PHASE 09
Papa's words still wounded me a lot. Mama's disappointed expression and voice were still imprinted on my mind. The incident became a nightmare for me as it dragged on.
Natulog akong mabigat ang pakiramdam, at nagising akong mabigat pa rin ang aking pakiramdam. Malungkot, takot, nanlulumo, at walang gana.
Isang napakapangit at hindi na normal na umaga para sa'kin.
Pakiramdam ko ay unti-unti na talagang nagbabago ang takbo ng buhay ko.
Dahil sa kanila ko na mismo agad na naramdaman ang pagbabagong iyon. Ang pagkabago ng tingin at pakikitungo nila sa akin—na hindi na katulad ng dati. Sa himig at mga mata pa lang na ipinupukol nila, nakikita at nararamdaman ko na.
I bit inside of my cheeks to keep me from crying and worrying. Lalong dumaragdag ang naramdaman kong pag-aalala at pagsisisi sa nagawa ko sa kanila.
'Meet me on the rooftop in five minutes. We need to talk. Please.'
Mabilis kong pinadala sa kanya ang mensahe bago ko inayos ang takip ng hoodie na suot ko, para hindi ako sobrang kapansin-pansin at may makakilala sa akin. Hindi naman ako bulag, bingi, at manhid para hindi ko mapansin at maramdaman na laman pa rin ako ng tsimis ng maraming tao. Na kada magbubukas ako ng socmed ko, at lumalabas saglit sa lugar namin, sa side ng pamilya ko, at lalung-lalo na sa eskwelahang 'to, hindi mawawala ang pag-usapan pa rin ako kahit saan ako magpunta. Hindi lang ako, kundi pati na rin ang magulang ko. Nadamay ko sila.
Ganyan kalalang epekto ang naidulot ko dahil lamang sa isang eskandalo.
Kaya nagdesisyon na rin muna akong mag-deact sa lahat ng social media.
Medyo madilim pa at hindi pa tuluyang umuultaw ang haring araw sa malamig na umaga, pero nagdesisyon akong agahan pumasok dahil simula nang katulad nga ng sinabi ng Papa ko, hatid-sundo na niya ako kaya't pagkarating ko pa lang sa eskwelahan ay wala pang masyadong tao. Iilan pa lamang.
Ni hindi ko rin alam na sa puntong ito, sa sitwasyon kong ito ay makakaya ko pa bang makapasok ng normal sa klase, at umaktong parang walang nangyari dahil sa kahihiyang mga nangyari.
As I walked slowly. Ninanamnam ko ang kahabaan ng paglalakad sa hagdan para mabigyan ang sarili ng oras na makapag-isip ng mabuti. My mind was afloat in the air when Becca and Mickey tried to call me, but I couldn't answer them immediately, dahil sa patung-patong na nangyari sa'kin at sa tuwinang kalagitnaang argumentong pinapagalitan ako ng mga magulang ko.
I just messaged them that I'm so sorry, not now, and I just needed a break.
Wala akong maapuhap pa sa kanila na maayos na sasabihin para paniwalaan nila ako. Ni wala pa akong naikaklaro sa kanila kaya't puno pa rin ang tanong nila sa'kin. Ni hindi ko rin sila magawang papuntahin sa bahay dahil alam ko, kahit pa hindi ulit-ulitin sa'kin ng Papa ko, napag-iinitan na niya ng ulo ang mga kaibigan ko.
Na kahit sa kalagitnaan habang pinapagalitan niya ako, lagi niyang bukambibig at isinisisi rin ang mga kaibigan ko sa mga nagawang kasalanan ko. Na kaya siguro naging ganito ako ay dahil daw sa impluwensya ng mga kaibigan ko. Kaya... hindi ko talaga sila magawang papuntahin na lang bigla dahil hindi ko yata kakayanin na makita at marinig nila ang maaaring masabi ng Papa ko sa harapan nila.
I don't think I can handle that even my friends are completely distant from me like my parents did to me immediately. I just... can't.
I still can't face them because of the embarrassment I felt and was just swallowed up by the lie. With the right accusations against by many. I don't think I can face them yet, just as they might react like my parents did.
Isa lang naman ang laman ng iniisip ko at desidido na ako.
With each step I took, I bowed my head and watched my feet as they made their steps... wondering what to do next? Hindi ko rin alam kung paano tatanggapin ng University ang sitwasyon kung sakali mang makarating agad sa nakatataas ang pumutok na issue tungkol sa amin ni David, dahil sikat rin siyang manlalaro sa larangan ng basketball, na siya rin ang isa sa nagre-represent ng malaking school na ito.
Magyuyuko na sana muli ako ng ulo nang siya namang pag-vibrate ng aking cellphone, hudyat na nag-reply na ang taong kailangan kong makausap.
'Why?'
That was the only thing he replied to after a long minute.
Seriously?
Gusto kong magngitngit at mapasigaw sa iritasyong nararamdaman na hindi na mabawas-bawasan sa kanya. Kung pwede nga lang ipasok ang kamay ko sa loob ng phone para lang madukot at sampalin siya sa kagaguhan niya ay nagawa ko na.
Ako:
'We need to talk. About the issue. Nasa rooftop na 'ko, maghihintay ako.'
Napabuntonghininga ako ng malalim. Hindi ko inaasahan na ako pa ang gagawa ng paraan at magmamakaawa para lang malinis ang aking pangalan. Dahil simula nang pumutok ang issue na iyon ay wala man lang akong narinig mula sa kanya na kahit kamusta ang lagay ko, sorry sa pandadawit sa'kin sa kagaguhan niya, o pagtatanggol man lang, at masabi ang katotohanan—wala. Wala talaga.
Dahil sino nga ba naman ako para gawin niya ang mga bagay na 'yon, 'di ba?
Mula sa aking paa ay nag-angat ako ng tingin. Mga tatlong hakbang na lamang ay natatanaw ko na agad ang rooftop. Naramdaman ko agad ang hamog at kalamigan na sumasalubong at pumapaypay sa aking mukha. Bagaman malamig pa, ay unti-unti na rin nagliliwanag ang kalangitan kahit na hindi pa nagpapakita ang kasikatan ng araw.
Malalim akong humugot ng hininga. Kailangan ko na talagang makausap si David. Pakiramdam ko ay hindi tamang ako lang 'yung laging nagiging masama sa issue. Kailangan lumabas ang katotohanan. Lalo pa't kailangan mawala din iyong kumakalat na video!
"Listen, Celestina. I didn't do anything. Walang ding kopya ang mga kaibigan ko at lalo na ako. Kaya nasisigurado kong hindi ako—"
"Liar! Maaaring hindi nga ikaw! Pero nasisiguro kong mga kaibigan mo iyon! Sigurado ako!" pagputol at singhal ko sa kanya.
Paulit-ulit na lang ang pagtanggi niya. Bagay na lalong ikinaiinis ko sa kanya. Kung umamin na lang siya sana, baka magawa ko pa siyang patawarin. Pero ko hindi yata kayang palampasin ang bagay na 'to.
Kanina pa kami nagtatalo rito. Kung may naikakatwiran man siya ay taliwas na taliwas naman sa iniisip ko. Balikong-baliko rin naman, hindi rin tama at sapat, halata din sa pagpapalusot niya. Dahil sigurado akong mas may ikakatwiran ako kaysa sa mga walang kwentang paliwanag niya. Dahil kahit anong pagpapaliwanag niya, hindi pa rin kabawasan do'n ang kasalanan niya.
Kasalanan niya pa rin. Hindi na magbabago 'yon. Kahit anong tanggi niya, siya ang may puno't-dulo at kasalanan nito. Mas pinadagdag niya lang lalo ang problema ko.
"I told you, Celestina... I really don't know, at hindi ko ilalagay sa alanganin ang sarili ko dahil may girlfriend ako—no!" sarkastiko pa siyang natawa sa sarili. "Ex-girlfriend coz she broke up with me because of that damned leaked video!" napu-frustrate niya pang paliwanag habang nakakunot ang noo't pinapasadahan ng palad ang magulo niyang buhok.
"Damn you!" gilaiti ko ring tugon sa kanya. "Karma mo na rin yan dahil sa mga kalokohang ginawa mo sa'kin!"
Nagbaba ako ng tingin habang nakatanaw na lang ako sa baba habang nagsasalita siya. Nasa may gilid ko siya, nakasandal, nakatigilid at humaharap sa'kin habang patuloy na nagpapaliwanag. He's wearing his jersey like usual, kapag nagte-training sila. Maaga rin kasi ang training nila kaya hindi ako nahirapan at nainip para makipagkita sa kanya.
Mabuti na rin iyong maaga, at least walang masyadong makakakita. Baka lalo pa kami magawan ng issue kung sakaling... may makakita na naman sa amin at mapagkamalan.
Panay iling lamang ako sa hindi makatarungang paliwanag niya. Hindi ko siya magawang paniwalaan. Hindi ko nga alam kung ito bang nahihirapan niyang mukha ay isang pagpapanggap lang ba para maunawaan ko o maawa sa kanya.
Pwes, nagkakamali siya.
Paano ko siya maiintindihan? At lalong, bakit ako maaawa?
Paano na lang ako? Hindi ba man lang siya nakonsensya at naawa sa'kin? Ang imahe ko?
Ginagawa ko 'to hindi lang para sa sarili ko, kundi para na rin sa mga magulang ko, at sa ilang mga napaniwalang tao na hindi naman totoo ang mga paratang nila sa'kin. Na patunayang hindi ako ganung klaseng babae! Kahit yun man lang... magbago, at maalis sa isip nila.
Hindi ko tuloy siya maiwasang irapan.
"Well, serves you right! At hindi ilalagay ang sarili sa alanganin?" napasinghap ako't hindi siya makapaniwalang tingnan, ako naman ngayon ang sarkastikong natawa sa paliwanag niya. "Wow, really, David? Sana naisip mo ng husto 'yan bago mo tangkain na halikan ako at bago magpasulsol sa kaibigan mo, 'no? Masyado ka kasing pasikat, 'e. Tingnan mo ang napala mo."
Coz after all, my dignity is still the most talked about here. Nasira pa rin ang dignidad ko dahil sa ginawa niya. Kung sa kanya ay sanay na siya at ayos lang madawit sa mga ganitong klase ng issue—sa akin, hindi.
Dinig ko ang buntonghininga niya ng malalim. "Look, I'm sorry, okay? Sira na rin naman ang imahe ko dahil sa ginawa ko. I'm sorry. Hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam..." aniya'y parang wala rin siyang magagawa sa katangahang ginawa niya.
Napailing ako. "It doesn't matter. Walang magagawa 'yang sorry mo, kasalanan mo pa rin. Kung hindi ka lang sana malandi at hindi ako hinalikan, hindi sana aabot sa ganito. Kung sira rin ang imahe mo, ano pa ako? Malandi, mang-aagaw, at kabit? Geez! Ni hindi nga kita gusto! Ni hindi nga ako nagbo-boyfriend, tapos magkaka-issue ako ng ganyan? E, ikaw? Ano ang paratang nila sa'yo? Magaling humalik, cool, and cheater?" I paused for a while, and even pretended to vomit in front of him.
Naalala ko tuloy ang sinasabi ng iba sa kanya. Seriously? Isn't unfair sa part ko?
I can't believe na may mga tao pang nagawang humanga sa kagaguhang ginawa niya! And most of them are men!
"Honestly... this isn't working." Itinaas niya ang dalawang kamay na tila'y sumusuko na. "Walang patutunguhan ang pagtatalo nating dalawa. Ang masasabi ko lang ay pasensya ka na at..."
I feel like he's trying to contemplating his words carefully... kalmado siya ngayon at kung malilimutan ko ang kasalanang ginawa niya, baka naniwala na ako sa pagiging sinsero na nahihimigan ko ngayon sa kanya.
"Screw you, David..." napabuntong-hininga na lang ako. Wala na akong mairason sa paikot-ikot na pagtatalo naming dalawa.
"...hindi ko rin naman ginusto ang nangyari. Believe me. And it's just a kiss... but why is it so big deal to you?"
"Seriously, David, you asking me about that?"
His lips twitched and blinked twice. Parang gusto pang bawiin iyon o magpaliwanag, ngunit huli na. "What I mean—"
"I didn't even ask you why you are such an asshole. So, who the hell are you to ask me that?"
Pailalim ko siyang nilingon at nanghihinang inirapan. Dismayado, napailing na lamang ako.
Binigyan niya ako ng paumanhing tingin. Tingin ko'y may gusto pa siyang sabihin ngunit umiling na lang at sinabi, "Hindi ko alam gagawin ko..." napakamot na lang sa batok.
I grew up in a strict and conservative family, so maybe he doesn't understand this and why I got so angry with him.
It is a big deal to me. Kung wala lang sigurong kumalat na video, at nagawa pang i-tag ang magulang ko, kakalimutan ko na lang ang lahat at magagawang palampasin ang ginawa niya. Gayunpaman, hindi ko na nagawang sabihin sa kanya ang aking dahilan dahil ayoko na rin humaba pa at kung saan pa mapunta ang aming usapan.
I sighed. "Hindi ko na rin alam ang gagawin ko... hindi mo rin alam kung gaano ang naidulot mo sa'kin at sa pamilya ko," napabuntonghininga muli ako ng malalim sa dagling pamimigat ng dibdib habang naaalala kung paano ako pagalitan ng magulang ko sa eskandalo't kasalanang... hindi ko naman talaga ginusto.
"Celestina..."
"I don't want my life to continue to be ruined and leave a bad image to many people when they don't know the truth, and I'm sure you don't want to,"
"So, what do you want me to do? Too late, it's already spread, sa tingin mo kaya'y may maniniwala pa sa'tin?." aniya'y para sa kanya ay wala ng kapag-a-pag-asang solusyunan ito.
"We are both fucked up now. You, dumb, fuck." I grilled what he said.
Natulala na lamang kami saglit sa nangyayari sa amin. Napagod na rin ang boses ko kung patuloy ko siyang sisinghalan. Hindi matatapos ang problema sa ganitong pag-uusap kung hindi rin kami magtutulungang dalawa.
No, he's the only one who should make more effort, not me. Tama na itong kinompronta ko siya at siya na ang bahalang gumawa ng paraan.
"Please, David. Pakitanggal ang video." halos nagmamakaawa kong sambit sa kanya.
"But it's already spread. Hindi ko rin kilala kung sino ang nagkalat. I told you... wala talaga sa'kin. Kahit sa mga kaibigan ko dahil nasubukan ko na din silang kausapin, sinubukan kong ipa-imbestiga sila dahil sa nangyari pero wala talaga..." he bit his lower lip, para bang naging malalim na ang iniisip nito sa pagkatulala nito.
"Are you really sure about that? O baka naman pinagti-tripan ka lang rin ng mga kaibigan mo dahil ayaw nilang madawit mo sila?"
Napailing na lamang siya sa pagdududa ko. "I don't know, Celestina... I don't know, and I fucking don't know what to do. Honestly, I can't believe we had a shot. And I'm telling you, totoo talaga ang sinasabi 'ko, sigurado akong hindi nila kuha iyon kahit na ako. Dahil natatandaan ko pa at malinaw pa sa'kin yung nangyari..."
Naalala naman pala niya, pero ni minsan, hindi siya naghingi sa'kin ng sorry? At hinintay pang umabot sa ganito?
Napapikit ako ng mariin. See? Paano ako maniniwala sa isang gagong tulad niya? Mahirap ba talagang aminin ang kasalanan? Kung ganun, at kung hindi ko siya mapipilit na sabihin sa'kin ang totoo. Wala akong magagawa.
Ang gusto ko lang ay mabura ang patuloy na kumakalat na bidyong 'yon.
"Please, gawan mo ng paraan. Galit na galit sa'kin ang magulang ko. Hindi ko alam kung paano pa sila maniniwala sa'kin." yun na lamang aking nasabi at sa tingin kong tanging sapat na dahilan para matigil na ang eskandalong 'to.
"I'm so sorry, Celestina. Pero parehas lang rin tayo ng pinagdadaanan." napabuga siya ng marahas at pumaywang. "Fuck it."
Mukhang tulad ko, hindi niya rin alam kung paano namin iyon gagawin.
"Yea, fuck it. Fuck it, David! Kung hindi mo 'ko tutulungan then I'm going to the police!" paghamon ko.
His eyes widened as his eyes automatically drifted to me. Kita ko ang agarang pagtaas-baba ng lalagukan niya sa leeg habang mahigpit siyang umiiling sa akin, na para bang may nakikita akong takot sa kanyang mga mata.
I smirked. I got him. Ito lang yata ang makapagpapasuko sa kanya.
"N-No, Celestina. You can't do that..." his jaw moved as his voice trembled a bit. "You can't do that, unless you have a proof!"
"Oh, surely, I can do that! I can give a real statement behind that video! You think I don't know the reason? Pupwede ko kayong kasuhan dahil sa ginawa mong pagtangka sa akin kasama sa panunulsol ng mga kaibigan mo—"
"Fine! Fine! Okay, okay, I get it. What do you need?" he said breathily. Mukhang natataranta na dahil sa pagbanggit ko lamang tungkol sa pulisya.
True. I can put him in jail for what he did. But because I also thought about what his future might be, and despite what he has done, I still have a heart. I won't go ahead with that plan if he does what I want to happen.
At alam ko rin naman na hindi magiging madali at wala akong sapat na ebidensya. Dahil kung hindi nga siya ang nagkuha, at ang mga kaibigan niya, sino, 'di ba? Palaisipan talaga. At kung pag-uusapan ang mga ginawa sa'kin ni David, pupwede ko ding ilapag iyon.
"Of course, delete the video. Find out who the fuck spread it."
"Paano 'yan? Kumalat na at alam nilang ikaw 'yon... tayo." Aniya'y mukhang hindi makuha pinupunto ko.
Sarkastiko akong natawa. "Hindi ko na idedepensa ang sarili tungkol do'n, David. Para sa'n pa ang pagtatanggi?" nilingon ko siya, hindi na siya makatingin sa akin dahil sa kahihiyang bumalatay sa kanyang itsura. "Hindi ko naman talaga itatanggi. Parang ang kapal naman ng mukha mo kung ikaw pa mismo ang magtatanggi? You hear me, David? Hindi ko itatanggi. Kasi kapag ginawa ko iyon, alam kong magmumukha lamang akong katawa-tawa sa maraming tao. Ang gusto ko lang ay mabura at 'di na patuloy na kumalat ang video sa paglipas ng segundo, minuto, oras, araw, at panahon. Gawin mo ang lahat, David. Gusto kong lumabas ang totoong nasa likod ng video na iyon. Yun ang gustong kong mangyari. Para mabawasan man lang ang sama ng loob ko sa'yo."
Lalong ko siyang kinunotan ng noo kapag nakikita ko ang mukha niya. Nakakairita talaga.
"Hindi ko maipapangako pero gagawin ko ang makakaya ko. Anything else?" seryoso na lang siyang nakikinig sa'kin.
I just hope he will take this matter and what I say seriously. Because I won't really think twice about what I might do to him and them by chance.
"You should make a public apology for me and clear things up about us. That there was..." saglit ako napangiwi at umiling. "...never on us, David—Jesus!" gusto kong matawa sa mga ispekulasyon ng mga tao tungkol sa aming dalawa. "Na hindi ko naman talaga ginusto ang nangyari at na hindi mo ako kabit at lalung-lalo na wala akong inaagaw na boyfriend! Pakilinaw na rin sana para matigil na rin ang pagpaparinig at pangba-bash ng ex-girlfriend mo. Na pinagtripan niyo lang ako kasama ng mga kaibigan mo!"
"I'm really sorry, Celestina. I messed you up..."
Nagbaba ako ng tingin at napailing na lamang ako.
"Yea, and congratulations for that. You really ruined my life, David. Bigtime." sarkastikong tugon ko pa sa kanya.
"I'm really, really, sorry. I mean it. Sana mapatawad mo ako sa ginawa ko sa'yo."
Hindi ko rin alam kung magagawa kong magpadala sa nahihimigan kong sinsero sa boses at reaksyon na ipinupukol niya.
Ngayon niya lang naisipang mag-sorry kung kailan naman... tsk.
I just heavily sighed. "Mapapatawad kita, David. Kapag nagawa mo ang kailangan 'ko."
Nagbaba siya ng tingin at dahan-dahang napatango sa akin.
"This is my last request before I leave. Aminin mo ang kasalanan mo at ng mga kaibigan niyo. Pakilinaw ang lahat... lahat. That's the overall plan, then I will forgive you."
Dahan-dahan lang siyang tumango habang patuloy na nakikinig sa akin.
"Dahil kung hindi mo gagawin, alam mo na ang mangyayari. Hindi ako magdadalawang isip na i-report ko kayo."
Parehas pa kami nagkatinginan at napabuntonghininga ng malalim.
Agad siyang umiling, parang takot na takot ito sa hindi ko malamang dahilan. Na akala ko hindi siya magpapatinag.
"N-No, I will do it..."
Inalis ko na ang tingin sa kanya at natulala na lamang ako sa kawalan.
"What were you thinking?" untag niya sa'kin nang maramdaman ang saglit na katahimikan ko.
I just shrugged.
"Come on, say something," aniya pa.
Siguro hindi siya maka-move on sa sinabi ko, kaya't ngayon ay iniisip siguro niyang nagdadalawang-isip ako at natatakot na i-report ko siya.
"I'm just... so disappointed,"
"From what?"
"From you?" saka ko siya muling tiningnan. "Ang una pa namang interpretasyon ko sa'yo ay matino kang tao, dahil matino kang kausap." nag-angat siya ng tingin at napabuntonghininga ako ng malalim. "Honestly, I felt that for a while when we talked, even for the first time. I just don't understand why..."napapailing sa sarili at hindi na alam ang sunod na sasabihin dahil maging ako, nalilito at hindi ko pa rin maintindihan kung bakit naging ganon siya at dagling nagawa niya ang bagay na iyon sa akin.
Masyadong mabilis ang pangyayari kaya hindi ko talaga maunawaan kung bakit talaga. Bakit naging ganun siya bigla?
"I-I'm so sorry, Celestina. Honestly..." napailing siya't para bang hindi mapakali. "...damn it!" nahihirapan niyang sambit.
"What?" napakunot ako sa inasta niya. "Tell me,"
Umiling lamang siya. He closes his eyes tightly and looks like he is struggling, based on what I can see in his appearance.
"May gusto ka bang sabihin? Sabihin mo na, maybe I can understand at least a little bit why you suddenly did that thing."
Kasi hindi ko talaga alam. Unless there is something wrong with his behavior?
"I've been so high these past few days—"
Napasinghap ako. Inakala kong hindi niya sasagutin ang tanong ko pero mas hindi ko inaakalang ganito ang maririnig ko mula sa kanya.
Seriously?
Ilang beses pa akong napakurap sa nadinig. Sana mali lamang iyong narinig ko. Sana mali lang rin yung inaakala ko.
"T-The... what?" nauutal kong tanong sa kanya.
And all I did was just to blink.
No way...
"Remember the time when I kissed you? And chase you? That was also the night when I was affected by the—"
"What the fuck, David? You're taking drugs?" napapaamang kong tanong sa kanya upang makumpirma ang hinihinala ko.
Hindi siya makatingin sa akin at tiningnan pa ang paligid, at baka may makarinig. Napapikit siya ng mariin bago siya sapilitang lumingon at mahigpit na dahan-dahang tumango sa akin.
"What the hell..." mahigpit naman akong napailing sa kanya. Halos mawalan ako ng boses sa sinabi niya.
"Yea, I'm a screwed-up one, Celestina. You don't understand b-but..." napapikit pa siya ng mariin saglit at bumuntonghininga ng malalim. "I'm really sorry..." ang tanging naiutas niya habang nangungusap ang kanyang mga mata.
"That's bullshit!"
"Y-Yea... and I'm begging you. Please, wag na sana umabot ang isyung 'to sa presinto. Gagawin ko gusto mo, wag lang 'to. You know, my parents and... and... my scholarship!" nanghihinang napailing siya na habang sinasabi niya iyon ay anytime ay maaaring mawala. "Hayaan mong... gawin ko ang lahat. Hayaan mo muna ako. W-Wag mo lang akong ipakulong... give me a chance to fix everything, Celestina, please? Ako na bahala sa lahat... leave everything to me,"
I still really didn't expect to know this about him.
Now I know why his behavior is like that...
Damn... Seriously, I don't know anymore and I don't even know what I'm going to do.
Saturday and Sunday. Ang unang week end na masasabi kong tuluyan na pagbabago at naramdaman ang pangungulila sa mga bagay na nakasanayan ko.
And on that week-end, I did nothing but sleep in my room. Occasionally I talk to friends online, just come out of the room when called and eat, then go back to the room to sleep or read my books.
I know. It was boring.
Ito naman talaga ang gusto ng magulang ko, 'di ba? Ang magkulong sa bahay, walang ibang magawa at maghihintay na palipasin ang oras hanggang sa gumabi at mag-umaga na naman.
--oras.
Pakiramdam ko ay bumabagal ang mga oras para sa'kin at tila'y hindi ako mapakali.
I'm lying on my bed. Doing nothing. Stunned on the ceiling. Not yet able to fall asleep in the deep night.
Fuck! This is so boring!
Lalo pang lumala ang strikto ng magulang ko nang magsimulang maglagay ng mga CCTV si Papa sa bawat gilid ng bahay namin.
I miss going out. I miss to sneak around. I miss to go everywhere. I miss to drink. I miss my friends... pero hindi ko alam kung kailan mauulit muli iyon, at alam ko sa puntong ito, hindi magiging madali na maulit 'yan ngayon. Hindi ko maaaring ulitin ang pagkakamaling nagawa ko sa magulang ko, kaya ang tanging magagawa ko na lang muna ay sumunod sa kanila.
Pero minsan, naisip ko, hanggang kailan ako magiging ganito?
"Celestina. Oh, my god. How are you? It's so good to see you!" agad nila ako niyakap nang mamataan ako nila Mickey at Becca sa hallway, papasok na sana sa last period ko.
Hindi ko inaasahan na magkakalandasan kami dito. Dahil kapag naman inaaya nila ako at na hindi ako makakasama ay hindi naman sila nagpupumilit pa, dahil naiintindihan naman nila ang sitwasyon ko.
"I-I'm fine." medyo naiilang kong sagot.
Nasilip ko pa ang likod nila at nakita kong mukhang kanina pa nila kasama sila Daniel, naroon din mismo ang mga tropa niya. Abala sa mga kwentuhan kaya't hindi nila ako napapansin. I didn't even see David, though. Nandun din ang boyfriend ni Becca.
"Are you sure? After all the scandal—"
"Mickey," kita ko ang saglit na paghampas ni Becca sa braso ni Mickey nang magkatinginan sila.
I bit my lower lip, bowed my head a bit, and heavily sighed.
Pinilit kong mangiti at tumango sa nag-aalalang mukha nila.
"I-I'm fine. Really. Much better." Liar. You are not okay, Tin.
"Oh, you poor thing! Hindi ka na namin mahagilap ng maayos! Ilang araw ka na rin namin hindi nakakasama. So, totoo pala sinabi mo na talagang pinaghihigpitan ka na ng Papa mo?"
I just shrugged.
"I just saw Tito Noel took you here. Hinahatid-sundo ka na pala niya?" pagpapatuloy niya.
Nanguna ang panick ko sa sinabi niya, ngunit nawala rin sa sunod niya pang sinabi.
Napanguso siya at may inalala. "Lalapitan ko sana si Tito kaso hindi ko na inabutan, nagmamadali na rin kasi ako sa first period ko. Muntik pa 'ko ma-late." aniya pa.
I sucked a deep breath and exhale softly. Buti na lang...
Hindi na alam ang sasabihin. Sa lumipas ng mga araw na hindi ko sila nakakausap ng personal ng matagal, pakiramdam ko... iba na rin ang nararamdaman ko para sa kanila. Alam ko, ako lang naman 'tong may problema dahil ako 'tong may issue sa aming tatlo.
"Namiss ko 'to. Come on, let's hang out! Namimiss ka na rin namin, Tin." sabay akbay sa akin ni Mickey.
Bagay na ikinalambot ng puso ko at para bang hindi nagbago ang tingin niya kahit naman alam ko sa loob-loob ko ay hindi naman maiiwasan iyon.
"I-I can't..." I bit my lower lip. Nakita ko ang pagbagsak ng balikat at simangot niya sa akin.
"Celestina, nakalimutan mo na ba?" aniya'y pagkalingon sa akin ni Becca.
"W-What?" nagpalipat ang tingin ko sa kanilang dalawa habang nakatitig sila sa akin, para bang may hinihintay pa na sabihin ako. O may maalala ako. Napakunot tuloy ako. "Okay... ? Anong meron?" napataas ng kaunti ang isang kilay ko.
Inirapan ako ni Mickey at tila nagtampo. "You're impossible, sis! How did you forget that? Kaibigan ba talaga kita, huh?" nagrereklamo niyang tinig sa akin.
"Forget about what?" nalilitong tanong sa kanya.
Becca chuckled a bit. "Tin, birthday na bukas ni Mickey, remember?"
My lips parted. Nilingon ko ang kaibigan ko at nakabusangot na ang mukha nito. Napaisip tuloy ako kung ano ang petsa at araw na. Ngayon ko lang natanto!
"Oh, my god... I'm sorry. Nakalimutan ko!"
Hindi ko namalayan na bukas na pala talaga ang birthday ng kaibigan ko!
Masyado siguro naging okupado ang utak ko sa ibang bagay para makalimutan ko iyon. Dati naman kasi, mga dalawang araw bago tumapak ang kaarawan ng kaibigan ko ay talagang inaalala ko na, at minsan ako pa ang nagpapaalala kay Becca para ibili ng regalo o surpresahin ang kaibigan namin. Hindi ako nakakalimot, kahit sila rin. Ngayon lang talaga...
"Sorry talaga, Mickey." paumanhin ko. I couldn't hide my guilt from looking at her.
Mickey just sighed and smiled at me again. "Yea, it's fine. I understand..." agad siya nagbawi ng reaksyon at naningkit ang mata niya sa amin. "So... I'm thinking of nothing huge. Dating gawi pa rin naman. You know, just dinner and drinks at the Icon on this Tuesday night. "
"I think that's a good idea, Mickey. Yun lang ba ang plano?" tinanguan naman niya si Becca. "So, who's with us?"
"I also invited Daniel with his... friends." bumagal ang salita niya nang mapabaling sa akin si Mickey.
"You mean, that asshole, David, will come too?" si Becca.
Sabay silang napabaling sa'kin. Kita ko ang pag-aalala sa kanilang mukha. I forgot to mention that I already told them what really happened to me and David.
Inaasahan ko na 'to lalo na't nasabi ko na naman sa kanila ang totoo. Yun nga lang, hindi ko pa rin masabi sa kaso ng Papa ko ang tungkol sa kanila.
Hindi ko kaya...
I sighed. Mabuti pa ang mga kaibigan ko, nagagawang makinig at maniwala sa akin. Paano naman ang mga magulang ko? Hindi na magawang maniwala sa'kin? Kailan kaya nila ako mapapaniwalaan?
"Celestina?" untag ni Becca sa akin dahilan para mapapitlag ako ng kaunti. Para bang tinatanong nito kung okay lang ba iyon sa akin.
"I uhm..." now I am starting to contemplate my words. Kahit gusto ko naman, pero alam kong 'di magiging madali iyon.
Kaya pano ko sasabihin sa kanila na hindi ako puwede na hindi ko sinasabing 'hindi ako puwede'?
And also about David, there's a chance that he might be there kasama pa ilang kaibigan nila... Honestly, hindi okay. Pero kung sa kaarawan naman ng kaibigan ko, papalampasin ko na lamang iyon. Sino naman ako para magdesisyon sa plano niya sa darating na kaarawan niya?
Sino ako para magdesisyon para sa magbe-birthday?
T'saka... nakapag-usap na rin naman kami ni David at may napagkasunduan na kaming dalawa. That's why, I won't mind if he comes too! Tss.
"It's fine... I uhm..." napakibit ako ng balikat. "I'm not sure rin naman kung makakapunta pa ba ako. Magpapaalam muna ako sa Papa ko."
Unti-unting nabura ang ngiti sa mukha ni Mickey dahil sa sinabi ko. Lumapit siya sa'kin at hinawakan parehas ang balikat ko. Bumuntonghininga siya ng malalim.
"Celestina, I know, David is a dick. And I'm so sorry na pinilit kita noon sa kanya. Like you, I don't know anything about him either. Kaya sisiguraduhin kong hindi na siya makakalapit sayo, okay? So please, please..." aniya'y nagmakaawa na. "...sumama ka na. It's my birthday, right? Hindi mo naman siguro papalampasin na makadalo sa pinaka importanteng araw ko, 'di ba?" then she pouted.
I just sighed. Hindi agad makapag desisyon.
"Or maybe, ipagpaalam ka na lang namin ni Becca—"
"O-Oh, no. No." agad na agap ko at umiling sa kanila. "Ako na lang ang magpapaalam. H-Hindi niyo na kailangan pa... akong ipagpaalam."
"Are you... sure?" si Becca naman ang nagtanong, para bang hindi siya sigurado sa naging sagot ko.
Tumango ako at tipid na nginitian siya. "Yea, for sure naman... mapagbibigyan naman ako ni Papa dahil birthday ni Mickey." sabi ko na lang.
Kahit ang totoo, ay napaka imposible at komplikado pa ang bagay na iyon. Lalo na kung ang pag-uusapan ay ang pagsama muli sa mga kaibigan ko? Hindi pa naman lingid sa kaalaman nila na mainit ang ulo sa kanila ang Papa ko. Na alam na ng mga magulang ko ang ginagawa ko noon habang kasama sila kaya... ganito pa rin ang pakikitungo nila sa'kin. Parang walang nagbago.
Dahil kung nagbago man, malamang ay iniiwas-iwasan na nila ako. Hindi na kinakausap. At yun yata ang hindi ko kayang mangyari. Hindi ko kakayanin. Dahil sila na lang rin... ang natatanging kaibigan ko. Wala ng iba.
Kasi hindi nila alam ang nangyayari habang kasama ko ang mga magulang ko. Kahit may pagkakataon na tinatanong nila kung ano ang nangyari sa'kin. Hindi ko magawang sagutin kahit sa isang banda... ay sila rin ang naging dahilan ng sisi ng mga magulang ko.
"Okay, great. So, see you guys tomorrow?" nilingunan ako ni Mickey nang magpapaalam na siya. "Lalo ka na, Tintina. You are the one I expect the most as well, hm?"
Then I swallowed deeply and was forced to nod at her. "S-Sure... I'll be there, Mickey."
Paninigurado ko kahit na hindi naman talaga ako sigurado. Pinilit kong ngumiti sa kanya.
Pakiramdam ko ay hindi ko siya pwedeng biguin.
And for sure, my Papa won't immediately agree if I let him know that I'm going to Mickey's birthday, right?
Alam na alam ko na. Kahit na ramdam ko ang paghihigpit niya, nila ni Mama.
Pero may parte sa puso ko na nagbabakasakali. Hindi naman siguro nila hahayaan na malugmok na lang ako, 'di ba? Magbabakasakali lang naman... At hindi naman siguro sila magagalit at pagbibigyan man lang nila ako kahit sa isang pagkakataon lang.
P I E D R A I J A D A
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro