya pa sa'kin.
I bit my lower lip and heavily sighed.
"Libreng-libre lang sakay mo pagdating sa'kin."
Kusang umangat ang isang kilay ko.
Libre? Siguro bukod sa'kin, ganito ang galawan niya sa mga kababaihan? Ano ba 'tong galawan niya? At bakit ko ba iniisip ang mga hindi na dapat isipin? Napakadali lang naman na tanggihan siya.
Oh, really, Celestina? Bakit ka naman ngumanga nung sinubuan ka niya kanina!?
Eh kanina 'yon!
Hindi na ngayon!
Nagtatalo ang isip ko'y tumugon na lamang ako.
"Nagtaas na ang gasolina ngayon. Alam mo ba 'yon?" just making excuses para malubayan na niya ako. "Tsaka medyo traffic sa uuwian ko, baka mabagot ka lang," patuloy na dahilan ko.
He licked his lower lip as he chuckled. Tumango siya ng isang beses. "I know. So...?" bahagyang tumaas ang may ukit na kilay niya para lalo siyang nagmukhang pilyo sa paningin ko. "Anong kinalaman ng gasolina sa'yo?"
Hindi naman agad ako nakaimik.
"Masasayang lang rin kung ihahatid mo pa 'ko. Ayokong makaabala." I tried to be in a formal tone.
Gusto kong palakpakan ang sarili dahil sa magandang idinahilan ko. Dahil sa wakas, maaaring malubayan na niya ako at matanto sa sarili niya na tama nga naman ang sinabi ko.
Bali-balitang totoong mahal na ang gasolina. Na kahit nga mahilig gumamit ng kotse at ilang mga taxi driver ay nagrereklamo na. Yung iba nga namamasahe na lang kahit may sasakyan sila. Kaya bakit niya pag-aaksayahan ang gasolina at oras niya para lang ihatid ako?
"Come on. Nagdidilim na rin. Mas mabilis akong magpatakbo kung nagmamadali ka man—"
"Masasayang lang ang gasolina mo. Hindi ako nagmamadali."
"Seriously, walang sayang kung ihatid man kita. Ano naman kung gasolina ay nag-mahal na?" he said. Hindi talaga siya nagpapatalo.
"Mahal nga." ani ko at pinipigilang mainis sa kakulitan niya.
"Oo nga, mahal." he bit his lower lip like... he's stifling an amused smile.
I rolled my eyes. "See?"
Madrama siyang bumuntonghininga ng malalim. "Sige na, mahal. For you." natatawa niyang sambit. "Sumakay ka na—" he licked his lips. "...mahal..."
Hindi na ako makapagsalita dahil parang iba na ang dating sa'kin ang pinagsasabi niya.
Ano ba 'tong lalaking 'to!?
"Seriously, k-kaya ko na naman... mag-isa." pagpupumilit ko rin.
His brow rose a bit. "Really? I see, you're scared and avoiding me." naningkit saglit ang mata niya sa'kin. "Kaya pala mukhang nagmamadali ka kanina, ha? Tapos ngayon biglang hindi," makahulugan pang sambit niya.
Parang doon pa lang ay hinuli na niya na 'ko kung nagsisinungaling ako dahil sa pang-aakusang bumalatay sa buong mukha niya.
"I-It's not what you uhm..." fine, I'm avoiding him.
So, what? Maalam naman pala siya makiramdam at nakikita na niya, kaya bakit pa siya nag-i-insist na ihatid ako? Ano bang mapapala niya?
"Oh, you are super-duper obvious, Miss. You know... you don't have to. Like I said, mabait naman ako." pagpapatuloy niya.
Mahigpit kong kinagat ang aking ibabang labi.
"Mabait ako." mas marahan na niyang sambit.
"B-Baka kasi malayuan ka pa tapos—" pagdadahilan ko pa rin kahit na tama naman ang sinabi niya.
Iniiwasan ko siya, natatakot ako, at hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung sa kanya ba ako takot o para sa sarili ko? Siguro normal na 'to lalo pa't hindi ko naman siya gaano kilala? O masyado lang akong judgemental? Eh, bakit kasi mapilit siya? Na sa sobrang bait niya, medyo nakakainis na.
"One Oasis, right?" makahulugan niyang sambit na dagling nagpatigil sa'kin.
Paanong...
His lips slowly rose into a smirk as he shook his head and let out a slight sexy chuckle.
"Oh, my, my... I guess your silence was right in my answer. What a coincidence, huh?"
Great. Just great.
P I E D R A I J A D A
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro